You are on page 1of 11

Tekstong

Naratibo
Ilalahad ng Ika-apat na pangkat
Tekstong Naratibo
Ito ay ang paglalahad o ang pagsasalaysay ng
isang kwento na mayroon pagkakasunod-sunod.

Layunin:
Pagbibigay impormasyon
Bilang isang libangan o kaaliwan
Pagkukunan ng mabuting asal at mga aral
Katangian ng Tekstong Naratibo
1. May iba’t-ibang pananaw o Punto de Vista.
2. May mga paraan ng pagpapahayag ng dayalogo,
saloobin, o damdamin.
3. May mga elemento.
1. Mga iba’t-ibang Pananaw ( Point Of View)
Unang Panauhan - isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay,
madalas marinig ang panghalip na ako.
Ikalawang Panauhan - wari kinakausap ng manunulat ang
tauhang kanyang pinagagalaw sa kwento, madalas marinig ang
mga panghalip na ka at ikaw.
Ikatlong Panauhan - ito ay isinasalaysay ng isang taong walang
relasyon sa tauhan, madalas marinig ang panghalip na siya.
Mayroon itong tatlong uri;
1. Mga iba’t-ibang Pananaw ( Point Of View)
Tatlong Uri ng Ikatlong Panauhan;

Maladiyos na Panauhan - nabatid ang galaw at iniisip ng lahat


ng mga tauhan.
Limitadong Panauhan - nababatid niya ang galaw at iniisip ng
isa sa mga tauhan subalit hindi ang lahat.
Tagapag-obserbang Panauhan - hindi niya nababatid ang
naiisip o damdamin ng mga tauhan.
Kombinasyong Pananaw o Paningin - hindi lang iisa nag
tagapagsalaysay kaya’t iba’t ibang pananaw ang nagagamit
para rito.
2. Mga paraan sa pagpapahayag ng
dayalogo, saloobin, o damdamin
Direkta o Tuwirang Pagpapahayag - ito ay direktang
nagpapahayag ng saad, saloobin, o damdamin ng
tauhan.
Di Direkta o Di Tuwirang Pagpapahayag - hindi nito
direktang napapahayag ang saad ng tauhan, subalit
maaari itong ilahad ng manunulat ang kaniyang
interpretasyon o bersyon.
3.Mga Elemento
Tauhan - mga karakter o gumaganap sa isang kwento. Nakikilala ang
mga tauhan sa kanilang mga katangian at sa kanilang ginagampanan.
Mayroon ding iba’t- ibang uri ng mga tauhan;

-Pangunahing Tauhan - ang kwento ay patungkol sa tauhang ito, siya


ay nakikita sa simula hanggang katapusan ng kwento.
-Kasamang Tauhan - kasama o kasangga ng pangunahing tauhan.
-Katunggaling Tauhan - madalas na sumasalungat sa pangunahing
tauhan.
-May Akda - laging nakasubaybay ang kamalayan ng may akda/awtor,
minsan din silang tagapagsalaysay sa kwento.
3.Mga Elemento
2 Uri ng Tauhan
-Tauhang Bilog (Round Character) - ang tawag sa mga
tauhang nagbabago ang katangian sa loob ng takbo ng
kwento.
-Tauhang Lapad (Flat Character) - ang tawag sa mga
tauhang hindi nagbabago ang katangian sa loob ng takbo
ng kwento.
Tagpuan - ito ang lugar at panahon kung saan nangyari o
naganap ang kwento.
Banghay - ang malinaw na pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang kwento.
Limang Bahagi ng Banghay
3. Mga Elemento
Anachrony - pasalaysay na hindi nakaayos sa tamang
pagkakasunod-sunod.

-Analepsis (flashback)
-Prolepsis (fast forward)
-Elipsis (may puwang)

Paksa - ito ang ideya o kung saan umiikot ang kwento


(patungkol saan at kanino).
MARAMING SALAMAT SA
PAKIKINIG!!!
Mga miyembro:
Argando, Kim Fred
Mahinay, Janiah Shane
Musanip, Johair
Perino, Dean Ver
Saberon, Alyssandra Rachele

You might also like