You are on page 1of 2

Pancit Lang-Lang

Magandang araw po! Nasubokan mo na ba ang Pancit Lang-Lang? Ito ay


isang masarap na kumbinasyon ng dawala sa aming mga paboritong
bihon - ang Pancit Miki at Pancit Sotanghon. Ngayon ay ituturo namin sa
inyo ang mga sangkap at kailan ito mainam na kainin!

Narito ang mga sangkap ng Pancit Lang-lang. Makinig po nang Mabuti.


16 (labing-anim) ounces ng sariwang miki noodles
4 (apat) ounces ng sotanghon noodles
kalahating (½) kilong giniling na baboy
kalahating (½ ) kilong dibdib ng manok, tinanggalan na ng boto at balat
dalawang tasa ng sabaw (galing sa pinakuluang manok)
isang (1) tasang carrots na binalatan at hiniwang pahaba
isang (1) tasang green beans, hiniwang manipis at pa dayagonal
kalahating (1/2) repolyo na maliit at hiniwang manipis
isang (1) sibuyas, binalatan at hiniwa sa apat (para gamitin sa
pagpapakulo ng manok)
dalawang (2) dahoon ng pamintang laurel
isang (1) sibuyas, binalatan at hiniwa ng maliit
tatlong (3) butil ng bawang, binalatan at hiniwa ng maliliit
¼ tasa ng oyster sauce
Isang (1) kutsaritang asin
Isang (1) kutsaritang pamintang buo o peppercorns
Dalawang (2) kutsarang mantikang galing sa gulay at
Dalawang (2) kutsarang mantikang sesame

Ito ang mga sangkap sa paggawa ng Pancit Lang-Lang.

Karaniwang kinakain ang Pancit Lang-lang tuwing espesyal na okasyon


tulad ng Kaarawan, mga anibersaryo at tuwing may kasalan. Ang
kakaibang kumbinasyon ng iba’t ibang uri ng noodle nito ang nakatawag
ng aking pansin kaya dapat nyo din itong subukan lalo na kung hindi pa
ninyo ito na tikman.

You might also like