You are on page 1of 30

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES

Science 5
Compare and contrast the characteristics of different types of soil.
S4ES-IVa-1
EPP/TLE 5
1.1 nakagagawa ng abonong organiko 1.4.1 natatalakay ang kahalagahan
at pamamaraan sa paggawa ng abonong organiko 1.4.2 nasusunod ang
mga pamamaraan at pagiingat sa paggawa ng abonong organiko
Treasury of Storybooks
This storybook is a product of the National Competition on Storybook Writing 2022 of
the Department of Education.

Pursuant of the Intellectual Property Code of the Philippines, no copyright shall submit
in this work of Government of the Philippines. However, prior approval of the Depart-
ment of Education shall be necessary for exploitation of such work for profit. DepEd
may, among other things, impose as a condition the payment of royalties. No prior ap-
proval or conditions shall be required for the use for many purpose of statues, rules
and regulations, and speeches, lectures, sermons, addresses, and dissertations, pro-
nounced, read or rendered in courts of justice, before administrative agencies, in de-
liberative assemblies and in meetings of public character.
For the purpose of citation, the following is recommended:

DEVELOPMENT TEAM
”Aaaaahhhhhhh………. Ayan na
naman ang nakasisirang araw
na amoy! Bakit ba sa
dinami-daming pampataba ipot
pa ang nilalagay sa lupa?”
pasigaw na reklamo ng Bulateng
-Lupa na si Enteng.
“Ayan na talaga! Hindi na talaga mapipigilan!” pasigaw pa rin
na sabi ni Enteng. Nakatingin siya sa paparating na mag-
sasaka hawak-hawak ang isang balde. Sa amoy pa lang
alam na niya na pinatuyong ipot ng hayop ang laman.
“Kung hindi ipot ng hayop, mabahong bulok na gulay at prutas ang inilalagay sa lupa. Bakit
ba ako nandito sa malagkit na lupang ito? Dilaw pa ang kulay na parang tae. Nakaiinis pa
ang ingay ng mga bata habang pumoporma ng mga luwad. May mga puddles pa sa paligid
na mabaho ang nakaimbak na tubig. Ang nagustuhan ko lang dito ay ang pinong butil nito
na malambot sa aking balat,” pamimintas ni Enteng sa Luwad na lupa.
“Ayoko na rito. Kailangan ko ng umalis sa lugar na ito. Hindi ko
na matiis ang mabahong ipot ng iba’t ibang hayop, mga bulok
na gulay at prutas at iba pang nabubulok na mga organikong
bagay para lang mapataba ang malagkit na lupang ito. Sa dami
ng mga hayop sa paligid alam kong hindi matitigil ang paglala-
gay ng mabahong ipot. Maghahanap ako ng magandang klase
na lupa na hindi kailangan ng mabahong humus,” sabi ni Enteng.
“Naglakbay nga si Enteng hanggang nakarating siya sa Mabuhanging
Lupa. “Ang init naman dito! Walang kasing -halumigmig kabaliktaran sa
malamig na Luwad. Parang magkaaway ang mga butil ng lupang ito
ayaw nilang magsama-sama. Kung gaano kahigpit ang kapit ng mga
butil sa Luwad ay siyang luwag naman dito. Ang hirap naman ng lupang
ito. Kaunti lang ang mga tanim. Ayaw ko rito,” sabi ni Enteng.
Nagpatuloy si Enteng sa kaniyang paglalakbay hanggang nakarating siya
sa Apog na Sahig.” Sobrang tuyo naman ng puting lupang ito! Walang
bakas ng tubig. Mas grabe pa ito kaysa sa Mabuhanging Lupa. Nalalasahan
ko pa ang sobrang asin at calcium. Ang daming limestone sa paligid. Ayaw
ko rito sa lupang walang halaman, sobrang init,” pabulong na sabi ni En-
teng.
“Nagpatuloy si Enteng sa kaniyang paglalakbay hanggang narating
niya ang bungad ng Mabatong Lupa. Bigla siyang umatras nang
makita niya ang malalaking bato. “Naku po! Ang lalaking mga bato
hindi ako mabubuhay dyan. Walang bakas ng tubig. Nakakapaso ang
init. Halos magkapareho sa Mabuhangin at Apog-Sahig na Lupa. Hala-
man nga walang nabubuhay, bulate pa kaya?,“ sarkastikong sabi ni
Enteng.
“Magkahalong Sahig ang sunod na narating ni Enteng. Hindi siya
nagtagal dito nang makita niya ang Luwad na Lupa. Hinding-hindi
na talaga ako titira sa ganyang uri ng lupa kahit na may halo pa
itong buhangin. Wala na bang ibang uri ng lupa na masarap tira-
han? Yung hindi na kailangan lagyan ng Humus. Lupa na maraming
tanim at mayaman sa nutrients? Lupa na sagana sa pagkain?
“Nababagot na tanong ni Enteng.
“Nanghihina na si Enteng sa pagod. Nawawalan na siya ng
pag-asa na makita ang perpektong lupa na hinahanap niya. Su-
suko na sana siya sa paghahanap ng marating niya ang Basang
Sahig na Lupa. Tubiiiigggggg! Ang daming tubig sa itim na lupang
ito. Likas na mataba at mayaman pa sa nutrients! Yahoooo!” ma-
sayang sabi ni Enteng.
“Tiningnan ni Enteng ang paligid. Napakalinis nito.
Walang mga damo. Puro saging ang kaniyang nakita.
Wow! Ito ang hinahanap ko. Sosyal na lugar. Walang
kalabaw at ibang mga hayop sa paligid. Sigurado akong
walang ipot dito. Traktura na rin ang gamit nila at hindi
ang napag-iwanang kariton,” Masayang sabi ni Enteng.
“Napakaswerte ko at nakita ko ang lupang ito! Dito na ako titira. Ang ganda
tingnan ng mga matatayog na saging. Ang tataba ng mga ito. Sobrang laki
ng mga bunga at lahat ay nakabalot pa. Masagana talaga sa lupang ito,”
walang paglagyan sa saya na sabi ni Enteng.
Masayang masaya si Enteng sa kaniyang bagong tirahan. Buwan-
buwan ay Iba’t ibang klaseng abunong komersyal ang kanyang
natitikman.”Ang lakas talaga maka sosyal ang lugar na ito. Lahat
ay moderno. Sosyal ang abono na gamit dito wala pang amoy
na nakakabiyak ng ulo,” pagmamayabang na sabi ni Enteng.
May biglang narinig si Enteng. Napala-
kas na ugong ng eroplano. Bumubuga
itong parang ambon sa mga dahon ng
saging. “Ang galing! Patay lahat ang
mga mapanirang insekto. Ang sosyal
talaga! Lalo pang tumaba at naging
berde ang mga dahon ng saging. Hindi
lang pala ito pamatay ng insekto,
pampataba pa ng dahon,”
napamanghang sabi ni Enteng.
Isang araw, nagising si Enteng sa mga yapak na
papalapit sa kaniya. Nang ito’y kaniyang sinilip, nakita
niya ang tila mga astraunot na nakabalot ang buong
katawan at may dalang pambomba. Sa bawat
pagbomba tumatama ang tila mahina na ulan sa mga
tumutubong damo. “Huh! Isang bomba lang nahilo
agad ang mga damo. Nakamamangha talaga ang
kanilang pamamaraan dito!” sabi ni Enteng.
Isang umaga, may narinig si Enteng na halakhakan. Sinilip
niya ito at nakita niya ang mga taong nag-aani ng mga ma-
bibigat at malalaking saging. “Masagana talaga rito. Ang
gagara ng mga sasakyan ng may-ari ng matabang lupang
ito. Hindi kagaya sa ibang uri ng lupa na hindi nagbibigay
ng magandang ani.” Sabi ni Enteng.
Nakita rin ni Enteng na hindi lang siya ang masaya na
naninirahan sa Basang Lupa. Palagi niyang nakikita ang
masisiglang insekto. Masaya rin ang mga kasama niyang
matatabang bulate. Napakarami ring masayang nematoda.
Pati ang mga Crustaceans, snails, slugs, rodents, ahas, bac-
teria, funggus, actinomycetes, protozoa at alge ay wala ring
pagsidlan ang sigla at saya.
Paulit-ulit ang ganitong eksena sa Basang Lupa.
Araw-araw. Buwan-buwan. Taon-taon. Bawat
Linggo ay nagwiwisik ng pamatay insekto na
nakatira sa bunga at katawan ng saging. Linggo-
han din kung magwisik ang eroplano ng pamatay
fuggus sa dahon nito. Ang pagwiwisik ng pamatay
damo ay palagian din. Hindi rin nagmimintis sa
paglalagay ng komersyal na pataba kada buwan.
Isang araw, nakita ni Enteng na
nagulantang ang mga trabahante. May
sakit na tumama sa mga saging. Naging
kulay dilaw ang dahon. Palagi siyang
may nakikitang iba’t ibang tao para pag
-aralan ang naturang sakit.
Kung ano-ano ang kanilang inilalagay sa
Basang Lupa upang mapuksa ang
nasabing sakit. Iba’t ibang kemikal ang
kanilang sinubukan para malabanan ito.
Kahit na asin at Chlorine ay sinubukan
din. Ang iba ay sinusunog ang
apektadong saging. Ngunit bigo sila na
puksain ito.
Sa mahabang panahon na puro
kemikal ang inilagay sa Basang
Lupa ay naging acidic ito. Dahil
sa mataas na acidity hindi na
nakakukuha ng nutrients ang
mga ugat ng saging. Kaya ito
nanghina at hindi na mala-
banan ang naturang sakit. Ku-
malat ito at halos naubos na
ang mga pananim na saging
ng mga magsasaka. Kasa-
mang nalusaw ang mga or-
ganismong naninirahan dito.
Nanlumo si Enteng sa unti-unting
pagkamatay ng mga kasama
niyang organismo na nanirahan sa
Basang Lupa. “Anong ginawa ninyo
sa Basang Lupa? Dati itong mataba
at masagana. Itigil na ninyo ang
pang-aabuso sa Basang Lupa,”
pagmamakaawa ni Enteng.
Syempre hindi siya narinig ng mga
tao at nagpatuloy sila sa paglalagay
ng iba’t ibang kemikal.
Kaunti na lang kami rito. Alam kong malapit na rin ang
katapusan ko. Kung nanatili lang sana ako sa Luwad na Lupa,
ligtas sana ako. Hindi naman nakamamatay ang mga ipot at
ibang humus. Wala ring mga kemikal na ginagamit doon.
Kung hindi lang sana ako naging maarte at ambisyoso.
Biglang dumilim ang mundo ni
Enteng. Walang siyang makita
kahit nakadilat ang kaniyang
mata. Wala rin siyang marinig.
Nahihirapan siyang huminga.
Tinanggap ni Enteng sa kani-
yang sarili na dumating na rin
ang kaniyang oras. Ang kani-
yang katapusan….
Nang biglang sumikat ang liwanag. Nakita ni Enteng nasa loob
pala siya ng isang sako. Nasa gitna siya ng napakagandang
hardin. Ibinuhos ang lupa na tinitirhan niya sa isang malaking
kahon at hinaloan ito ng mabahong humus at ipot ng hayop. Sa
pagkakataong ito hindi na nagreklamo sa Enteng.
Maya’t maya pa ay nasa malaking paso na si Enteng kasama ang
isang magandang halaman. Tahimik at maligaya siyang nanirahan di-
to. Masaya rin siya sa pangangalaga at pagmamahal ng isang har-
dinera.
Napagtanto ni Enteng na kahit gaano pala
kataba ang Lupa kailangan din itong alagaan. La-
hat ng pang-aabuso sa kalikasan ay bumabalik
sa lahat ng naninirahan. Napagtanto rin niya na
mas mainam gamitin ang mga organikong bagay
kaysa sa mga komersyal na kemikal.
Masayang masaya si Enteng sa kaniyang maliit
na mundo. Kay sarap palang maging kontento.
Ang storyang ito ay sumasalamin sa nangyaring pagkasira ng industriya
ng Saging sa Davao Region. Lahat ng pang-aabuso sa kalikasan ay
babalik sa sangkataohan. Ang dating maarteng bulate ay minahal ang
mabaho at maduming organikong pagsasaka. Kung paano? Alamin
natin sa kwentong ito.

You might also like