Ito ay nakakatulong para sa pagtutuos, at pag-aayos ng mga
impormasyon, paggawa ng tsart at graph. Ito ay nahahati sa column at row. Cell ang tawag sa pagtatagpo ng bawat hanay. Cell- Dito inilalagay ang impormasyong tektual o numero. Cell address o Name box- nagbibigay ng eksaktong lokasyon. Formatting tool bar- font, titik, bold ang salita, italic, underline, paggamit ng justification, indent, kulay, at iba. Formula, formula bar- depende kung anong operation ang nais gamitin. Menu bar- drop down menu Merge cell- pagsasama ng dalawa o higit pang cell. Spreadsheet- computer application program. Task pane- ang naka display napapaliit depende sa ginagawang dokumento. Title bars- pangalan ng dokumentong ginagawa. Tool bars- kinalalagyan ng iba’t ibang button icon, menu, at iba pa. Worksheets- isang koleksyon ng cell na maaaring suriin o manipulahin. Basic function na maaaring gamitin sa electronic spreadsheet. 1. Sum function- kabuuang bilang ng datos 2. Average function- kinukuha nito ang average. 3. Max function- ibinigay nito ang pinakamalaking bilang. 4. Min Function- Binibigay nito ang pinakamaliit nabilang. 5. Count Function- ibinibigay nito ang mga tinalang halaga ng mga piniling cells. Gawain: Gamitin ang spreadsheet tool sa paggawa ng isang linggong badyetng perang pabaon s aiyo. Gamitin natin natin ang formula at basic function upang malagom ang kabuuang halaga ng gastusin sa eskwela at kung magkano pa ang natitirang ipon.
Disyembre na naman. Tumulo ang masaganang
luha sa mga mata ni Julia. Nakita niya ang nakasabit na parol sa sulok ng kanilang bahay. Gawa iyon ng kanilang ama. Nilagyan niya ng ilaw ang parol at isinabit ito sa may bintana. Kay ganda ng parol! Tumayo si Julia at hinawakan ang parol. Tandang-tanda niya pa ang kasiyahan nilang mag- anak noong nakaraang Pasko. “Huwag kayong malulungkot,” sabi ng kanyang ama. “Aalis ako upang mabigyan kayo ng magandang kinabukasan.” “Ingatan ninyo ang parol. Magsisilbi itong gabay sa inyong mga gagawin,” paliwanag ng ama noong bago umalis sa kanilang bahay. “Tama si Itay. Kahit nasa malayo siya, ang parol na ito ang magpapaalaala sa amin sa kanya at sa kanyang mga pangaral.” Parang napawi ang lungkot ni Julia, napangiti siya sabay kuha sa parol.