You are on page 1of 1

POSITION PAPER: ABORSYON Ivan Culliao

Ang aborsyon ay ang sadyang pagtanggal ng fetus o embryo sa loob ng matres ng isang babae.
Sa kasalukuyan, ang aborsyon ay isa sa mga natatalakay na mainit na isyu sa lipunan. Kadalasan,
ito ay naglulunsad ng debate tungkol sa moralidad at responsibilidad bilang isang ina o sakop ng
lipunan.

Sa aking pananaw, ang aborsyon ay isang maling desisyon (pwera na lamang kung ito ay may
medical na rason). Sa panahon ngayon kung saan laganap na ang premarital sex at pabata ng
pabata ang mga nabubuntis, ang aborsyon ang nagiging takbuhan ng mga bata na hindi pa
handa sa obligasyon ng pagkakaroon ng pamilya. Bunga nito, mas tumataas ang bilang ng mga
bata na itinatapon sa kalsada at mga pasyente sa mga abortion clinic.

Bukod sa pagiging mali na desisyon, ito rin ay isang immoral na gawain. Sa pagsalang ng tao sa
sekswal na aktibidad sa labas ng bakod ng kasal, ito na ay maikonsidera na immoral. Paano na
kaya ang pagkabuo ng isang bata sa sinapupunan na ipinatatanggal dahil sa takot sa kahihiyan
at malaking responsibilidad. Ang pagpatay ng bata sa sinapupunan ay direktang paglabag sa
utos ng panginoon. Ito ay matatawag na krimen.

Ano’t – ano pa man ang rason ng aborsyon, dapat nating tandaan na bilang tao, ang bata na
ipanigkaloob ng Diyos sa iyong sinapupunan ay may malaking papel na gagmpanan sa iyong
buhay at sangkatauhan. Dapat itong mabigyan ng tyansa na mabuhay at makita ang ganda ng
sanlibutan.

You might also like