You are on page 1of 3

Modyul 1: Konsepto ng Sex at Gender

Kaibahan ng Sex at Gender


SEX - tumutukoy sa pagiging lalaki (male, boy) o babae (female, girl). Binibigyang-linaw nito
ang pisikal at bayolohikal na katangiang taglay ng isang babae o lalaki.
SEX Babae Lalaki

Pangunahing • vagina, obaryo at matris • penis, testicle at scrotum


Katangian • estrogen • testosterone

Sekondaryang • maumbok ang dibdib • maskuladong katawan


Katangian • makurbang katawan • malalim at buo na boses

GENDER - tumutukoy sa mga katangiang hinuhubog ng lipunan at gampaning inaasahan sa


babae at lalaki. Maaaring mag-iba depende sa kultura, relihiyon, at lipunan ng isang komunidad
o bansa.
Pagkakakilanlang Pangkasarian (Gender Identity)

Uri Kahulugan

Cisgender Isang indibidwal na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay naaayon sa


kaniyang taglay na bayolohikal na kasarian noong siya ay ipinanganak.
Halimbawa ay may penis o titi noong ipinanganak at lalaki ang
pagkakakilanlang pangkasarian.

Transgender Isang indibidwal na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay iba sa


bayolohikal na kasariang taglay noong ipinanganak. Halimbawa ay may
puki noong ipinanganak subalit lalaki ang pagkakakilala sa kaniyang sarili.

Gender Neutral Isang indibidwal na ang pakiramdam at pagkakakilala sa sariling kasarian


ay hindi babae at hindi rin lalaki.

Gender Fluid Tumutukoy ito sa pagkakakilanlang pangkasarian na pabago-bago. Isang


indibidwal na nagpapahayag ng kasarian na nasa pagitan ng babae at
lalaki, maaaring magbago-bago depende sa sitwasyon.

Gender Queer Isang indibidwal na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay wala sa


pagiging babae at lalaki, nasa pagitan o higit pa sa pagiging babae at lalaki
o maaaring kombinasyon ng pagiging babae at lalaki.

Oryentasyong Sekswal (Sexual Orientation)

Heterosexual Taong nakadarama ng atraksiyong apeksyonal, emosyonal at seksuwal sa


miyembro ng kabilang kasarian. Babae na nagkakagusto sa lalaki. Lalaki
na nagkakagusto sa babae.

Homosexual Taong nakadarama ng atraksiyong apeksyonal, emosyonal at sekswal sa


katulad na kasarian. Babae na nagkakagusto sa kapwa babae.
Karaniwang tinatawag na tomboy o lesbian. Lalaki na ang gusto ay kapwa
lalaki. Karaniwang tawag ay bakla o gay.

Bisexual Taong nakadarama ng atraksiyong apeksyonal, emosyonal at seksuwal sa


dalawang kasarian. Halimbawa ay lalaking nagkakagusto sa kapwa-lalaki
at maging sa babae. Gayundin sa babae na nagkakagusto sa kapwa-
babae at maging sa lalaki.

Asexual Taong walang nadaramang pagnanasang seksuwal.

Gender Role sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig

Isyu Kahulugan Dahilan Lugar

Child Tumutukoy sa 1. Kahirapan Timog Asya


marriage pormal o hindi 2. Tradisyon - Nepal ,
pormal na pag- 3. Gender inequality Bangladesh, India
aasawa ng wala pa 4. Paniniwala at pagpapahalaga Africa
sa 18 taong gulang. - Niger, Central
African Republic,
Chad, Mali, Burkina
Faso, Guinea
Bisau,
Togo,Rwanda, at
Ghana

Female Ito ang pagtutuli sa 1.Mapanatiling birhen ang babae Asya


Genital babae. Isinasagawa bago ikasal. -India, Indonesia,
Mutilation sa pamamagitan ng 2. Mapanatiling tapat ang Malaysia,
(FGM) pag-aalis ng isang babae matapos ikasal. Pakistan, at Sri
bahagi sa ari o ang 3. Ritwal na kailangang Lanka.Oman,
pag-aalis ng pagdaan ng babae upang United Arab
kabuuang panlabas maituring na dalaga. Emirates, Yemen,
na bahagi ng ari ng 4. Tinatratong marumi at Iran, Iraq at
babae. iniiwasan ang babaeng Palestine.
hindi dumaan sa FGM. Europe at America
5. Isang pangangailangan na - Georgia, Russia,
hinahanap para maikasal ang Colombia, Ecuador,
babae. Panama, at Peru.
6. Kondisyon na tinitingnan bago
pahintulutang maging
tagapagmana ang
babae.
7. ethnicity

You might also like