You are on page 1of 1

Noon at Ngayon

"Walang Sugat" ang Isang sarswela na sinulat ni Severino Reyes. Makikita


natin ang mga bida sa malapit na pagtatapos ng ating Himagsikang
Pilipino. Si Julia at si Tenyong, ang dalawang magsinatahan na nahiwalay
dahil sa pakikibahagi niya sa rebolusyon. Bumalik siya muli, sugatan sa
kasal ni Julia at ni Miguel upang magpakasal siya kay Julia bago siya
mamatay. Ngunit tumayo siya na walang daplas o sugat sa kanyang katawan
at ang mga tao doon ay sumigaw ng "walang sugat!".

Ang Pilipinas ay sagana sa kultura. Galing sa kolonyalismo at ang


kultura natin bago pa dumating ang mga Español sa lupa natin. Sa
Maynila, ang centro ng kapangyarihan sa bansa at kung saan naninirahan
ang mga nakaupo sa gobyerno. Nasasabi natin na ang Maynila ay nagiging
katulad na ng United States dahil sa mga oportunidad na mahahanap dito
at sa karamihan ng mga naninirahan dito ay nakakapagsalita at
nakakapagsulat ng ingles. Ang Bulacan, ang ubod ng kadami-daming kultura
at tradisyon sa Pilipinas. Makulay sa kanilang fiesta at mga
arkitektura. Kilala sa mga simbahan nila na tinayo sa oras ng mga
Español. Papaanoo ito nakikibahagi sa "Walang Sugat" ni Severino Reyes?
Hindi lang kasi na ang mga kultura na makikita natin dito ay
kinalulumaan natin, pero ito din ang naging pundasyon sa mga kuwento ng
basal na pagibig sa ating bansa. Dito rin pinapakita kung paano natin
ipinapakita natin ang ating pagmamahal sa kanilang panahon.

Marami ang nakikibahagi sa kuwento nila Julia at ni Tenyong, kung saan


ang pagibig nila ay imposible o mahirap. Mga tao na nakikita nila ang
kanilang sarili kay Julia, ang babae sa tahanan na kailangan magpakasal
sa mayaman o ang mga makapangyarihan. Mga lalaki na naghahanap ng
hustisya sa kanilang ama at naghahanap ng paraan upang makasama nila ang
kanilang nimamahal. Kahit man ang itong sarswela ay luma, ang mga
kuwento diyan ay maari pa gamitin sa mga sumusonod na henerasyon. Ang
kultura na ipinakita diyan ay kultura na hindi lalaho sa oras. Katulad
ng ibig ng mga bida sarswela, kahit ano man, may gera o wala, noon man o
ngayon, ang pagibig nila ay hindi matatalo sa harap ng mga suliranin.

You might also like