You are on page 1of 16

Panimula

Ang papel na ito ay tumatalakay sa susuriing kurikulum sa Filipino ng ika 10

baitang . Sinasaklaw nito ang pagtuturo ng Filipino na malinang ang kakayahang

komutatibo,reflektibo/mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan ng

mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa

pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural na literasi, at patuloy na

pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Isinaalang-alang sa pagbuo ng kurikulum ang pangangailangang panlipunan,

lokal at global na pamayanan, maging ang kalikasan at pangangailangan ng mga

mag-aaral. Pinagbatayan din ang mga legal na batas pang-edukasyon, at mga

teoryang pilosopikal ng edukasyon at wika nina Jean Piaget (Developmental Stages

of Learning), Leo Vygotsky (Cooperative Learning), Jerome Bruner (Discovery

Learning), Robert Gagne (Heirarchical Learning ), David Ausubel

(Interactive/Integrated Learning),Cummins (Basic Interpersonal Communication

Skills-BICS at Cognitive Academic Language Proficiency Skills-CALPS) at ng ating

pambansang bayaning si Dr. Jose P. Rizal na nagsabing “nasa kabataan ang pag-

asa ng bayan”. Dahil ang Filipino ay nasa disiplina ng wika, pinagbatayan ang mga

teorya sa kalikasan at pagkatuto ng wika, mga teorya / simulain sa pagsusuring

panliterasi at mga pagdulog sa pagtuturo ng wika (W1, W2, W3) at pagtuturo ng mga

akdang pampanitikan at tekstong palahad.

Sa dulo ng Baitang 10, naipamamalas ng magaaral ang kakayahang

komunikatibo, replektibo/ mapanuring pag-iisip at pagpapahalagang pampanitikan sa

tulong ng mga akdang rehiyonal, pambansa at salintekstong Asyano at pandaigdig

upang matamo ang kultural na literasi.


II- Contextual Background

Isang malaking pagbabago sa landscape ng pang-edukasyon ng ating bansa ng

Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ay paglulunsad ng K-12 na kurikulum.

Ang K-12 ay isang programa ng pamahalaan sa ating edukasyon. Ito ay mayroong

layunin na dagdagan ang bilang ng taon ng pag aaral. Sa paraang ito, nagkakaroon

din ng dagdag kaalaman ang mga mag aaral. Ito ay nagbunga ng pagkakaroon ng

senior at junior high school. Apat na taon ang kailangan tapusin bago ang kolehiyo.

Ang mga ibang bansa lalo sa kanluran ay matagal nang may K-12 na uri ng

edukasyon. Dahil dito, hindi malayong isipin na mayroon silang sapat na karanasan

na wala ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng K-12, nagkakaroon ng dagdag na

tracks at expertise ang mga mag-aaral. Nabibigyan din sila ng panahon na pumili ng

kurso sa kolehiyo.

Ang K-12 Kurikulum ay nagpapakita ng "holistically binuo na mga mag-aaral na may

mga kasanayan sa ika-21 siglo" (Deped Primer, 2011). Sa pangunahing

pangunahing programa ng edukasyon na ito ay "kumpletong pag-unlad ng tao sa

bawat nagtapos. Ito ay nangangahulugang nangangahulugan na ang bawat mag-

aaral ay magkaroon ng pag-unawa sa mundo sa paligid niya at isang pagnanasa sa

pag-aaral ng mahabang buhay habang tinutugunan ang mga pangunahing

pangangailangan sa pagkatuto ng mag-aaral: sa pang-araw-araw na buhay. Bilang

karagdagan, ang bawat nagtatapos ay inaasahang magkakaroon ng paggalang sa

karapatang pantao at nais nilang maging " Maka-Diyos, Maka-tao, Makabansa,

Maka-kalikasan ".
III- Mga layunin at layunin ng kurikulum

Nilalayon ng kurikulum na maipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang

komunikatibo, mapanuring pag-iisip, at pag-unawa at pagpapahalagang

pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang

pampanitikang pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na literasi.

Inaasahang mauunawaan at mapahahalagahan ng mag-aaral sa baitang 10

ang mga akdang pampanitikang nakaimpluwensya sa buong daigdig tulad ng

mitolohiya ng Rome,sanaysay ng Greece ,parabulang mula sa Syria, nobela at

maikling kwento ng France,epiko ng Mesopotamia at tula ng Egypt. Malilinang rin

ang kasanayan sa gramatika at retorika. Masusing mapag-aaralan ang mga

pandiwang ginagamit sa pagpapapahayag ng aksiyon,karanasan at

pangyayari,ekspresyon sa pagpapahayag sa konsepto ng pananaw, mga piling

pang-ugnay sa pagsasalaysay,panghalip bilang panuring sa mga tauhan,mga hudyat

sa pagsusunod sunod ng mga pangyayari,pagpapahayag ng mga

emosyon,paggamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad. Pagkatapos mapag-

aralan ang lahat ng mga ito, malalaman kung paano nakatutulong ang paggamit ng

mga angkop na gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga

tekstong nagbibigay ng impormasyon (panitikan at iba’t ibang uri ng teksto).

Mapatutunayan kung masasalamin ba ang kaugalian, uri ng pamumuhay,

paniniwala at kultura ng mga bansa sa Mediterranean sa kanilang mga akdang

pampanitikan. Maihahambing ang mga banyagang panitikan sa ating sariling

panitikan.

Nilalayon sa ikalawang markahan na ang panitikan ng ilang bansa sa

Kanluran at South America na tumutukoy sa malaking bahagi ng panitikan mula sa


ancient era tungo sa kasalukuyang panahon ng Indo-Europeo ay binubuo ng

English, Español, French, Italy, at Russia na pawang ang pinagmulan ng kanilang

pamanang panitikan ay sa sinaunang Greece at Rome. Ang naturang pamanang ito

ay pinangalagaan at kalaunan ay nagbagong-anyo sa pamamagitan ng paglaganap

ng Kristiyanismo. Nagpalipat- lipat ito sa buong kontinente ng Europe hanggang sa

umabot sa mga bansa sa Kanluran. Mula noon hanggang ngayon, masasalamin sa

panitikan ng mga bansa sa Kanluran ang pagkakaisa sa kanilang mga tema o

paksain at ang pagkakabuo ng kanilang mga akda na nagbigay ng sarili nilang ang

pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan tulad ng talumpati,

dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling kuwento na mula sa mga bansa sa

Kanluran. Mapag-aaralan rin dito ang pagpapalawak ng pangungusap, paggamit ng

salitang nagpapahayag ng pangyayari at damdamin, wastong gamit ng iba’t ibang uri

ng pokus tulad ng pokus tagaganap, layon, pinaglalaanan, kagamitan, ganapan, at

sanhi. Mauunawaan rin ang mabisang paggamit ng matatalinghagang pananalita at

ng mga pahayag sa pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring

pampanitikan.

Makikita sa kurikulum guide ang malawak na mga layunin at pamantayan ng

edukasyon sa pamamagitan ng pagtukoy at pagtaklakay sa mga isyu at panitikang

pandaigdig na nagpapalawak at nagpapamulat sa mga mag-aaral. Sa pamamagitan

ng mga layuning ito ay mas lumalim ang target at aralin na nagsilbing gabay para sa

mga guro at mag-aaral. May mga layunin din na hindi natatamo ng mga mag-aaral

na nasa heterogeneus na seksyon na kung saan ay kinakailangang magawan ng

paraan sa pamamagitan ng paggamit ng ibang estratehiya upang matamo ang

nasabing layunin.
IV. Disenyo ng Kurikulum

Ang una at ikalawang kuwarter sa Filipino 10 ay tumatalakay sa mga akdang

pampanitikang naka-impluwensya sa buong daigdig,tulad ng mitolohiya ng

Rome,sanaysay ng Greece ,parabulang mula sa Syria, nobela at maikling kwento ng

France,epiko ng Mesopotamia at tula ng Egypt. Malilinang rin ang kasanayan sa

gramatika at retorika. Masusing mapag-aaralan ang mga pandiwang ginagamit sa

pagpapapahayag ng aksiyon,karanasan at pangyayari,ekspresyon sa

pagpapahayag sa konsepto ng pananaw, mga piling pang-ugnay sa

pagsasalaysay,panghalip bilang panuring sa mga tauhan,mga hudyat sa

pagsusunod sunod ng mga pangyayari,pagpapahayag ng mga emosyon,paggamit

ng mga pananda sa mabisang paglalahad. Pagkatapos mapag-aralan ang lahat ng

mga ito, malalaman kung paano nakatutulong ang paggamit ng mga angkop na

gramatika at retorika sa pag-unawa at pagpapahalaga sa mga tekstong nagbibigay

ng impormasyon (panitikan at iba’t ibang uri ng teksto).

Ang ikalawang markahan naman ay tumatalakay sa ilang akdang panitikan ng ilang

bansa sa Kanluran at South America na tumutukoy sa malaking bahagi ng panitikan

mula sa ancient era tungo sa kasalukuyang panahon ng Indo-Europeo ay binubuo

ng English, Español, French, Italy, at Russia na pawang ang pinagmulan ng kanilang

pamanang panitikan ay sa sinaunang Greece at Rome.

Lilinangin sa kuwarter na ito ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang

pampanitikan tulad ng ng talumpati, dagli, nobela, mitolohiya, tula, dula at maikling

kuwento na mula sa mga bansa sa Kanluran. Mapag-aaralan rin dito ang

pagpapalawak ng pangungusap, paggamit ng salitang nagpapahayag ng pangyayari

at damdamin, wastong gamit ng iba’t ibang uri ng pokus tulad ng pokus tagaganap,
layon, pinaglalaanan, kagamitan, ganapan, at sanhi. Mauunawaan rin ang mabisang

paggamit ng matatalinghagang pananalita at ng mga pahayag sa pagsang-ayon at

pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring pampanitikan.

Natuklasan na ang mga nilalaman na aralin sa kuwarter 1 at kuwarter 2 ay

may pagkakaugnay ang daloy ng mga akdang pampanitikan ,magkaiba lamang Sa

mga bansang pinagmulan nito at makikita rin na ang mga retorika at gramtikang

pinag-aaralan ay lumalalim na antas ng pag-iisip ang kinakailangan upang matamo

ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa ganitong paraan nakadepende sa guro ang

estratehiyang kanyang gagamitin sa pagtamo ng target na kaalaman na hinihingi ng

kurikulum.

V-PAGSUSURI NG NILALAMAN

Ang nilalaman ng kuwarter 1 at kuwarter 2 ng Filipino 10 ay naka-angkla sa

pandaigdigang panitikan na may mga paksang mitolohiya na Cupid at Psyche,

Angkop na gamit ng pandiwa,sanaysay na Alegorya na Yungib,Mga Ekspresiyon sa

Pagpapahayag ng mga Pananaw, Parabula na Ang Tusong Katiwala, Mga Piling

Pang-ugnay sa Pagsasalaysay, Maikling Kuwento na Ang Kuwintas, Panghalip

bilang Panuring sa mga tauhan, Nobela na Ang Kuba ng Notre Dame, Mga Hudyat

sa Pagsusunod ng mga Pangyayari, Tulang Ang Tinig ng Ligaw na Gansa,

Pagpapahayag ng Emosyon at Saloobin, Epiko ni Gilgamesh, Mga Pananda sa

Mabisang Paglalahad ng Pahayag at sa kabilang naman sa Kuwarter 2 ay ang mga

talumpati ni Dilma Roussff sa kanyang inagurasyon, Kaisahan at kasanayan sa

pagpapalawak ng pangungusap, Dagling Ako Po`y Pitong Taong Gulang, Mga

Salitang Nagpapahayag ng Pangyayari at Damdamin, Nobelang Ang Matanda at

Ang Dagat, Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagtutol sa Pagbibigay ng puna o


Panunuring Paampanitikan, Mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng mga

Higante, Paggamit ng wastong Pokus ng Pandiwa: Tagaganap at Layon sa

Pagsusuri, Tulang Lirikong Ang Aking Pag-ibig, Mabisang Paggamit ng

Matatalinghagang Pananalita, Dulang, Sintahang Romeo at Juliet, Pokus sa

kagamitan at Pinaglalaanan sa Pagpapahayag ng Sariling Damdamin, Maikling

Kuwentong Aginaldo ni Mang Mago, Pokus sa Ganapan at Sanhi:Gamit sa

Pagsasalaysay ng mga Pangyayari.

Ang mga aralin na inaasahan sa bawat kuwarter ay napakaimpormatibo lalo

na sa mga mag-aaral na para bagang sila ay naglalakbay sa ibang bansa sapagkat

tinatalakay ang mga panitikang iniingatan ng mga bansa sa daigdig. Ang mga

impormasyon na kanilang natutuhan ay maaaring makatulong sa kanila sa

hinaharap at magamit ito sa kanilang paglalakbay kung sakali mang sila ay palaring

mangibang bansa. Mas napapalawak ang kanilang kaalaman sa panitikan at hindi

lamang ang tanging panitikan ng ating bansa kundi maging ang panitikan ng daigdig.

Maaaring puspusang pinag-aralan ng kurikularis ang mga maaaring talakayin at ang

wastong katumpakan nito sa nilalayon ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mga

layunin ay nakapagbibigay ng mga kamalayang pansarili,pampamilya, pamayanan,

Lipunan at kamalayang pandaigdig.

Naaayon ito sa nilalayon ng pagkatuto, may mga iilang paksa na

nangangailangan ng mataas na lebel ng pagkatuto na kung saan ay kinakailangan

ang tamang gabay ng guro upang ito ay matamo. Maaaring magiging masalimuot ito

para sa mga mag-aaral na nasa mababang seksyon, ngunit mahahanapan ito ng

paraan ng guro sa pamamagitan ng mga istratehiyang makakapagpadali sa

pagtamo ng pagkatuto ng nasabing mga mag-aaral.


VI- MGA ISTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

Ang mga mungkahing pamamaraan at istratehiya sa pagtuturo at pagkatuto

ay naaangkop sa bawat aralin na kung saan ay nakatutulong sa mas malawakang

pagkatuto ng mga mag-aaral. Nagiging Madali din para sa guro. Mas

nakakapagpalawak din sa isipan ng mga mag-aaral at nakakatulong upang

magkaroon sila ng kritikal na pag-iisip. Nahahasa ang kanilang kakayahang

panggramatika,pag-iisip na malalim,napupukaw ang sariling damdamin at interes na

kung saan madaling matamo ang mga layunin ng bawat aralin sa bawat kuwarter.

May mga istratehiyang nangangailangan ng kagamitang panteknolohiya ngunit

nagiging Madali ito kapag ang guro ay mapamaraan at nahahanapan ito ng

karampatang solusyon. Maaaring maging mahirap ang mga nasabing istratehiya at

may malaking hamon para sa mga paaralang di abot ng teknolohiya. Ngunit, ang

mapanghamon na kinakailangang istratehiya ay maaaring gawan ng paraan ng

mapamaraang guro upang matamo lamang ang hinihingi at kinakailang matutuhan

ng mga mag-aaral sapagkat masasangkot dito ang kanilang maaaring maging

hinaharap ng sa gayun ay makahabol sila sa mapanaghamon na bukas.

VII- PAGTATASA AT PAGSUSURI

Ang pagtatasa/pagtataya ay mahalagang bahagi ng pagtuturo. Dito nasusukat

ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral at kalidad ng pagtuturo. Ang pagtatasa

sa pamamagitan ng mga estratehiya gaya ng pormal na mga pagsusulit, pagsusuri,

takdang aralin, sanaysay at mga mapanlikhang gawain ay ginagamit upang


masukatang lakas at kahinaan ng mga mag-aaral. Masasabing mahusay ang mga

ginawang paunang pagtataya sa una at ikalawang markahan sapagkat ito ay

sumusukat sa mga kakayahan ng bawat mag-aaral at tumutugma at umaayon sa

mga layunin. Naaayon ang mga pagtatasa sa nilalayon ng pagkatuto, may mga

iilang paksa na nangangailangan ng mataas na lebel ng pagkatuto. Ang mga

pagtatasa sa ikasampung baitang ay nagbibigay ng mga tumpak na sukat tungo sa

pagiging handa ng mga mag-aaral at hinahamon ang mga mag-aaral na mag-isip

nang malalim at kritikal at lutasin ang mga problema sa totoong buhay.

VIII-PAGSASAMA-SAMA NG MGA CROSS CUTTING NA TEMA

Kakikitaan ng cross-cutting na tema na may sensitivity sa kultura ang nasa

unang kuwarter na isang parabulang pinamagatang “Ang Tusong Katiwala”. Sa

kominidad na halos mga muslim ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng sensitbong

kultura dahil may mga salitang ginamit sa akda na maaaring maka-apekto sa mga

paniniwalang kanilang nakagisnan.Nakasalalay sa guro kung paano o anong

estratehiya ang kanyang gagamitin upang matagumpay angf daloy ng pagtuturo at

pagkatuto ng walang pag-aalinlangan o alalahaning kulturang masasagasaan.

Maaaring isinama ang kulturang ito sa kurikulum,sa kadahilanang magkaroon

ng kamalayan ang mga mag-aaral sa kultura ng iba lalo na ng ibang

bansa.Matutunan din nilang pahalagahan at igalang ang ibang kultura at paniniwala

ng ibang relihiyon.Magsisilbi din ito gabay at maging bukas ang kanilang isipan sa

lahat ng aspeto.
IX-MGA MAPAGKUKUNAN AT MATERYALES

Ang mga libro ay masasabing sapat sapgkat may mga libro at mga modules

na ibinigay ang DEPEd ,may mga makikita ding kagamitan sa pagtuturo sa mga

websites ng DEPEd tulad ng LRMDS portal.Mapamaraan din ang guro kaya

natatamo ang pagkatuto ng mga mag-aaral at nagiging mabisa ang pagtuturo.Sa

kasakukuyan ay may mga aklat na makikita sa silid-aklatan na maaaring gamiting

pantulong na babasahin ng mga mag-aaral.


X-PAG-ALIGN SA MGA PAMANTAYAN

Naayon ang kurikulum ng baitang 10 sa Filipino sa mga kaugnay na

pamantayan o balangkas ng edukasyon.Inaasahang ang mga mag-aaral na maging

malawak ang kaisipan hinggil sa kulturang pandaigdig,na kung saan nalilinang ang

pagiging maka-tao,maka-Diyos, maka-kalikasan at makabansa ng mga mag-aaral,sa

madaling salita natututgunan ng kurikulum ang mga inaasahan na itinakda ng mga

akriditibong katawan o mga awtoridad sa edukasyon. Masasabing pinaghahandaan

at sinigurado ng mga kinatawan sa paggawa ng kurikulum , na matugunan ang mga

nilalayon ng pamantayan ng edukasyon.


XI-KAKAYAHANG UMANGKOP

Ang kurikulum sa baitang 10 ay may kakayahang umangkop sa mag-

kakaibang kapaligiran sa pag-aaral. Naayon ang kurikulum ng baitang 10 sa Filipino

sa mga kaugnay na pamantayan o balangkas ng edukasyon.Inaasahang ang mga

mag-aaral na maging malawak ang kaisipan hinggil sa kulturang pandaigdig,na kung

saan nalilinang ang pagiging maka-tao,maka-Diyos, maka-kalkasan at makabansa

ng mga mag-aaral,sa madaling salita natututgunan ng kurikulum ang mga inaasahan

na itinakda ng mga akriditibong katawan o mga awtoridad sa edukasyon.

Masasabing pinaghahandaan at sinigurado ng mga kinatawan sa paggawa ng

kurikulum , na matugunan ang mga nilalayon ng pamantayan ng edukasyon.Ang

mga aralin sa kuwarter 1 at kuwarter 2 ay may kaangkupan at nagbibigay tugon sa

pangangailangan ng mag-aaral upang maging handa sa anumang hamon na

magagamit sa tunay na buhay lalong lalo na sa kasalukuyang panahon.


XII-FEEDBACK AND REVISION MECHANISM

Bilang isang guro sa Filipino 10 panitikang pandaigdig,malaking hamon ang

pagbabahagi ng mga araling di gaanong kabisado naging masalimuot ang mga

damdamin at saloobon sa pagtuturo, kung noon nakakayang ibahagi ang mga

akdang pampanitikan Pambansa kahit sa simpleng pagtingin lamang ng pamagat

nito, kabaligtaran naman sa panitikang pandaigdig dahil kailangan pang manaliksik

upang malaman ang mga kaligirang impormasyon sa bawat akdang ituturo.

Sa pag-aaral sa Filipino 10,panitikang pandaigdig,ang tatlong elemento ay

ang guro,mag-aaral at panitikang pandaigdig upang magkaroon ng balanse sa

sitwasyon, maaaring baguhin ng guro ang negatibong ugnayan sa pamamagitan ng

pagbabago ng kaniyang saloobin ,at maghanap ng makabulahang pamamaraan

upang magkaroon ng balanse ang ugnayan ng bawat elemento. Ang pagsasabi ng

guro ng mabubuting bagay sa panitikang pandaigdig,nangangahulugan ito na binago

niya ang ugnayan ng dalawang elemento upang magkaroon ng balanse sa

sitwasyon. Mahalaga ang pagkamit ng balanse upang maging maayos ang

pagtuturo at pagkatuto ng mag-aaral at maging matagumpay sa asignatura.


Pinapalagay na ang damdamin at saloobin ng ibang mga guro at mag-aaral

sa filipino 10 ay maglalagay sa kanila sa sitwasyon ,kung saan ang bawat isa ay

makakatagpo ng Cognitive consistency sa material na ginamit.

Halos karamihan ng mga guro ay gumagamit ng behaviorism theory, ito ay

teorya ng pagkatuto na nagsasabing maaaring pag-aralan ang pagkatuto sa

pamamagitan ng obserbasyon at manipulasyon sa pag-uugnay ng pampasiglang

tugon. Ayon sa teorya ang kilos ay tugon sa pampasigla,at ito ay binuo ni John

Watson. Ayon sa kanya ang pag-iisip at intension ay internal na proseso na hindi

maaaring obserbahan,anupa’t hindi maaaring pag-aralan.

Sa kabuuan ,mahihinuha na maluwag sa damdamin ang pagtanggap ng mga

guro sa pagtuturo at pagkatuto ng panitikang pandaigdig sa kabila ng pagkakaroon

ng kaniya kanyang dahilan ng pagkaganyak at mga dahilan na pumupigil sa kanila

upang makapagturo ng malinaw at maayos.


XIII-REKOMENDASYON AT KONKLUSYON

Ang mga pagbabago ng kurikulum ay bunsod ng globalisasyon. Ito ang paraan ng

pagsasama-sama ng politika at kultura ng mga bansa upang magkaroon ng

pagkakaunawaan ,kapayapaan at sabay na p ag-unlad na walang maiiwan. Sa

pamantayan sa Filipino 10 sa k-12 kurikulum, nakasaad na pagkatapos ng ika 10

baitang, naipapamalas ng mag-aaral ang kakayahang komukatibo, mapanuring pag-

iisip,at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan,gamit ang teknolohiya at iba’t

ibang uri ng mga salintekstong pampanitikang pandaigdig tungo sa pagkakaroon ng

kamalayang global.

Napagtanto na naayon ang kurikulum ng baitang 10 sa Filipino sa mga

kaugnay na pamantayan o balangkas ng edukasyon.Nagiging mas malawak ang

kaisipan ng mga mag-aaral hinggil sa kulturang pandaigdig,na kung saan nalilinang

ang pagiging maka-tao,maka-Diyos, maka-kalikasan at makabansa ng mga mag-

aaral.

Pinaniwalaang ang akdang pampanitikan ay maituturing na matagumpay

kapag nagawa nitong pakilusin ang mambabasa at mabigyan puwang, ang pag-alis

ng kumplikadong kaisipan sa pamamagitan ng pagdadala sa mambabasa sa

kamalayan at nakakayanang pagpapahayag na maglabas ng kanilang damdamin at


saloobin, ng sa gayon ang mga mambabasa ay maproseso ang mga isyu mula sa

binasa.Nagagawa nitong gisingin ang mga isyubg pansarili o kaya’y hamunin ang

pananaw at paninindigan ng mambabasa kaya,tutugunan niya ito sa pamamagitan

ng pagbabago ng kaniyang perspektibo o kaya’y pagsasawalang bahala

dahil,taliwas ito sa kaniyang paniniwala at mga pagpapahalaga. Maari ring bahagya

o lubos niyang baguhin ang kaniyang pananaw at pagpapahalaga.

Ang mga sumusunod ay ang mga kinakailangan ng mga guro sa Filipino 10,upang

matugunan pa ang mga hinihingi ng kurikulum;

 Ang pagbibigay ng karagdagan at intensibong pagsasanay ng mga guro na

nagtuturo sa Filipino 10 upang mas mapalawak at madagdagan ang kanilang

kaalaman sa pagtuturo ng mga akdang pampanitikang pandaigdig.

 Ang pagkakaroon ng karagdagang pag-aaral o pananaliksik tungkol sa iba

pang aspeto ng pagkatuto na maaaring nakakaapekto sa saloobin ng mga

mag-aaral,habang pinag-aaralan at tinatalakay ang mga akdang panitikang

pandaigdig.

You might also like