GRADE 4 First Quarter Examination in Filipino

You might also like

You are on page 1of 6

REGION VIII – EASTERN VISAYAS

SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY


ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY

UNANG MARKAHANG LAGUMANG PAGSUSULIT


GRADE 4 – FILIPINO

TALAHANAYAN NG ESPISIPIKASYON

Bilang ng Kinalalagyan
Mga Layunin Code Bahagdan
Aytem ng Bilang
Natutukoy ang mga elemento ng
F4PS-Ia-97 5 1-5
kuwento.
Natutukoy ang bahagi ng binasang
kuwento – simula, kasukdulan, F4p8-Ii-24 4 6-9
katapusan
Nasagot ang mga tanong sa nabasang
F4PB-1a-d-3.1,
kuwento, tekstong pang-impormasyon 5 10-14
F4PN-1
at short messaging text (SMS)
Naipahayag ang sariling opinion o
reaksyon sa isang napakinggan isyu o F4P5-Id-i-1 4 15-19
usapan
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip (pananong)- isahan-
F4WG-Ifg-j-3 7 20-26
maramihan sa usapan at pagsasabi
tungkol sa sariling karanasan
Nagagamit ang iba’t ibang uri ng
panghalip sa usapan at pagsasabi F4WG-Ifg-j-3 4 27-30
tungkol sa sariling karanasan.
Naipahayag ang sariling opinion o
reaksyon sa isang napakinggan isyu o F4P5-Id-i-1 5 31-35
usapan
Naibibigay ang kahulugan ng salita sa
F4PT-Ig-1.4 5 36-40
pamamagitan ng kasingkahulugan

UNANG MARKAHANG LAGUMANG PAGSUSULIT


GRADE 4 – FILIPINO

I.A. Panuto: Basahin ang mga tanong at sagutin. Piliin ang tamang sagot at itiman ang titik ng iyong
sagutang papel .
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY

1. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy sa mga gumaganap sa kuwento?
a. panimula b. tauhan c.tagpuan d.wakas

2. Alin sa mga sumusunod na bahagi ng kuwento ang tumutukoy kung saan ito naganap?
a. panimula b. tauhan c.tagpuan d.wakas

3. Ano ang tawag sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento?


a. panimula b. tauhan c.tagpuan d.wakas

4. Kung ang panimula ay nagsasabi kung saan at paano nagsimula ang kuwento, ano naman
ang wakas?
a. Ito ay bahagi ng kuwento kung saan unti-unti nang naaayos ang problema.
b. Ito ay nagsasabi kung paano nagwakas o natapos ang kuwento.
c. Ito ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan.
d. Dito nangyayari ang problema sa kuwento.

5. Si Aling Marta ay pumunta ng palengke. Si Aling Marta ay anong bahagi ng kuwento?


a. panimula b. tauhan c.tagpuan d.wakas

B. Panuto: Para sa aytem 6-9. Basahin ang mga halimbawa ng mga elemento ng kuwento sa loob ng
kahon, Pagkatapos, ibigay ang hinihinging sagot sa pamamagitan ng pagsulat ng pag itim ng titik sa
sagutang papel.

A. Kamila, Jose, Agos, mag- asawang magsasaka


B. Sa isang malawak na lupain, Sa tabing ilog, Sa ilalim ng Dagat
C. Sa katagalan sila’y naging magkaibigan kahit saan man sila magkita. Patuloy na nilalagay sa puso ni
Kambing ang nagawang tulong sa kanya ni Kalabaw.
D. Noong unang panahon may isang batang napakabait na lumaki lamang sa Lolo at Lola. Ang kanyang
pangalan ay si Ronie, anim na taong gulang.
6. Ito ang mga halimbawa ng mga tauhan sa kuwento.
7. Ito ay maituturing na wakas ng kuwento.
8. Masasabi itong panimula ng kuwento.
9. Ito ang pinangyarihan ng kuwento.

C. Panuto: Basahin ang maikling kuwento. Piliin ang titik ng tamang sagot.

Ako si Zenya, sampung taong gulang. Nakatira kaming mag-anak sa aming bukid. Payak amn ang
buhay doon kami ay masaya dahil kami ay nagmamahalan. Tulong-tulong sa lahat ng Gawain upang
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY
trabaho ay mapagaan. Araw-araw ay masusustansiyang pagkain ang nasa hapagkainan upang wastong
kalusugan tiyak na makakamtan. Wala na akong hahanapin pa sa aking pamilya na kadaki-dakila.

10. Sino ang nagkuwento?


A. Marko B. Zenya C. Apol D. Ali
11. Ilang taong gulang si Zenya?
A. Sampu B. Siyam C. Anim D. Lima
12. Saan sila nakatira?
A. probinsiya B. siyudad C. bayan D. bukid
13. Bakit sila masaya?
A. dahil sila ay nagmamahalan B. dahil sila ay nagtutulungan
C. dahil sila ay nagdadamayan D. lahat nang nabanggit
14. Ano ang araw-araw na nasa hapag-kainan?
A. masusustansiyang pagkain
B. masusustansiyang prutas
C. masusustansiyang gulay
D. masusustansiyang isda

D. Panuto: Ipahayag ang iyong sariling opinyon o reaksyon sa sumusunod na isyu o usapan sa
pamamagitan ng pag-itim ng mga titik sa napilli mong sagot.

a. Tama b. Siguro c. Mali d. Pwede

15. Ang pagkakaingin ay nakasisira ng ating kalikasan.


16. Kapag naglalakad ka habang inaawit ang Lupang Hinirang ay tandang ating pagmamahal sa bayan.
17. Ang pagtulong sa kapwa sa oras ng pangangailangan ay isang Magandang kaugalian nating mga
Pilipino.
18. Ang patuloy na pangingibang bansa ng ating mga kababayan ay di nakapagbibigay ng magandang
ekonomiya sa ating bansa.
19. Nakapagbibigay ng kahit kaunting kaginhawaan sa buhay kapag nakatatanggap tayo ng mga ayudang
galing sa ating pamahalaan sa panahon ng krisis na ating kinakaharap.

E. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang sumusunod na mga tanong. Buuin ang mga ito
gamit ang wastong panghalip na pananong at panao.

20. Alagaan ________ ang ating kalusugan kontra pandemya.


A. namin B. natin C. niya D. ko
21. ________ ay dapat mag-ingat sa nakamamatay na Coronavirus. Paalaala ng
Kagawaran ng Kalusugan.
A. Kami B. Tayo C. Sila D. Ako
22. ________ ang mga nanood ng parada?
A. Sino-sino B. Ilan-ilan C. Sino D. Ilan
23. _________ karosa raw ang kasama sa parada?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY
A. Magkano B. Kanino C. Gaano D. Ilan
24. __________ ang ginamit ng mga karosa sa paghila ng kabayo?
A. Magkano B. Gaano C. Sino D. Ano
25. _________ ang mga nagpaligsahan kung aling karosa ang mananalo?
A. Magka-magkano B. Kani-kanino C. Sino-sino D. Ano-ano
26. _________ umikot ang parada?
A. Kani-kanino B. Saan-saan C. Kanino D. Ilan

F. Punan ng wastong panghalip panao ang bawat salaysay. Pumili ng sagot sa kahon.

Isa sa 27. ___________ karanasan na hindi ko makakalimutan ay nang magpunta 28.___________


sa Balite Falls. 29 ___________ at ang aking mga kaibigan ay masayang naglangoy sa malinis na tubig
habang si Ben ay nag-iihaw ng isda na 30. ___________ kakainin.

a. Aming b. aking c. kamid. ako

G. Panuto: Piliin ang pinakaangkop na sagot. Itiman ang titik ng napiling sagot.
31. Ibinalita sa radyo na bawal lumabas ng bahay dahil sa kumakalat na virus na nagdudulot ng sakit. Ano ang
gagawin mo?
a. Makinig sa babala na hindi lalabas ng bahay
b. hindi susunod at isasawalang bahala lamang ito.
c. lalabas ng bahay at pupunta kahit saan.
d. lalabas ng bahay at makikipag-usap sa kapit-bahay.

32. Inutusan ka ng nakatatanda mong kapatid na pumunta sa palengke. Ngunit, ang sabi sa balita ay bawal ang mga
menor de edad na lumabas ng bahay. Ano ang gagawin mo?
a. susundin ang utos ng nakatatandang kapatid.
b. hindi susunod sa utos ng kapatid at magpapaliwanag na bawal lumabas dahil ipinag-uutos ng gobyerno.
c. magpalaboy-laboy sa labas ng kalye kahit ipinagbabawal
d. susundin ang kapatid dahil pagkakataon na para lumabas ng bahay.

33. Nakita mong nag-iinuman sa kalye ang iyong mga kapitbahay. Alam mong ipinagbabawal ito. Ano ang sasabihin
mo?
a. Pagsabihan na bawal mag-inuman dahil kung hindi ay malalagot sila sa batas ng pamayanan.
b. hindi na lamang ito papansinin.
c. tatawagin ang Tatay at pagsasabihan na makipag-inuman sa kapitbahay
d. makiki-usisa sa mga nag-iinuman

34. Kailangang dalhin ni MJ ang kanyang bunsong kapatid sa ospital dahil sa mataas nitong lagnat. Subalit walang
iabng magdadala dahil nagtatrabaho ang kanyang mga magulang. Ano ang iyong gagawin?
a. Hihingi ng tulong sa mga kapitbahay na dalhin ang kanyang kapatid sa ospital.
b. hihintayin ang mga magulang na dumating bago ito dalhin sa ospital
c. hahayaan na lamang dahil mamaya’t maya’y gagaling naman ito.
d. hindi ko na pakikialaman dahil bawal ang lumabas ng bahay.
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY

35. Isang umaga ay nakasalubong ni Mabel ang kanyang kaibigan na nasal abas at naglalaro. Hindi alam ng kanyang
kaibigan na bawal lumabas dahil wala silang telebisyon o radyo. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Namnam, diyan ka lang sa labas at maglaro
b. Tawagin mo ang iba nating kasamahan at maglaro tayo ng tumbang preso.
c. Alam mo bang pinagbabawalan lumabas ang sinuman sa kani-kanilang bahay dahil sa kumakalat na sakit?
d. Lalabas ako at makikipaglaro

H. Panuto: Ibigay ang mga salitang initiman at may liny ana ginamit sa pangungusap. Itiman ang titik sa sagutang
papel.
36. Sa paghahanap ng salita, anong bahagi ng diksyunaryo ang makatutulong sa iyo?
a. pamatnubay na salita c. pabalat
b. kahulugan d. sunod-sunod

37. Ang mga salita sa diskyunaryo ay may _____________ na kahulugan.


a. pormal na kahulugan c. di-pormal
b. payak na kahulugan d. sunod-sunod
38. Isa sa mga inaasam ng aking ina ang makapagpatayo ng isang maliit na tindahan.
a. proseso ng pagpapaunawa ng isang ideya o konsepto.
b. halaga ng pera na nakalaan bilang pondo sa isang gawain o pangangailangan
c. permanenting estado ng panunuluyan
d. pangarap na nais makamit o matamo

39. Ngumunguya ng dahon ang kambing dahil sa gutom.


a. isang uri ng maliit na butas sa lupa o taguan ng mga hayop
b. nagtatama ang mga ngipin sa bibig
c. naalis sa puwesto o kinatatayuan
d. lupa sa paligid ng isang anyong-tubig tulad ng dagat at ng ilog

40. Sa kalupi ni Gina inilagay ang sukling pera na ipinambili niya ng laruan.
a. bag c. bayong
b. bulsa d. pitaka

Inihanda ni:
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com
REGION VIII – EASTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF ORMOC CITY
ORMOC CITY DISTRICT VIII
LIBERTY INTEGRATED SCHOOL
BRGY. LIBERTY, ORMOC CITY

RICA MAE O. RECOSANA


Guro

________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

School ID : 502292
Address: Barangay Liberty, Ormoc City, Leyte
Contact Number : 0912-6456-743
Email : libertyintegratedschool@gmail.com

You might also like