You are on page 1of 3

Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 6

Pangalan :__________________________________ Petsa : __________________________


Paaralan : ____________________________________ Guro : __________________________

I. Panuto : Piliin ang letra ng tamang kahulugan ng sawikain na may salungguhit.

1. Si Laura ay kilos pagong habang naglilinis ng bahay , kaya tinulungan siya ng kaniyang ina.

A. mabilis
B. mabagal
C. masigla
D. masaya

2. Sila ay maghapong naglinis ng buong plasa para sa pagdiriwang , kung kaya’t sila ay lantang
gulay ng umuwi ng kanilang bahay.

A. sobrang ligaya
B. sobrang pagod
C. sobrang galante
D. sobrang masipag

3. Ang Noel ay taingang- kawali habang tinatawag ng kanyang ina.

A. nakikipagtawanan
B. nagtutulog-tulugan
C. nagbibingi-bingihan
D. nakikipagkuwentuhan

4. Ang Pamilya Albiso ay nagdaos ng napakalaking pagdiriwang ng kaarawan sa Manila Hotel,


talagang nabutas ang bulsa dahil sa laki ng gastos.

A. walang pera
B. walang bahay
C. nasira ang bulsa
D. naubusan ng ipon

5. Sadyang mahilig siyang tumulong sa mga nangangailangan , siya ay pinanganak ng may


ginintuang puso.

A. mabait
B. masayahin
C. matatakutin
D. mapagkakatiwalaan

Filipino 6 Kwarter I Ikatlo at Ikaapat na Linggo


1. Nabibigyang kahulugan ang sawikain (F6PN-Ij-28)
2. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong (F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5)
3. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang, at
matapos ang pagbasa. (F6PN-Id-e-12 F6PB- IIIf-24)
4. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon: (F6PS-Id-12.22 F6PS-IIC-
12.13 F6PS-IIIf-12.19 F6PS-IVg-12.25 (F6PS-IVh-12.19)
Pag-aari ng pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 6

II. Panuto : Basahin at piliin ang letra ng tamang sagot nagsasabi ng kung ano ang tinutukoy ng
mga pahayag .

6. Ito ay naglalarawan ng tagpuan ,panahon at nagpapakilala ng mga tauhan sa kuwento na


ginagawang kawili -wili sa mambabasa.
A. Tagpuan B. Wakas C. Panimula D.Tauhan

7. Ito ay tumutukoy sa kapana -panabik na bahagi ng kuwento.


A. Wakas B. Panimula C. Kasukdulan D. Saglit na Kasiglahan

8. Anong bahagi ng kuwento ang inilalarawan ?

Noon unang panahon sa isang kaharian sa Europa ay may nakatirang isang napakagandang
prinsesa na malulungkutin dahil siya ay hindi pinapayagang lumabas ng palasyo .

A. Wakas B. Kasukdulan C. Panimula D. Saglit na Kasiglahan

9. Anong bahagi ng kuwento ang inilalarawan ?

Ang prinsipe at prinsesa ay ikinasal at simula noon sila ay nagsama ng maligaya sa


kanilang kaharian.

A. Wakas B. Panimula C. Kasukdulan D. Tauhan

III. Panuto : Pagsunod -sunurin ang pangyayari sa kuwento,

1. Nang malaunan ,sila ay nagpakasal at nabuhay ng maligaya.

2. Dali-dali niya itong sinundan subalit hindi niya nakita at ang kanyang nasulyapan ay si
Prinsesa Adela na nasa balkonahe.

3. Sa isang malayong kaharian ay nakatira si Prinsesa Adela na malulungkutin dahil sa


hindi pinalalabas ng palasyo at sa kabilang kaharian ay nakatira si Prinsipe Anilao ,
isang matikas at mabait na prinsipe na sadyang mahilig mangaso sa gubat.

4 Isang araw sa gubat, nakakita siya ng napakagandang ibon ,ito ay kanyang pinana subalit
hindi niya napuruhan at lumipad sa kastiyo nila Prinsesa Adela.

5 Ito ay kanyang tinawag ,siya ay nagpakilala at iyon ang simula ng kanilang pagkakaibigan
at bandang huli ay nagkaunawaan.

10. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa kuwento?

A. 3 4 5 2 1 B. 5 2 1 4 3 C. 3 5 4 2 1 D. 5 4 2 3 1

Filipino 6 Kwarter I Ikatlo at Ikaapat na Linggo


1. Nabibigyang kahulugan ang sawikain (F6PN-Ij-28)
2. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong (F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5)
3. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang, at
matapos ang pagbasa. (F6PN-Id-e-12 F6PB- IIIf-24)
4. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon: (F6PS-Id-12.22 F6PS-IIC-
12.13 F6PS-IIIf-12.19 F6PS-IVg-12.25 (F6PS-IVh-12.19)
Pag-aari ng pamahalaan. Hindi ipinagbibili.
Learning Activity Sheet- LAS #2 Filipino 6

11. Ano ang wakas na pangyayari sa kuwento?

A. 2 B. 4 C. 3 D. 5

12. Ika 5:00 na ng hapon masayang- masaya si Lito kasi sila ng kanyang mga kaibigan ay
maglalaro ng basketbol. Takbo dito, lundag doon , siya ay pawisan at masigla. Hindi niya
napansin ang oras ,gabi na pala. Naalala niya ang bilin ng in ana umuwi ng maaga.

A. Matutuwa ang kanyang ina.


B. Mapapagalitan siya ng kanyang ina
C. Magkakasakit siya dahil siya ay pawisan.
D. Ipagpapatuloy niya ang paglalaro.

13. Pinukpok ni Sajid ang bahay-pukyutan. Naglabasan ang malalaking pukyutan .


Ano ang angkop na hinuha?

A. Masisira ang pulot – pukyutan


B. Manghuhuli siya ng mga bubuyog
C. Hindi kikilos ang mga bubuyog sa pulot-pukyutan
D. Hahabulin siya at kakagatin ng bubuyog sa pukyutan

14. Pinahiram si Mario .ng bolpen ng kanyang guro sa oras ng pagsusulit dahil wala siyang
bolpen. Ano ang angkop at magalang na pananalita na kanyang gagamitin?
A. Salamat po, ibabalik ko na lang po mamaya.
B. Salamat po, mamaya ko na po kukunin sa inyo.
C.Salamat po ,pero ayoko po ng kulay ng bolpen
D. Ipagpaumanhin ninyo po pero ayoko po ng bolpen ninyo.

15. Ikaw ay pinapunta ng iyong ina sa palengke,subalit ikaw ay naligaw . Nakakita ka ng pulis
na nakatayo . Nilapitan mo siya at kinausap. Ano ang angkop na pananalita?

A. Salamat po sa binigay ninyo.


B. Pakiusap po huwag na po kayong magalit.
C. Paumanhin po, tanong ko lang po kung saan ang palengke.
D. Pasensya na po, puede po ba akong sumakay sa dyip na nagdaraan.

Filipino 6 Kwarter I Ikatlo at Ikaapat na Linggo


1. Nabibigyang kahulugan ang sawikain (F6PN-Ij-28)
2. Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento sa tulong ng nakalarawang balangkas at
pamatnubay na tanong (F6PB-Ib-5.4 F6RC-IIe-5)
3. Nakapagbibigay ng hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari bago, habang, at
matapos ang pagbasa. (F6PN-Id-e-12 F6PB- IIIf-24)
4. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa iba’t ibang sitwasyon: (F6PS-Id-12.22 F6PS-IIC-
12.13 F6PS-IIIf-12.19 F6PS-IVg-12.25 (F6PS-IVh-12.19)
Pag-aari ng pamahalaan. Hindi ipinagbibili.

You might also like