You are on page 1of 19

Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Aralin 1.4
Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon
Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Simulan 2

Alamin 4
Imahen 4
Tayutay 5
Paglikha ng Tunog o Musika 5
Pagpapasidhi ng Guniguni at Damdamin 7
Diksiyon 12

Paglalagom 13

Sagutin 14

Pagsasanay sa Pagsulat 14

Mga Sanggunian 17
Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Aralin 1.4

Paggamit ng Wika: Tayutay at


Diksiyon

Introduksiyon
Ang mga salita ay may iba’t ibang literal na kahulugan at nakabubuo ng imahen sa isipan ng
mga mambabasa kapag nagagamit ito sa masining na pamamaraan. Ang mga imahen ay
nagkakaroon ng matatalinghagang anyo na nagiging sangkap sa isang mahusay na
malikhaing sulatin. Ang matatalinghagang pahayag na madalas ginagamit sa pasalita o
pasulat na paraan ay lumilikha ng mga tayutay.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 1


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng mga pahayag na gumagamit ng tayutay;

● nakabubuo ng imahen gamit ang mga tayutay; at

● nakagagamit ng angkop na diksiyon para sa pahayag.

Kasanayan sa Pagkatuto
Kinakailangan ang araling ito upang higit na maunawaan ang kasanayan sa pagkatuto na
itinakda ng DepEd:

Nagagamit ang pagbuo ng imahen, diksyon, mga tayutay, at mga espesipikong karanasan
(HUMSS_CW/MP11/12-Iab-4).

Simulan
Magkakaugnay na Salita 15 minuto
Ang lahat ng bagay ay maaaring magkakaugnay depende sa paglalarawan, paghahambing, o
pagpapakahulugan ng isang tao.

Mga Panuto
1. Basahin ang salitang nasa kahon. Ano ang mga salitang naisip mo pagkatapos mong
mabasa ang salita? Isulat ang mga naisip mong salita sa gilid nito. Tingnan ang
halimbawa sa ibaba.

2. Pagkatapos, gamitin sa pangungusap ang mga salitang iniugnay sa salitang nasa


kahon.

3. Sagutin ang mga gabay na tanong pagkatapos.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 2


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

rosas

reyna

Halimbawa: Ang rosas ay reyna ng mga bulaklak.

Pangungusap:

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

Mga Gabay na Tanong


1. Mas napadadali ba ang pag-uugnay ng mga salita batay sa konotatibo nitong
kahulugan kaysa sa literal? Ipaliwanag.
__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

2. Ilan sa mga isinulat mong pag-uugnay ang literal? Ilan ang hindi?
__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 3


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

3. Sa nabuo mong ugnayan ng mga salita, makalilikha rin kaya ito ng panibago pang

kahulugan kapag inilagay na sa isang akda? Ipaliwanag.

__________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Alamin
Maraming mga paksa na dapat isaalang-alang sa pagpili ng mga salitang gagamitin sa
pagsulat ng malikhaing akda. Hindi sasapat kung diksiyonaryo lamang ang gagamitin sa
paglikha ng masining na pahayag. May mga bagay na kailangan maging malinaw sa
manunulat upang makapili o makagamit ng masisining na mga pahayag. Ang ilan sa mga ito
ay ang pagpapakita ng imahen, paggamit ng tayutay, at pagpili ng angkop na diksiyon para
sa babasa o makikinig ng kaniyang akda.

Bakit mahalaga ang paggamit ng imahen, tayutay, at


diksiyon sa pagbuo ng isang masining na pahayag?

Imahen
Isang mahalagang proseso sa pag-unawa ng matalinghaga at masining na pahayag ay ang
pagbuo ng imahen sa isipan ng mambabasa o tagapakinig. Ayon kina Adaya, Camba, et al.
(2012), ang imahen ay hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng pahayag kundi
anumang pandamang pisikal. Inilalarawan nito ang mga pandamdam tulad ng pandinig,
pandama, pang-amoy, biswal, at maging panlasa.

Iwinawaksi ang masamang panaginip:


Ang maliit, madilim na silid,
karsel (png):
Ang pagpapahirap at panaghoy
bilangguan
Ang karsel na walang pangalan at lunan.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 4


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

lunan (png):
espasyo

Sipi mula sa “Litanya ng Paghahanap”


Joi Barrios

Ang mga salitang maliit, madilim na silid, pagpapahirap, panaghoy, at karsel ay mga salitang
naglalarawan ng kalungkutan, pag-abandona, at pag-iisa. Ito ay gumuguhit ng larawan ng
isang pangyayari sa isipan ng mambabasa ayon sa kaniyang nakikita o nararamdaman mula
sa sariling karanasan. Ang mga ideyang ito ay mabubuo lamang sa matagumpay na pagpili
ng mga salita upang makabuo ng isa pang mahalagang konsepto sa pagsulat ng masining na
pahayag, ang tayutay.

Tayutay
Ayon kina Bernales at Veneracion (2009), ang mga tayutay bilang kasangkapang panretorika
ay nahahati sa dalawa: (1) kasangkapan sa paglikha ng tunog o musika at (2) kasangkapan
sa pagpapasidhi ng guniguni at damdamin. Narito ang mga tayutay ayon sa kasangkapan.

Paglikha ng Tunog o Musika


● Aliterasyon. Pag-uulit ito ng mga tunog-katinig sa inisyal na bahagi ng salita.

At matanaw ka, magtama ang mata saglit


tanaw (pnr):
nakikita mula sa
malayo

Isang taludtod mula sa “Ay, Pagsinta”


Joi Barrios

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 5


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Asonans. Pag-uulit naman ito ng mga tunog-patinig sa alinmang bahagi ng salita.

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na


kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap api (pnr):
at binatang mga kaapihan? alipusta

Isang pangungusap mula sa “Ang Ningning at ang Liwanag”


Emilio Jacinto

● Konsonans. Katulad ng aliterasyon, pag-uulit ito ng katinig, ngunit sa bahaging pinal


naman.

Ang halimuyak ng mga bulaklak ay mabuting gamot sa


isang pusong wasak halimuyak
(png): malakas na
bango na higit na
nagtatagal at
kumakala

Isang pangungusap mula sa “Ang Ningning at ang Liwanag”


Emilio Jacinto

● Onomatopeya. Sa pamamagitan ng tunog o himig ng salita ay nagagawang maihatid


ang kahulugan nito.

Halimbawa:
Langitngit ng kawayan, lagaslas ng tubig, dagundong ng kulog, haginit ng hangin

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 6


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Anapora. Pag-uulit ito sa unang bahagi ng pahayag o ng isang taludtod.

Paalam na Ina, itong Pilipinas,


paalam na Ina, itong nasa hirap, habag (png):
paalam, paalam, Inang walang habag, pakiramdam ng
paalam na ngayon, katapusang tawag. lungkot at pagtulong
sa kalagayan ng iba

Mula sa “Katapusang Hibik ng Pilipinas”


Andres Bonifacio

● Epipora. Pag-uulit ito sa huling bahagi ng pahayag o taludtod.

Halimbawa:
Ang mundong ito ay tahanan ng mga tao,
nag-aaruga sa mga tao,
subalit inaabuso rin ng mga tao.

● Anadiplosis. Kakaiba ito sapagkat ang pag-uulit ay sa una at huli.

Halimbawa:
Ang hinahanap ko ay isang pag-ibig
Pag-ibig na para lamang sa akin
Akin at ako ang tinatangi
Tinatanging habang buhay ay hindi mawaglit

Pagpapasidhi ng Guniguni at Damdamin

Narito ang ilan sa mga pangunahing tayutay na tinipon nina Bernales at Veneracion (2009)
mula sa iba’t ibang manunulat ng panitikan:

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 7


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Pagtutulad o Simili. Ito ay hindi tuwirang paghahambing ng magkaibang bagay, tao


o pangyayari sapagkat gumagamit ito ng mga pariralang tulad ng tila, kawangis ng,
parang, at gaya ng.

Tila ka gagamba na kung dapithapon


ay manunungaw na sa lupi ng dahon; dungaw (png):
ang hibla ng sapot na dala ng simoy pagtingin sa labas o
ikinakabit mo sa sanga ng kahoy. pagpapakita ng
sarili mula sa
bintana, barandilya,
at iba pang katulad
nito

Mula sa “Tila Ka Gagamba”


Jose Corazon de Jesus

● Pagwawangis o Metapora. Ito ay tuwirang paghahambing sapagkat hindi na


gumagamit ng mga pariralang nabanggit sa simili.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw


ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng ningning
nagaganyak na dumampot. (png): makinang o
makislap na
liwanag, nakasisilaw
kapag matindi

Mula sa “Ang Ningning at ang Liwanag”


Emilio Jacinto

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 8


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Pagbibigay-katauhan o Personipikasyon. Tinuturing na tao ang mga bagay na


walang buhay sa pamamagitan ng pagkakapit sa mga ito ng mga gawi o kilos ng tao.

Isang gabi’y manungaw ka.


Sa bunton ng panganorin panganorin
ay tanawin ang ulila’t naglalamay na bituin; (png): hindi
Sa bitui’y itanong mo ang ngalan ng aking giliw gaa-nong makapal
at kung siya’y magtatapat, ngalan mo ang sasabihin. na ulap
Ang bitui’y kapatid mo. Kung siya ma’y nasa langit

Mula sa “Itanong Mo sa Bituin”


Jose Corazon de jesus

● Pagmamalabis o Hyperbole. Lagpas ito sa katotohanan o eksaherado ang mga


pahayag.

May bituin na gumuhit sa langit,


Saglit na sumilip karimlan
Sa karimlan ng aking magdamag, (png): makapal na
Apoy na humalik sa aking dibdib. dilim

Taludtod mula sa “Bituin”


Joi Barrios

● Pagpapalit-tawag o Metonimi. Nagpapalit ito ng katawagan o ngalan sa bagay na


tinutukoy.

Halimbawa:
Nagbaba ng kautusan ang palasyo na sinumang mahuhuling walang face mask ay
ikukulong.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 9


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Pagpapalit-saklaw o Sinekdoke. Binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa


kabuuan.

Halimbawa:
Kagabi’y dumalaw siya, kasama ang kaniyang mga magulang upang hingin ang kamay
ng dalagang kaniyang napupusuan.

● Retorikal na tanong. Isang uri ng pagpapahayag na hindi naman talaga kailangan


ng sagot kundi ang layunin ay maikintal sa isipan ng nakikinig na mensahe.

Halimbawa:
Magagawa kaya ng isang ina na magmaramot sa isang anak na nagugutom, may
sakit, at nagmamakaawa?

● Pagtawag o Apostrope. Ito ay isang panawagan o pakiusap sa isang bagay na tila ito
ay isang tao.

Halimbawa:
Kamatayan, bakit ‘di pa wakasan yaring buhay?

● Pagtatambis o Oksimoron. Paggamit ito ng mga salita o pahayag na


magkasalungat.

Halimbawa:
Umaalingawngaw ang nakabibinging katahimikan sa buong bahay.

● Pang-uyam o Ironya. May layuning mangutya ito ngunit itinatago sa paraang waring
nagbibigay-puri.

Halimbawa:
Tila maganda ang gising ng ina at kanina pa nakakunot ang noo niya.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 10


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

● Alusyon: Gumagamit ito ng pagtukoy sa isang tao, pook, katotohanan, kaisipan, o


pangyayari na iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng isang taong may
pinag-aralan.

Ang mga sumusunod ay uri ng mga alusyon.

○ Alusyon sa Heograpiya

Halimbawa:
Ang Mt. Apo ang itinuturing na pinakamataas na bundok sa ating bayan kung
kaya ito ang Mt. Everest ng Pilipinas.

○ Alusyon sa Bibliya

Halimbawa:
Nagsilbi siyang isang Moises ng kaniyang lipi upang iligtas ang mga ito sa
kamay ng mga mapang-aliping nais na sakupin ang kanilang bayan.

○ Alusyon sa Literatura

Halimbawa:
Walang alinlangang isa siyang Ibarra na puno ng pag-asang kaniyang
maliligtas ang kaniyang bayan sa isang ideyal na paraan.

○ Alusyon sa Kulturang Popular

Halimbawa:
Kinikilala si Mang Noe bilang Elvis Presley ng lungsod ng Davao at ang anak
niyang si Liway bilang Whitney Houston ng buong Mindanao.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 11


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

○ Alusyon sa Mitolohiya

Kung si Filomena ang dila’y may tamis


ang sa kay Apolo, sa kanyang pagsilip, silip (png):
sa may kabukira’t bundok na masungit, pagtingin sa butas o
ang may dalang awit. pagkakita sa
pamamagitan ng
buta

Saknong mula sa “Felicitacion!”


Jose Rizal

Pagpapaunlad
Bakit gumagamit ang mga manunulat ng mga tayutay?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Diksiyon
Ito ang mga salita, parirala, at mga pangungusap na ginagamit ng manunulat sa masining na
pamamaraan. Ang diksiyon ay tumutukoy sa pagpili ng angkop na antas ng salita upang
makalikha ng mga imahen at tayutay batay sa konteksto ng inilalahad. Ginagamit din ito ng
may-akda bilang pantulong sa pagbuo ng tono ng kabuuang akda.

Ang manunulat ay malayang pumili ng anumang antas ng wika ayon sa nais niyang tono ng
kaniyang akda o paglalarawan sa tauhang kaniyang ipinakikita.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 12


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Kolokyal Pampanitikan Pambansa Lalawiganin Balbal

tatay haligi ng ama tatang pudrakels


tahanan

hirap isang kahig, kapos-palad lisod (Cebuano) purita


isang tuka

gutom kumakalam ang walang laman bisin (Ilokano) tomguts


sikmura ang tiyan

Ang diksiyon ay depende sa uri ng tono ng akda, konteksto ng persona o tauhan sa


akda, at tagatanggap na paglalathalaan o pagpapakitaan ng mga manunulat ng
kanilang akda.

Paglalagom
_____________________________________________________________________________________________
● Sa pagsulat ng akda, kailangang isaalang-alang ang imahen, tayutay, at diksiyon na
nais buuin sa isipan ng mga mambabasa.
● Ang imahen ay pisikal at pandamang larawan ng ideya na nais iguhit ng
manunulat sa isipan ng mambabasa o tagapakinig.
● Maraming mga tayutay na ginagamit para sa malikhaing pagsulat. Hinati ito nina
Bernales at Veneracion (2019) sa dalawa: mga lumilikha ng tunog o musika, at
nagpapasidhi ng guniguni at damdamin.
● Ang angkop na paggamit ng diksiyon ay depende sa uri ng tono ng akda,
konteksto ng persona o tauhan sa akda, at tagatanggap na paglalathalaan o
pagpapakitaan ng mga manunulat ng kanilang akda. Maaaring piliin ng manunulat
ang uri ng mga salita batay sa antas ng wikang kinakailangan.
_____________________________________________________________________________________________

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 13


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Sagutin
Pagtukoy. Tukuyin ang ginamit na tayutay sa bawat pahayag.

________________ 1. Ang kasaysayan ng lupa,


Ang salaysay ng dalita.

________________ 2. Sinayang ko ang lahat ng aking oras sa iyo, pag-asa.

________________ 3. Tumingin siya sa akin na parang musmos na humihiling na


mabilhan ng kendi.

________________ 4. Narinig niya ang langitngit ng lumang pintong bumubukas.

________________ 5. Baka malunod na ako sa dami ng trabaho kaya iniisa-isa ko na.

________________ 6. Ayoko ng lalaking basta may trabaho lang, gusto ko yung may
gulong.

________________ 7. Ako kaya, kailan kaya darating ang Romeo ng buhay ko?

________________ 8. Labinsiyam na gulang lamang ang utak ng katipunan.

________________ 9. Ang buhay ko ay isang malaking palabas lamang.

________________ 10. Matiyagang naghihintay ng kuwento ang buwan sa kaniyang


masugid na tagatanaw.

Pagsasanay sa Pagsulat
Sumulat ng sariling tula na may tatlong saknong at tig-apat na taludtod. Hindi kinakailangan
ng mahigpit na sukat at tugma subalit dapat ay mayroon itong malinaw na imahen,
naglalaman ng tatlong tayutay, at gumamit ng angkop na diksiyon.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 14


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Dagdag-Kaalaman sa Pagsulat
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na binubuo ng taludtod at
saknong. Ito ay maaaring may tradisyonal na kayarian (may sukat at
tugma) o malayang taludturan. Ito ay may malinaw na
pagpapahayag ng damdamin sa pamamagitan ng imahen o
larawang diwa at tayutay, at inilalapit sa mambabasa sa
pamamagitan ng diksiyon.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 15


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Pamantayan sa Pagmamarka
Mungkahi lamang ang pamantayan sa ibaba. Maaari itong baguhin ng iyong guro batay sa
iyong mga pangangailangan. Kumonsulta sa iyong guro para sa pinal na pamantayan.

Antas ng Pagganap

Pamantayan Mungkahing
1 2 3 Puntos
Bigat
Nagsisimula ang Nagpapakita ng Ganap ang
Pagkatuto Pagkatuto Pagkatuto

Kalinawan ng Kulang ang Sapat ngunit hindi Angkop ang

Imahen paglalarawan kaya gaanong angkop ang paglalarawang


hindi napalutang ang paglalarawang ginawa upang
mga ginamit na ginawa upang maipakita nang ×3
imahen. maipakita ang malinaw ang imaheng
imahen. nais ipadama sa
tagatanggap.

Tamang Walang nagamit na Nakagamit at tamang Nakagamit at tamang

Paggamit at tayutay sa sinulat na natukoy ang isa natukoy ang tatlong

Pagtukoy ng sulatin. hanggang dalawang tayutay. ×3


Tayutay tayutay.

Kabuuan ng Ang mga saknong ay Ang mga saknong ay Ang mga saknong ay

Tula may lutang na sumusunod sa sumusunod sa


katangiang hindi katangian ng tula katangian ng tula na
pang-tula bagaman subalit may isang may imahen, tayutay,
may imahen, tayutay, pagkukulang na at angkop na ×3
at diksiyon. maaaring imahen, diksiyon.
tayutay, o
kaangkopan ng
diksiyon.

Kabuuang Posibleng Marka 27

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 16


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Komento ng Guro
__________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian
Adaya, Jomar, Camba, Arlan, Carpio, Perla, Castillo, Mary Joy, Malaga, Mayluck, Mendoza,
Vidal Jr., Padernal, Andrew, et. al. Retorika at Masining na Pagpapahayag. Siyudad ng
Malabon: Jimczyville Publications, 2012.

Barrios, Joi. Bulaklak sa Tubig (Mga Tula ng Pag-ibig at Himagsik). Salin ni Mark Pangilinan.
“Flores del Agua,” pahina 28. Lungsod ng Maynila.

Bernales, Rolando, Veneracion, Elyria. et. al. Retorika: Ang Sining ng Pagpapahayag Batayan at
Sanayang-Aklat sa Filipino 3, Antas Tersyarya. Lungsod ng Malabon. Mutya Publishing
House, Inc. 2009.

De Jesus, Jose Corazon. “Itanong Mo sa Bituin.” Tagalog Lang. Nakuha sa


https://www.tagaloglang.com/itanong-mo-sa-bituin/ noong May 31, 2021.

De Jesus, Jose Corazon. “Sa Bilangguan ng Pag-ibig Walang Sala’y Napipiit!” Tagalog Lang.
Nakuha sa https://www.tagaloglang.com/sa-bilangguan-ng-pag-ibig/ noong Mayo 31,
2021.

De Jesus, Jose Corazon. “Tila Ka Gagamba.” Tagalog Lang. Nakuha sa


https://www.tagaloglang.com/tula-tila-ka-gagamba/#more-40378 noong Mayo 31,
2021.

Editorial Staff. “Tayutay: Halimbawa ng Tayutay, mga Uri ng Tayutay, Atbp.” Noypi.com.ph,
https://noypi.com.ph/tayutay/

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 17


Yunit 1: Introduksiyon sa Malikhaing Pagsulat

Elcomblus Contributors. “Imahen, Tayutay, at Diksiyon.” Elcomblus. Nakuha sa


https://www.elcomblus.com/imahen-tayutay-at-diksiyon/ noong Mayo 6, 2021.

Jacinto, Emilio. “Ang Ningning at ang Liwanag.” Filipino 10. Nakuha sa


http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/ang-ningning-at-ang-liwanag.html
noong Mayo 26, 2021.

1.4. Paggamit ng Wika: Tayutay at Diksiyon 18

You might also like