You are on page 1of 13

SENIOR

SeniorHIGH
HighSCHOOL
School
Baitang 12

Filipino

MODYUL SA FILIPINO SA PILING LARANG


(Akademik)
Ikalawang
Ikalawang Kwarter – Ikatlong
Kwarter- Ikatlong – Aralin 2 2
Linggo-Aralin
Linggo

Posisyong Papel

Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na


paggamit ng mga salita. Koda: CS-FA11/12 PU-Od-f-92.
Filipino - Baitang 12
Modyul sa Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Posisyong Papel
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
ng Kagawaran ng Edukasyon
Sangay ng mga Paaralan ng Iloilo
Kalye Luna, Distrito ng La Paz, Lungsod ng Iloilo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayumpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang Modyul sa Filipino o anumang bahagi nito ay inilathala upang gamitin ng


mga paaralan ng Kagawaran ng Edukasyon lalo na ng Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo.

Walang anumang bahagi ng kagamitang ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anumang paraan na walang pahintulot mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay
ng mga Paaralan ng Iloilo. Ang pagbebenta nito ay mahigpit na ipinagbabawal.

Development Team of Modyul sa Filipino


Writers: Shany Queen H. Retirado, Joeven A. Baludio
Shannon Khey A. Amoyan, Jane Bryl H. Montialbucio
Mary Cris B. Puertas

Illustrators: Roel S. Palmaira, Mel June C. Flores

Layout Artists: Lilibeth E. Larupay, Armand Glenn S. Lapor


Joeven A. Baludio

Division Quality Lilibeth E. Larupay, Dr. Marites C. Capilitan,


Assurance Team: Armand Glenn S. Lapor, Rene B. Cordon, JV O. Magbanua,
Shannon Khey A. Amoyan

Management Team: Dr. Roel F. Bermejo, Dr. Nordy D. Siason, Jr.,


Dr. Lilibeth T. Estoque, Dr. Azucena T. Falales,
Ruben S. Libutaque, Lilibeth E. Larupay,
Dr. Marites C. Capilitan

2
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino sa Piling Larang
(Akademik), Baitang 12.

Ang Modyul sa Filipino ay pinagtulungang sinulat, dinisenyo, nilinang, at sinuri


ng mga dalubhasa mula sa Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng mga Paaralan ng
Iloilo. Ginawa ito upang gabayan ang mga mag-aaral at mga gurong tagapagdaloy na
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng
K to 12.

Layunin ng Modyul sa Filipino na mapatnubayan ang mag-aaral sa malayang


pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis, at oras. Naglalayon din
itong matulungan sila upang malinang at makamit ang panghabambuhay na mga
kasanayan habang isinasaalang-alang din ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Para sa gurong tagapagdaloy:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa upang matugunan ang kasalukuyang


pangangailangan ng mga mag-aaral sa bansa. Bilang katulong ng mga guro, tiyaking
maging malinaw sa mga bata o sa mga mag-aaral kung paano pag-aaralan o
sasagutan ang mga gawain sa kagamitang ito.

Para sa mag-aaral:

Ang Modyul sa Filipino ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Pangunahing layunin nito na ikaw ay matulungan sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Sa paraang ito magkakaroon kayo ng kalayaan na pag-aralan
ang nakaaaliw na mga gawaing napapaloob sa kagamitang ito. Basahin at unawain
upang masundan ang mga panuto.

Hinihiling na ang mga sagot sa bawat gawain ay isulat sa hiwalay na


papel.

Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na 3


Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: CS-FA11/12 PU-Od-f-92.
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Posisyong Papel
Magandang araw!
Isa sa mga kasanayang dapat mahubog sa kabataang Pilipino ay ang
kakayahang manindigan sa isang desisyon o prinsipyo sa tulong ng mga patunay o
ebidensiya. Tunay na napakahalaga ng kasanayan sa pagbibigay ng katwiran at
argumento upang matimbang ang mga bagay-bagay.
Sa sanayang ito, ay bibigyang ng tuon ang iba’t ibang paraan ng paglalahad
ng argumento bilang isa sa mga katangian ng isang posisyong papel. Sa pagsagot
sa mga gawain, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na layunin:
 Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na paggamit ng
mga salita Koda: CS-FA11/12 PU-Od-f-92.
Bilang tugon sa inaasahang makamit matapos ang araling ito, narito ang mga
tiyak na layunin:
 nakapagbibigay ng sariling katwiran at argumento tungkol sa isang
napapanahong isyu o paksa;
 naiisa-isa ang iba’t ibang halimbawa ng proposisyon at tiyak na halimbawa
nito; at
 nakasusulat ng isang halimbawa ng posisyong papel batay sa mga tiyak na
elemento nito.

TUKLASIN NATIN!
Bilang isang estudyante, mahalagang marinig ang inyong opinion sa mga
napapanahong isyu sa ating lipunan upang mabigyan ng kaukulang solusyon ang mga
lumalalang problema sa lipunan.

Gawain 1
Panuto: Ilahad ang iyong panig sa mga nakatalang isyung panlipunan. Isulat kung
ikaw ay sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon. Pagkatapos, magbigay ng
kaunting paliwanag sa piniling panig.

Mandatory Reserved Officer Traning Corp (ROTC) para sa mga


estudyante ng Senior High School
maAAMmmmmmmmMMMaMa

4
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Bakuna para sa lahat ng Pilipino


Panlaban sa sakit na COVID

maAAMmmmmmmmMMMaMa

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Naisagawa mo na nang maayos ang unang gawain, natitiyak kong mayroon ka


ng sapat na kaalaman para magpatuloy sa susunod na mga gawain, ngayon naman
ay alamin natin kung ang iyong mga naisulat ay tama sa pamamagitan ng pag-aaral
ng araling ito. Upang subukin ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin, sagutin
muna natin ang gawaing ito.

Gawain 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang
TAMA sa patlang kung ang pahayag ay naglalarawan sa posisyong papel
at MALI naman kung hindi.
_______1. Kailangan ng malinaw at matibay na argumento sa paglalalahad ng
posisyong papel.
_______2. Ang posisyong papel ay isang impormal na sulatin sapagkat ito ay
nakabatay sa opinyon.
_______3. Layunin ng posisyong papel na kumbinsihin ang isang panig na siya ay
paniwalaan sa tulong ng mga kongkretong ebidensiya.
_______4. Nakabatay sa fact ang mga argumentong inilalahad sa isang posisiyong
papel.
_______5. Personal na atake ang ginagamit sa paglalahad ng posisyong papel.
_______6. Sinusuri ang kahinaan at kalikasan ng mga argumento bago magpa-
hayag ng panig na papanigan.
_______7. Sa kongklusyon, muling ilahad ang mga pangunahing argumento at
patatagin ang introduksiyon at katawan ng papel.

5
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
________8. Kinakailangang lohikal at iisang isyu lamang ang tinatalakay sa
sa isang posisyong papel.
________9. Gumagamit ng malikhaing pagsulat sa posisyong papel.
________10. Hindi isinasaalang-alang ang mga mga mambabasa sa posisyong
papel.

LINANGIN NATIN!
LINANGIN NATIN!

Naging mahirap ba ang pagsubok? Huwag kang mag-alala at


tutugunan natin sa pamamagitan ng aralin ang mga konseptong kinakailangan
mo pang matutuhan.

Sa puntong ito, ating alamin ang mga konsepto ng posisyong papel at mga
tiyak na katangian nito.

Kahulugan ng Posisyong Papel


 Sanaysay na naglalahad ng opinyon hinggil sa isang usapin, karaniwan ng awtor
o ng isang tiyak na pagkakakilanlan tulad ng isang partidong politikal.
 Detalyadong ulat ng polisiyang karaniwang nagpapaliwanag, nagmamatwid o
nagmumungkahi ng isang partikular na kurso ng pagkilos.
 Sulatin na naglalayong kumbinsihin ang mga mambabasa na may saysay at
bisa ang mga argumentong inihain sa kanila

Katangiang Dapat Taglayin ng Posisyong Papel


 Naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang
basehan sa likod nito.
 Nakabatay sa fact (estadistika, petsa, mga pangyayari) na nagbibigay ng
matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento.
 Hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig.
 Gumagamit ng mga sangguniang mapagkakatiwalaan at may awtoridad
 Sinusuri ng manunulat ang mga kalakasan at kahinaan ng sariling posisyon
maging ang sa kabilang panig.
 Pinaglilimian ng manunulat ang lahat ng maaaring solusyon at
nagmumungkahi ng mga maaaring gawin upang matamo ang layunin.

6
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Tatlong Elemento ng Isang Posisyong Papel
A. Proposisyon o Paksa o Isyu
 pahayag o apirmasyon ng isang pasiya o paninindigan
 paksang tinatalakay sa isang posisyong papel
Dalawang Uri ng Proposisyon
1. Proposisyon ng Katotohanan - Proposisyong katunayan na may
kinalaman sa katotohanan o walang katotohanan ng isang paggigiit.
Halimbawa: Ang paggamit ng cellphone sa pagkatuto ng mga
mag-aaral.
2. Proposisyon ng Patakaran-proposisyong may kinalaman sa
pagbabago o pagpapanatili ng isang kalakaran sa pamamagitan ng
pagpaplano at paggawa.
Halimbawa: Gawing parlyamentaryo ang sistema ng pamahalaan
Pilipinas.
B. Argumento
 katwiran o pangangatwiran na ginagamit sa paglalahad ng
ng mga punto
C. Patunay o Ebidensya
 ito ay mga dokumento at mga bagay na magpapatunay o
magpapalakas sa argumento.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Posisyong Papel

Tukuyin ang isyu o paksang magiging tuon ng papel

Talakayin ang kaligiran at kahalagahan ng paksa at ilahad ang iyong posisyon


o ang tesis ng sanaysay. Isulat ito sa paraang nakapupukaw ng atensiyon.

Simulan ang katawan sa pamamagitan ng pagbubuod ng mga argumento ng


kabilang panig at pagbibigay ng mga impormasyong sumusuporta sa mga
pahayag na ito.

Iisa-isahin ang mga argumento, opinyon, at suportang detalye. Ang pagbuo ng


argumento ay nakasalalay sa pagkilala kung sino ang mambabasa.

Isaalang-alang ang etika sa bubuuing posisyong papel. Iwasan ang pag-atake


sa katauhan ng sinumang may salungat na opinyon.

7
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong.

1. Ano-ano ang mga mga mahahalagang konsepto ang makikita sa binasang


sulatin?
___________________________________________________________________
2. Ano-anong mga argumento ang nakapaloob sa posisyong papel?
___________________________________________________________________

2. Paano nakatutulong ang mga ebidensya sa pagpapatibay ng mga argumento sa


isang posisyong papel?
__________________________________________________________________

3. Ano ang pangunahing layunin ng isang posisyong papel?


___________________________________________________________________

Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng teksto at sagutin ang mga


katanungan na makikita sa susunod na pahina.

Academic Freeze: Dapat Bang Ipapatupad?

Naghatid ng takot at pangamba sa mamamayang Pilipino ang Novel


Corona Virus (NCov) na pinaniniwalaang nagmula pa sa Wuhan City sa China.
Sa kasalukuyan, milyong katao na ang namatay sa buong daigdig at patuloy na
dumarami sa pagdaan ng mga araw. Kaya naman, naging isang malaking banta
sa iba’t ibang sektor ng lipunan ang nasabing pandemya lalong-lalo na sa sektor
ng edukasyon.
Bunga ng mga pangyayaring ito, maraming mga grupo ang nagpanukalang
magkaroon ng Academic Freeze o pansamantalang pagpapaliban ng klase sa
Taong Panuruan 2020-2021. Ito ay sa kadahilanang hindi bumababa ang kaso
ng Covid sa bansa simula ng ito ay kumalat na sa buong kapuluan.
Bilang isang mamamayang Pilipino na may lubos na malasakit sa
kahalagahan edukasyon huwag dapat nating ipagpaliban ang pagbubukas ng
klase. Ang edukasyon ay hindi dapat ipagpaliban sapagkat mayroong iba’t ibang
kaparaanan para lamang maihatid ang edukasyon sa mga batang ang tanging

hangad ay matuto. Sa utos Kagawaran Blg.18 s. 2020, ang Departamento ng


Edukasyon ay nakaisip ng mga kaparaaanan para patuloy na maihatid ang
edukasyon sa pamamagitan ng iba’t ibang learning modalities nang hindi

8
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
naisasakripisyo ang kalusugan ng mga kabataan. Kabilang dito ang modular,
Radio-Based Instruction, TV Based Instruction, Online learning at Blended
learning.
Ang edukasyon ay isang patuloy na proseso kung kaya hindi dapat
maudlot ang pag-aaral ng mga kabataan. Kagaya ng isang bakal kapag hindi ito
naalagaan at napabayaan ito ay kinakalawang. Ang isang taong academic freeze
ay magdudulot sa mga bata ng kawalang gana sa pag-aaral at magiging daan
upang malihis ang kanilang atensiyon sa mga di-kanais-nais na bagay.
Ang isang taong pagpapatigil sa klase ay isang pagsikil sa karapatan ng
mga batang nagnanais na makapag-aral. Nakasaad sa karapatang pambata na
dapat ang mga bata ay may karapatang makapag-aral sa murang edad at hindi
dapat pagkaitan ng pagkakataong makapag-aral. Ito’y hadlang din sa maagang
pagkamit nila ng kanilang tagumpay. Hindi naman ibig sabihin na kapag walang
face to face classes ay hindi na matututo ang mga estudyante. Ayon nga sa isang
kasabihan sa Ingles, “There are many ways to kill a cat.” Ibig sabihin, kung
maraming paraan para pumatay ng isang pusa, marami ring paraan ang mga
kabataan para matuto.
Sa kabilang banda, hindi rin natin dapat isakripisyo ang kalusugan ng mga
kabataan. Kailangan pa rin nating sundin ang iba’t ibang health protocols para sa
maayos na daloy at sistema ng pagpapatupad ng edukasyon.
Ang edukasyon ay isang mahalagang aspeto sa paghubog ng ating
pagkatao. Sa pamamagitan ng edukasyon, napapaunlad ang ating pagkatao
bilang isang indibidwal. Ito ay isang patuloy na proseso at dapat tuloy-tuloy ang
pagtamo nito. Kung kaya’t academic freeze ay di dapat isulong upang tuloy-tuloy
tayo sa pagsulong.

1. Ano ang pangunahing paksa ng binasang teksto?


_________________________________________________________________
2. Batay sa tekstong binasa, ano-anong mga mahahalagang punto o argumento ang
inilahad dito?
________________________________________________________________
3. Ano ang pangunahing layunin ng teksto ng binasang teksto?
________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga katanggap-tanggap na pahayag ang nakapaloob sa teksto?
Paano ito nakatutulong para mahikayat ang isang indibidwal para ito ay
paniwalaan?
_________________________________________________________________

9
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Gawain 1
Panuto: Ngayong alam mo na ang mga konsepto hinggil sa posisyong papel,
balikan ang tekstong binasa at suriin ang ito batay sa mga tiyak na
katangian nito. Gawing gabay ang talahanayan na makikita sa ibaba.

Paksa ng Ebidensiyang Posisyon o


Argumento
Posisyong Papel Inilatag Paninindigan

Gawain 2
Magbasa at magsaliksik hinggil sa paksang “Dapat bang tanggalin ang
Sangguniang Kabataan bilang isang organisasyon sa pamayanan? Maglahad ng
mga positibo at negatibong punto at pagkatapos ay bumuo ng pagpapasya batay sa
bigat ng mga argumentong inilahad.

Positibong Punto Negatibong punto

Pagpapasya

10
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Naging mahirap ba ang mga gawain o mas naging madali dahil napag-aralan
mo na ang mga konsepto? Gayumpaman, binabati kita dahil naipakita mo ang iyong
pagiging malikhain, at pagiging masinop. Upang tayahin ang iyong nalalaman hinggil
sa araling natalakay, sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Gawain 1
Panuto: Suriin at tukuyin ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang
pahayag at MALI naman kung hindi.

_______1. Sa pagsulat ng posisyong papel, hindi kinakailangang pumili ng panig na


bibigyan ng argumento.
_______2. Kinakailangang malinaw at matatag sa pagbibigay ng argumento upang
maging mabisa ang posisyong papel.

_______3. Layunin ng posisyong papel na kumbinsihin na may bisa at saysay ang


mga argumentong inihain sa kanila.
_______4. Maaaring gumamit ng katwirang hindi nakabatay sa katotohanan o facts.

_______5. Isa sa mahahalagang dapat tandaan sa pagpili ng panig sa posisyong


papel ay sa pamamagitan ng haba at tibay ng taglay na argumento.
_______6. Ang kahinaan ng isang argumento ay kinakailangang itago samantalang
dapat ihayag ang kalakasan nito.
_______7. Gumagamit ng unang panauhan sa pagpapahayag ng opinyon sa
posisyong papel.
_______8. Maaaring ipasok ang mga argumentong walang relasyon sa paksa
upang humaba ang posisyong papel.
_______9. Mabisa ang paggamit ng personal na atake upang siraan ang kabilang
panig.
______10. Ang mga salitang hindi malinaw ay kailangang maipaliwanag upang
maunawaan ang punto.

11
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
Gawain 2

Panuto: Nalalapit na ang fiesta sa inyong barangay at isa sa mga nakatakdang


gawain para sa nalalapit na fiesta ay ang pagdaraos ng liga. Ikaw ay isang
SK Chairman sa inyong baranggay at ikaw ay naatasang maglahad ng
iyong posisyon tungkol sa pagdaraos ng liga kung dapat pa bang ituloy ang
ganitong mga gawain nang sa gayon ay mabigyan ng kaukulang badyet.
Gawing patnubay sa pagbibigay ng marka ang rubrik na makikita sa ibaba.

Rubrik sa Pagmamarka ng Posisyong Papel

Katangian 5 3 2 1 ISKOR
May isang May isang May isang Hindi
malinaw at malinaw at paksa. Hindi malinaw ang
tiyak na tiyak na gaanong paksa at ang
paksa na paksa, ngunit malinaw ang mga
Katwiran at sinusuportah hindi mga argumento.
Argumento an ng mga detalyado suportang
detalyadong ang mga impormasyon
impormasyon suportang o argumento.
o argumento. impormasyon
o argumento.
Kawili-wili May May Hindi
ang introduksyon, introduksyon, malinaw ang
introduksyon, mahusay na pagtalakay at introduksyon,
naipakilala pagtalakay, pagtatapos o pagtalakay
nang at may konklusyon. sa paksa at
mahusay ang karampatang ang
paksa. pagtatapos o pagtatapos o
Mahalaga konklusyon. konklusyon.
ang nauukol
Organisasyon sa paksa ang
mga
impormasyon
na ibinahagi
sa isang
maayos na
paraan.
Mahusay ang
pagtatapos o
konklusyon.
Malinaw ang Malinaw ang Nasasabi ng Limitado ang
paggamit ng paggamit ng manunulat paggamit sa
Pagpili ng mga salita. mga salita ang nais mga salita.
angkop na Angkop at bagaman sa sabihin,
salita natural at ilang bagaman
hindi pilit. pagkakataon walang
ay hindi baryasyon sa

12
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92
angkop at paggamit ng
natural. mga salita.
Mahusay ang Mainam ang Nakagagawa Hindi maayos
pagkakayos pagkakayos ng mga ang mga
ng mga salita ng mga salita pangungusap pangungusap
at at na may at hindi
Estruktura, pangungusap pangungusap saysay. maunawaan.
Gramatika, . Walang May kaunting Maraming Lubhang
Bantas, pagkakamali pagkakamali mga maraming
Pagbaybay sa gramatika, sa gramatika, pagkakamali pagkakamali
bantas at bantas at sa gramatika, sa gramatika,
baybay. baybay. bantas at bantas at
baybay. baybay.

Kabuuan

13
Kompetensi: Nakasusulat ng sulatin batay sa maingat, wasto at angkop na
paggamit ng mga salita. Koda: PUCS-FA 11/12 PU-Od-f-92

You might also like