You are on page 1of 3

DETAILED LESSON PLAN FORMAT

Asignatura: Araling Markahan: Oras: 50


DLP Blg. : 41 Baitang: 5
Panlipunan 4 minuto
Petsa:03/10/2020 Oras: Code:AP5PKB-
Pangalan: Sherelyn L. Lucas IVi-7
(Martes)

Mga Kasanayan:
Hango sa Gabay Nakapagbibigay katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa.
Pangkurikulum

Nailalarawan ng mga mag-aaral ang mga pangyayaring naganap at kung bakit hindi
Susi ng Pag-unawa na
nagtagumpay ang mga katutubo sa kanilang pag-aalsa at ano ang mga naging dahilan
Lilinangin
nito
1. Mga Layunin

Kaalaman Natatalakay kung bakit nagkaroon nga mga pag-aalsa ang mga Pilipino.

Kasanayan Naipaliwanag ang mga kabutihan sa ginawang pag-aalsa ng mga Pilipino

Kaasalan Naipapakita ng mga mag-aaral sa kanilang kapwa kung gaano kahalaga ang kalayaan

Kahalagahan Napapahalagahan ang mga ginawa ng mga Pilipino sa kanilang pag-aalsa .

2. Nilalaman Pag-usbong ng Malayang kaisipan at Naunang Pag-aalsa

3. Mga Kagamitang
Larawan, chart
Pampagtuturo

4. Pamamaraan
4.1– Panimulang Gawain (2 minuto)

Bakit hindi nagtagumpay ang mga Pilipino sa kanilang pag-aalsa? Anu-ano ang mga dahilan nito?
Ano sana ang dapat gawin para magtagumpay?

4.2 Mga Gawain/ o Estratihiya ( 8 minuto)


Hatiin ang mga mag-aaral ng apat na grupo.bawat grupo ay may larawan tungkol sa isang sitwasyun…bawat grupo ay sumulat
ng maaring epekto batay sa larawan na kanilang tinitingnan

4.3 Pagsusuri( 2 minuto)

Ang bawat lider ng grupo ay magbibigay ng kanilang mga naisulat na mga epekto.
Tandaan: Bawat sitwasyun ay magiging epekto ito man ay mabuti o masama..

4.4 Pagtatalakay (12 minuto)


MGA DAHILAN NG PAGKAKABIGO NG PAG-AALSA

1.Pagiging watak-watak ng Pilipinas


Kapansin- pansing ang mga pag-aalsa ay mula sa ibat- ibang magkakalayo at maliliit na mga lugar sa Pilipinas dahil dito,
mas madali iyong nasugpo ng mga Espanyol. Lalona sa unang pag-aalsa,mapapansinng ang mga pangkat ay lumalaban hindi
bilang mga Filipino kung hindi bilang mga mamamayan ng kanilang bayano lalawigan.
2. Kakulangan sa Kahandaan at kaalaman sa pakikidigma
Hindi kinayang makipagsabayan ng mga Filipino sa sopistikado at makabagong mga armas ng mga Espanyol. Kalimitan sa
mga sandatang gamit ng mga Pilipino ay yari sa katutubong materyales gaya ng bolo, tabak at sibat at labis na nahuhuli sa
mga baril at kanyon mula sa Spain
3.Kawalan ng maayos na komunikasyon
Resulta din ng topograpiya ng Pilipinas, hindi naging madali para sa mga Filipino ang magpadala ng mensahe tungkol sa
mga pag-aalsang isasagawa mula sa isang bayan patungong karatig bayan, lalo na liblib na bundok at kagubatan.May ilang
pagkakataon din na nadadakip ang mga mensahero at agad na natuklasan ng mga Espanyol ang planong pag-aaklas
4. Pagkakaiba ng Wika at diyalekto
Isa pang dahilan ng hindi pagkakaroon ng maayos na komunikasyon ay ang iba- ibang wika at diyalektong ginagamit sa ibat-
ibang isla at lalawigan sa Pilipinas.Hindi naging madali para sa mga Filipino ang manghikayat ng dagdag na lalahok sa mga
pinaplanong pag-aalsa.
5. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
Dahil marahil ng mga pananakot, at mga pangakong kayamanan at pribilehiyo mula sa mga Espanyol, may mga katutubong
nakipagtulungan sa mga mananakop upang masupil o hindi matuloy ang mga pag-aalsa. Ibinalita nila sa pamahalaan ang mga
napipontong rebelyon at isinuplong ang kanilang mga kasama.
4.5 Paglalapat ( 6 minuto)
Ano ang nagtulak sa mga katutubo kung bakit sila nag-alsa laban sa mga Espanyol
Bakit mahalaga ang pagkakaisa sa pagkamit ng kalayaan

5. Pagtataya ( 6 minuto)

A. pagmamasid

B. pakikipagusap sa
mga mag-aaral/
kumperensya

c. pagsusuri sa mga
produkto ng mga mag-
aaral

Sagutin ng tama o mali ang mga sumusunod na mga salita;

__1.Nagtagumpay ang pag-aalsa ng mga Pilipino dahil sa kanilang


pagkawatak-watak.
__2.Nakipagtulungan ang mga katutubo sa mga Espanyol dahil sa
perang kapalit.
__3.Magkakaiba ang dayalekto ng mga katutubo kaya sila ay hindi
nagkakaisa
__4.Dahil sa makabagong armas ng Espanyol natalo ang mga katutubo.
__5. Lumaban ang mga katutubo kahit bolo at sibat lang ang kanilang
armas
___6.Nagpapakita ng katapangan ang mga Pilipino sa kabila nang
D. Pasulit
kakulangan sa armas
___7.Lumaban ang mga Katutubo kahit sila ay nahihirapan.
___8.Ang kalayaan ay makakamit kung tayo ay magkakaisa.

6. Takdang Aralin

 Pagpapatibay
/pagpapatatag sa
kasalukuyang
aralin

 Pagpapayaman
/pagapapasigla sa
kasalukuyang
aralin
 Pagpapalinang/
pagpapaunlad sa Magsaliksik sa internet o magbasa sa aklat kung ano ang mga
kasalukuyang pangyayaring naganap sa labanan sa Mactan.
aralin

 Paghahanda sa
bagong aralin

Tumawag ng ilang mag-aaral at magtanong kung ano ang naging epekto tungkol sa
7. Paglalagom
unang pag aalsa ng mga pilipino

Inihanda ni :
Pangalan: Roldan B. Torrejos Paaralaan: Maslog Elementary School
Posisyon: Teacher 1 Division: Danao City Division
Telepono: 09432830442 Email address: roldan_mcrolo4@yahoo.com

You might also like