You are on page 1of 7

7E LESSON PLAN IN SOCIAL STUDIES

Paksa Pangangailangan at Kagustuhan


Baitang Baitang IX
Takdang Oras 1 Oras / 60 minuto
Developer April Ann M. Diaz
Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) at Layunin (Objectives)

Kasanayan sa Pagkatuto/
Learning Competency:

Makapagsusuri sa mga salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan.

Layunin/Objectives: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Makapagsusuri sa kaibahan ng pangangailangan at kagustuhan bilang


batayan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon
 Maipakikita ang ugnayan sa personal na kagustuhan at pangangailangan sa
suliranin ng kakapusan
 Pinapahalagahan ang pagbuo ng matalinong pagdedesisyon sa pang-araw-
araw na pamumuhay.

ELICIT ( 5 minuto ) Kagamitan (Materials)

Ilista Natin!  Isang buong papel


(1 whole sheet of
Panuto: Maglista ng sampung bagay na mahalaga sa iyo bilang isang mag-aaral. Isulat
ito nang sunod-sunod ayon sa kahalagahan. Itala ang iyong sagot sa isang buong paper)
papel.  Bolpen
 PowerPoint
Mga Gabay na Tanong: Presentation
 Laptop
1. Anong bagay ang pinaka mahalaga sa iyo?  Telebisyon/
2. Ano ang nagging batayan mo sa ginawang listahan? Projector

ENGAGE ( 10 minuto )
 Larawan
LINE-UP!  PowerPoint
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng mga bagay o produkto na kadalasang
Presentation
binibili ng mga tao. Hahayaan ang mga napiling mag-aaral na ipagkasunod-  Laptop
sunod ang mga larawan ayon sa pangangailangan nila hanggang sa kanilang  Telebisyon/
kagustuhan. Projector

Pamprosesong Tanong:
1. Paano kayo nagdesisyon sa inyong inilagay na larawan?
2. Ano ang iyong naiisip habang inaayos ninyo ang mga larawan?
3. Paano naiuugnay ang mga bagay na ito sa inyong buhay?

EXPLORE ( 10 minuto )
WHY OH WHY?

Panuto: Suriin ang bawat aytem sa una at ikalawang kolum. Pagpasyahan kung ano ang  Isang buong papel
pipiliin mo sa Option A at B. Isulat sa ikatlong kolum ang iyong desisyon. (1 whole sheet of
Option A Option B Dahilan paper)
Mag te-text Tatawag sa telepono  Bolpen
Maglalakad sa pagpasok Sasakay sa pagpasok sa  PowerPoint
sa paaralan paaralan
Kakain ng kanin Kakain ng tinapay
Presentation
Supot na Plastic Supot na papel  Laptop
Gagamit ng lapis Gagamit ng ballpen  Telebisyon/
Projector

EXPLAIN ( 10 minuto )

Pagtatalakay ng Aralin

Sa puntong ito, ang klase ay magkakaroon ng talakayan patungkol sa mga salik na


nakaaapekto sa pagdedesisyon sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Ang mga larawan:  Larawan


1. Pagkain
2. iPhone
 PowerPoint
3. Tubig Presentation
4. Video Games  Laptop
5. Tirahan  Telebisyon/Projector

Mga Gabay na Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan?


2. Kailan nagiging pangangailangan ang isang kagustuhan? Bakit?

ELABORATE ( 10 minuto )
 Isang sangkapat na
KAILANGAN O KAGUSTUHAN papel (1/4 sheet of
paper)
Panuto: Isulat ang salitang GUSTO ko/kong/ng o KAILANGAN ko/kong/ng
 Bolpen
 PowerPoint
1._____ pumunta sa party Presentation
2._____ kumain ng prutas at gulay upang manatiling malakas ang aking katawan  Laptop
3._____ magbubukas ng savings account sa isang matatag na bangko para sa aking  Telebisyon/Projector
kinabukasan
4._____ lumipat sa Magandang bahay na may aircon
5._____ uminom ng tubig pagkatapos kumain

EXTEND ( 5 minuto )
PASS MUNA!

Panuto: Ipagpalagay na miyembro ka ng isang pamilyang binubuo ng limang


miyembro. Nasa ibaba ang listahan ng mga dapat pagkagastusan at maaari ninyong
ikonsumo sa buwang ito. Ang iyong tatay lang ang may trabaho at may kabuuang kit
ana Php10,000 sa isang buwan. Lagyan ng tsek (/) ang inyong dapat pagkagastusan, at
(x) kung hindi. Isulat ang dahilan kung bakit (x) ang sagot.  Isang buong papel
MAAARING PAGKAGASTUSAN HALAGA BAWAT BUWAN (PHP) (1 whole sheet of
paper)
_____1. Kuryente 1, 000  Bolpen
_____2. Tubig 500  PowerPoint
Presentation
_____3. Pagkain ng Pamilya 5, 000
 Laptop
_____4. Video Game 100
 Telebisyon/Projector
_____5. Pamamasyal sa kaibigan 500

Mga dahilan kung bakit (x) ang sagot.


________________________________________________________________________
_
________________________________________________________________________
_
________________________________________________________________________
_

EVALUATE ( 10 minuto )

PARA SA KINABUKASAN
 Isang buong papel
Panuto: Sa isang buong papel, gumawa ng isang open letter tungkol sa mga (1 whole sheet of
pangangailangan at kagustuhan ng iyong local na komunidad. Isulat ang “Para sa paper)
kinabukasan at sa aking bayan _________________” bilang panimula ng iyong open  Bolpen
letter. Isulat sa pamuhatang bahagi ng liham kung para kanino ito.  PowerPoint
Presentation
 Laptop
 Telebisyon/
Projector

Takdang-Aralin:
Sa iyong kuwaderno, sagutan kung paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng  Kwaderno
pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon  Bolpen
Mga Sanggunian
1. Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral “Ekonomiks”

Inihanda ni: April Ann M. Diaz


DEMONSTRATION PLAN / INSTRUCTIONAL PLAN IN SOCIAL STUDIES

Baitang: IX (Ikasiyam) Course Title: Araling Panlipunan IX


Markahan: I (Una) Bilang ng Oras: 1 Oras Domain: Pangangailangan at Kagustuhan
Developer: April Ann M. Diaz

Part 1. Mga Pamantayan (Standards), Kasanayan (Competencies) at Layunin (Objectives).


Nilalaman Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagkatuto Pamantayan sa Pagganap
(Content) (Content Standards) ( Learning Competency) (Performance Standard)

Ang mag-aaral ay: Ang mag-aaral ay:


Nasusuri ang kahalagahan ng konsepto ng
Naipamamalas ng mag-aaral ang Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga
Pangangailangan at
pagunawa sa mga pangunahing konsepto pangangailangan at kagustuhan. pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang
Kagustuhan
ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino batayan ng matalino at maunlad na pang-
at maunlad na pang-araw-araw na araw-araw na pamumuhay.
pamumuhay.

Part 2
5 Tenets of Whole
Child Approach

Challenged
Supported
7E Model Maikling Paglalarawan ng Gawain 21st Century Skills

Healthy

Engage
Safe
Ilista natin
 Critical Thinking
 Sa pamamagitan ng paglista ng sampung bagay na
 Communication
mahalaga bilang isang mag-aaral at pagtatanong ng
Elicit  Creativity
guro, nalalaman ang mga kaalaman na mayroon na
ang mga mag-aaral upang ganap na maipakilala ang  Information Literacy
aralin.
Line - Up!
Gamit ang mga larawan, ang mga mag-aaral ay
nabibigyan ng pagkakataon upang tukuyin kung
anong pagkasunod-sunod ng mga larawan ayon
 Critical Thinking
Engaged sa pangangailangan nila hanggang sa kanilang
kagustuhan.  Information Literacy

Why Oh Why
 Sa tulong ng iba’t-ibang sitwasyon na nasa kahon ay  Critical Thinking
Explore malalaman at makapagsusuri ang mga mag-aaral  Information Literacy
nang wastong pagdedesisyon kung anong gagawin at
gagamitin batay sa kanilang pangangailangan.
Pagtatalakay ng Aralin
 Sa pangunguna ng guro sa talakayan gamit ang isang  Critical Thinking
PowerPoint Presentation, nabibigyang kaalaman ang  Communication
Explain
mga mag-aaral patungkol sa pangangailangan at  Information Literacy
kagustuhan.  Social Skills

Kailangan o Kagustuhan?
 Sa pamamagitan ng gawaing pagsusulit na ito ay
 Critical Thinking
Elaborate makakapagbahagi ang bawat estudyante sa kanilang
 Information Literacy
nalalaman tungkol sa mga pangunahing
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
Pass muna!  Critical Thinking
Sa pamamagitan ng mga binigay na sitwasyon ay  Collaboration
Extend matutukoy at mas maiintindihan ng mga mag-aaral
dapat pagkagastusan at maaari ikonsumo sa bawat
 Communication
isang buwan
Evaluate Para sa Kinabukasan  Critical Thinking
 Sa pamamagitan ng gawaing ito ay nalalaman ang  Information Literacy
nauunawaan ng mga mag-aaral sa natalakay ng guro
at nasusubok sila sa kung anong mga naaalala nila sa
lahat ng Gawaing sinagutan nila.
Part 3. Lesson Proper
ELICIT

Paglalarawan ng Gawain

 Ang klase ay magsisimula sa pagsasagawa ng isang gawain na tinatawag na Balik-aral at/o pagsisimula ng bagong aralin. Sa gawaing ito, ang guro ay
magbibigay ng isang buong papel na pupunan ng mga mag-aaral at katanungan na siya namang sasagutin nila. Susundan ito ng pagpili ng guro sa mga
estudyanteng magbabahagi ng kanilang mga sagot sa klase. Ang sagot ng mga mag-aaral ay magbibigay-daan upang malaman ng guro ang mga kaalamang
mayroon na ang mga estudyante.

ENGAGE

Paglalarawan ng Gawain

Sa gawaing Line – Up, ang mga mag-aaral ay bibigyan ng pagkakataon na tukuyin upang tukuyin kung anong pagkasunod-sunod ng mga larawan ayon
sa pangangailangan nila hanggang sa kanilang kagustuhan. Ang layunin ng gawaing ito ay mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral bilang isang
matalinong pagdedesisyon.
EXPLORE

Paglalarawan ng Gawain

 Sa gawain na Why oh Why, makapagsusuri ang mga mag-aaral nang wastong pagdedesisyon kung anong gagawin at gagamitin batay sa kanilang
pangangailangan.
EXPLAIN

Paglalarawan ng Gawain

 Sa puntong ito ng pag-aaral, pangugunahan ng guro ang talakayan patungkol sa pangangailangan at kagustuhan sa pamamagitan ng isang PowerPoint
Presentation. Tatalakayin sa klase ang ibat-ibang salik tulad ng pangunahing pangangailangan, at pag badyet. Magpapakita ng larawan ang guro at
ipahuhula kung anong salik ito konektado. Makakatulong itong gawaing ito upang mas palalimin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa aspeto ng talakayan at
hikayatin silang maging mapanuri at responsableng mamimili.
ELABORATE
Paglalarawan ng Gawain

 Matapos ang talakayan patungkol sa pangangailangan at kagustuhan, magkakaroon naman ang mga mag-aaral ng pagsusulit na kung saan
makakapagbahagi ang bawat estudyante sa kanilang nalalaman tungkol sa mga pangunahing pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang gawaing ito ay
makakatulong upang mas mahikayat ang mga mag-aaral sa iba pang gawain na makakatulong sa kanila para lubos na maunawaan ang mga salik na
nakakaapekto sa pagkonsumo.
EXTEND

Paglalarawan ng Gawain

 Matapos ang pagsusulit, ay aatasan naman ng guro ang mga mag-aaral na kumuha ng isang buong papel para sa susunod na gawain na tatawaging Pass
muna. Sa pamamagitan ng gawaing ito, ang mga mag-aaral ay matutukoy at mas maiintindihan ng mga mag-aaral dapat pagkagastusan at maaari
ikonsumo sa bawat isang buwan
EVALUATE

Paglalarawan ng Gawain

 Upang malaman ng guro kung may natutunan ang mga mag-aaral mula sa mga gawain at talakayan na isinagawa. Ang mga mag-aaral ay aatasan na ilahad
ang kanilang pangunawa, damdamin, opinyon, at mga hakbang o aksyon na kaugnay ng mga salik na nakakaapekto sa pagdedesisyon sa pang-araw-araw na
pamumuhay Sa gawaing ito, masusuri ng guro kung paano naunawaan at nagamit ng mga mag-aaral ang kanilang natutunan. Ito ay isang mahusay na
paraan upang matukoy ang mga aspeto ng pagkatuto na maaaring kailangan pa nilang pagtuunan ng pansin at maaari ring magbigay-daan sa mas malalim
na pag-unawa ng guro sa kaniyang mga mag-aaral.

You might also like