You are on page 1of 7

Babasahin 1

Estruktura ng Wikang Filipino

Kaligiran Hinggil sa Wika

ANG WIKA

Ang wika ay isang mahalagang kasangkapang gingamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa
lipunan. Nagagamit ito sa iba’t ibang aspekto ng pamumuhay ng tao: pang ekonomiya, pang
relihiyon, pampulitika, pang edukasyon at panlipunan. Ang wika ay nawawala at namamatay
kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit
patuloy naman itong lumalaganap.

Ang wika bilang behikulo ng komunikasyon ay may kaugnay na batas na kinakailangang


sundin upang mas maipahayag ang kaisipang nais sabihin. LInggwistika ang tawag sa
siyentipikong pag-aaral na ito.

Ang wika ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa pamamagitan ng


pasulat at pasalitang simbulo. Ayon kay Webster, ito ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at
nauunawaan ng isang komunidad. Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga
sinasalitang tunog naman ang wika ni Henry Gleason. Isang kasangkapan ng
pakikipagsosyalisasyon naman ang wika ayon kay Sapir at isang kolektibong gawain naman kay
Saussare. Ang wika ay kalipunan naman ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama -sama
ng mga ito para magkaunawaan ang grupo ng mga tao para kina Pamela Constantino at Leo
Zapra. Isang sistema naman ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon
ng tao ang tinuran naman ni Edgar Sturvetent.

Samantala ang wika ay maituturing din na isang agham at sining. Agham sapagkat ito’y
binubuo ng mga simulain at tuntunin at Sining sapagkat ito’y sumusunod sa huwaran ng
pagbabago ng balangkas, palatunugan, morpolohiya at sintaksis.

KAHALAGAHAN NG WIKA

Bakit nga ba mahalaga ang wika? Narito ang mga sumusunod na kadahilanan:
(1) Ito ay Midyum ng Komuniksayon
(2) Malinaw at epektibong naipapahayag ng tao ang damdamin at isipan.
(3) Pinakamabisang kasangkapan sa paghahatid ng mensahe at impormasyon.
(4) Sumasalamin at nagpapaunlad sa kultura ng isang bansa.
(5) Sandata ng tao upang lumitaw ang katotohanan at ipagtanggol ang sarili.

KATANGIAN NG WIKA

(1) Ang wika ay likas at katutubo


(2) Ang wika at kultura ay palaging magkabuhol
(3) Ang bawat wika ay natatangi
(4) Dinamiko ang wika
(5) Ang wika ay Fleksibol
(6) Ang wika ay makulay
(7) Lahat ng wika ay Arbitraryo
(8) Lahat ng wika ay nanghihiram

MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA

a. Teoryang Dingdong
Sa teoryang ito ipinapalagay na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay.

b. Teoryang Bow Wow


Sa teoryang ito ang anumang tunog na nalikha ng kalikasan ay ginagad ng

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


tao.

c. Teoryang Pooh Pooh


Ipinalalagay sa teoryang ito na ang tao ang siyang lumikha ng tunog at
nagbibigay kahulugan dito.

d. Teoryang Yoheho

PInaniniwalaan sa teoryang ito ang wika ay galing sa nilikha ng taong


magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain.

e. Kahariang Ehipto

Sa teoryang ito, ayon sa haring si Psammaticus, ang wika ay sadyang


natututuhan kahit walang nagtuturo.

f. Tore ni Babel

Ito ay hango sa Bibliya. Genesis 11:1-9

g. Charles Darwin
Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman(1975) na may pamagat na “Origin of
Language” na kung saan nagsasaad na ang wika ay natututunan ng tao
pakikipagsapalaran.

h. Teoryang Musika

Isinasaad sa teoryang ito na ang wika ay may melodiya at tono at walang


lalayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang
kakulangan sa mga detalye at impormasyon

i. Teorya ng Pakikisalamuha

Sa teoryang ito, ayon kay G. Ravesz, isang propessorsa Amsterdam


Germany, ang tao mismo ang gumagawa ng kaniyang wika upang may magamit sa
kaniyang pakikisalamuha.

j. Teoryang Muestra

Sa teoryang ito, pinaniniwalaang nauuna ang pagsasalita sa


pagmumuwestra.

PRINSIPAL NA ANGKAN NG WIKA

Narito ang klasipikasyon Gleason sa mga prinsipal na angkan ng wika.

I. Indo European – ang pinakamalaking angkan

1. Germanic o Teutonic – Ang terminong Teutons ay ginagamit din upang


sumanggunoa sa mala Alemang tao.

1.a English-Frisian- Sinasalita sa baybayin ng Netherlands at Alemanya. Ito ang


pinakamalaking angkan ng wika.
English – pinakalaganap na wika
Frisian - sinasalita ng mga pulong malapit at sakop ng
1.b Dutch- German
Dutch ng Neatherlands
German ng Alemanya
Flemish ng Belgium
1.c Scandinavian
Danish ng Denmark

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


Swedish ng Sweden at Finland
Riksmal at landsmal ng Norway
Icelandic ng Iceland
Anglo Saxon ng Britanya
2. Celtic
Breton ng Timog kanlurang Asya
Welsh ng Whales
Irish ng Ireland
Scots Gaelic ng Scotland
3. Romance
Portuguese ng Portugal at Brazil
Espanyol ng Espanya, Latin Amerika at Brazil
Prances ng Pransya at mga bansang sakop nito
Italyano ng Italya
Reumanian ng Romania
Sardinian
Rhato-Romanic
• Romansch – isa sa apat na opisyal na wika ng Switzerland.
• Catalan at Galcan ng Espanya
• Latin – sinasabing kauri ng mga pinakaugat na wika ng mga
wikang Romance
4. Slavic ng Silangang Europa
Ruso buhat sa rehiyon ng Muscow, kumalat sa Katimugang Asya
Byelorussian at Ukranian – Wika sa hilaga ng Rusya
Polish ng Poland
Czech ng Czechoslovakia
Slovach ng Slovachia
Serbo- Croatian ng
Yogoslavia Bulgarian ng
Bulgaria

5. Baltic
6. Alabanian
7. Armenian – sinasalita sa kahilagaang Caucasus
8. Greyego ng Greece
9. Iranian
10. Indic – mga wika sa gawing Timog ng India at Pakistan

II. Finno-Ugrian

• Finnish ng Finland
• Estonian ng Estonia
• Hungarian ng Hungary
• Lappish, Mordvin, Cheremiss- mga wikang kaangkan na kumalat sa gawing
Timog ng Europa at Asya

III. Altaic

• Turkish ng Turkey
• Mongol ng Mongolia
• Manchu-Tungus ng Silangang Mongolia

IV. Caucasian sa Rehiyon ng Caucasus sa USSR

• South Caucasian ( Gregorian, Mingrelian)


• North Caucasian (Abkahas, navar, Chechen, Kabardian)
• Basque

V.Afro- Asiatic- Timog ng Africa at Hilagang Kanluran ng Asya


1. Semitic

• Ebreo ng Israel – Wikang ginagamit sa matandang Tipan


• Arabiko ng Arabia

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


• Maltese ng Malta
• Assyrian ng Asyria
• Aramaic- sa wikang ito naisulat ang unang Bibliya.
• Pheonician- kahawig nang ebrio

2. Hamitic
• Egyptian ng Egypt
• Berber ng timog Africa at nang Sahara
• Cushitic ng silangang Africa
• Chad Ng Nigeria
• Mande ng Kanlurang Africa
• Kwa ng gitnang Africa
• Sudanic ng Sudan
• Bantu (Swahili, Congo, Luba. Ngala, Shona, Nyanja, Ganda, kafir at
iba pa) ng Niger Congo.

Vi. Korean

Vii, Japanese

1. Niponggo
2. Ryuku ng Ryuku Isla sa Kanlurang

Pasipiko Viii. Sino Tibetan

IX. Malayo Polynesian – sumusunod ang laki sa Indo European. Ito ang kumalakat sa mga
kapuluan sa Pasipiko at sa kanluran ng Madagascar

1. Indonesian ng east Indies- (tagalog, Bisaya, Ilokano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol at


iba pa ng pilipinas; Chamero ng Guam)
2. Malay ng Sumatra, Malaya, Borneo,
Batak ng Bali, Dayak ng Borneo, Makassar ng Celebes
3. Micronesian
4. Polynesian (Hawaian, Tahitian, Samoan, Mauri)
5. Malenesian ( Fijan ng Fiji)

X. Papuan ( New Guinea at mga Kalapit Pulo

Xi. Dravidian ( Hilagang India)

1. Telugu
2. Tamil
3. Kannarese ng Kanara
4. Malayamalam ng Hilagang Kanlurang India

XII. Australian
XIII. Austro Asiatic – Hilagang Silangan ng Asya.
1. Munda (Kalagitnaang India)-
• Santoli
• Khase
• Nicolabarese
• Palauga
• Wa
• Mon

ANGKANG MALAYO POLINIESYO AT MGA WIKA SA PILIPINAS

Ang Piipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming wika sa bupng daigdig,
Maliban sa Pambasang Wika na Filipino kasama ang mahigit sa isang daang (100) katutubong
wika, sinasalita rin sa bansang ito ang mga wikang banyaga. Ang mga wikang katutubo sa
Pilipinas ay napapaloob sa pamilya ng mga wika na kung tawagin ay mga wikang Austronesyo
(Austronesian Languages). Ang mga ito ay pangkat ng wika na ginagamit ng mga tao mula sa

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


Tangway ng Malayo(Malayan Peninsula) hanggang sa bansang napapaloob sa Polynesia. Hindi
nagkakaisa ang mga pag-aaral at mananaliksik tungkol sa pinagmulan ng iba’t-ibang wika sa
kapuluan. Ngunit marami ang naniniwala sa teoryang ang mga rehiyong nasa baybay-ilog ng
Kanlurang Tsina at hangganan ng Tibet ang orihinal na pinagmulan ng kultura. Ang paglikas ng
mga tao ay nahati.Isang pangkat ay lumikas na pakanluran patungong Indiya, Indo- Tsina at
Indonesya. Ang pangkat na lumikas sa Indonisya ang siyang nakaabot sa PIlipinas at sa iba pang
kapuluan ng Pasipiko.
Pinaniniwalaang iisa lamang ang pinagmulan ng iba’t -ibang sistema ng pagsulat na
ginagamit noon sa kapuluan. Ang unang sistema ng pagsulat na ito ng mga Pilipino ay buhat sa
Alibata ng Arabia na nakaabot sa Pilipinas daang India, Java, Sumatra, Borneo at Malaya.
Ipinapalagay na pumasok ang Alibata sa Pilipinas nang maitindig ang emperyo ng Madjapahit sa
Java sapagkat noon mabilis na lumalaganap ang Impluwensiya ng Malay sap ulo pulo mula Java
hanggang sa Pilipinas. Ang ganitong palagay ay mapapanaligan sapagkat ang BAHASA
MELAYU(Malay) na pinaniniwalaang nagmula rin sa alibata ay nagging lingua franca sa Timog
Silangang Asys sa pagitan ng A.D. 700 at A.D.1500.
Ang lingua franca ay tumutukoy sa wikang ginagamit ng mga tao mula sa iba’t-ibang
grupong etnolinggwitiko na sumsasalamin sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa ibang
bansa ayon sa wika, kultura at etnisidad. Sina David Thomas at Alan Healey(1962) ng Summer
Institute of Linguistics ay nagsagawa ng pananaliksik tungkol sa kung papaano lumaganap sa
Pilipinas ang iba’t-ibang wikang ating nakikilala sa ngayon.Sila ay naniniwala na nahahati sa
tatlong panahon ang ang malaking paglaganap sa kapuluan ng mga wikang buhat sa Malayo-
Polinesyo.
Pitong pangalan ang ginamit sa pagpapangkat pangkat ng mga wika sa Pilipinas ayon
kina Thomas st Healety ng Summer Institutes of Linguistics. Ito ang mga sumusunod:
• Southern Philippine Family 110 B.C (Sambal, Tagalog, Pampangan Bicol, Cebuano,
Butuanon, Surigao, Kalagan,Mansaka, Batak, Cuyunon, Maranao, Maguindanao,
Binukid,Dibabaon, Western Bukidnon, Manobo, Southern Bukidnon Manobo at
Subanon.)
• Northern Philippine Family 200 B.C.(Inibaloi, Ifugao, Kankanai, Bontoc, kalinga,
Ilokano, Tinggian, Isneg, Ibanag, atta, Gaddang at Agta.)
• Philippine Superstock 110 B.C ay nahati sa Philippine Stock at iba pang wika sa Timog
Luzon (IVatan, Ilongot at Baler Dumagat.

• Philippine Superstock, Southern Mindanao Family/BIlaa, Tagabili ay mula sa malaking
pangkat ng mga wikang kilala sa uring Proto Indonesian 1300 B.C. (Tiruray, isang
angkan kasama ang mga Malay, at Chamic Family ng Vietnam.)

KLASIPIKASYON NG MGA WIKA SA PILIPINAS

Sa klasipikasyon ni Conklin 1952 ay pinangkat niya ang ilang wika sa Pilipinas sa


dalawa: Iloko type at Tagalog Type batay sa korespndensya ng mga tunog at iba pang katangiang
panglinggwistika. Ang Ilokano at Pangasinan at isinama niya sa pangkat ng Iloko type
samantalang ang Tagalog, Bicol, Hiligaynon at pati na ang Cebuano at Waray ay kasama sa
pangkat ng Tagalog type. Ang Kapampangan ay nasa pagitan ng dalawang pangkat na ito.

Ang isa pang pagtatangka sa pagklasipika ng mga wika sa PIlipinas na ginagamit din ang
lexicostatistics ay ang kina Fox, Sebley, at Eggan 1953, Gumawa sila ng panimulang
GLOTTOCHRONOLOGY para sa katimugang Luzon.

Ang glottochronology ay isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay
ang mga anak ng w ika sa kanilang inang wika. Sang - ayon sa kanila, ang halos lahat ng mga
wika sa Katimugang Luzon Matangi sa Ilongot ay mapapangkat lamang sa isa.
Ang Northern Luzon Type ay mahahati pa rin sa mga sumusunod: Northern Division,
Central Division, Southern Division, Southeasthern Division.

Ang isinagawang pag-aaral ni Dyen ay kinikilalang pinakapangunahing linggwistika ng


wikang Malayo-Polinesyo sa mga wikang Austronesian ay mababangit din dito. Lexicostastical
din ang paraang ginamit ni Dyen, kasama sa kanyang pag-aaral ang 60 wika sa
PIlipinas.Nahahawig sa isinagawang pag-aaral nina Thomas at Healey ang naging resulta ng
pag- aaral ni Dyen maliban sa iisang pagkakaiba. Hindi tinanggap ni Dyen na malapit ang
relasyon ng Tagalog at Kapampangan.SInabi niyang higit na malapit ang Tagalog sa Cebuano at
Kuyunon kaysa Kapampanagna.

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


Mapapansin sa nasabing Klasipikasyon na 1. ang Tagalog, Kapampangan Cebuano at
Bicol ay higit na magkakalapit sa isa’t-isa kaysa Ilocano at Pangasinan na magkalapit din sa
isa’t-isa. 2. Ang Tagalog ay higit na malapit sa Kapampangan kaysa Cebuano o Bikol.

UGNAYAN NG WIKA AT kULTURA

Kinikilala ng mga dalubhasa at ng mga estudyante sa wika ang katotohanan sa ugnayan


ng wika at kultura. Marami ang nagsasabing ang wika ay nakapaloob at siyang nagsisilbing puso
sa katawan ng kultura. Para naman sa ibang dalubhasa, may sariling buhay ang wika na hiwalay
sa kultura; gayunpaman, nagkakaroon ng ugnayan ang mga ito sapagkat walang wikang
mabubuhay kung hindi nakapanig sa kultura ng lipunan at walang kulturang mananatili o tatagal
sa alaala kung hindi ito maipapahayag sa wika ng mamamayan. Ipinakilala naman nina Sapir at
Whorf ang konseptong linguistics relativity na siyang nabuong palagay sa kanilang pag-aaral
hinggil sa pagkakaiba-iba ng wika. Pinatutunayan ng kanilang pagsusuri na may malaking
ginagampanan ang wika sa pagbubuo ng kaisipan at pananaw ng mga tagapagsalita nito. Dahil
dito, dala dala ng wika ang kultura, mangangahulugan lamang na magkakaroon ng iba’t-ibang
pananaw sa mundo ang mga tagapagsalitang may magkakaibang wika.
Sa artikulong “Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino” (1996), ipinaliwanag ni Zeus Salazar
ang wika bilang pahayag-pahiwatig , impukan-kuhanan at daluyan ng kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman at karanasan ng isang kalipunan ng tao.

1. Wika bilang pahayag-pahiwatig ng kultura – Mahalagang sangkap ang wika sa


pagkakabuo ng bayan o pamayanan dahil sa pamamagitan nito nagkakaroon ng
sariling pagkakakilanlan ang isang lugar. Ang wikang ginagamit ng isang lugar ang
siyang nagpapahayag at nagpapahiwatig sa karanasan at pananaw ng mga
mamamayang nagsasalita nito. Ito rin ang kanilang kasangkapan sa paggawa at
paglikha ng sariling kultura na naiiba sa ibang pamayanan.

2. Wika bilang impukan o kuhanan ng kultura – Sa wika, pumapaloob ang pag-


uugali,isip at damdamin ng isang tao. Wika rin ang impukan-kuhanan ng kasaysayan
at karanasan ng kultura. Makikita sa wika ang naging impluwensiya ng iba’t -ibang
lahi na dulot ng kolonisasyon o pakiipag-ugnayan. Ang wikang Filipino ay hitik sa
iba’t ibang kataga buhat sa ibang wika sa mundo. Sa kasalukuyang panahon umaayon
din ang wika sa pagpasok ng makabagong teknolohiya kaya naman nagiging bahagi
ng ating konsepto mga konsepto ang internet at cellpohone.

3. WIka bilang daluyan ng kultura- Sa pamamagitan ng wika higit na nakikilala ng


isang tao ang kanyang sarili at kulturang kinabibilangan. Kaugnay nito, ang isang
taong maalam sa maraming wika na tinatawag na polyglot ay maykakayahang
makilahok sa iba’t-ibang usapan at kung gayon mapasama sa iba’t-ibang kultura.
Kaya naman ang mga tagasalin na maalam sa magkaivbang wika ay hindi lamang
nagdadala ng mga salita kundi ng mga karanasan, kaalaman at pananaw buhat sa
kultura ng SL.

Ang wika ay isang mahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Ito ay mahalaga sa


pagpapahayag ng damdamin at kaisipan, paghahatid ng impormasyon, pagpapaunlad ng kultura
at sandata sa pagtatanggol sa sarili. Ito ay may mga katangian ng likas, natatangi, dinamiko,
fleksibol,makulay, may arbitraryo, at lagging kaakibat ang kultura.

Sa mga Teorya na pinagmulan ng wika, nariyan ang teoryang Dingdong, Bow Wow, Pooh
Pooh, Yoheho, Musika, Pakikisalamuha, Muestra, Charles Darwin, Kahariang Ehipto

Samantala si Henry Gleason ay nakabuo ng klasipikasyon ng mga prinsipal na angkan ng


wika. Ito ay ang mga sumusunod: Indo- European, Finno Ugraian, Altaic, Caucassian sa USSR,
Afro Asiatic, Korean, Japannese, Sino Tibetam, Malayo Polynessian,Papuan, Dravidian,
Australian, at Austro Asiatic.

Downloaded by lloyd ralph Cesnorio (lloydralphz20@gmail.com)


Nagkaroon din ng mga pagtatangka sa pagkaklasipika ng mga wika sa Pilipinas.
Nariyan si Conklin na pinangkat sa dalawang type ang wika. Ang Ilokano type at Tagalog
type na kung saan isinama niya sa unang pangkat ang Ilokano at Pangasinan at sa ikalawang
pangkat naman ang Tagalog, Bicol,Hiligaynon, Cebuano at Waray. Ang Kapampangan ay
nasa pagitan ng dalawang pangkat. Nagsagawa rin ng pagkaklasipika sina Fox, Sebley at
Eagan na pare parehong gumamit ng Lexicostatistics. Gumawa sila ng panimulang
glottochronology, isang paraan ng pagtaya kung anong petsa o panahon nahiwalay ang mga
anak ng wika sa kanilang inang wika.
Si Dyen ay nagsagawa din ng pagkaklasipikasyon.Nahawig ang kanyang pag-aaral
sa pag-aaral nina Healey at Tomas. Linggwistika ang pag-aaral sa wika.
Ang wika at kultura ay sadyang magkaugnay. Hindi maitatangi na sa pagsilang ng
wika ay kadikit na niya ang kultura na siyang walang wikang mabubuhay kung hindi
nakapanig sa kultura ng lipunan at walang kulturang mananatili o tatagal sa alaala kung
hindi ito maipapahayag sa wika ng mamamayan.

You might also like