You are on page 1of 33

2

PERSEPSYON SA PAGGAMIT NG GOOGLE TRANSLATOR SA


PAGSASALING-WIKA: EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG
PAGKATATUTO NG MGA MAG-AARAL NA NASA IKA-10
BAITANG NG GUIUAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Isang Pananaliksik na Iniharap sa mga Gurong Filipino


sa Pamantasang Estadong Silangang Samar
Guiuan, Silangang Samar

Bilang Bahagi ng mga kailangan sa Filipino 213


Introduksyon sa Pananaliksik,
Wika at Panitikan

Bagon, John Armel S.


Machica, Roselyn D.
Elacion, Sherwin V.
Opana, Christian P.
Pido, Jet Brian D.
Macasa, Saira M.

Oktubre 2023
2

KABANATA I

INTRODUKSIYON

Sa panahon ngayon, naging madali na para sa atin na masukat ang iba't ibang

teknolohiya na nagpapabago sa paraan ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Isa sa

mga ito ay ang Google Translator, na nagbibigay-daan sa atin na magkaroon ng agaran na

salin ng wika sa iba't ibang mga lenggwahe.

Ayon kay (Andrada, 2021) ang Google Translator ay inilunsad ito ng Google taong

2006, kung saang ito’y isang “libreng” multilinguwal sa Statistical Machine Translator (SMT)

na may kakayahang magsalin ng mga salita, teksto, pagsasalita o pagbigkas, imahen,

websites at bidyu mula sa isang Simulaang Lenggwuwahe (SL) patungo sa mga Tunguhang

Lengguwahe (TL).

Ang paggamit ng Google Translator ay nagbibigay ng malaking tulong sa mga mag-

aaral, ayon sa pag-aaral ni (Smith, 2019), “Ang pagsasalin ng wika gamit ang Google

Translator ay maaring magdulot ng ilang benepisyo at hadlang pang-akademikong

perpormans ng mag_aaral. Isa sa mga benepisyo nito ay ang pagkakaroon ng mabilis at

madaling pag-access sa impormasyon na nakasulat sa ibang wika. Ito ay makakatulong sa

mga mag-aaral na maunawaan at mas mapadali ang kanilang mga takdang aralin” lalo na

sa mga hindi gaanong bihasa sa ibang wika, sa pagsasalin ng mga teksto at impormasyon.

Ang paggamit ng Google Translator din ay maaaring maging kapaki-pakinabang

para sa mga mag-aaral na may limitadong kasanayan sa ibang wika, sapagkat maaari

nilang maunawaan at matutunan ang mga teksto at pananaliksik mula sa iba't ibang wika sa

pamamagitan ng pagsasalin ng Google Translator. Ito ay maaaring magdulot ng mas

mataas na marka at pag-unawa sa mga asignatura na kailangan ng pagsasaling wika.

Sa kabilang dako, ang paggamit ng Google Translator ay may negatibong epekto rin

ito sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral. Sa kadahilanang, maaaring magdulot ito


3

ng pagka-depende ng mga mag-aaral dahil sa kahusayan ng Google Translator sa

pagsasaling wika, maaaring maging sanhi ito ng kawalan ng pag-unawa at kakayahan ng

mga mag-aaral sa tunay na pagsasalita at pagsusulat ng wika. Ito ay maaaring humantong

sa kakulangan sa kaalaman at kahusayan sa asignaturang may kinalaman sa wika, tulad ng

panitikan at komunikasyon. Bukod pa rito, ang paggamit ng Google Translator ay maaaring

magdulot ng mga pagkakamali sa pagsasalin at hindi tamang pag-unawa sa kahulugan ng

mga salita at pangungusap.

Ang Google Translator ay masasabing malaki ang gamit sa pagsasalin sa isang

salita, subalit kapag pangungusap na ang isasalin ay nagkakaroon ito ng problema. Ayon

kina (Chandra at Yuyun, 2018), ang paggamit ng Google Translator ay epektibo kung ang

pagsasaling gagawin ay isa lamang salita. Karagdagan, maari paring maging epektibo ang

paggamit ng Google Translator kung ang resulta ng pagsasalin ay susuriin muli ng mga

mag-aaral. Karagdagan, ayon kay (Shih, 2017), gamitin sa epektibo ang Google Translator,

kinailangan ng mga mag-aaral na gawin ang paunang pag-edit ng teksto upang isalin sa

target na wika. Maaaring gawin ang paunang pag-edit sa pamamagitan ng pagwawasto sa

pinagmulang wika bago ito isalin sa target na wika

Samakatuwid, mahalagang pag-aralan ang kahalagahan at epekto ng paggamit ng

Google Translator sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng

pag-unawa sa mga potensyal na benepisyo at hadlang na dulot nito, maaring maisasaayos

ang paggamit nito sa edukasyon upang mapabuti ang akademikong kahusayan ng mga

mag-aaral at ang kanilang kasanayan sa pagsasaling-wika.

Paglalahad ng Suliranin

Layon ng pananaliksik na ito na malaman ang Persepsyon sa Paggamit ng Google

Translator sa Pagsasaling-wika at ang Epekto nito sa Akademikong Perpormans ng mga

Mag-aaral na nasa ika-10 Baitang ng Guiuan National High School.

Ninanais na masagot ang sumusunod na tiyak na suliranin;


4

1. Ano ang profayl ng mga mag-aaral?

a. Kasarian

2. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng Google Translator sa

pagsasaling-wika?

3. Ano ang lebel ng Akademikong Pagkatuto ng mag-aaral?

4. May kaugnayan ba ang paggamit ng Google Translator sa pagsasaling- wika at

akademikong pagkatuto?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Persepsyons sa Paggamit ng Google

Translator sa Pagsasaling-Wika: Epekto nito sa Akademikong Perpormans ng mga Mag-

aaral na nasa Ika-10 Baitang ng Guiuan National High School ay magiging kapaki-

pakinabang sa mga sumusunod.

Sa mga Guro

Ang Pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga Guro upang matukoy kung ano ang

epekto sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral na gumagamit ng GT (Google

Translator)

Sa mga Mag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay makaktulong sa kanila upang mas linangin pa ang kanilang

isipan hinggil sa mga terminong gagamitin sa paggawa nila ng mga sanaysay, pag-uulat,

atbp. gamit ang wikang Filipino.

Sa Paaralan

Ang kalalabasan ng pananaliksik na ito ay malalaman ng mga mananaliksik ang

persepsyon ng bawat mag-aaral sa pagpapalawak nila ng kanilang mga kaalaman sa

pamamagitan ng paggamit ng Google Translator, magsisilbi itong basehan ng paaralan kung


5

paano maging malikhain at mapamaraan ang kanilang mga mag-aaral sa kanilang

pagkatuto. Ang kaunlaran ng isa ay kaunlaran din ng lahat.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap

Ang pananaliksik na ito ay makakabenipisyo sa mga mag-aaral o mananaliksik

sapagkat maaari nila itong magamit bilang gabay o sanggunian sa mga pananaliksik na

kanilang gagawin sa hinaharap.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa persepsyon sa Paggamit Ng Google Translator

Sa Pasasaling Wika at Ang Epekto Nito Sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral Na

Nasa Ika-10 Baitang Ng Guiuan National High School. Upang makalap ang mga datos, ang

mga mananaliksik ay gagamit ng sarbey pormolaryo (questionnaire). Ang limitasyon ng

pananaliksik na ito ay hanggang sa 8 seksyon lamang sa ika-10 Baitang ng Guiuan National

High School sa Guiuan Eastern Samar at hindi na madadagdagan pa ng respondente

sapagkat ang datos na makukuha ng mga mananaliksik sa mga respondente ay sapat na

para sa ginagawang pag-aaral.

Depinisyon ng mga Termino

Sa bahaging ito, binibigyang kahulugan ang ilang mga salita na madalas binabanggit

sa pag-aaral nang sa gayon ay mawala ang kalituhan at mabigyang linaw ang mambabasa

sa mga nakapaloob na salita sa pag-aaral na ito. Ang mga sumusunod na termino ay

konseptwal at/o operasyonal na pagpapakahulugan.

Akademikong Perpormans - sumusukat sa kakayahan at abilidad ng bawat mag-aaral sa

loob ng silid-aralan. http://johnkenfrancisco.2016pananaliksik-akademik-perpormans


6

Epekto - ay isang kinalabasan, naging resulta o naging bunga ng isang pangyayari, bagay,

at mga sitwasyon. https://tl.ninanelsonbooks.com/significado-de-efecto

Google Translator- ay isang libreng multilingual statistical machine translation service na

pagmamay-ari ng Google para magsalin ng teksto, salita, mga imahe, mga site, o video

mula sa isang wika patungo sa iba. https://tl.m.wikipedia.org/wiki/GoogleTranslate

Pagsasaling-wika – Paglalahad sa pinagsasalinang wika sa pinakamalapit na natural na

katumbas ng orihinal na mensahe ng isinasaad ng orihinal na salin. Nida at Tabet (1969).

Persepsyon – Pananaw o Interpretasyon ng mga mag-aaral hinggil sa pinag uusapang

bagay. Nasusukat sa pamamagitan ng pagkalap ng mga opinion at pagpapasagot sa mga

tatalatungan

Hypothesis

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon ang pananaliksik na ito ay

kakikitaan ng sumusunod na hypothesis:

1.Mayroong makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng paggamit ng Google Translator

sa akademikong perpormans ng mga mag-aaral.


7

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang pagsasaling wika ay isa sa mahahalagang gawain sa kasalukuyan, dahil dito

mas napapaunlad ng isang tagasalin ang pang unawa sa salita o wikang kaniyang isasalin

na nagiging susi tungo sa pagiging produktibo maging sa akademikong usapin. Sa

kabanatang ito ay kinapapalooban ng mga ideya, naunang pananaliksik tukoy sa

persepsyon ng mga mag aaral sa Google Translator, at mga kaugnay na pag aaral na

tumatalakay dito na nakalap ng mga mananaliksik at pagdaragdag nito sa kasalukuyang

pag-aaral.

Kaugnay na literatura

Hindi kaya ng Google Translator para sa pagsasaling-wika ng mas mahabang

pangungusap. Kung magsasalin ito ng mas mahabang pangungusap, kadalasan ang tool na

ito ay nagbibigay pagsasalin ng salita sa salitang tumbasan. (Medvedev, 2016)

Ani ni (Shih, 2017), para mas maging mahusay ang paggamit ng Google Translator,

kinakailangan ang mga estudyante ay magsagawa ng pag-aayos ng mga salita upang

maisalin sa lengguwaheng nais isalin. Maaaring gawin ang paunang pag-edit sa

pamamagitan ng pagwawasto sa pinagmulang wika bago ito isalin sa ibang nais na wika.

Gaya ng sinabi ni (Shih, 2017), gamitin sa epektibo ang Google Translator,

kinakailangan nang mga mag-aaral na gawin ang paunang pag-edit ng teksto upang isalin

sa target na wika. Maaaring gawin ang paunang pag-edit sa pamamagitan ng pagwawasto

sa pinagmulang wika bago ito isalin sa target na wika.

Ang Google Translator ay isa sa mga sikat na kagamitan sa pag-aaral na

nakakatulong sa mga mag-aaral sa kanilang mga aktibidad sa pag-aaral. (Maulidiyah, 2018)


8

Ayon kina (Chandra at Yuyun, 2018), ang paggamit ng Google Translator ay

epektibo kung ang pagsasaling gagawin ay isa lamang salita. Karagdagan, maari paring

maging epektibo ang paggamit ng Google Translator kung ang resulta ng pagsasalin ay

susuriin muli ng mga mag-aaral.

Gamit ang Google Translator, nadaragdagan ng mga mag-aaral ang kanilang

bagong kaalaman sa pag-aaral ng wika. Mabisang gamitin ang Google Translator dahil

nakakatulong ang mga features nito sa mga mag-aaral sa kanilang mga gawain sa pagsulat.

(Khatimah, et.al. 2019).

Samantala, ayon kay (Fredholm, 2019), ang paggamit ng Google Translator ay

maaaring makahanap ang mga mag-aaral ng iba't ibang mga salita na gagamitin sa kanilang

pagsusulat. Samakatuwid, ang Google Translator ay masasabing isang mabisang sistema

na maaaring gamitin sa pag-aaral ng wika.

Ayon naman kay (Ghaouar et al., 2019) ang pagsasalin ay isang mahalagang

kognitib na istratehiya para matuto ng bagong salita o bokabularyo.

Sa bahagi ng journal na ginawa nila (Hardeni at Dewi, 2021), ipinapahayag ang

epekto ng masyadong pag depende ng mga mag aaral sa paggamit ng Google Translator sa

pagsasaling wika at kung paano rin ito nakakapag pataas ng kompyansa sa sarili sa

kanilang pag-aaral ngunit maari ring dahil sa pagdepende sa Google Translator hindi na

nalilinang ang pansariling kakayahan sa pag unawa at pagsasalin ng wika, dahil dito

maaring mawalan ng kompyansa sa sarili ang mga mag-aaral sa kanilang kakayahang

magsalin at dumepende nalang sa paggamit ng Google Translator, dagdag pa rito hindi

palaging perpekto ang mga naisasalin sa Google Translator at maaring mag resulta sa

pagkakamali ng mga gawaing may kaugnayan sa pagsasalin.

Kaugnay Na Pag-aaral
9

Ayon kina (Jaganathan et al., 2014) at (Ling, 2015), sinasabi na ang Google

Translator ay may mahalagang papel sa pag-aaral ng wika. Karamihan sa mga respondente

sumasang-ayon na ang Google Translator ay nakakatulong sa pagsulat ng sanaysay.

Gayunpaman, mayroong isang limitasyon mula sa Google Translator ang tumutulong sa

kanilang pag-aaral ng wika. Inamin ng karamihan sa mga respondente na ang Google

Translator ay nakakatulong kung ang pagsasaling-wika ay isang salita lamang. Subalit,

kapag mahabang pangungusap ang isasalin masasabing hindi malaki ang maitutulong nito.

Ayon naman sa isinagawang pag-aaral nina (Bahri at Mahadi, 2016), lumabas sa

kaso ng pag-aaral ang labing-anim (16) na internasyonal na mag-aaral sa Unibersidad ng

Saints Malaysia na nag-aaral ng lengguwaheng Malay. Karamihan sa mga mag-aaral ay

nakilala ang Google Translator bilang isang epektibong pandagdag na kasangkapan hinggil

sa pag-aaral ng Wikang Malay. Sinabi ring ang Google Translator ay kapaki-pakinabang sa

kanilang malayang pag-aaral ng wika dahil nakakatulong ito sa mga mag-aaral upang

maituon at magkaroon ng kamalayan sa kanilang sariling pagkatuto.

Walang alinlangan, ang mga mag-aaral ay lalong gumagamit ng Google Translator

sa loob at labas ng silid-aralan para sa iba't ibang layuning pang-akademiko, na ang

pinakakaraniwan ay ang pag-aaral ng bokabularyo, pag-unawa sa pagbasa, at mga gawain

sa pagsusulat. (Alhaisoni & Alhaysony, 2017).

Sina (Alhaisoni at Alhaysony, 2017), ay nagsagawa ng pagsisiyasat sa mga saloobin

ng 92 Saudi English as a Foreign Language (ESL) University English- major na mga

estudyante hinggil sa paggamit ng Google Translator. Nalaman sa pag-aaral na ito na halos

lahat ng mga mag-aaral ay gumagamit ng Google Translator, para sa pag-aaral ng

bokabularyo, pagsulat at pagbabasa. Ang pagkuha ng depinisyon o kahulugan ng mga hindi

kilalang salita, pagsulat ng mga takdang-aralin at pagbabasa ng Ingles na mga aklat na may

kinalaman sa gawain na ginagamitan ng Google Translator upang maunawaan.

Gayunpaman, ipinahayag ng mga respondente ang kanilang pagkabahala sa kawastuhan

ng resulta ng Google Translator dahil alam nila na "Hindi maisasalin ng Google Translator
10

ang lahat ng mga salita ng tama at kung minsan ay nagbibigay ito ng hindi angkop na

kahulugan ng mga salita...” (p. 79).

Ayon sa ginawang pananaliksik ni (Nugraha et., al, 2018) ang persepsyon ng

mababa at mataas na posibilidad sa tagumpay ng mga mag-aaral sa paggamit e-

dictionaries, lalo na ang Google Translator, sa pag-unawa ng bagong salita o bokabolaryu.

Nagpag-alaman na ang Google Translator at e-dictionaries ay may mahina at malaking

tagumpay ngunit, ayon sa mga mag-aaral ng ika-10 Baitang, ibinahagi nila ang kanilang

positibong pananawaw sa dalawang kagamitang nabanngit hinggil sa paggamit ng e-

dictionary sa pag-aaral ng mga bagong salita at sinabi rin ng mga respondente na

nakatulong din sa kanila ang paggamit ng Google Translator sa pag-aaral at pagkatuto ng

mga bagong salita dahil madali itong gamitin, mabilis at na-a-access ng mga smartphone.

Ang pag-aaral ay nagpapakita ng mga positibong saloobin sa Google Translator

kapag nagsasalin ng mga salitang Ingles. Itinuturing ng mga mag-aaral ang Google

Translator bilang isang kapaki-pakinabang na tool sa pagsasalin na maaaring magsalin ng

mga salita nang mas mabilis kaysa sa paggamit ng diksyunaryo. Bagama't may mga maling

pagsasalin pa rin, isa pa rin itong maginhawang tool upang magamit. Ibig sabihin sa

pangkalahatan, gusto ng mga estudyante ang isang positibong saloobin. (Pratiwi, 2019).

(Herlina, 2019), sa katunayan, ang ilang mga mag-aaral ay nag-ulat na kung tuturuan

lamang sila kung paano gamitin nang mahusay ang Google Translator ay maari nilang

magamit ito nang epektibo. Higit pa rito, ang paggamit ng Google Translator para sa

paggawa ng mga gawain sa silid-aralan at pagsasalin ng mga sangguniang aklat ay

hinihikayat ang mga mag-aaral na mag-aral nang nakapag-iisa, at hubugin ang kanilang

sariling mga diskarte para sa paglutas ng problema sa wika.

(Yanti at Meka, 2019), ang Google Translator ay lubos na ginamit para sa pagsasalin

ng mga pangungusap sa pamamagitan ng mga pangungusap ng mga mag-aaral. Ang

mataas na kahinaan ng Google Translator ay ang kamalian nito. Hindi ma-translate ng


11

Google Translator ang lahat ayon sa konteksto at tumpakang mga salita sa talata. Halos

lahat ng mga mag-aaral ay may positibong pananaw noong ginamit ang Google Translator

sa pag-aaral ng Ingles tungkol sa mga kasanayan sa pagsulat. Ang Google Translator ay

maaaring maging isang tool sa pag-aaral para sa pag-aaral ng Ingles, lalo na para sa mga

kasanayan sa pagsusulat. Ang Google translator ay mayroon pa ring mga pakinabang at

disadvantages kapag ginamit ng mga mag-aaral sa pag-aaral ng Ingles.

Ayon sa resulta ng pag-aaral ni (Wei, 2021), karamihan sa kanila ay madalas na

gumagamit ng Google Translator, at kinikilala ang pagiging kapaki-pakinabang ng Google

Translator sa kanilang proseso ng pag-aaral ng wika. Gayunpaman, alam nila ang limitasyon

ng Google Translator sa pagsasalin ng mas mahabang pangungusap, talata at teksto. Ang

ganitong mga natuklasan ay may mahalagang implikasyon para sa pagsasanay sa

hinaharap.

Ayon kay (Andrada, 2021) ang Google Translator ay isang libreng" multilinguwal na

SMT (Statistical Machine Translator) na may kakayahang magsalin ng mga salita, teksto,

pagsasalita o pagbigkas (audio), imahen, websites, at bidyo mula sa isang Simulaang

Lengguwahe (SL) patungo sa mga Tunguhang Lengguwahe (TL). Kaugnay sa pag-aaral na

ito binibigyang pansin ang ugnayan ng paggamit ng mga mag aaral ng Google Translator sa

pagsasaling wika at ng akademikong perpormans sa pamamagitan ng pag aanalisa sa

kanilang magiging persepsyon ukol dito.

(Fiona, 2023), alam ng lahat ng estudyante ang Google Translator bilang isang

serbisyo sa pagsasalin mula sa isang wika patungo sa isa pa. Gumagamit ang mga mag-

aaral ng mga salamin sa pagsasalin, na tumutulong sa kanila na matuto ng pagbigkas at

dagdagan ang bokabularyo, at tinutulungan silang kumpletuhin ang mga takdang-aralin sa

pagsusulat. Nangangahulugan ito na malalaman ng mga mag-aaral ang iba pang mga

function ng Google Translator sa proseso ng pag-aaral.


12

Teoritikal na Balangkas

Ang kasalukuyang pag-aaral ay nakabatay sa teoryang binuo ni Jean Piaget na

tinatawag na constructivism. Ang Constructivism ay teorya ayon sa kung saan ang

kaalaman at pagkatao ng mga indibidwal ay nasa permanenteng konstruksyon. Ang

konstrukturang teorya ng pagkatuto ay nagpapanatili na ang mga indibidwal ay maaaring

bumuo at mapahusay ang kanilang kakayahan para sa cognition sa pamamagitan ng mga

proseso ng pakikipag-ugnay at sa pamamagitan ng iba't ibang mga tool. Kaya naman ang

Teoryang ito ay nakakatulong sa dating kaalaman ng mga mag aaral na bumuo ng bagong

kaalaman gamit ang web-based tools (Google Translator) sa pag-aaral (Kohang et. al.,

2009). Sa pag-aaral na ito susuriin kung ang paggamit ng Google Translator ang

pangunahing kasagutan ng mga mag-aaral upang makabuo ng ideya at mapabilis ang pang-

unawa sa partikular na talakayan lalo na sa mga salita o sanaysay na pang dayuhan at kung

ito ba ay may kahalagahan sa kanilang akademikong perpormans.


13

Konseptwal na Bakangkas

Layunin ng pag-aral na ito ay matukoy ang ugnayan ng persepsyon ng mga mag-aaral sa

paggamit ng Google Translator sa kanilang pagkatuto. Ang pananaliksik ay gumagamit ng

descriptive correlational na uri ng desenyo na kung saan dito pinag-aaralan ang ugnayan ng

dalawa o higit pang mga baryabol.

IV DV

 Profayl ng mga Mag-aaral


 Persepsyon sa paggamit ng  Akademikong Pagkatuto
Google Transalator

Pigura 1: Nagpapakita ng Relasyon ng Independent Variable at Dependent Variablel


14

KABANATA III

METODOLOHIYA

Inilalahad sa kabanatang ito ang isang malinaw na paglalarawan sa disenyo ng pag-

aaral. Ang instrumentong gamit sa pag-aaral, paraan ng paglikom ng mga datos at

pagsusuring istadistikal.

Disenyo ng Pag- aaral

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang Persepsyon sa Paggamit ng Google

Translator sa Pagsasaling-Wika: Epekto nito sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral

na ginamitan ng disenyong paglalarawang korelasyunal na paraan sa pagkolekta ng mga

impormasyong kaugnay sa Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-

wika: Epekto nito sa Akademikong Perpormans ng mga Mag-aaral na nasa ika-10 Baitang

ng Guiuan National High School. Pinili ang disenyong ito ng pananalikisik upang lubos na

matukoy kung mayroong istatistikong ugnayan ang persepsyon ng mga mag- aaral sa

paggamit ng Google Translator sa pagsasaling-wika at akademikong pagkatuto na

ilalarawan sa pamamagitan ng mga akademikong gawain. Ang deskriptibong korelasyunal

na pamamaraan ay ang ginamit na disenyo upang makapangalap at makakuha ng

impormasyon tungkol sa ugnayan ng mga baryabol sa isa’t-isa sa pamamagitan ng

paglalarawan sa kanilang relasyon sa paraang numeriko.


15

Lokasyon ng Pag-aaral

Ipinakita sa ikalawang pigura ang lokasyon ng pag-aaral na isinagawa sa Guiuan

National High School. Ang mga respondente ay mga mag-aaral mula sa ika-10 Baitang ng

Guiuan National High School.

Pigura 2

Ang mapang ito ay nagpapakita ng lokasyon ng paaralang kalahok sa pag-aaral.

Pigura 2: Lokasyon ng Pag-aaral

Kalahok ng Pag-aaral

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay mga mag-aaral mula ika-10 baitang sa mga

seksyong Amber, Sapphire, Diamond, Garnet, Pearl, Jade, Ruby, at Emerald. Ang mga

kalahok ng pag-aaral ay mga mag-aaral na nasa ika- 10 Baitang na may kabuuang Sample

size na 198 mula sa naitalang 393 na kabuuang Populasyon ng ika-10 Baitang ng Guiuan

National High School.

Ang Sample size ay kinompyut gamit na pormyula na makikita sa ibaba:


16

N
n= 2
1+ ne

Ang pormula na ipinakita sa itaas ay tinatawag na Slovin’s Formula. Ito ay istatistikong

pormyula na ginagamit upang matukoy ang eksaktong dami ng mga kalahok na

kinakailangan sa pag-aaral. Ang simbolong N ay tumutukoy sa kabuuang populasyon ng

mga kalahok sa pag-aaral. Ang n naman ay tumutukoy sa sample size. Samantalang ang e

ay ang margin error na kung saan ay awtomatikong may katumbas na 5% o 0.05.

Ang mga mananaliksik ay nakakuha ng proporsiyong distribusyon ng mga kalahok sa

bawat seksyon o Respondent Sample Size (RSS) sa pamamagitan ng pormyulang ito:

RPS
RSS= xn
N

Ang pormyula sa itaas ay ginagamit upang makuha ang Respondent Sample Size

(RSS) o distribusyon ng mga kalahok sa mga seksyong Amber, Sapphire, Diamond, Garnet,

Jade, Emerald, Pearl, at Ruby ng Guiuan National High School. Ang quotient ng

Respondent Population Size (RPS) over Kabuuang Populasyon ay i-mumultiplay sa sample

size (n). Ang Respondent Population Size (RPS) ay ang bilang ng mga rehistradong mag-

aaral sa bawat seksyon.

Talahanayan 1

Distribusyon ng mga kalahok sa pag-aaral.

Respondente Populasyon Sample Size


Amber 48 24
Sapphire 48 24
Diamond 46 23
Garnet 51 26
Jade 49 25
Emerald 50 25
Pearl 50 25
Ruby 51 26
Kabuuan N= 393 n=198
17

Talahayan 1. Distribusyon ng mga Kalahok na Mag-aaral.

Sa unang seksyon ng ika-10 taon, ang Amber ay may kabuuang bilang na

apatnapu’t walo (48) populasyon at ang napiling respondente ay dalawampu’t apat (24), sa

seksyon Sapphire ay may bilang na apat na pu’t walo (48) at ang napiling kalahok ay

dalawampu’t apat (24), sa seksyon Diamond ay may kabuuang bilang na apatnapu’t anim

(46) at ang napiling kalahok ay dalawampu’t tatlo (23), sa sekyon Garnet ay may kabuuang

bilang na limampu’t isa (51) ang napiling kalahok ay dalawampu’t anim (26), at sa seksyon

Jade naman ay may kabuuang bilang na apatnapu't siyam at ang napiling kalahok ay

dalawampu't lima (25), sa seksyon Emerald naman ay may kabuuang bilang na limampu

(50) at ang napiling kalahok ay dalawampu't lima (25), sa seksyong Pearl naman ay may

kabuuang bilang na limampu (50) at ang napiling kalahok ay dalawampu't lima (25), sa

seksyong Ruby naman ay may kabuuang bilang na limampu't isa (51) at Ang napiling

kalahok ay dalawampu't anim (26).

Pagtitipon ng Datos

Ang mga mananaliksik ay humalaw ng talatanungan kay (Yanti, 2019), Pagkatapos

ay gagawa ang mga mananaliksik ng liham pangkomunikasyon para ipasa sa Principal ng

Guiuan National High School upang mabigyang pahintulot ang mga mananaliksik na

mamahagi ng mga talatanungan sa mga respondente upang masagutan nila ito at makuha

ang kinakailangan na datos.

Instrumentong Gamit ng Pag-aaral

Ang unang bahagi ng kwistyuner ay patungkol sa pagkalap ng profayl ng mga

respondente ng mananaliksik. Nakapaloob dito ang pangalan (opsiyonal), taon/seksyon, at


18

kasarian. Ang ikalawang bahagi naman ng sarbey-kwistyuner ay ang pagkalap ng datos

tungkol Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika at Epekto na

kung saan sa mayroon itong 15 aytem sa bawat bahagi.

Sukat ng mga Baryabol

Ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral na ito ay kakalapin gamit ang mga

talatanungan na kokolektahin, isasaayos at itatala gamit ang talahanayang distribusyon ng

mga datos. Ang mga bahagdan, iskeyl, at frequency count ay ginamit upang ilahad ang

Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika at Epekto ay parehong

bibigyang paglalarawan sa pamamagitan ng diskripsyon na: Hindi ko Alam, Lubos na hindi

sumasang-ayon, Hindi sumasang-ayon, Sumasang-ayon, at Lubos na sumasang-ayon.

Talahayanan 1

Ang Kasarian ng mga Respondente

Kowd Deskripsyon
1 Lalaki
0 Bababe

Talahanayan 2

Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-wika at Epekto Ng Paggamit

Ng Google Translator Sa Pagsasaling-Wika Sa Akademikong Peagkatuto Ng Mga Mag-

Aaral

Iskeyl Range Deskripsyon


5 4.21 - 5.00 Lubos na sumasang-ayon
4 3.41 - 4.20 Sumasang-ayon
3 2.61 - 3.40 Hindi Sumasang-ayon
2 1. 81 - 2.60 Lubos na Hindi sumasang-ayon
1 1.00 - 1.8 Hindi ko Alam

Pagsusuring Istatistikal

Ang mga impormasyong nakalap mula sa talatanungan o sarbey kwestyuner ay


19

inorganisa at tinabyula. Ang mga ito ay inunawa ng mabuti at masinsinan upang mabigyan

ng angkop na interpretasyon sa pamamagitan ng angkop na statistical tools.

Ang mga mean ng bawat baryabol ay binigyang interpretasyon at ginamit sa

pagkompyut ng pormyulang Pearson's r upang matukoy ang istatikong ugnayan ng

dalawang baryabol. Ang instrumentong gamit sa pag- aaral ay hinati sa dalawang bahagi,

una at ikalawa ay ang pagsagot ng talatanungan sa pamamagitan ng pagbilang sa ordinal

na rating scale mula 1 hanggang 5 na may paglalarawan; 1 Hindi ko Alam, 2 Lubos na Hindi

Sumasang- ayon, 3 Hindi Sumasang-ayon , 4 Sumasang-ayon, 5 Lubos na Sumasang-

ayon.
20

KABANATA IV

RESULTA AT PAGTATALAKAY

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga kasagutan sa katanungan na inilatag sa pag-

aaral ayon sa datos na nakolekta sa pamamagitan ng naratibong pagpapaliwanag at

talahanayang representasyon.

Kasariang Propyl

Sa talahanayang ito ipinapakita na mayroong 117 na kabuuang bilang ng lalaking

respondente at mayroon itong 59.1 na bahagdan samantala mayroong 81 na kabuuang

bilang ng babaeng respondente at mayroon itong 40.9 na bahagdan at ang kabuuang

respondente ay 198 na mayroong 100 na bahagdan.

Talahanayan 1: Propyl sa Kasarian ng mga Respondente

Kasarian Frequency Bahagdan

Lalaki 117 59.1%

Babae 81 40.9%

Kabuuan 198 100%

Persepsyon ng paggamit ng Google Translator


Sa bahaging ito ng pananaliksik, bibigyang tugon ang unang katanungan hinggil sa

persepsyon ng paggamit ng Google Translator ng mga mag-aaral. Makikita sa ikalawang

talahanayan ang pananaw ng mga respondente tungkol sa nasabing baryabol.


21

Bukod sa mga aytem na makikita sa talahanayan, nakapaloob din dito ang mga

meyn iskor ng bawat isa at mga deskripsyon. Mula rito malalaman ng mga mananaliksik

kung lubos na sumasang-ayon, sumasang-ayon, hindi sumasang-ayon, lubos na hindi

sumasang-ayon at hindi ko alam ang mga sagot batay sa persepsyon sa paggamit ng

Google Translator ng mga mag-aaral. Makikita rin dito ang aytem na nakakuha ng

pinakamataas na meyn iskor, pangkalahatang meyn iskor at deskripsyon sa kabuuang

pananaw ng mga mag-aaral sa persepsyon sa paggamit ng Google Translator.

Talahanayan 2: Persepsyon ng paggamit ng Google Translator

AYTEM MEYN DESKRIPSYON


1.Malaki ang tulong ng Google Translator sa pagsasalin. 4.49 Lubos na sumasang-ayon
2.Nabago ng Google Translator ang pagkatuto sa klase. 3.86 Sumasang-ayon
3.Napabilis ng Google Translator ang pag-unawa sa mga 4.45 Lubos na sumasang-ayon
wikang banyaga
4.Mas madali ang paggamit ng Google Translator kaysa 3.88 Sumasang-ayon
naturang pagsasalin.
5.Komportable kaba sa paggamit ng Google Translator. 3.90 Sumasang-ayon
6.Hindi nauunawaan ang ibang linggwahe kung wala ang 4.05 Sumasang-ayon
tulong ng Google Translator.
7.Nakatutulong ang Google Translator na magsalin ng mga 4.08 Sumasang-ayon
diskriptibong teksto.
8.Madalas magsalin ng ingles na salita o teksto 4.05 Sumasang-ayon
9.Nakatutulong ang Google Translator sa pagpapaunlad ng 3.92 Sumasang-ayon
kakayahan sa pagsasalin.
10.Magiging tamad nang buksan ang diksyonaryo/talatinigan 3.23 Hindi sumasang-ayon

11.Nawawalan na ng oras o panahon na matutuhan ang 3.18 Hindi sumasang-ayon


tunong gramatika dahil may Google Translator naman.
12.Hindi na pinagtutunan ng pansin ang pag-aaral sa mga 3.07 Hindi sumasang-ayon
proseso ng pagsasalin.
13.Nabubuo ang tiwala sa sarili sa pasasalin ng iba’t ibang 3.70 Sumasang-ayon
wika kapag gumagamit ng Google Translator.
14.Ginagamit ang Google Translator kahit sa madadali at 3.61 Hindi sumasang-ayon
simpleng mga salita.
15.Hindi nalilinang ang kognitibong kakayahan dahil sa 3.32 Hindi sumasang-ayon
madalas na pagdepende sa Google Translator.

PANGKABUUANG MEYN: 3.79 Sumasang-ayon


22

Ang mga indikeytor na matatagpuan sa unang talahanayan ay binubuo ng labing

limang mga katanungan na naglalaman ng mga sitwasyon tungkol sa persepsyon ng mga

mag-aaral sa paggamit ng GooglenTranslator. Ang unang aytem ay nakakuha ng meyn iskor

na 4.49 at may deskripsiyong lubos na sumasang-ayon. Ang ikalawang aytem ay nakakuha

ng meyn iskor na 3.86 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ikatlong aytem ay

nakakuha ng meyn iskor na 4.45 at may deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Ang ika-

apat aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.88 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang

ika-limang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.90 at may deskripsyong sumasang-ayon.

Ang ika-anim na aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.05 at may deskripsyong sumasang-

ayon. Ang ika-pitong aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.08 at may deskripsyong

sumasang-ayon. Ang ikawalong aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.05 at may

deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-syam na aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.92

at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-sampung aytem ay nakakuha ng meyn iskor

na 3.23 at may deskripsyong hindi sumasang-ayon. Ang pang-labing isang aytem ay

nakakuha ng meyn iskor na 3.18 at may deskripsyong hindi sumasang-ayon. Ang pang-

labing dalawang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.07 at may deskripsyong hindi

sumasang-ayon. Ang pang-labing tatlong aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.70 at may

deskripsyong sumasang-ayon. Ang pang-labing apat na aytem ay nakakuha ng meyn iskor

na 3.61 at may deskripsyong hindi sumasang-ayon. Ang pang-labing limang aytem ay

nakakuha ng meyn iskor na 3.32 at may deskripsyong hindi sumasang-ayon.

Ang unang aytem ang nakakuha ng pinakamataas na meyn na 4.49. Ito ay

nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na malaki ang tulong ng

google translator sa pagsasaling-wika samantala ang ikalabing dalawang aytem ang

nakakuha ng pinakamababang meyn na 3.07. Ito ay nangangahulugang hindi sumasang-

ayon ang mga mag-aaral na hindi pinagtutuunan ng pansin ang pag-aaral sa proseso ng

pagsasalin.
23

Epekto ng paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-Wika sa Akademikong

Pagkatuto ng mga Mag-aaral

Sa bahaging ito ng pananaliksik, bibigyang tugon ang unang katanungan hinggil sa

Epekto ng paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-Wika sa Akademikong Pagkatuto

ng mga Mag-aaral. Makikita sa ikatlong talahanayan ang pananaw ng mga respondente

tungkol sa nasabing baryabol.

Bukod sa mga aytem na makikita sa talahanayan, nakapaloob din dito ang mga

meyn iskor ng bawat isa at mga deskripsyon. Mula rito malalaman ng mga mananaliksik

kung lubos na sumasang-ayon, sumasang-ayon, hindi sumasang-ayon, lubos na hindi

sumasang-ayon at hindi ko alam ang mga sagot batay sa Epekto ng paggamit ng Google

Translator sa Pagsasaling-Wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral. Makikita rin

dito ang aytem na nakakuha ng pinakamataas na meyn iskor, pangkalahatang meyn iskor at

deskripsyon sa kabuuang pananaw ng mga mag-aaral sa baryabol na ito.

Talahanayan 3: Epekto ng paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling-Wika sa

Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral

AYTEM MEYN DESKRIPSYON


1.) Nagiging interaktibo ba ang pagkatuto sa klase at 3.95 Sumasang-ayon
nakakasabay sa paggamit ng iba't-ibang lenggwahe dahil sa
Google Translator?
2.) Epektibo ba ang iyong pagsasaling wika sa paggamit ng 4.01 Sumasang-ayon
Google Translator?
3.) Tama ba ang iyong pagsasaling wika? 3.77 Sumasang-ayon

4.) Nakatutulong ang Google Translator sa iyo bilang isang 4.36 Lubos na sumasang-ayon
mag-aaral?
5.) Masasabi bang may benepisyo ang paggamit ng Google 3.89 Sumasang-ayon
Translator?
6.) Naging maganda ba ang kinalabasan sa paggamit mo ng 3.88 Sumasang-ayon
Google Translator?
7.) Nakakapagsalita ka ba ng wikang Filipino o Ingles ng 4.20 Sumasang-ayon
maayos na hindi nakadepende sa Google Translator?
8.) Alam mo ba ang tamang paggamit ng Google Translator? 4.17 Sumasang-ayon
9.) Maliban sa Google Translator, may ibang aplikasyon ka 3.45 Sumasang-ayon
pagsasalin
10.) Nakatutulong ba ang Google Translator sa iyong 3.97 Sumasang-ayon
kasanayan sa pagsasalin?
11.) Angkop ba gamitin ang Google Translator sa sa 3.92 Sumasang-ayon
pagsasaling wika?
24

12.) Nakasalalay nalang ba sa Google Translator ang iyong 3.26 Hindi sumasang-ayon
pagsasaling wika?
13.) Angkop ba ang salitang binibigay ng Google Translator? 3.56 Sumasang-ayon
14.) Mabisa ba ang paggamit ng Google Translator sa 3.90 Sumasang-ayon
paggawa ng Ingles na sanaysay?
15.) May ibang lenggwaheng pinagsasalinan maliban sa 4.02 Sumasang-ayon
Ingles/Filipino

PANGKABUUANG MEYN: 3.89 Sumasang-ayon

Ang mga indikeytor na matatagpuan sa unang talahanayan ay binubuo ng labing

limang mga katanungan na naglalaman ng mga sitwasyon tungkol sa epekto ng paggamit

ng Google Translator sa Pagsasaling-Wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral.

Ang unang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.95 at may deskripsiyong sumasang-

ayon. Ang ikalawang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.01 at may deskripsyong

sumasang-ayon. Ang ikatlong aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.77 at may

deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-apat aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.36 at

may deskripsyong lubos na sumasang-ayon. Ang ika-limang aytem ay nakakuha ng meyn

iskor na 3.89 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-anim na aytem ay nakakuha ng

meyn iskor na 3.88 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-pitong aytem ay

nakakuha ng meyn iskor na 4.20 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-walong

aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.17 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang ika-

syam na aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.45 at may deskripsyong sumasang-ayon.

Ang ika-sampung aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.97 at may deskripsyong

sumasang-ayon. Ang pang-labing isang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.92 at may

deskripsyong sumasang-ayon. Ang pang-labing dalawang aytem ay nakakuha ng meyn

iskor na 3.26 at may deskripsyong hindi sumasang-ayon. Ang pang-labing tatlong aytem ay

nakakuha ng meyn iskor na 3.56 at may deskripsyong sumasang-ayon. Ang pang-labing

apat na aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 3.90 at may deskripsyong sumasang-ayon.

Ang pang-labing limang aytem ay nakakuha ng meyn iskor na 4.02 at may deskripsyong

sumasang-ayon.
25

Ang ika-apat na aytem ang nakakuha ng pinakamataas na meyn na 4.36. Ito ay

nangangahulugang lubos na sumasang-ayon ang mga mag-aaral na nakakatulong ang

Google Translator sa kanilang pag-aaral samantala ang ika-labing dalawang aytem ang

nakakuha ng pinakamababang meyn na 3.26. Ito ay nangangahulugang hindi sumasang-

ayon ang mga mag-aaral sa dahilang nakasalalay nalang sa Google Translator ang

pagsasaling-wika.

Relasyon sa Pagitan ng paggamit ng Google Translator sa pagsasaling- wika at

akademikong pagkatuto

Upang masagutan ang mga katanungan hinggil sa relasyon ng dalawang baryabol, ang

Pearson's r ay ginamit bilang statistical test na mas maaasahan at may balidong resulta.

Ang talahanayan na nasa ibaba ay nagpapakita ng ugnayan ng mga baryabol sa bawat

isa at kabilang dito ang correlation coefficient, P-value at interpretasyon nito.

Talahanayan 4: Kaugnayan sa paggamit ng Google Translator sa Pagsasaling- wika at

Akademikong Pagkatuto

Baryabol 1 Baryabol 2 Correlation Interpretasyon P- Value Interpretasyon


Coefficient
p
Persepsyon Epekto ng .657 Katamtamang .000 Lubhang
ng paggamit paggamit ng Korelasyon Mahalaga
ng Google Google
Translator Translator sa
Pagsasaling-
Wika sa
Akademikong
Pagkatuto ng
mga Mag-
aaral

Ang relasyon sa pagitan ng Paggamit ng Google Translator sa Akademikong

Pagkatuto ay makikita sa talahanayan 4. Ang (p= .657 at p-value na .000) ay nagpapakita

na mayroong makabuluhang kaugnayan sa pagitan ng Paggamit ng Google Translator sa


26

Pagsasaling-wika at sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral sa ika-10 baitang ng

Guiuan National High School.

KABANATA V

BUOD, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay naglalagom ng kinalabasan ng pag-aaral, konklusyon at

rekomendsasyon na nakabatay sa interpretasyon, analisis ng mga datos at resulta ng

pananaliksik.

Lagom

Layunin ng pag-aaral na bigyang-kaalaman ang mga mag-aaral sa Paggamit ng

Google Translator sa Pagsasaling-wika at epekto nito sa Akademikong Pagkatuto ng mga

Mag-aaral na nasa ika-10 baitang ng Guiuan National High School.

Batay sa sarbey na isinagawa, mayroong 198 na mga mag-aaral sa ika-10 baitang

ng Guiuan National High School ang naging respondente na sumagot sa sarbey kwestyuner.

Simple random na sampling ang ginamit na pamamaraan kung saan ang mga mananaliksik

ay bumuo ng mga talatanungan bilang kagamitan sa pagkalap ng datos.

Konklusyon

Mula sa mga nakuhang resulta ng mga mananaliksik sa naging sarbey, ito ang mga

nabuong konklusyon.
27

1. Naipapakita ang distribusyon ng respondente ayon sa Kasarian na mayroong

81 na babae na kung saan binubuo ng 40.9%, at 117 o 59.1% naman ang

kabuuang bilang ng mga lalaki. Ang kabuuang bilang ng respondente ay 198

na may kabuuang 100%.

2. Base sa unang baryabol na Persepsyon sa Paggamit ng Google Translator sa

Pagsasaling-wika . Nakakuha ng pinakamataas na meyn na umabot sa 4.49 na

nangangahulugan na Lubos na Sumasang-ayon. Ang pinakamababang meyn

naman na umabot lamang ng 3.07 na nangangahulugang hindi sumasang-

ayon. At naging pangkalahatang meyn ng pag-aaral ay nakakuha ng 3.79 na

ngangahulugan na Sumasang-ayon.

3. Base sa ikalawang baryabol na Epekto ng Paggamit ng Google Translator sa

Pagsasaling-wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral. Nakakuha ng

pinakamataas na meyn na umabot sa 4.36 na nangangahulugan na Lubos na

Sumasang-ayon. Ang pinakamababang meyn naman na umabot lamang ng

3.26 na nangangahulugang hindi sumasang-ayon. At naging pangkalahatang

meyn ng pag-aaral ay nakakuha ng 3.89 na ngangahulugan na Sumasang-

ayon.

4. Gumamit ang mga mananaliksik ng Spearman rho bilang statistical test upang

matukoy ang relasyon ng dalawang baryabol at makalap ang mas maasahan

at balidong resulta.

At naipakita na mayroong kaugnayan ang Persepsyon sa Paggamit ng Google

Translator sa Pagsasaling-wika sa Akademikong Pagkatuto ng mga Mag-aaral

sa Ika-10 baitang ng Guiuan National High School.

Rekomendasyon

Base sa mga kasagutan at konklusyong nahinuha, ang mga mananaliksik

ay nagbigay ng mga rekomendasyon.


28

1. Para sa mga magulang, labis na nirerekomenda ng mga mananaliksik na

sana gabayan ninyo ang inyong mga anak pagdating sa paggamit ng

makabagon

2. Para sa mga kaibigan, labis na inirerekomenda ng mga mananaliksik, na

sana tulungan ninyo na mapanatili ang inyong kaibigang mag-aaral na

balansihin ang paggamit ng teknolohiya at pagkatuto sa wikang Filipino ng sa

ganun ay hindi masyadong maapektuhan ang kanyang akademikong

pagganap sa paaralan.

3. Para sa mga mag-aaral, pahalagahan ninyo ang pagsunod sa mga payo para

sa iyong akademikong pagkatuto at para rin sa pagpapakita ng isang

mabuting mag-aaral.
29

SANGGUNIAN:

Ahaisoni 2017. An Investigation of Saudi EFL University Students’Attitudes towards the Use
of Google Translate https://www.macrothink.org
Andrada MC,.(2021)Subersibong Potensiyal ng Makina ng Pagsasalin: Google Translate at
Tula ni Carlos Bulosan. https://web.ebscohost.com
April 1, 2015, DO 8, s. 2015 – Policy Guidelines on Classroom Assessment for the K to 12
Basic Education Program | Department of Education. (2015, April 1).
https://www.deped.gov.
Alsalem, R. (2019). The effects of the use of Google Translate on translation students’
learning outcomes. AWEJ for Translation & Literary Studies, Volume3,
Number4.
Bahri, H., & Mahadi, T. S. T. (2016). Google Translate as a Supplementary Tool for Learning
Malay: A Case Study at University Saints Malaysia. (2016). Advances in Language
and Literary Studies, 7(3), 161-167. https://doi.org/10.7575/aiac.alls.v.7n.3p.161
Bozorgian, M., & Azadmanesh, N. (2015). A survey on the subject-verb agreement in
Googlemachine translation. International Journal of Research Studies in Educational
Technology, 4(1), 51–62.
Contributors to Wikimedia projects. (2023b). Pagsasalin. Wikipedia, Ang Malayang
Ensiklopedya.https://tl.m.wikipedia.org/wiki/Pagsasalin
Chandra, S. O., & Yuyun, I. (2018). The use of google translate in EFL essay writing. LLT
Journal: A Journal on Language and Language Teaching, 21(2), 228-238
Eid Ahaisoni 2017. An Investigation of Saudi EFL University Students’ Attitudes towards the
Use of Google Translate https://www.macrothink.org/journal/index.
Fiona D., 2023. Student’s Perception of Using Google Translate In Writing Task.
http://qjurnal.my.id/index.php/educurio/article/view/559
Fredholm, K. (2014). Effects of online translation on morphosyntactic and lexical pragmatic
accuracy in essay writing in Spanish as a foreign language. CALL Design: Principles
and Practice - Proceedings of the 2014 EUROCALL Conference,Groningen, The
Netherlands, 96–101. http://doi.org/10.14705/rpnet.2014.000201
30

Fredholm, K. (2019). Effects of Google translate on lexical diversity: vocabulary


development among learners of Spanish as a foreign language. Revista Nebrija, 13(26),
98-117.
Ghaouar, N., Laiche, S., & Belhadi, S. (2019). Computer mediated communication and
vocabulary learning: The case of Facebook. Ethical Lingua Journal of
Language Teaching and Literature, 6(2), 98-116.
Habeeb, (2020) International Journal of Innovation, Creativity and Change.
www.ijicc.net Volume 12, Issue 12, 2020
Herlina, N., Dewanti, R., & Lustyantie, N. (2019). Google translate as an alternative tool for
assisting students in doing translation: A case study at University Negeri
Jakarta,Indonesia. BAHTERA: Jurnal Pendidikan Bahasa dan Sastr, 18(1), 70-78. doi:
10.21009/BAHTERA.181.06
Jaganathan, P., Hamzah., M., & Subramaniam I (2014) An Analysis of Google Translate
Use in Decoding Contextual Semanticity among EFL Learners
https://www.researchgate.net
Khatimah, K., Rahmawati, Y., Rachman, D., & Puspita, R. H. (2019). The Usage of Online
Dictionary and Translation among Student in University. International Journal of
Engineering & Technology, 8(1.1), 158-164
Lee, S.-M. (2020). The impact of using machine translation on EFL students’ writing.
Computer Assisted Language Learning, 33(3), 157-175.
Maulidiyah, F. (2018). To use or not to use google translate. Journal Linguistic Terapan,
8(2), 1-6.of Chinese Translation, 506–521.https://doi.org/10.4324/9781315675725-30
Medvedev, G. (2016). Google translate in teaching English. The Journal of Teaching English
For Specific And Academic Purposes, 4(1), 181–193.
Murtisari, E. T., Widiningrum, R., Branata, J., & Susanto, R. D. (2019). Google Translate in
Language Learning: Indonesian EFL Students' Attitudes. The Journal of Asia TEFL,
16(3), 978–986. https://doi.org/10.18823/asiatefl.2019.16.3.14.978
Pablo, J. C. I., & Lasaten, R. C. S. (2018). Writing difficulties and quality of academic essays
of senior high school students. Asia Pacific
Shih, C.-ling. (2017). Machine translation and its effective application. The Routledge
Handbook
Wei l, k. 2021 The Use of Google Translate in English Language Learning: How Students
View. https://myjms.mohe.gov.my/index.php/ijares/article/view/12459
Yanti, M., & Meka, L. M. C. (2019, December). The student’s perception in using Google
Translate as a media in translation class. In Proceedings of International Conference
on English Language Teaching (INACELT) (Vol. 3, No. 1, pp. 128-146).
Yanti, M., & Meka, L. M. C. (2019, December). The student’s perception in using Google
Translate as a media in translation class. In Proceedings of International Conference
on English Language Teaching (INACELT) (Vol. 3, No. 1, pp. 128-146).
31

PERSEPSYON SA PAGGAMIT NG GOOGLE TRANSLATOR SA PAGSASALING-


WIKA: IMPLUWENSIYA SA MGA MAG-AARAL NA NASA IKA-10 BAITANG NG
GUIUAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Pangalan: _________________________________________(Optional)
Baitang/Seksyon: ____________________
Kasarian: ( ) Babae ( ) Lalaki

Panuto: Pagkatapos basahin ang bawat aytem, lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang
na naglalarawan ng iyong tugon. Lahat ng aytem ay kinakailangang masagutan.

Kowd

5 = Lubos na Sumasang-ayon 2 = Lubos na Hindi Sumasang-ayon


4 = Sumasang-ayon 1 = Hindi ko Alam
3 = Hindi Sumasang-ayon

Unang Bahagi

PERSEPSYON NG PAGGAMIT NG GOOGLE


TRANSLATOR 5 4 3 2 1
1.Malaki ang tulong ng GT sa pagsasalin.
2.Nabago ng GT ang pagkatuto sa klase.
3.Napabilis ng GT ang pag-unawa sa mga wikang
banyaga
4.Mas madali ang paggamit ng GT kaysa naturang
pagsasalin.
5.Komportable kaba sa paggamit ng GT.
6.Hindi nauunawaan ang ibang linggwahe kung wala
ang tulong ng GT
7.Nakatutulong ang GT na magsalin ng mga
32

diskriptibong texto.
8.Madalas magsalin ng ingles na salita o teksto
9.Nakatutulong ang GT sa pagpapaunlad ng
kakayahan sa pagsasalin.
10.Magiging tamad nang buksan ang diksyonaryo/-
talatinigan
11.Nawawalan na ng oras o panahon na matutuhan
ang tunong gramatika dahil may GT naman.
12.Hindi na pinagtutunan ng pansin ang pag-aaral sa
mga proseso ng pagsasalin.
13.Nabubuo ang tiwala sa sarili sa pasasalin ng iba't
ibang wika kapag gumagamit ng GT.
14.Ginagamit ang GT kahit sa madadali at simpleng
mga salita.
15.Hindi nalilinang ang kognitibong kakayahan dahil
sa madalas na pagdepende sa GT.

Ikalawang Bahagi

EPEKTO NG PAGGAMIT NG GOOGLE


TRANSLATOR SA PAGSASALING-WIKA SA 5 4 3 2 1
AKADEMIKONG PAGKATUTO NG MGA MAG-
AARAL
1.) Nagiging interaktibo ba ang pagkatuto sa klase at
nakakasabay sa paggamit ng iba't-ibang lenggwahe
dahil sa GT?
2.) Epektibo ba ang iyong pagsasaling wika sa paggamit
ng GT?
3.) Tama ba ang iyong pagsasaling wika?
4.) Nakatutulong ang GT sa iyo bilang isang mag-aaral?
5.) Masasabi bang may benepisyo ang paggamit ng
GT?
6.) Naging maganda ba ang kinalabasan sa paggamit
mo ng GT?
7.) Nakakapagsalita ka ba ng wikang Filipino o Ingles ng
maayos na hindi nakadepende sa GT?
8.) Alam mo ba ang tamang paggamit ng GT?
9.) Maliban sa GT, may ibang aplikasyon ka pagsasalin
10.) Nakatutulong ba ang GT sa iyong kasanayan sa
pagsasalin?
11.) Angkop ba gamitin ang GT sa sa pagsasaling
wika?
12.) Nakasalalay nalang ba sa GT ang iyong
pagsasaling wika?
13.) Angkop ba ang salitang binibigay ng GT?
14.) Mabisa ba ang paggamit ng GT sa paggawa ng
Ingles na sanaysay?
33

15.) May ibang lenggwaheng pinagsasalinan maliban sa


Ingles/Filipino

Ikatlong Bahagi

Panuto: Punan ang patlang sa hinihinging datos.

GWA_____ sa Pampanuruan 2023-2024.

You might also like