You are on page 1of 10

7E LESSON PLAN IN EPP

Paksa Paghahanda sa mga Sangkap ng Pagluluto


Baitang Baitang 5
Takdang Oras 1 Oras / 60 minuto
Developer Jayson M. Dela Cruz
Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Learning Competencies) at Layunin (Objectives)

Kasanayan sa Pagkatuto/
Learning Competency: 1. Naihahanda ang mga sangkap sa pagluluto
2. Nasusunod ang mga tuntuning pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghaha-
nda at pagluluto ng pagkain

Layunin/Objectives: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

 Natutukoy ang mga dapat na ihandang sangkap sa pagluluto.


 Naisasagawa ang mga mapanuring tuntuning pangkalusugan, sa pamimili ng
sangkap sa pagluluto.
 Nasusunod ang mga gawaing pangkaligtasan at pangkalusugan sa mga
sangkap na gagamitin.

ELICIT ( 5 minuto ) Kagamitan (Materials)


Sulat-Isip:
Panuto: Sa isang sangkapat na papel, ililista ng mga mag-aaral ang sa tingin nila ay  Isang sangkapat
sangkap ng pinoy delicacy na adobong baboy. na papel (1/4
sheet of paper)
Mga Gabay na Tanong?  Bolpen
1. Anu-ano ang mga hakbang sa paghahanda ng mga sangkap ng adobong baboy?  PowerPoint
2. Paano ang wastong pagpili ng mga sankap na ihahanda? Presentation
3. Alin ang mga dapat gawin upang masigurong malinis at masustansya ang pagkaing  Laptop
ihahanda?

ENGAGE ( 10 minuto ) Kagamitan (Materials)


Ano ako?
Panuto: Pumunta sa kaniya-kaniyang grupo. Ayusin ang mga letra sa hanay A upang
makabuo ng mga tamang salita.

HANAY A HANAY B

1. atnimap –

2. atatspa -

 tsart
3. nerak gn boyba –  PowerPoint
Presentation
 Laptop
 Projector
4. yassibu -

5. wangba -

EXPLORE ( 10 minuto ) Kagamitan (Materials)


Hulaan mo:
Panuto: Tukuying ang mga sumusunod na proseso ng paghahanda at pagluluto ng pagkain.

Hanay A Hanay B
1. Tumutukoy sa pagpaplano ng mga dapat A. Pamamalengke
kainin o ihanda sa itinakdang panahon.
2. Paggawa ng talaan ng sariling klase ng B. Pagluluto
plagluluto at pagtimpla ng pagkaing
ihahanda. C. Paggawa ng resipe
3. Pagbili ng mga sangkap sa pagluluto.  Mga nagupit na
‘4. Proseso ng pagsasama-sama ng mga D. Paggawa ng menu sa loob ng isang larawan
sangkap sa lutuan at paggawa ng pagkaing araw o isang linggo  Scotch tape
ihahanda.  Pisara
 PowerPoint
Presentation
 Laptop
 TV

EXPLAIN ( 10 minuto ) Kagamitan (Materials)


Sa puntong ito, ang klase ay magkakaroon ng aktibiti at talakayan patungkol sa mga
alituntuning pagkalusugan at pangkaligtasan sa paghahanda ng mga sangkap at pagluluto
ng pagkain. Tutukuyin ang mga alituntunin at bibigyan ito ng kani-kanilang ideya na may
gabay ng guro sa pamamagitan ng mga gabay na tanong.

1. Huwag ibabad sa tubig ang mga sankap ng matagal.


2. Hugasang mabuti ang kamay, mga sangkap sa pagluluto bago gamitin. Ilagay ito sa
malinis na lagayan.
3. Takpan ang pagkain pagkatapos maluto.
4. Iwasan ang pagkadurog o pagkalamog ng niluluto upang di mawala ang sustansya.
5. Timplahan ng tama ang pagkain. Iwasan ang sobrang alat.
6. Magsuot ng apron upang hindi madumihan ang iyong damit.
7. Balatan ang mga sangkap ng palayo sa katawan. Unahing balatan ang mga sangkap
na di-nagbabago at isunod ang iba pang sangkap.  PowerPoint
8. Gumamit ng potholder sa paghawak ng kaldero at kawali upang hindi mapaso. Presentation
9. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay tulad ng kutsilyo.  Laptop
10. Maging maingat sa paggamit ng kalan at isara ng maayos ang gas cylinder.  TV
11. Upang maiwasan ang pag apaw at pagkasunog huwag iwanan ang niluluto.

Mga Konseptong Tatalakayin:


1. Mga tuntuning pangkalusugan
2. Mga tuntuning pangkaligtasan

Mga Gabay na Tanong:


1. Alin sa mga sumusunod alituntunin ang pangkalusugan at pangkaligtasan?
2. Bakit dapat sundin at tandaan ang mga tuntuning pagkalusugan?
3. Bakit dapat sundin at tandaan ang mga tuntuning pagkaligtasan?
4. Ano ang mga maaring mangyari kapag ito’y hindi nasunod?
ELABORATE ( 5 minuto ) Kagamitan (Materials)
Gawain:
Magtala ng mga iba’t-ibang paghahanda sa mga sangkap na kailangan sa pagluluto, tulad
ng pagtatalop at pagbabalat.  Isang kalahating
papel (1 whole
Mga Gabay na Tanong: sheet of paper)
1. Ano ang iyong mga naitala? Maari bang magbigay ng tig-dalawa paghahanda ng  Powerpoint
mga sangkap at bigyan ito ng deskripsyon kun paano ito isinasagawa? Presentation
 Bolpen
EXTEND ( 5 minuto ) Kagamitan (Materials)
Share mo lang!
Panuto: Magbigay ng mga posibleng maging tips para sa katulad mong mamimili base sa
iyong karanasan.  Powerpoint
Presentation
Mga Gabay na Tanong:  TV
1. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili at pamimili ng mga sangkap sa
pagluluto?
2. Anu-ano ang mga indikasyon na sariwa o magandang klase ang mga isda, karne, at
gulay na iyong nais bilhin?
3. Paano matutukoy na ang mga delata, frozen products, at iba pang preservative food
products na ito’y pwede pang gamitin bilang sangkap?

EVALUATE ( 15 minuto ) Kagamitan (Materials)


Gawain:  Isang buong
I. Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na pahayag kung ito ba’y tuntuning papel
pangkaligtasan, o pangkalusugan. Isulat ang sagot sa patlang.  Aktibiti sheet
 Pisara
1. Huwag ibabad sa tubig ang mga sankap ng matagal.  Scotch tape
2. Hugasang mabuti ang kamay, mga sangkap sa pagluluto bago gamitin. Ilagay ito sa
malinis na lagayan.
3. Takpan ang pagkain pagkatapos maluto.
4. Iwasan ang pagkadurog o pagkalamog ng niluluto upang di mawala ang sustansya.
5. Timplahan ng tama ang pagkain. Iwasan ang sobrang alat.
6. Magsuot ng apron upang hindi madumihan ang iyong damit.
7. Balatan ang mga sangkap ng palayo sa katawan. Unahing balatan ang mga sangkap na
di-nagbabago at isunod ang iba pang sangkap.
8. Gumamit ng potholder sa paghawak ng kaldero at kawali upang hindi mapaso.
9. Mag-ingat sa paggamit ng matutulis na bagay tulad ng kutsilyo.
10. Maging maingat sa paggamit ng kalan at isara ng maayos ang gas cylinder.
11. Upang maiwasan ang pag apaw at pagkasunog huwag iwanan ang niluluto.

II. Panuto: Tukuyin kung anong klaseng gawaing kamay sa paghahanda ng mga sangkap
sa pagluluto ang mga sumusunod.
1. Pagtatalop a. pag-aalis ng balat gamit ang kamay
2. Pagbabalat b. pag-aalis ng balat gamit ang kutsilyo
3. Paghihimay c. pagpuptol ng mga pagkain upang lumiit
4. Paghihiwa gamit ang kutsilyo
5. Pagkaliskis d. paghihiwalay sa mga pinong bahagi
6. Paggigiling gamit ang kamay
7. Pagbabati e. Pagdagdag ng hangin sa hinalong
8. Pagsasala pagkain gamit ang tinidor, pambati o
9. Pagdikdik mixer.
10. Paghahalo f. Pagpino ng pagkain gamit ang gilingan
g. pag-aalis ng mga kaliskis sa isda gamit
ang kutsilyo
h. pagbabayo ng mga sangkap gamit ang
almires tulad ng mani, paminta, at iba pa.
i. paghihiwalay ng likido sa buo-buong
laman ng sangkap
j. pagsasam-sama ng mga sangkap

Takdang-Aralin: Kagamitan (Materials)

Magbigay ng isa pang resipe ng pagkaing pinoy.


Isulat ang mga sangkap nito at subukang ihanda at lutuin.
Resipe: _________________________________  PPT
Mga Sangkap: ___________________________________  TV
____________________________________
Paraan ng Pagluluto: ______________________________

Mga Sanggunian:
1. EPP-Curriculum Guide, EPP5HE-0j-29
2. Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 Textbook

Inihanda ni: Jayson M. Dela Cruz


DEMONSTRATION PLAN / INSTRUCTIONAL PLAN IN SOCIAL STUDIES

Course Title: Edukasyong Pantahanan at


Baitang: 5 (Ikalima)
Pangkabuhayan 5
Markahan: 3 (Ikatlo) Bilang ng Oras: 1 Oras Domain: Home Economics
Developer: Bonifacio D. Manzano Jr.

Part 1. Mga Pamantayan (Standards), Kasanayan (Competencies) at Layunin (Objectives).


Nilalaman Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagkatuto Pamantayan sa Pagganap
(Content) (Content Standards) (Learning Competency) (Performance Standard)
Ang mag-aaral ay: 1. Naihahanda ang mga sangkap sa
Ang mag-aaral ay:
pagluluto.
Paghahanda sa mga
Naipapamalas ang pang-unawa sa 2. Nasusunod ang mga tuntuning
Sangkap ng Naisasagawa ang kasanayan sa pangangalaga
kaalaman at kasanayan sa sa mga pangkalusugan at pangkaligtasan sa
Pagluluto sa sarili at gawaing pantahanan na
“gawaing pantahanan” at tungkulin at paghahanda at pagluluto ng pagkain
naktutulong sa pagsasaayos ng tahanan.
pangangalaga sa sarili.
Part 2
5 Tenets of Whole
Child Approach

Challenged
Supported
7E Model Maikling Paglalarawan ng Gawain 21st Century Skills

Healthy

Engage
Safe
Sulat-Isip
 Critical Thinking
 Sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro, nalalaman
Elicit  Communication
ang mga kaalaman na mayroon ang mga mag-aaral
 Information Literacy
upang ganap na maipakilala ang aralin.

Engaged Ano ako?  Critical Thinking


 Papangkatin sa apat ang klase. Gamit ang ginulong  Information Literacy
mga letra (jumbled letters) na nakadikit sa tsart at  Collaboration
mga letrato. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga
tinutukoy ng guro, sa pamamagitan ng pagbibigay
deskripsyon at palaisipan patungkol sa mga sangkap
ng pagluluto ng adobong baboy.

Hulaan Mo!
 Critical Thinking
 Huhulaan ng mga mag-aaral ang mga tinutukoy sa
Explore  Collaboration
hanay A sa hanay B, gamit ang mga depinasyong o
 Information Literacy
pahayag na nakasaad rito.

Talakayan
 Sa pangunguna ng guro sa talakayan gamit ang isang  Critical Thinking
PowerPoint Presentation, magbibigay ito ng mga  Communication
Explain alituntunin at gabay na mga tanong. Hahayaang
 Information Literacy
magbigay ng mga ideya, opinion, at nalalaman ang
 Social Skills
mga mag-aaral at ito nama’y ipaliliwanag at
tatalakayin sa klase.  Collaboration

Gawain
 Susubukin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto, sa  Critical Thinking
Elaborate pamamagitan ng pagtatala ng mga iba’t-ibang
 Information Literacy
paghahanda sa mga sangkap na kailangan sa
pagluluto, tulad ng pagtatalop at pagbabalat.

Share mo lang?
 Aanyayahan ang mga mag-aaral na magbigay ng  Critical Thinking
Extend kani-kanilang karanasan at kaalaman na posibleng  Collaboration
magamit sa pagpili, pagpili, at paghahanda ng mga  Communication
sangkap sa pagluluto.

Evaluate Gawain:  Critical Thinking


 Susukatin ng guro ang mga kaalamang natutunan ng  Information Literacy
kaniyang mga estudyante sa pamamagitan ng
inihandang ng maikling pagsusulit, na nahahati sa
dalawang parte, ang pagtukoy sa mga alituntunin at
paghahanda ng mga sangkap.
Part 3. Lesson Proper
ELICIT

Paglalarawan ng Gawain

 Ang klase ay magsisimula sa pagsasagawa ng isang gawain na tinatawag na Sulat-Isip. Sa gawaing ito, itatala ng mga mag-aaral sa sangkapat na papel ang
sa tingin nila ay mga sangkap ng pinoy delicacy na adobong baboy. Susundan naman ito ng mga gabay na tanong, na siya namang itatanong ng guro sa
mga mag-aaral. Ito ay pumapatungkol sa mga hakbang sa paghahanda ng mga sangkap, wastong pagpili ng mga sangkap na ihahanda, at mga dapat gawin
nang masigurong malinis o ligtas, at masustansya ang pagkaing ihahanda. Sa paraang ito, masusubok ang kaalaman at kagalingan ng mga mag-aaral
patungkol sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto. Ganun rin sa pagpili ng mga sangkap at pagpili nito. Ang lahat ay aanyayahan ng guro na
makibahagi at magbahagi ng kanilang mga karanasan sa patngkol sa leksyon, at kaalaman. Nang sa ganun ay matukoy ng guro ang kaniyang mga dapat
ituro at ipaintindi sa kaniyang mga estudyante.

ENGAGE

Paglalarawan ng Gawain

 Sa aktibiting tinawag na “Ano Ako?” papangkatin sa apat ang klase. Magbibigay deskripsyon at palaisipan ang guro sa kaniyang mga mag-aaral patungkol
sa mga sangkap ng pinoy delicacy na adobong baboy. Upang matukoy ang bawat sangkap, may mga inihandang ginulong letra (jumbled letters), na siya
namang aayusin ng mga estudyante sa tsart. Kalakip din nito ang mga larawan ng bawat sangkap, upang mas lalo pa nilang maintindihan at makita ang mga
anyo ng bawat sangkap na tinutukoy. Aayusin ang mga letra sa hanay A upang makabuo ng mga tamang salita. Kasunod ay ang pagpapaliwanag kung
patungkol saan ang talakayan para sa araw na iyon. Pagkatapos ay ipapaliwanag na ng guro kung ano ang maaring iluto gamit ang mga sangkap na ito.
Maari rin itong dagdagan pa ng mga estudyante.

EXPLORE

Paglalarawan ng Gawain
 Sa puntong ito, tutukuyin ng mga estudyante ang sumusunod na proseso ng paghahanda at pagluluto ng pagkain. Sa pamamagitan ng inihandang
powerpoint presentation, hahanapin ng mga mag-aaral ang tinutukoy ng nasa mga hanay A, sa hanay B ang mga proseso sa paghahanda at pagluluto ng
pagkain.

EXPLAIN

Paglalarawan ng Gawain

 Sa puntong ito ng pag-aaral, pangugunahan ng guro ang aktibiti at talakayan patungkol sa mga susunding alituntuning pagkalusugan at pangkaligtasan sa
paghahanda ng mga sangkap at pagluluto ng pagkain. Tutukuyin ang mga alituntunin at bibigyan ito ng kani-kanilang ideya na may gabay ng guro sa
pamamagitan ng mga gabay na tanong.

ELABORATE

Paglalarawan ng Gawain

 Matapos ang aktibiti, magtatala ang mga mag-aaral ng iba’t-ibang paghahanda sa mga sangkap na kailangan sa pagluluto, tulad ng pagtatalop at pagbabalat.
Kasunod nito ang mga gabay na tanong ng guro, upang mabigyan ng pagkakataon na makapagbahagi ng mga kaalaman ang mga estudyante, at sa paksang
tinatalakay. Inaasahang makapagbibigay ang bawat is ng tigdalawa o higit pang paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto, na siya namang tatalakayin sa
klase ng guro at estudyante.

EXTEND

Paglalarawan ng Gawain

 Para sa panghuling aktibiti, na pinangalanang “Share mo lang!”, magtatanong-tanong ang guro sa karanasan ng mga mag-aaral patungkol sa maari nilang
maibigay na tips o kaalaman sa pagsasaalang-alang sa pagpili at pamimili ng sangkap. Indikasyon na sariwa at magandang klase pa ang isda, karne, gulay
at prutas na bibilihin. Pagtukoy sa mga delata, frozen products, at iba pang preservative foods kung ito ay pwede pang gamitin o kainin.

EVALUATE
Paglalarawan ng Gawain

 Para subukin ang kaalaman o pagkatuto ng mag-aaral matapos ang talakayan. Ang guro ay magsasagawa ng maikling pagsusulit patungkol sa talakayan. Ito
ay nahahati sa dalawang parte. Una ay ang pagtukoy sa mga pahayag kung ito ba’y alituntuning pangkaligtasan o pangkalusugan. Pangalawa ay pagtukoy
sa kung anong kung anong klaseng gawaing kamay sa paghahanda ng mga sangkap sa pagluluto ang mga sumusunod na pahayag. Mayroon silang labing-
limang minute upang sagutin ang mga ito. Na siya namang ipaliliwanag at babantayan ng guro, upang masigurong ito’y masusunod ng maayos.

You might also like