You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
Bagbaguin Elementary School
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Unang Sumatibong Pagsusulit
(IKALAWANG MARKAHAN)

A. Iguhit ang simbolo ng masayang muka kung ang pangungusap ay naglalahad ng wastong kaisipan at
malungkot na muka naman kung hindi.
___1. Si Noel ay masaya na walang pasok, subalit si Tony ay hindi dahil ayon sa kanya ay mawawalan siya ng
matutunan. Ayaw sumang – ayon ni Noel dahil mahilg siyang maglakwatsa. Pinabayaan na lamang ni Tony si
Noel sa kanyang nais.
___2. Nakakita ang magkaibigang Grace at Marian ng pitaka sa may kantina. Binalak ni Grace na itago na
lamang ang pitaka ngunit hindi pumayag si Marian. Dahil dito ay magkasamang ipinagbigay alam ng
magkaibigan sa opisina ng Lost and Found ang napulot na pitaka.
___3. Sinabi ni Jose na sila lamang ang mapupunta sa langit kapag namatay, hindi pumayag si Pedro at
sinabing sinungaling siya.
___4. Ang mag – asawang Lita at Lito ay namimili ng mga kandidato na nais nilang iboto sa darating na halalan
at dito napagtanto nila na magkaiba pala sila ng mga napipisil na kandidato. Malugod na tinanggap ng mag –
asawa ang kanilang mga napagdesisyunan.
___5. Ang magkapatid na Jane at Bea ay nanood ng patimpalak sa plaza. Sa kanilang pag – kritiko, sinabi ni
Jane na mas magaling ang unang kalahok. Ngunit hindi pumayg si Bea, ayon sa kanya ay mas magaling ang
ikalawang kalahok. Dahil dito ay nagtalo ang magkapatid.
B. Iguhit sa patlang ang masayang mukha kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa
kapwa at malungkot na mukha kung hindi.
___6. Paglilingkuran ko ang mga nangangailangan sa mga hikahos na lugar.
___7. Isasaisip ko ang kapakanan ng mga tao kapg nag-organisa ako ng mga programang pangmisyon sa ibang
lugar.
___8. Magbibigay lamang ako sa aking mga kamag-anak at kaibigan.
___9. Hihimukin ko ang aking mga kaibigan na magbigay ng mga laruan at damit sa mga batang nabiktima ng
kalamidad.
___10. Hindi ko papansinin at pag-aaksayahan ng tulong ang mga taong mahihirap dahil mapapagod lang ako.
C. Iguhit ang puso sa patlang kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng pagtulong sa iba.
___11. Ako ay maglilingkod ng hindi na nag-iisip ng kapalit.
___12. Sasali lamang ako sa mga outreach program kung ang talaan sa pagpasok o attendance ay itsetsek ng
guro.
___13. Magbibigay ako ng damit at sapatos para sa mahihirap.
___14. Higit kong paglalaanan ang tungkol sa ikasisikat ko sa paaralan.
___15. Sasali ako sa mga programa para sa mahihirap dahil gusto kong bigyan din ako ng mataas na marka.
D. Isulat sa patlang kung Opo o Hindi po, Wala po o Meron po ang mga sumusunod na pangungusap.
___16. Dapat bang limitahan ang karapatan ng iba?
___17. Mas nakahihigit ba ang karapatan ng mga mayayaman kaysa sa mga mahihirap?
___18. Maaari bang bilhin ang karapatan?
___19. May karapatan ba ang ibang tao na angkinin ang karapatan ng iba?
___20. Ang mga matatanda lamang ba ang may karapatan?
E. Isulat ang TAMA o MALI.TAMA kung wasto ang isinasaad sa bawat sitwasyon at MALI naman kung
hindi wasto ang ipinapakita sa bawat sitwasyon
___21. Ang paggamit ng”po at opo” sa pagsasalita ay nagpapakita ng paggalang sa matatanda.
___22. Ang pakikinig ay nag[papakita ng paggalang sa karapatan ng taong nagsasalita.
___23. Pagtawanan nalang ang mga taong hindi marunong sumayaw.
___24. Pag-iingay habang may taong natutulog.
___25. Ang paggalang sa mga karapatan ay dapat ugaliin.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
Bagbaguin Elementary School
Edukasyon sa Pagpapakatao 5
Talaan ng Ispesipikasyon sa ESP V
Unang Sumatibong Pagsusulit
(Ikalawang Markahan)

BILANG NG KINALALAGYAN
LAYUNIN BAHAGDAN
AYTEM NG AYTEM
1. Nakakabuo at nakapagpapahayag nang may paggalang
15 60% 1-15
sa anumang ideya/ opinion
2. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba. 10 40% 16-25
KABUUAN 25 100% 1-25

Inihanda:

NOVELYN R. MORALES
Guro I

You might also like