You are on page 1of 2

Ang Aking Talambuhay

Ma. Kristel L. Belango

Taong Isang libo’t siyam na raan, siyamnaput tatlo, ika sampu ng Setyembre ng ako ay ipanganak
ng aking mga magulang na sina Ginoong Eugenio G. Lorenzo Jr. at Marielyn B. Lorenzo. Ako ay
kasalukuyang nakatira sa bayan ng Solana, Barangay Carilucud. Dalawapu’t siyam na taong gulang sa
kasalukuyan, isang ina ng tatlong mga bata. Ang aking panganay ay si Kurt Angelo L. Belango, ang
pangalawa ay si Kate Angela L. Belango at ang bunso ay si Marck Addy L. Belango. Ako ay
kasalukuyang nagtuturo sa Gadu National High School bilang isang guro sa ilalim ng aming lokal na
pamahalaan ng Solana. Ako ay nagka-anak sa murang edad ako ay nasa dise-siyete ng mabuntis sa aking
panganay na anak at nang sumunod na taon ay nasundan ng aking pangalawang anak. Sila ay may edad
na labing isa at sampung taon na ngayon, samantalang ang aking bunso ay sampung buwang gulang pa
lamang. Ang pagiging isang ina ay hindi biro at mahirap isabay sa ibang bagay. Ngunit walang imposible
kung gugustuhin nating maabot ang ating mga pangarap. Ang pag-abot sa pangarap ay nangangailangan
ng matinding dedikasyon at pagpupursigi lalo na kung ang ating paglalaanan ay para sa ating mga mahal
sa buhay. Maraming pagsubok na nalampasan at susubok pa sa ating katatagan bilang isang tao.
Nangangailangan lang na tayo’y maging matatag at handa sa laban ng buhay. Magkaroon ng takot at
pananalig sa Diyos, sabayan ng sipag at pagsumikapan na abutin ang ating mga mithiin sa buhay.
Salitang Ugat Panlaping ginamit Uri ng panlapi
Nagtuturo turo nag unlapi
Mabuntis buntis ma unlapi
Sumunod sunod um gitlapi
Nasundan sundan na unlapi
Imposible possible im unlapi
Gugustuhin gusto hin hulapi
Maabot abot ma unlapi
Pagsubok subok pag unlapi
Nalampasan lampas na at an magkabilaan
Katatagan tatag ka at an magkabilaan
Sabayan sabay an hulapi
Mithiin mithi in hulapi
Pagsumikapan sikap pag,um at an laguhan

You might also like