You are on page 1of 23

lOMoARcPSD|32546948

AP10 M4 rodeliarabe - n/a

Accounting Cost and Control (Araullo University)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)
lOMoARcPSD|32546948

10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Mga Isyung Kalakip ng
Migrasyon

AIRs - LM
Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)
lOMoARcPSD|32546948

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 4: Mga Isyung Kalakip ng Migrasyon
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anumang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Rodelia M. Rabe


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, Ph.D, CID Chief
Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS
Mario B. Paneda, Ed.D., EPS in Charge of Araling Panlipunan
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 4:
Mga Isyung Kalakip ng
Migrasyon

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Sapulin

Bilang isang indibiduwal, ano nga ba ang hangarin mo o layunin mo bilang


kasapi ng lipunan? Paano ka makakatulong upang masolusyunan ang mga
problemang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan lalo na ang mga
manggagawang nasa ibayong dagat na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at
sila ay may malaking naiaambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng ating bansa.

Ang bahaging ito ng modyul ay isinulat upang makatugon sa iyong


pangangailangan bilang isang mag-aaral sa mga Kontemporaryong Isyung ating
kinakaharap sa kasalukuyan. Nakapaloob dito ang mga iba’t ibang mga isyung
kalakip ng migrasyon. Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa
modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga
isyung pang ekonomiya na kinakaharap ng ating bansa tungo sa pagpapabuti ng
kalidad ng pamumuhay.

Ang aralin na ito ay tumutukoy sa Migrasyon. Ito ay nahahati sa mga


sumusunod na paksa.

 Paksa 1: Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon


 Paksa 2: Forced Labor, Human Trafficking and Slavery
 Paksa 3: Pag-aangkop sa Pamantayang International

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

 Naipahahayag ang saloobin tungkol sa epekto ng migrasyon

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

 Naipaliliwanag ang mga epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan,


pampolitika at pangkabuhayan.
 Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng
migrasyon

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Simulan

Simulan ang modyul na ito sa pamamagitan ng


pagsagot sa mga tanong sa ibaba.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

_____1. Alin ang tumutukoy sa proseso ng paglipat mula sa isang lugar o teritoryong
politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente?
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Pag-abroad D. Paglipat-bahay

_____2. Bakit nilagdaan ang Bologna Accord?


A. Upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon
B. Upang madaling makapunta sa mga bansang kasapi dito
C. Upang makasabay sa pandaigdigang pamantayan ng edukasyon.
D. Upang maiakma ang kurikulum ng bawat bansang kasapi kapag nagtapos
ng kurso sa isang bansa ay medaling matanggap sa mga bansang
nakalagda rito.

_____3. Bakit mahalaga ang Washington Accord?


A. Upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon
B. Upang madaling makahanap ng trabaho ang mga mamamayan ng bansang
kasapi sa kasunduan.
C. Upang iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang
kasaping bansa.
D. Upang maiakma ang kurikulum ng bawat bansang kasapi kapag nagtapos
ng kurso sa isang bansa ay medaling matanggap sa mga bansang
nakalagda rito.

_____4. Aling kurikulum ang ipinapatupad ng Pilipinas na naglalayong iakma ang


sistema ng edukasyon sa ibang bansa?
A. BEC B. RBEC C. Bologna Accord D. K to 12 Curriculum

_____5. Bakit ang mga Pilipinong nangibang bansa na nagtapos sa kursong medisina
at iba pang propesyon ay hindi makapagtrabaho bilang doktor sa ibang
bansa?
A. Dahil mas mataas ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa
B. Dahil mababang uri ng mamamayang ang tingin nila sa mga Pilipino
C. Dahil may mga Pilipino ay hindi nababagay sa mataas na uri ng trabaho
sa ibang bansa
D. Dahil kulang ang bilang ng taon sa basic education sa ating bansa at
second class professionals ang tingin nila sa mga Pilipino

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

_____6. Kailan nilagdaan ang Washington Accord sa pagitan ng mga international


accrediting agencies?
A. 1989 B. 1990 C. 1991 D. 1982

_____7. Ang mga domestic helpers ay nagtratrabaho kahit sila ay may masamang
pakiramdam. Ano ang tawag sa kondisyon na ito kung saan sila ay sapilitang
pinagtatrabaho?
A. Crime B. Slavery C. Forced Labor D. Human Trafficking

_____8. Ayon sa International Labor Organization, ilang milyong kababaihan ang


biktima ng Forced labor?
A. 18 B. 19 C. 20 D. 21

_____9. Anong tawag o bansag sa lalaking asawa kung saan inaako niya lahat ng
responsibilidad sa tahanan pati na ang gawain ng isang ina?
A. Helper B. Employer C. Migrant Worker D. House husband

_____10. Bakit karamihan sa mga kababaihan ang siyang nangingibang bansa at


nagsisilbing katulong sa ibang mga pamilya?
A. Sapagkat nakakapagod ang mag-alaga ng anak
B. Sapagkat gusto nilang iwanan ang responsibilidad sa mga anak
C. Sapagkat gusto nilang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.
D. Sapagkat gusto rin nilang makapunta sa ibang bansa para mamasyal

____11. Sa tala ng “number of workers with contract”, pinakamarami ang mga


“landbased workers” bilang mga manggagawa na nangingibang bansa, anong
sitwasyon ang ipinapahiwatig nito?
A. Malakas ang employment rate sa bansa
B. Mataas ang unemployment rate ng bansa kaya nandarayuhan sila sa ibang
bansa.
C. Mataas ang pasahod sa kanila.
D. Maraming Professionals ang kailangan sa ibang bansa.

____12. Pagtuunan ang mga kalakip na isyu ng migrasyon particular ang mga banta
sa kalagayan ng mga migrante sa panganib sa Forced labor, human
trafficking at slavery. Subalit bakit pinipili pa rin ng karamihan na mangibang
bayan?
A. Maliit lamang ang pag-asa na makatikim ng pang-aabuso
B. Malimit lamang ang mga migrant workers ang nagiging biktima ng forced
labor.
C. Ang mga migranteng manggagawa ay nakapagpapadala ng libo-libong
dolyar na remittance nila sa kanilang pamilya para guminhawa ang
kanilang pamumuhay.
D. Wala pang nababalitaan ang mga migrante na biktima ng trafficking.

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

____13. Maraming mga Pilipino ang itinuring na Second Class Professionals ng ibang
bansa. Para makaagapay ang bansa ay ipinatupad ang K-12 kurikulum. Ano
ang inaasahan sa repormang ito?
A. Makakuha ng trabaho ang maraming manggagawang migrante .
B. Maraming Pilipinong Professional sa ibang bansa ay makakakuha na ng
trabahong akma sa kanyang kurso.
C. Maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa upang matugunan ang
suliranin sa kawalan ng trabaho sa bansa.
D. Mapantayan ang kalidad ng edukasyon ang Australia at Canada.

____14. Mas malaki ang bilang ng mga manggagawang nasa kategorya ng blue collar
job kesa sa white collar job. Ano ang nagiging bunga ng pag-alis ng mga nasa
“blue-colar job” sa mga bansang pinagmumulan nito?
A. Naiiwan ang mga mahuhusay na manggagawa dito.
B. Nauubusan ng mga skilled workers ang bansa.
C. Nauubos ang mga Professionals dito.
D. Yumayaman ang mga Pilipino.

____15. Ito ay isang kasunduang nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa


29 na mga bansa sa Europe na naglalayong iakma ang kurikulum ng bawat
isa upang ang mga nakapagtapos ay madaling matanggap sa mga bansang
lumagda. Ano ang tawag sa kurikulum na ito?

A. BEC Kurikulum C. K+12 Kurikulum


B. Bologna Accord D. Washington Accord

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Lakbayin

“Maarami ka pang kailangang malaman at intindihin sa mundo”.Ang linyang


ito ay halaw sa awiting pinasikat ng Apo Hiking Society na pinamagatang “Batang-
Bata Ka Pa”.

Ang ibig sabihin ay may mga bagay dito sa mundo na hindi mo maaaring
pakialaman dahil bata ka pa. Sa patuloy na paglaki mo, magbabago ang iyong
pananaw sa buhay. Magkakaroon ka ng pakialam sa lipunang kinabibilangan mo.
Maghahanap ka ng mga lugar o mga bagay na maaaring makapagdulot sa iyo ng
kapakinabangan na magdadala sa iyo sa kaunlarang minimithi sa buhay. Marami
sa mga mahal natin sa buhay ang nangingibang bansa para mapaunlad ang ating
buhay, mapaganda ang ating mga bahay at tayo ay mapag-aral nang mabuti. Subalit
ano kaya ang mga problemang kanilang kinakaharap sa ibayong dagat? Aalamin
natin sa modyul na ito sa ating paglalakbay sa ibayong dagat.

Aralin 1- Implikasyon ng Peminisasyon ng Migrasyon

Kaakibat ng migrasyon (ang pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pang lugar) ang pagbabago ng gampaning
pangkasarian sa isang pamilya. Malaki ang ginagampanan ng kababaihan sa
usaping migrasyon sa kasalukuyan. Sa nagdaang panahon, ang labour migration at
refugees ay binubuo halos ng mga kalalakihan.

Nang sumapit ang 1960, naging kritikal ang ginagampanan ng kababaihan sa


labour migration. Sa kasalukuyan, ang mga manggagawang kababaihan ng Cape
Verdians sa Italy, Pilipinas at Timig-Kanlurang Asya at Thais sa Japan ay
nagpapatunay rito.

Sinasabing kapag ang lalaki ang nangibang bansa, ang asawang babae ang
mas higit na umaako ng lahat ng mga gawaing pantahanan. Sa kalagayan ng
Pilipinas, kapag ang asawang babae ang nangibang bansa, pangkaraniwan nang
kumuha ng tagapag-alaga ang lalaki sa kanyang mga anak o ipagkatiwala ang ibang
pantahanang gawain sa kapatid na babae, sa magulang o di kaya ay sa mga kamag-
anak.

Sa pag-aaral na ginawa ni Raharto ( 2013) kapag ang lalaki ang nangibang


bansa hindi ito masyadong nakakaapekto sa pamilya kapag responsibilidad ang pag-
uusapan sa dahilan na patuloy na ginagawa ng babae ang kanyang responsibilidad
bilang asawa at nananatiling “breadwinner” ang lalaki. Subalit sa kaso ng Pilipinas
at Thailand, napag-alaman at lumalabas sa pag-aaral na malaki ang epekto kapag
ang isa sa magulang o pamilya ang nangibang bansa dahilan ito sa tradisyunal na
kaisipan ng nasabing bansa lalo na kung babae ang umalis.

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Sa kaso ng Pilipinas, tila nagkaroon ng kaso ng “house husband” kung saan


inaako na ng lalaki ang lahat ng responsibildad sa tahanan pati na ang gawain ng
isang ina. Hindi ito marahil makakaapekto sa kalagayang panlipunan ng mga lalaki
at unti-unti nang natanggap ng lipunan sa kadahilanang ito ay makapagpapabuti
sa kalagayan ng kani- kani-kanilang pamilya.

Mahalagang banggitin ng maraming bansa ang nagpapanukala na mabigyan


ng proteksiyon ang mga kababaihan na imigrante lalo na sa kondisyon ng bansa na
nais nilang puntahan. Halimbawa, ang bansang Bangladesh, na nagpanukala ng
tamang edad ng mga babaeng manggagawa, pagbabawal sa pagpasok bilang mga
domestic workers. Ito ay para maiwasan ang mga undocumented workers na laganap
sa iba’t ibang panig ng mundo.

Aralin 2- Mga Isyu Kalakip ng Migrasyon


2.1 Forced Labor, Human Trafficking and Slavery

Pagkakataon at panganib ang maibibigay ng migrasyon. Napakalinaw nito sa


pagdagsa ng mga migranteng manggagawa patungong Kanlurang Asya. Sa isang
banda, ang mga migranteng manggagawa ay nakapagpapadala ng libu-libong
dolyar na remittance. Malaki ang naitutulong nito sa pag-ahon ng kanilang pamilya
sa kahirapan, sa pagpapagawa ng bahay, panustos ng pag-aaaral at pambayad sa
mga gastusing pangkalusugan habang nakatutulong sa ekonomiya ng bansang
pinagtrabahuan. Sa kabilang banda naman ay may mga migranteng namamatay,
nasasadlak sa sapilitang pagtratrabaho (forced labor) at nagiging biktima ng
trafficking. Ang mga karanasan ng karamihan sa mga migrante ay nasa gitna ng
dalawang mukhang ito ng migrasyon.

Ang slavery o pang-aalipin ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan


ay itinuturing o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba. Inaari ang mga
alipin na labag sa kanilang kalooban mula ng sila ay nabihag, nabili o sinilang, at
inalisan ng karapatang magbakasyon at tumanggap ng sahod.

Marami sa mga domestic helpers ang napupunta sa maayos na trabaho.


Marami rin ang nahaharap sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso tulad ng hindi
pagtanggap ng sahod, pagkakulong sa bahay ng kanilang amo, hindi pagkain, at
seksuwal na pang- aabuso. Nakapagtala ang Human Rights Watch ng dose-
dosenang kaso kung saan ang mga kalagayang ito ay maihahambing sa kaso ng
forced labor, human trafficking at pang-aalipin.

Ayon sa tala ng International Labor Organization:


 Halos 21 milyon ng mga biktima ng forced labor, 11.4 milyon ay mga
kababaihan at 9.5 milyon naman ay kalalakihan.
 Umaabot sa 19 milyon ang biktima ng eksploytasyon ng pribadong indibidwal
at mga kompanya
 Sa mga biktima ng eksploytasyon, 4.5 milyon ay biktima ng eksploytasyong
sekswal
 Marami sa mga migrant workers at indigenous peoples ang nagiging biktima
ng forced labor

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

2.2 - Pag-aangkop sa Pamantayang Internasyunal

Hindi mapasusubalian ang pagbabagong pamantayang internasyunal dala ng


globalisasyon. Ilan sa mga ito ay kasunduan ng iba’t ibang mga bansa at samahang
internasyunal. Ilan dito ay ang Bologna at Washington Accord. Ang Bologna (Bo-Lo-
nya) Accord ay hango mula sa pangalan ng isang unibersidad sa Italya na University
of Bologna kung saan nilagdaan ng mga Ministro ng Edukasyon mula sa mga 29
na mga bansa sa Europe ang isang kasunduan na naglalayong iakma ang kurikulum
ng bawat bansa upang ang nakapagtapos ng kurso sa isang bansa ay madaling
matanggap sa mga bansang nakalagda rito kung siya man ay nagnanais na lumipat
dito. Dahil sa kasunduang ito, mabilis na maiakma ang kurikulum sa hinihinging
pagbabago ng industriya bukod pa sa mabilis na paglipat ng mga manggagawa at
propesyunal na siyang kinakailangan ng iba’t ibang mga kompanya at negosyo. Ang
Washington Accord na nilagdaan noong 1989 ay kasunduang pang-internasyunal
sa pagitan ng mga international accrediting agencies na naglalayong iayon ang
kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa.

Bunga nito, ang mga nagtapos ng engineering courses sa bansang hindi


accredited ay hindi makakapagtrabaho sa mga bansang miyembro nitotulad ng
Australia, Canada, Chinese Taipei, HongKong, Ireland, Japan, Korea, New Zealand,
Singapore, United Kindom, South Africa at USA

Sa makatuwid, ang engineering graduates sa Pilipinas ay hindi ituring na


engineer sa mga bansang nabanggit, dahil sa mga kasunduang ito, maraming mga
Pilipinong propesyunal sa ibang bansa ay hindi nakakakuha ng trabaho na akma
sa kanilang tinapos (job mismatch). Isa pang dahilan dito ay ang kakulangan ng
bilang ng taon sa basic education kaya naman second class professionals ang tingin
sa maraming mga Pilipino. Kung ihahambing sa ibang bansa, isa na lang ang
Pilipinas sa may pinakamaikling bilang ng taon ng basic education.

Bilang tugon ng pamahalaan ay ipinatupad ang K to 12 Kurikulum na


naglalayong iakma ang sistema ng edukasyon sa ibang bansa. Ito ay programang
ipinapatupad ng pamahalaan at ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong
tulungan ang ating mga kabataan at ang pantayan ang Sistema ng edukasyon, hindi
lamang sa Asya kung hindi pati na rin sa buong mundo.

Ang K+12 ang karagdagang grades 11 at 12 na nagnanais ihanda ang mga


mag-aaral pagkatapos ng high school, kung nais na nilang magtrabaho at hindi agad
magtuloy ng kolehiyo, o upang maging handa sa mundo ng pagnenegosyo, o ang
maging mas handa para sa kolehiyo mismo.

Inaasahan ng repormang ito na maiangat ang mababang kalidad ng


edukasyon sa bansa at matugunan ang suliranin sa kawalan ng trabaho
(unemployment).

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Galugarin

Gawain 1: Suri-realidad

Panuto: Kapanayamin gamit ang mga gabay na tanong ang mga kamag-anak mo na
nasa ibang bansa o pamilya ng mga nasa ibang bansa. Maaaring gamitin
ang cellphone ( mag text o messenger chats ) bilang paraan ng
pakikipanayam sa kanila.

1. Saang bansa naghahanap buhay ang inyong mga magulang o kaanak?


2. Kailan sila ngsimulang mangibang bansa at ano ang nagtulak sa desisyon nilang
ito?
3. Ilang taon na sila rito? Sila ba ay nagpaplano sa hinaharap na bumalik s bansa
at dito na lamang maghanap-buhay? Ipaliwanag.
4. Nang sila, o isa sa kanila ay umalis, sino na ang nag-aalaga at gumagabay sa
inyong magkakapatid?
5. Mahirap bang mamuhay kung ang mga magulang o isa sa kanila ay nagtatrabaho
sa ibang bansa? Maaring maglahad ng karanasan na magpapatunay rito.
6. Kung ikaw ay pagpipiliin, mas gugustuhin mo bang sa loob ng bansa na lamang
maghanapbuhay ang iyong mga magulang sa kabila ng hirap na maaari niyong
maranasan? Ipaliwanag ang sagot.
7. Nakikita mob a ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawasa ibang
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.
8. Nakabuti ba ang pangingibang bayan ng iyong mga magulang? Ipaliwanag.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong masasabi tungkol sa gawain?
2. Magkakatulad ba ang naging reasiyon ng mga anak na ang mga magulang ay
naghahanapbuhay sa ibang bansa?
3. Pinatunayan ba nito na ang mga isyu ng Migrasyon ay nararanasan ng maraming
Pilipino?
4. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, , higit bang nakabubuti o nakasasama
sa pamilya ang pangingibang-bansa ng mga magulang?
5. Nakikita mo ba ang iyong sarili sa hinaharap bilang isang manggagawa sa ibang
bansa? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Gawain 2- Concept Mapping (Petal-Web)


Panuto: Isulat sa loob ng petals ang mga iba’t ibang epekto ng migrasyon sa
aspektong panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan. Ipaliwanag ang
inyong sagot.

2___________
____________
____________
____________

Gawain 3-Migrasyon - May Solusyon!


Batay sa inyong nabasa, ano ang inyong saloobin tungkol sa epekto ng mga
sumusunod na isyus. Paano ninyo ito mabibigyang solusyon?
A) Peminisasyon ng Migrasyon?
B) Forced Labor
C) Human Trafficking
D) Slavery

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Panuto: Isulat ang inyong sagot sa loob ng ulap.

A.___________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

B.___________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

C._________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________
___________________________________________

D.____________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

10

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Gawain 4 - Nabasa Mo, Isulat Mo!

Panuto: Isulat sa loob ng mga kahon ang mga titik ng salitang inilalarawan sa
bawat bilang.
1. Ang _________ay isang uri ng sapilitang paggawa na kung saan ay itinuturing
o tinatrato ang isang tao bilang pagmamay-ari ng iba.

2. Bansag sa mga manggagawang Pilipinong professionals sa ibang bansa dahil sa


kakulangan ng bilang ng taon sa basic education.

3. Tinaguriang ilaw ng tahanan.

4. Karaniwang sila ang nangingibang bansa at nakadadanas ng pang-aabusong


sekswal.

5. Tawag sa sapilitang pagtatrabaho ng mga domestic helpers sa ibang mga bansa


na kahit sila ay may sakit, kailangan pa rin nilang magtrabaho.
-----
-

6. Ang ______________ ay ang pagbebenta sa mga kababaihan para gawing alipin,


pagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan at eksploytasyon kung saan karamihan
sa mga gumagawa nito ay mga dayuhan.
-----

7. Malimit na mga ________________________ at indigenous peoples a ng nagiging


biktima ng forced labor.
------

11

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

8. Maliban sa mga kababaihan, ang mga _____________ay nagiging biktima rin ng


forced labour kung saan mayroong nakatalang 9.5 milyong kaso ang
International Labor Organization.

9. Ang mga Pilipino sa ibang bansa ay nakakuha ng trabaho na di akma sa


kanilang tinapos. Ibang uri ng trabaho ang napagkasunduan sa kontrata dulot
ng kakulangan ng bilang ng taon sa basic education.
____

10. Isa sa pangunahing problema ng bansa sa kasalukuyan dahil sa kawalan ng


trabaho ng mga mamamayan na titatawag na________________.

12

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Palalimin

Gawain 1 – Saloobin Mo, Ipahayag Mo!


Panuto: Batay sa iyong sariling kaalaman at abilidad,ipahayag ang inyong saloobin
sa mga sumusunod na isyung kalakip ng migrasyon. Isulat ang inyong kasugatan
sa loob ng kahong nakatakda sa bawat bilang.

A. Unemployment / Kawalan
ng trabaho

B. Job -mismatch

C. Forced Labor

D. Human Trafficking

13

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Gawain 2- Alay Ko sa Bayan!

Panuto: Bumuo ng isang tula na nagpapahayag ng inyong mga saloobin at


solusyon sa mga iba’t ibang epekto ng migrasyon.(10 puntos) Gumamit ng
isang malinis na papel bilang sagutang papel.

Mga Pamantayan sa Pagpupuntos:

Kontent-5; Bantas/Gramatika-3; Kalinisan-2

14

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

Sukatin

Tapusin ang modyul na ito sa pamamagitan ng pagsagot sa


mga tanong sa ibaba.

Panuto: Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

____1. Maraming kasunduan ang nilagdaan sa larangan ng edukasyon. Ano ang


tawag sa kasunduang pang-internasyunal sa pagitan ng mga international
accrediting agencies na naglalayong iayon ang kurikulum ng engineering
degree programs sa iba’t ibang kasaping bansa?
A. Bologna Accord B. K+12 Kurikulum C. SDEP D. Washington Accord

____2. Ang bansa ay nahaharap sa iba’t ibang suliraning may kaugnayan sa


migrasyon. Bakit itinuturing ang migrasyon bilang isang isyung political?
A. Ang mga polisiya tungkol sa pambansang seguridad ay naapektuhan ng
isyu ng migrasyon.
B. Nagkakaroon ng malaking kontribusyon ang mga tao sa larangang pang-
ekonomiko.
C. Binabago ng mga tao ang nakasanayang kultura dahil sa impluwensya ng
ibang lahi.
D. Mas lalong tumitibay ang kolonyal na mentalidad ng mga tao.

____3. Sa konteksto ng Pilipinas, malaki ang bahaging ginampanan ng mga OFW


sa larangang pang-ekonomiya. Sila ay itinuturing na makabagong bayani ng
ating bansa. Ano ang kanilanag kontribusyon dito?
A. Malaki ang naipapadalang dolyar ng mga Pilipino sa ating bansa bilang
kabayaran sa pagpunta nila sa ibang bansa.
B. Malaki ang naipapadalang dolyar ng mga OFW sa kanilang kamag-anak sa
bansa na nag-aambag naman sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.
C. Nakapagpapadala ang ating mga OFW ng maraming package sa kanilang
mga iniwang kamag-anak dito.
D. Nagba buy-and-sell ang mga kababayan natin sa ibang bansa sa mga
second hand na gamit upang may maipadala sila sa kanilang mga kamag-
anak.

____4. Sa top 10 destination ng mga OFW ay karamihan sa mga bansa ring Asyano
gaya ng Saudi Arabia, Qatar at Singapore. Sa inyong palagay, bakit sa mga
bansang ito sila nagpupunta?
A. Mabilis ang paggalaw o pagdaloy ng migrasyon sa mga bansang nabanggit.
B. One entry lamang ang mga bansang nabanggit kaya malaki ang pasahod.
C. Malapit lamang ito sa Pilipinas
D. Maraming Pilipino ang nakatira dito.

15

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

____5. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maganda ang kinalabasan ng mga


nandarayuhan sa ibang lugar. Alin sa mga migrante ang mabibigyan lamang
ng proteksiyon sakaling magkaroon ng hindi magandang kondisyon sa lugar
na kanilang pinuntahan .
A. Undocumented workers
B. Mga manggagawang dumaan sa direct hiring
C. Mga dokumentadong manggagawa
D. Mga migranteng dumaan sa mga recruitment agency na wala sa listahan
ng POEA.

_____6. Alin ang tumutukoy sa proseso ng paglipat mula sa isang lugar o


teritoryong politikal patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o
permanente?
A. Globalisasyon B. Migrasyon C. Pag-abroad D. Paglipat-bahay

_____7. Bakit nilagdaan ang Bologna Accord?


A. Upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon
B. Upang madaling makapunta sa mga bansang kasapi dito
C. Upang makasabay sa pandaigdigang pamantayan ng edukasyon.
D. Upang maiakma ang kurikulum ng bawat bansang kasapi kapag
nagtapos ng kurso sa isang bansa ay medaling matanggap sa mga
bansang nakalagda rito.

_____8. Bakit mahalaga ang Washington Accord?


A. Upang mapanatili ang kalidad ng edukasyon
B. Upang madaling makahanap ng trabaho ang mga mamamayan ng
bansang kasapi sa kasunduan.
C. Upang iayon ang kurikulum ng engineering degree programs sa iba’t
ibang kasaping bansa.
D. Upang maiakma ang kurikulum ng bawat bansang kasapi kapag
nagtapos ng kurso sa isang bansa ay medaling matanggap sa mga
bansang nakalagda rito.

_____9. Aling kurikulum ang ipinapatupad ng Pilipinas na naglalayong iakma ang


sistema ng edukasyon sa ibang bansa?
A. BEC B. RBEC C. Bologna Accord D. K to 12 Curriculum

_____10. Bakit ang mga Pilipinong nangibang bansa na nagtapos sa kursong


medisina at iba pang propesyon ay hindi makapagtrabaho bilang doktor
sa ibang bansa?
A. Dahil mas mataas ang kalidad ng edukasyon sa ibang bansa
B. Dahil mababang uri ng mamamayang ang tingin nila sa mga Pilipino
C. Dahil may mga Pilipino ay hindi nababagay sa mataas na uri ng trabaho
sa ibang bansa
D. Dahil kulang ang bilang ng taon sa basic education sa ating bansa at
second class professionals ang tingin nila sa mga Pilipino

16

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


lOMoARcPSD|32546948

_____11. Kailan nilagdaan ang Washington Accord sa pagitan ng mga international


accrediting agencies?
A. 1989 B. 1990 C. 1991 D. 1982

_____12. Ang mga domestic helpers ay nagtatrabaho kahit sila ay may masamang
pakiramdam. Ano ang tawag sa kondisyon na ito kung saan sila ay
sapilitang pinagtatrabaho?
A. Crime B. Slavery C. Forced Labor D. Human Trafficking
_____13. Ayon sa International Labor Organization, halos ______milyong tao ay
biktima ng forced labor at karamihan sa mga ito ay kababaihan.
A. 18 B. 19 C. 20 D. 21

_____14. Katawagan o bansag sa lalaking asawa kung saan inaako niya lahat ng
responsibilidad sa tahanan pati na ang gawain ng isang ina.
A. Helper B. Employer C. Migrant Worker D. House husband

_____15. Bakit karamihan sa mga kababaihan ang siyang nangingibang bansa at


nagsisilbing katulong sa ibang mga pamilya?
A. Sapagkat nakakapagod ang mag-alaga ng anak
B. Sapagkat gusto nilang iwanan ang responsibilidad sa mga anak
C. Sapagkat gusto nilang maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.
D. Sapagkat gusto rin nilang makapunta sa ibang bansa para mamasyal

Magaling! Tapos ka na sa iyong modyul!

17

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)


Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)
18
Simulan Sukatin
1. B 6. A 11. B 1. D 6. B 11. A
2. D 7. C 12. C 2. A 7. D 12. C
3. C 8. D 13. B 3. B 8. C 13. D
4. D 9. D 14. B 4. A 9. D 14. D
5. D 10. C 15. B 5. C 10.D 15. C
Galugarin
Gawain 1- (1-7) Depende sa sagot ng mga mag-aaral
Pamprosesong Tanong- (1-7) Depende sa sagot ng mag-aaral
Gawain 2- Concept Mapping
-Depende sa sagot ng mag-aaral
Gawain 3- Migrasyon may Solusyon
-(A-D)- Depende sa sagot ng mag-aaral
Gawain 4- Nabasa Mo, Ilista Mo!
1. slavery
2. second-class professionals
3. ina
4. kababaihan
5. forced-labor
6. human-trafficking
7. migrant-workers
8. kalalakihan
9. job-mismatch
10. unemployment
Palalimin
Gawain 1- Saloobin Mo, Ipahayag Mo!
-(A-D)-Depende sa sagot ng mag-aaral
Gawain 2- Alay Ko sa Bayan!(Tula)
-Depende sa sagot ng mag-aaral
Susi sa Pagwawasto
lOMoARcPSD|32546948
lOMoARcPSD|32546948

Sanggunian
A. Mga Aklat

 Department of Education. Araling Panlipunan 10 Materyal Pagsasanay,


Learners Module 2017.

B. Iba pang Sanggunian

 https://images.app.goo.gl/AyCPpppuimkusk7Nt8
 https://images.app.goo.gl/88aAMvYiXeptDVrz6
 https://www.google.com/imgres?imgurl=%3A%2Fimage.slidesharerecdn.com
@%2Fy2170613052024%2F95-10-migrasyon-
1638.jpg3%Fcb%3D1497331264&imgrefurl=https%3A%2F-migrasyon

19

Downloaded by Abegail Abe (zenqdumbasf@gmail.com)

You might also like