You are on page 1of 3

REALISMO

Sa pamamagitan ng talakayang ito, ating bibigyang-liwanag ang konsepto ng realismo sa panitikan.

- Noong panahon ng rebolusyong industriyal at pagsilang ng mga ideya nina Karl Marx at
Friedrich Engels, lumaganap din ang kaisipang realismo sa panitikan.

Noong panahon ng rebolusyong industriyal at pagsilang ng mga ideya nina Karl Marx at Friedrich
Engels, lumaganap din ang kaisipang realismo sa panitikan. Ang mga kontribusyon nina Karl Marx at
Friedrich Engels sa pag-unlad ng teoryang realismo sa panitikan ay hindi maaaring balewalain. Bagaman
hindi sila direktang manunulat ng panitikan, ang kanilang mga ideya at pananaw sa lipunan at ekonomiya
ay malaki ang impluwensya sa mga manunulat at intelektuwal sa kanilang panahon. Si Karl Marx ay
kilalang iskolar, pilosopo, at sosyalista na kilala sa kanyang mga akda, lalo na ang "Das Kapital" at
"Communist Manifesto," kung saan inilahad niya ang kanyang mga teorya tungkol sa kapitalismo, uri ng
lipunan, at konsepto ng uri at pakikibaka. Ang kanyang pananaw ay nagpapakita ng isang malalim na
pag-unawa sa KAHIRAPAN at PAGSASAMANTALA NG MGA MANGGAGAWA sa ilalim ng
kapitalistang sistema. Sa pamamagitan ng kanyang analisis sa estruktura ng lipunan at ekonomiya, naging
mahalaga ang kontribusyon ni Marx sa paghubog ng kaisipan ng mga manunulat na sumunod sa kilusang
realismo. Ang kanyang mga ideya sa pakikibaka ng uri at pagsusuri sa mga sosyal at ekonomikong
suliranin ay naging pundasyon para sa pagsulat ng mga akdang realista. Si Friedrich Engels naman ay
malapit na kaibigan at kasama ni Marx sa pagsusulat at pagpapalaganap ng mga ideya tungkol sa
sosyalismo at komunismo. Kabilang sa kanyang mga akda ang "The Condition of the Working Class in
England" at "The Origin of the Family, Private Property and the State." Ang kanyang mga pananaw sa
mga isyu ng kahirapan, katiwalian, at KAHIRAPAN NG MGA MANGGAGAWA ay nagbigay
inspirasyon sa mga manunulat ng realismo na tumalakay sa mga tunay na karanasan at kalagayan ng mga
ordinaryong tao sa lipunan.

- Ang realismo ay tumutukoy sa pagpapakita ng mga bagay sa kanilang tunay na anyo at


kalagayan, imbes na magbigay-puwang sa romantikong pagpapahayag.
- naglalayong magpakita ng mga suliraning kinakaharap ng lipunan, tulad ng kahirapan,
katiwalian, at kawalan ng katarungan.

Ang realismo ay tumutukoy sa pagpapakita ng mga bagay sa kanilang tunay na anyo at kalagayan, imbes
na magbigay-puwang sa romantikong pagpapahayag. Sa realismo, ang paglalarawan ng mga pangyayari
at mga tauhan ay sinasalamin ang tunay na kalagayan ng lipunan. Hindi lamang ito nagsusumikap na
magbigay ng aliw o kasiyahan, bagkus ito'y naglalayong magpakita ng mga suliraning kinakaharap ng
lipunan, tulad ng kahirapan, katiwalian, at kawalan ng katarungan. Ang layunin ng panitikan ay ipakita
ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaepektibo ng kanyang sinulat.

- Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan.


Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan. Sinumang tao, anumang bagay at
lipunan ayon sa mga realista, ay dapat maging makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.
Karaniwang nakapokus ito sa paksang sosyo-pulitikal, kalayaan, at katarungan para sa mga naapi.

Upang mas maintindihan kung ano ang realismo, ating suriin ang akdang pampanitikan ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, ang NOLI ME TANGERE. Ang Noli Me Tangere ang isa sa
mga akdang nagpapakita ng pagmamalabis, pang-aapi, at kawalan ng katarungan na binase ni Rizal sa
mga nasaksihan niyang pangyayari. Ngayon, suriin natin ang isa sa mga Kabanata nito kung saan
makikita ang realismo – ang Kabanata 17 na pinamagatang “Si Basilio.”

Napatigagal si Sisa nang dumating si Basiliong sugatan ang ulo. Dumadaloy ang
masaganang dugo. Ipinagtapat ni Basilio ang dahilan ng kanyang pagkakasugat. Siya ay
hinabol ng mga guwardiya sibil at pinahihinto sa paglakad. Pero siya ay kumaripas ng takbo
sapagkat nangangamba siyang kapag nahuli siya ay parurusahan siya at paglilinisin sa
kuwartel. Dahil sa hindi niya paghinto siya ay binaril. Dinaplisan siya ng punglo sa ulo.
Sinabi din niya sa ina na naiwan niya sa kumbento si Crispin. Nakahinga ng maluwag si
Sisa. Ipinakiusap ni Basilio sa ina, na huwag sabihin kanino man ang dahilan ng kanyang
pagkakasugat sa ulo. At sa halip ay sabihin na lamang na nahulog siya sa puno.

Tinanong ni Sisa kung bakit naiwan si Crispin. Sinabi ni Basilio na napagbintangan na


nagnakaw ng dalawang onsa si Crispin. Hindi niya sinabi ang parusang natikman ng kapatid
sa kamay ng Sakristan Mayor. Napaluha si Sisa dahil sa awa sa anak. Sinabing ang mga
dukhang katulad lamang nila ang nagpapasan ng maraming hirap sa buhay. Hindi nakatikim
ng pagkain si Basilio. Kaagad na sinayasat ng ang ina nang malaman na dumating ang ama.
Alam niyang pagdumarating ang ama tumitikim ng bugbog ang ina nito. Nabanggit ni Basilio
na higit na magiging mabuti ang kanilang kalagayan, kung silang tatlo na lamang. Hitsa
puwera ang ama. Ito ay pinagdamdam ni Sisa.

Sa pagtulog ni Basilio siya ay binangungot. Sa panaginip niya, nakita niya ang kapatid
na si Crispin ay pinalo ng yantok ng kura at sakristan major hangang sa ito ay panawan ng
malay tao. Dahil sa kanyang malakas na pag-ungol, siya ay ginising ni Sisa. Tinanong ni
Sisa kung ano ang napanaginipan nito. Hindi sinabi ni Basilio ang dahilan at sa halip,
kanyang sinabi kung ano ang balak nito sa kanilang pamumuhay. Ang kaniyang balak ay (1)
ihihinto na silang magkakapatid sa pagsasakristan at ipapakaon niya si Crispin kinabukasan
din, (2) hihilingin niya kay Ibarra na kunin siyang pastol ng kanyang baka at kalabaw at (3)
kung malaki-laki na siya, hihilingin niya kay Ibarra na bigyan siya ng kapirasong lupa na
masasaka.

Sa pagsusuri ni Basilio sila ay uunlad sa kanilang pamumuhay dahil siya ay magsisipag


sa pagpapayaman at paglilinang sa bukid na kanyang sasakahin kung saka-sakali.

Si Crispin ay mag-aaral kay Pilosopo Tasyo at si Sisa ay titigil na sa paglalamay ng


mga tinatahing mga damit. Sa lahat ng sinasabi ni Basilio, si Sisa ay nasisiyahan. Ngunit
lihim na napaluha ito sapagkat hindi isinama ng anak sa kanyang mga balak ang kanilang
ama.

- Bakit ito realismo?


1. nagtatampok ng mga pang-araw-araw na pangyayari.

Makikita sa kabanatang ito ay nagtatampok ng mga pang-araw-araw na pangyayari, tulad ng pagtakas ni


Basilio mula sa mga guwardiya sibil, ang kanyang pagkakasugat, at ang kanyang pakikipagsapalaran
upang protektahan ang sarili at ang kanyang pamilya. Sa pamamagitan ng mga pangyayaring ito,
naipapakita ng nobela ang mga tunay na hamon at pakikibaka ng mga Pilipino sa kanilang araw-araw na
buhay, lalo na noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.

2. Nagpapakita ng mga suliranin sa lipunan

Ang kabanata rin ay nagpapakita ng mga suliranin at kahirapan na kinakaharap ng mga mahihirap na
Pilipino, kabilang ang katiwalian, karahasan, at pang-aabuso ng mga nasa kapangyarihan. Ayon nga sa
buod na pinagbibintangang magnanakaw ni Crispin kaya ikinulong ito at pinarusahan. Kaya nama’y
napagtanto ni Sisa na ang mga dukhang katulad lamang nila ang madalas na pinapahirapan. iyan ay
nagpapakita ng karahasan at kawalan ng katarungan, dahil hindi naman napatunayan kung nagnakaw ba
talaga si Crispin, bagama’y pinagbintangan kaagad dahil nga mahirap lamang ito. Ipinapakita rin nito ang
mga pag-aalala at pangarap ng mga karakter para sa kanilang pamilya at para sa kanilang sarili – ang mga
paghihirap na dulot ng kahirapan at pang-aabuso ng mga makapangyarihan. Makikita rin sa kabanatang
ito na ang pang-aabuso sa kapangyarihan at pang-aapi sa mga mahihirap ay talamak nang suliranin ng
lipunan magmula pa man noon.

3. Naglalarawan ng mga damdamin at reaksyon ng mga karakter

Pinapakita ng kabanata ang mga totoong damdamin at reaksyon ng mga karakter sa harap ng mga
pagsubok at kahirapan sa buhay. Halimbawa, ipinakita ng pag-aalala at pagmamahal ni Sisa para sa
kanyang mga anak, ang takot at pangamba ni Basilio sa kanyang kalagayan, at ang kanilang mga
pangarap para sa mas magandang kinabukasan.

Sa pamamagitan ng mga aspetong ito, ang kabanata ay nagbibigay-buhay sa tunay na kalagayan at mga
karanasan ng mga Pilipino noong panahon ng kolonyalismo. Ipinapakita nito ang mga totoong suliranin at
hamon na kanilang kinakaharap, pati na rin ang kanilang mga reaksyon at pagtugon dito. Sa ganitong
paraan, nagiging makatotohanan at kapani-paniwala ang kwento, na nagpapakita ng kahalagahan ng
realismo sa panitikan bilang isang paraan ng pagpapakilala at pagpapahalaga sa mga totoong karanasan at
kalagayan ng lipunan.

You might also like