You are on page 1of 3

MISA, KYLE IVAN N. BSED-FILIPINO SF31 DR.

VICTORIA ROJAS

Panghuling Pagsusulit sa Fil-115


Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon

1. Bumuo ng Venn Diagram na nagpapakita sa pagkakaiba ng SEDP at BEC-


RBEC na kurikulum.
2. Ano ang inyong masasabi bilang nagpapakadalubhasa sa Filipino, sa hindi
patas na pagpapahalaga sa asignaturang Filipino sa kasalukyang kurikulum?
3. Ano ang mga hamon at suliranin na inyong naoobserbahan sa tuwing may
bagong ipinatutupad na kurikulum?
4. Pumili ng isang paksa sa ibaba at gawan ng pagsusuri.
a. Executive Order No. 210
b. House Bill No. 4701
c. House Bill No. 3719

MGA KASAGUTAN
1. Nasa kasunod na pahina.
2. Isa itong napakalaking suliranin kung tutuusin sapagkat kung ano ang klase ng
pagpapahalaga mayroon sa asignatura, ganon din ang magiging pagtingin sa
mga estudyanteng nagpapakadalubhasa rito. Tila’y nakakaligtaan ng mga
namumuno sa kagawaran na ang Filipino ang ating pambansang wika ng
kinakailangang bigyan ng pokus at halaga nang sa gayon ay hindi humantong
sa kalagayan na alanganin na itong magamit at mapakinggan.
Nitong kamakailan lang ay naging laman pa ng usapin ang pagpapatanggal sa
Filipino bilang asignatura sa hayskul at kolehiyo kaya’t labis-labis itong
nakababahala para sa lahat ng may kaugnayan dito. Hindi pa man ako
propesyunal na maaaring makapagsalita o makapagbigay ng suhestiyon sa
nakatataas, sapat na siguro itong aking mga hinuha at opinyon para
makapukaw sa damdamin ng mga kapwa ko nagpapakadalubhasa at mga
kaguruan sa Filipino na magsimula tayo sa pamamagitan ng ilang mga
hakbang o kaparaanan sa kung papaano mapapanatili sa mga paaralan at
puso ng nakararami ang kahalagan ng pagkatuto at pagtuturo ng Filipino, hindi
lang sa normal na setting ng edukasyon, maging sa patuloy na pag-usbonh ng
inklusibong set-up nito.
3. Maraming mga hamon at suliranin ang patuloy na kinakaharap ng ating bansa
sa tuwing magkakaroon ng pagpapalit o pagbabago ng kinagisnang kurikulum.
Ito yung tipo na kagaya ng sa kasalukuyan na hindi pa nga gaanong kagamay
masyado ang naturang kurikulum, may panibago nanaman na susubok sa mga
kaguruan at mga estudyanteng apektado nito. Narito ang ilan sa mga itio: (1)
kakulangan sa training at seminar ng mga kaguruan na siyang nagiging sanhi
kung bakit may ilang mga estudyante ang hindi nakakayang makipagsabayan
sa naturang pagbabago; (2) kalituhan sa lahat ng maaapektuhan nito lalo na
kung hindi man lang nabigyan ng karampatang abiso mula sa pamunuan ng
kagawaran; (3) matagal na adjustment phase para sa lahat ng mga kaguruan,
estudyante, at maski na ang mismong komunidad kung saan napabibilang ang
mga paaralan. Ang ganitong mga suliranin ang siyang magiging ugat ng patuloy
na hindi pag-usad ng sistema ng edukasyon sa bansa at hindi pakikiangkop ng
mga produkto nito sa mga pagbabagong dulot ng modernisasyon sa panahon.
4. Ang House Bill 4701 ay ipinag-uutos ang sapilitang paggamit ng wikang Ingles
bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas, sa lahat ng sabjek (maliban sa
Filipino), at sa lahat ng oras sa bawat sulok ng paaralan simula sa akademikong
taon 2007-2008. Saklaw nito ang preschool, elementarya, hayskul, at kolehiyo;
at maging sa mga teknikal at bokasyonal na kurso. Nakalakip din sa panukala
ang paggamit ng wikang Ingles sa lahat ng mga eksaminasyon para sa
admisyon, akreditasyon at akselerasyon ng mga paaralan. Dahil dito higit pang
pinagbuklod at pinalakas ng HB 4701 ang atake sa wikang Filipino.
Kung susuriin itong mabuti, hindi magiging maganda ang dulot ng panukalang
ito sa nakararami lalong lalo na sa mga kaguruan sa Filipino at mga
estudyanteng nagpapakadalubhasa para rito dahil tila’y pinipigilan nito ang
pag-unlad ng ating kinagisnang pambansang wika. Kung magpapatuloy ang
ganitong panukala ay tila tinanggalan na rin ng pamahalaan ng
pagkakakilanlan ang ating mga mamamayan at bansa lalo pa’t Filipino ang
siyang nagpapanatili sa ating kaibahan sa ibang mga bansa sa mundo.
Marapat lamang na isulong ito at pigilan na tuluyang mapuksa sa mga susunod
na panahon.
SEDP Kurikulum BEC-RBEC

• Nagbibigay ng pagsasanay at
kaalaman para sa mga mag- • May hangaring magbigay ng
aaral upang maging magandang pundasyon sa
produktibong mamamayan at pagkatuto sa mga mag-aaral at

mag-aaral. Layon nitong magbigay ng tamang


Ang parehong mga kurikulum ay nakatuon sa

mga mag-aaral para sa kanilang magandang


pagbibigay ng batayang edukasyon sa mga

kasanayan, kaalaman, at pagpapaunlad sa


magkaroon ng kakayahan sa magkaroon ng pangunahing
trabaho pagkagradweyt. kaalaman at kasanayan sa iba't
ibang larangan.

kinabukasan.
• Naglalayong magbigay ng
• Nakatuon sa pagtuturo ng mga
malawak at buong pagkatuto
praktikal at teknikal na kasanayan,
sa mga mag-aaral, kasama ang
kung saan binibigyan ng halaga ang
pagtuturo ng mga
mga kasanayang pampagtatrabaho
akademikong asignatura,
sining, at kultura.

• Pinondohan ng Asian • Isinagawa ng Kagawaran ng


Development Bank at inilunsad Edukasyon ng Pilipinas bilang pag-
bilang isang proyektong pang- update at pagrebyu sa dating
edukasyon. kurikulum.

You might also like