You are on page 1of 9

MGA SITUWASYONG PANGWIKA

Sa mahabang kasaysayan ng wika ay nakita ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng Wika.


1. TELEBISYON
- Itinuturing na pinakamakapangyarihang midya noon hindi pa nagagamit ang midya

2. RADYO AT DIYARYO
- Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo. (AM at FM)
- Sa diyaryo ay wikang Ingles ang ginagamit sa mga broadsheet at wikang Filipino naman sa mga
tabloid.

3. PELIKULA
- Bagama’t mas maraming banyaga kaysa lokal na pelikula ang naipalalabas sa ating bansa taon-
taon, ang mga lokal na pelikulang gumagamit ng midyum na Filipino at mga barayti nito ay mainit
ding tinangkilik.

4. TEXT
- Humigit kumulang apat na bilyong text ang naipapadala kada araw.
- “Texting Capital of the World”

5. MIDYA
- Bagama’t marami nang web site ang mapag-kukunan ng ma impormasyon o kaalamang nasusulat
sa Filipino ay maituturing pa ring hamon ang wikang Ingles.

6. PAMAHALAAN
- Batas Tagapagpaganap Blg. 335
“nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentaliti ng
pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit
ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya..”

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
MORPOLOHIYA
- Makaagham na pag-aaral ng mga makabuluhang yunit ng isang salita o morpema
- Isang pag-aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at pagsasama-sama nito upang makabuo ng
isang salita
- Palabuuan

MORPEMA
- Makabuluhang yunit ng isang salita
- Pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan

2 URI NG MORPEMA
1. Malayang Morpema - Salitang-ugat
2. Di-malayang Morpema – Panlapi (unlapi,gitlapi,hulapi)

ALOMORP NG MORPEMA
a. Kasing, Labing, Pang - k, g, h, m, ng, w, y, a, e, i, o, u
b. Kasim, Labim, Pam - p, b
c. Kasin, Labin, Pan - d, l, r, s, t
PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO
- Pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensiya ng kaligiran nito.
1. ASIMILASYON
- Pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ sa posisyong pinal dahil sa impluwensiya ng
ponemang kasunod nito.

i. ASIMILASYONG PARSYAL O DI-GANAP ADG


- Pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/ at nagiging /n/ o /m/.
- Kung ang SU ay nagsisimula sa /p/ at /b/ ang ponemang /n/ ay magiging /m/.
- Nagiging /n/ naman kung ang mga kasunod na ponema ay /d, l, r, s, t/

ii. ASIMILASYONG GANAP AG


- Bukod sa pagbabagong nagaganap sa ponemang /n/, nawawala pa rin ang unang ponema ng
nilapiang salita dahil ito ay inasimila o napaloloob na sa sinusundang ponema.

2. PAGPAPALIT PONEMA PPo (_-_)


- Mga ponemang malayang nagpapalitan.
 /o/ at /u/
 /d/ at /r/
 /i/ at /e/
 /h/ at /n/
 /l/ at/g/
- Binabali ng morpolohiya ang ortograpiya ( sa morpolohiya: natutuhan ay magiging
natutunan; tawahan to tawanan)

3. METATESIS O PAGLILIPAT M
- Transposisyon
- Kapag ang salitang-ugat ay nagsisimula sa ponemang /l/ o /y/ ay nilalagyan ng gitlaping /-in/
- Ang /i/ at /n/ ay nagkakapalitan ng posisyon kaya nagiging /ni-/ o /-in/

4. PAGKAKALTAS NG PONEMA PP
- May nawawalang isang ponema o morpema sa isang salita
- Maaaring mangyari ito sa unahan o gitna ng salita.
- (last vowel of SU)

5. PAGLILIPAT DIIN
- Nagbabago ang diin kapag nilapian.
- Maaaring malipat ng isa o dalawang pantig ang diin patungong huling pantig o maaaring
malipat ng pantig patungong unahan ng salita.

6. REDUPLIKASYON R
- Pag-uulit ng pantig ng salita
- Ang pag-uulit ay maaaring magpahiwatig ng kilos na ginagawa o gagawin pa lamang.
- aalis, pupunta, matataas, masasaya

7. PAG-AANGKOP O REDUKSIYON
- Pagsasama ng dalawang salita upang makabuo ng isang bagong salita
- Nangyayari ito sa pagpapaikli ng salita kaysa sa orihinal
- Tignan + mo = tamo
- hintay + ka = teka
- wika + ko = kako
- wika + nila = anila
PRACTICE EXERCISE:
1. tamnan 5. Karunungan
⁃ tanim + an ⁃ Ka + dunong + an
⁃ taniman = PP ⁃ Kadunongan = PPo ( r to d)
⁃ tanman = M ⁃ Karunongan = PPo ( o to u)
⁃ tamnan ⁃ Karunungan
2. Hagkan 6. Mamitas
⁃ Halik + an ⁃ mang + pitas
⁃ halikan = PPo (l to g) ⁃ Mangpitas = ADG
⁃ Hagikan = PP ⁃ Mampitas = AG
⁃ Hagkan ⁃ Mamitas
3. Panabas 7. Putlan
⁃ pang + tabas ⁃ putol + an
⁃ Pangtabas = ADG ⁃ Putolan = PP
⁃ Pantabas = AG ⁃ Putlan
⁃ Panabas 8. Pampanitikan
4. Karimlan - Pang + pang + titik + an
⁃ ka+dilim-an - Pangpangtitikan – ADG
⁃ kadiliman = PPo (do to r) - Pampangtitikan – ADG
⁃ kariliman = PP - Pampantitikan – AG
⁃ karilman = M Pampanitikan
⁃ karimlan Banyuhay, asnan, kinagisnan

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
ORTOGRAPIYA
- sining ng pagsulat ng mga salita na may tumpak na titik alinsunod sa wastong gamit at/o wastong
pagbabaybay.
- Ninanais palaganapin sa gabay na ito ang estandardisadong mga grafema o pasulat na mga simbolo at ang
mga tuntunin sa paggamit at pag-bigkas ng mga simbolong ito.

RUL SA ORTOGRAPIYA
1. Pag-uulit
- Kung ang unang pantig ng salitang-ugat ay may kambal katinig o klaster, inuulit lamang ang
katinig at patinig ng unang pantig.
Halimbawa: paplantsahin, piprituhin, nagtatrabaho
-Sa pag-uulit ng mga salitang nagtatapos sa patinig na o, hindi na ito pinapalitan ng letrang u.
Halimbawa: sino-sino, pito-pito – kasi may meaning ang sino at pito
- Sa pag-uulit ng pantig ng mga salitang hiram, ang unang tunog na KP ang inuulit at pinapanatili
ang orihinal na baybay ng salita
Halimbawa: magfo-photocopy
Magsa-shot

2. Anyo ng Maramihan
- Ginagamit ang “mga” sa pagsulat ng maramihang anyo ng salita
Halimbawa: mga painting, mga opisyal, mga computer
- Hindi ginagamitan ng “mga” ang mga salitang hiram na nasa anyong maramihan
Halimbawa: paintings, opisyales, computers, Mga lalaki, tatlong lalaki, kalalakihan

3. Pamilang
 Pagbaybay ng mga bilang mula isa hanggang siyam.
-Binabaybay nang buo ang bilang mula isa hanggang siyam.
- Ginagamit ang numeral kapag 10 pataas.

 Pagbaybay ng bilang sa unahan ng pangungusap.


- Binabaybay nang buo ang bilang kapag nasa unahan ng pangungusap.
Halimbawa: Tatlong medalyang ginto ang kanyang natanggap.
Labinlimang taong gulang lamang siya.
Salitang dugong/kokey - gumagawa ng sariling ispeling (aspeto, not aspekto)

4. Panghihiram
- Kung ano ang bigkas ay siya ang basa at kung ano ang basa ay siya ang sulat.
Halimbawa: cake=keyk

5. Pangngalang Panlunan at Pang- Angkop


- Hindi na nilalagyan ng pantukoy na ng ang mga pangngalang pantangi na tumutukoy sa mga
pook, tulad ng barangay, lungsod, rehiyon, ilog, dagat, bundok
Halimbawa: Lungsod ng San Fernando Lungsod San Fernando
- Gayunpaman, mayroon pa ring mga pangngalang pantangi na nilalagyan ng pantukoy na ng
kapag ikinakabit sa mga salitang pampook tulad ng lalawigan at munisipalidad.
Halimbawa: Lalawigan ng La Union, Munisipalidad ng Naguilia

6. Karagdagan
- sandaan (PHP 100) & isang daan (one way)
- Koryente (base sa espanyol), estraktura (o/e)
7. Wastong Gamit ng Salita
 MAY at MAYROON
o Ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga sumusunod na bahagi ng
pananalita:
- May virus ang nahiram niyang USB. (Pangngalan)
- May magandang dalaga sa silid. (Pang-uri)
- May pupuntahan ka ba mamaya? (Pandiwa)
- Sa silid ay may dahan-dahang pumasok. (Pang-abay)
- May mga lalaking naghihintay sa iyo. (Pantukoy na MGA)
- May sa-ahas pala ang kaibigan mo. (Pang-ukol na SA)
- May kanya-kanya silang gawain kaya madali nila itong natapos. (Panghalip na Paari)

o Ginagamit ang mayroon kung ito’y: Sinusundan ng isang kataga o ingklitik


- Mayroon ba siyang pasalubong?
- Mayroon nga ba silang bagong Pajero?
- Mayroon tayong pagsusulit sa Filipino bukas.

o * Kapag ito’y nagsasaad ng patalinghagang kahulugan ng salitang mayaman o


may kaya sa buhay.
- Lumapit ka sa mga mayroon upang makahingi ka ng tulong sa kanila.

 KILA at KINA
- Walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa: Pakidala ang laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vec at Nona.

 Ng at Nang
o Ginagamit ang ng bilang:
a. Katumbas ng of ng Ingles
Halimbawa: Si Mang Manding ang puno ng amin samahan.

b. Pang-ukol ng layon ng pandiwa


Halimbawa: Umiinom siya ng gatas bago matulog.

c. Pang-ukol na tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.


Halimbawa: Hinuli ng pulis ang mga nanloob sa kanilang bahay.

o Ginagamit ang nang bilang:


a. Katumbas ng when sa Ingles
Halimbawa: Kumakain kami ng hapunan nang dumating si Tiyo Berting.

b. Katumbas ng so that o in order to sa Ingles


Halimbawa: Mag-aral kayo nang mabuti nang kayo’y makapasa.

c. Pinagsamang pang-abay na na at pang-angkop na ng


Halimbawa: Tinanggap nang nahihiyang bata ang kaniyang regalo.

d. Kapag napagigitnaan ng dalawang magkatulad na pandiwa.


Halimbawa: Siya ay tawa nang tawa
o kung di at kundi
- Ang kung di ay galing sa salitang “kung hindi” o if not sa
Ingles
- ang kundi naman ay except.

Halimbawa: Aaalis na sana kami kung di ka dumating.


Walang sino man ang puwedeng manood kundi iyong mga may
tiket lamang.

o pahirin at pahiran; punasin at punasan


- Ang pahirin at punasin (wipe off) ay nangangahulugang alisin o tanggalin.
- Ang pahiran at punasan (to apply) ay nangangahulugang lagyan.

Halimbawa:Pahirin mo ang mga luha sa iyong mga mata.


Pahiran mo ng palaman ang tinapay.
Punasin mo ang pawis sa iyong likod.
Punasan mo ng alkohol ang iyong mga binti.

o operahin at operahan
- operahin kung ang tinutukoy ay ang tiyak na bahagi ng katawan na titistisin.
- operahan naman ay tumutukoy sa taong sasailalim sa pagtitistis.

Halimbawa: Ooperahin ang tiyan ni Rey sa Sabado.


Sakit Ooperahan si Rey sa tiyan sa Sabado.

o walisin at walisan
- walisin (sweep the dirt) kung tumutukoy sa bagay na aalisin o lilinisin
- walisan ay tumutokoy naman sa lugar (to sweep the place).

Halimbawa: Walisin ninyo ang mga kalat sa sahig.


Walisan ninyo ang sahig.

o sundin at sundan
- sundin (to obey) ay nangangahulugan ng pagsunod sa payo o pangaral
- sundan (to follow) ay gayahin o pumunta sa pinuntahan ng iba.

Halimbawa: Sundin mong lagi ang sinasabi ng iyong magulang dahil para rin
iyon sa iyong kabutihan.
Sundan mo ang mga kabayanihang ipinakita ng iyong ama sa
bayan.

o subukin at subukan
- Subukin (to test, to try) – masubok ang husay o galing ng isang bagay o
gawain;
- Subukan (to see secretly) – palihim na pagmamatyag o pag-eespiya sa kilos ng
isang tao.

Halimbawa: Susubukin ko muna kung maayos itong kompyuter bago ko bilhin.


Subukan mo nga kung ano ang ginagawa ng mga bata sa likod-
bahay.
o iwan at iwanan
- Iwan (to leave something or somebody) huwag isama/ dalhin
- Iwanan (to leave something to somebody) bigyan

Halimbawa: Iniwan ni Arnie ang kotse sa garahe.


Iniwanan ni Rene ng pera si Joy bago siya umalis.

o taga at tiga
- Walang unlaping tiga-.
- Taga- ang dapat gamitin. Ginagamit ang gitling sa unlaping taga- kung
sinusundan ng pangngalang pantangi.

Halimbawa: Si Juan ay taga-Bikol.


Taganayon ang magandang babaeng iyon.

* Buhay ang wika. Patuloy itong nagbabago. May mga pagkakataon na ang wika ay iba sa kayarian sa gamit
nito sa lipunan. Iba ang kayariang pangwika sa gamit ng wika. May mga pagkakataong hindi umaangkop
ang kayarian sa gamit. Halimbawa siya-pantao at pambagay
* Dapat tandaan na ang estandardisasyon ng wika ay dapat magmula sa gumagamit nito kaalinsabay ang
kakayahan ng lahat na umunawa sa kawastuan ng paggamit ng salita.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
SOSYOLINGGUWISTIKO
- Iniaangkop ang pananalita sa situwasyon at kontekstong sosyal na lugar kung saan ginagamit ang wika.
- Angkop sa partikular na lugar.

SPEAKING MODEL NI DELL HYMES


1. Setting
- Saan nag-uusap?
- Lugar at oras ng usapan

2. Participants
- Sino ang kausap?
- Mga taong kasangkot sa usapan o komunikasyon

3. Ends
- Ano ang layunin ng pag-uusap?
- Layunin at mithiin ng usapan o patutunguhan ng usapan

4. Act Sequence
- Paano ang takbo ng usapan?
- Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
5. Keys
- Pormal ba o impormal ang usapan?
- Pangkalahatang tono o paraan ng pagsasalita

6. Instrumentalities
- Ano ang midyum ng usapan?
- Pasulat at pasalita

7. Norm
- Ano ang paksa ng usapan?
- Tugma ang paksang ginagamit ng tagapagsalit

8. Genre
- Paano ang usapan?
- Uri ng pagpapahayag; pasalaysay, paglalarawan, paglalahad, at pangangatwiran.

PRAGMATIK
- Praktikal na gamit ng salita.
- Pagtukoy sa kahulugan ng mensaheng sinasabi at ‘di sinasabi batay sa ikinikilos ng taong kausap.
- Natutukoy rin nito ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at sa
konteksto.
- Paglilinaw sa pagitan ng intensiyon ng nagsasalita o nagpapahatid ng mensahe at ang
kahulugan nito

 Denotatibo
- diksyunaryo

 Konatibo
- katagong praktikal na gamit

SPEECH ACT THEORY - May kaakibat na aksiyon sa pagsasalita.


1. LOKUSYUNARI
- Literal na kahulugan
- ex. Lumayas ka sa harap ko!

2. ILOKUSYUNARI
- Nakatagong kahulugan
- ex. Nalulungkot ako, gusto ko ng yakap mo.

3. PERLUKUSYUNARI
- May paggalaw o paggawa batay sa desisyon ng tagapakinig
- ex. Yakapin mo ako ngayon din! (May galaw.)
ISTRATEDYIK
- Ito ay kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang maipabatid nang mas
malinaw ang mensahe at maiwasan o maisaayos ang mga hindi pagkakaunawaan o mga
puwang (gaps) sa komunikasyon.

URI NG KOMUNIKASYON
1. Berbal
- Kasangkapan ang boses.
- May kasangkot na mga salita.
- Pasulat at pasalita

2. Di-Berbal
- Hindi ginagamitan ng salitaan.
- Body language, gesture, at facial expression.

Uri ng Di-Berbal
a. Proxemics – distansya
b. Pictics – ekspresyon ng mukha
c. Pananahimik- may ibig sabihin ang pananahimik
d. Chronemics – oras/temporal
e. Colorics – kulay
f. Haptics – pandama
g. Oculesics – aksyon ng mata
h. Olfactorics – pang-amoy
i. Vocalics – tono/tunog ng mga di lingguwistikong
j. Kinesics – galaw ng katawan

DISKORSAL
1. Coherence
- pagkakaisa

2. Cohesion
-pagkakaugnay

You might also like