You are on page 1of 6

University of Saint Anthony

(Dr. Santiago G. Ortega Memorial)


City of Iriga

GRADE SCHOOL MONTESSORI DEPARTMENT


Banghay Aralin sa HEKASI
Augosto 9-13, 2021

I- LAYUNIN
1. Maunawaan ang misyon at bisyon ng unibersidad.
2. Makilala ang mga konseho, punong guro at mga guro sa bawat baitang.
3. Maipaliwanag ang layunin at kahalagahan ng asignatura.
4. Maisagawa ng maayos ang bawat patakarang tinalakay sa buong taon ng pag-aaral.

Kahalagahan: Maisa-katauhan ang mga katangian ng isang tunay na Anthonian.

II- PAKSANG ARALIN


PAKSA: Misyon at bisyon ng unibersidad.
Mga konseho, punong guro at mga taong parte ng departamento.
Layunin at mga patakaran sa buong taon ng pag-aaral.
MATERYAL: PowerPoint Presentation, Schoology, Kahoot.it, at Mentimeter

III- PAGTALAKAY
1. Magpakilala ang bawat isa.
2. Ang USANT ay mayroong misyon at bisyon na sinusunod.
3. Ang unibersidad ay pinamumunuan ng ating presidente.
4. Ang unibersidad ay may mace at kolor.
5. Ang ating departamento ay pinamumunuan ng ating punong guro.
6. Mayroong anim (6) na pangkat at guro sa ika-limang baitang.
7. Ang bawat patakaran ng guro ay dapat sundin ng matapat at naisa sa puso.

IV-PAGSUSURI
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang asignaturang ito?
2. Ano ang inaasahan mo sa iyong mga guro?
3. Ibigay ang university color at mace. Ito ay ipaliwanag.
V- TAKDANG ARALIN Agusto 16-19, 2021
I. Ipaliwanag
Mga Panuto:
a. Ipaliwanag sa iyong sariling pagkakaintindi ang mga sumusunod na tanong.
b. Ito ay isumiti sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato sa iyo mga sagot at isumiti sa iyong
Schoology account.

MGA TANONG:

1. Ano ang kahalagahan ng misyon, bisyon, at gol ng iyong paaralan at asignaturang


HEKASI bilang isang mag-aaral sa ika-liamang baiting?

2. Ano ang pagkakaiba ng globo sa mapa? Magbigay ng tig-tatlong pagkakaiba at


pagkakapareho nito.

Paraan ng pagmarka:
 10 puntos – Nilalaman (nailalahad ang mga tanong, isyu, at mga
mungkahi solusyon sa mga suliranin sa pagtugon sa
pangangailangan)
 10 puntos – Organisasyon (naipapakita ang maayos na ugnayan o
kaisahan ng diwa ng mga pangungusap)
 10 puntos – Estilo (nakakasulat ng isang maayos na saloobin ukol sa
isyu)

University of Saint Anthony


Inihanda ni: (Dr. Santiago G. Ortega Memorial)
City of Iriga
Bb. ELYSSA DANICA
T. LEONOR GRADE SCHOOL MONTESSORI DEPARTMENT
Adviser
Banghay Aralin sa HEKASI
Agosto 16-19, 2021
Iniwasto ni:
I- LAYUNIN

Naitala ni: 1. Nailalarawan ang globo bilang modelo ng mundo.


2. Natutukoy at nasasabi ang pagkakaiba ng guhit latitud

G. HAROLD A. at longhitud, ekwador at punong meridyan.


FORTUNA 3. Natutukoy ang kahalagahan ng mapa, ang pangunahin
G.
at pangalawang direksyon sa mapa.
JUAN P. HABER, JR.
Tagapamuno sa Kahalagahan: Maipaliwanag ang kahalagahan ng globo at
HEKASI
mapa.
Pangalawang Punong
Guro
II- PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Ang Globo at ang Mapa
Sangggunian: Doon Po Sa Amin… Bansang Pilipinas 5
Edisyong K to 12, pp. 2-17

III- Mga Kagamitan


1. PowerPoint Presentation
2. Bidyu
3. Schoology
4. Globo at mapa
5. Pangunahin at pangalawang direksyon

IV-PAMAMARAAN
A. Paghahanda
- Ipasagot ang blockbuster sa pahina 2 sa aklat.
B. Pagtatalakay
- Itanong sa mag-aaral kung nakakita na sila ng globo.
- Ipasabi kung bakit ang globo ang pangunahing modelo ng mundo.
Ipatukoy ang pagkakaiba ng ng mga guhit latitud at guhit longhitud.
- Isa-isahin ang mga espesyal na guhit latitud na tinatawag na circles of latitude.
-
- Pag-usapan ang kahalagahan ng mapa.
- Ipaturo sa mapa ang mga pangunahin at pangalawang direksyon.

C. Paglalahat
- Itanong sa mga mag-aaral kung paano nila pahahalagahan ang globo at mapa.
Sumulat ng limang paraan ng maayos na paggamit ng mga ito.
- Itanong sa mga mag-aaral kung ano ang kahalagahan ng globo at mapa sa tao.

D. Pagpapahalaga
- Magpasulat ng limang paraan nang maayos at malinis na paggamit ng mga ito.

V- PAGSUSURI

I. PAGSASANAYAN KO
A. Isulat sa patlang ang saliitang TAMA sa patlang kung wasto ang
ipinahahayag ng pangungusap. Kung ito ay mali, guhitan ang mga salita o
parirala na nagpapamali sa pangungusap. Itama ito at isulat sa patlang ang
sagot.

_______________1. Ang globo ang pinakamagandang paraan upang mailarawan ang

kabuuan ng ating mundo.

_______________2. Likhang-isip lamang ang mga guhit sa globo.

_______________3. Ang Punong Meridyan ay isang guhit latitud.

_______________4. Nasa 23.5 digri H latitud ang Tropiko ng Cancer.

_______________5. Napakalamig sa mga lugar sa mundo na nasa mababang latitud.

_______________6. Si Socrates ang kauna-unahang taong gumawa ng globo.

_______________7. Hinahati ng ekwador ang mundo sa dalawang emisperyo.

_______________8. Ang distansiya ng guhit latitud sa bawat isa ay 150 digri.

_______________9. Makikita sa 66.5 digri H latitud ang Tropiko ng Capricorn.

_______________10. Ang Prime Meridian ay nasa Greenwich sa London.

B. Isulat sa patlang ang tinutukoy ng bawat pahayag.

_______________1. Patag na representasyon ng isang lugar.

_______________2. Ang panandang ginagamit sa mapa na makikita sa itaas na kanang

bahagi nito.

_______________3. Ang direksiyon kung saan sumisikat ang araw.

_______________4. Ang direksiyon kung saan lumulubog ang araw.

_______________5. Ang direksiyonng nasa pagitan ng dalawang pangunahing direksiyon.

_______________6. Ang direksiyon sa kanan kung nakaharap ka sa hilaga.

_______________7. Ang direksiyon sa kaliwa kung nakaharap ka sa timog.

_______________8. Ang direksiyon sa pagitan ng timog at kanluran.

_______________9. Ang direksiyon sa pagitan ng timog at silangan.


_______________10. Ang direksiyon sa pagitan ng hilaga at kanluran.

VI. TAKDANG ARALIN Agosto 23-27, 2021

I. Hanapin ang tiyak na lokasyon ng sumusunod na mga bansa sa tulong ng


Mapa ng Asya.
_______________________1. Brunei _____________________6. Saudi Arabia
_______________________2. Japan _____________________7. India
_______________________3. South Korea _____________________8. Myanmar
_______________________4. Indonesia _____________________9. Bhutan
_______________________5. Vietnam _____________________10. Malaysia

II. Isulat sa mga patlang ang hinihingi ng mga sumusunod.

1. MGA BANSANG NASA MABABANG LATITUD

a.__________________________________

b.__________________________________

c.__________________________________

d.__________________________________

e.__________________________________

2. MGA BANSANG NASA GITNANG LATITUD

a.__________________________________

b.__________________________________

c.__________________________________

d.__________________________________

e.__________________________________

3. MGA BANSANG NASA MATAAS NA LATITUD

a.__________________________________

b.__________________________________

c.__________________________________

d.__________________________________
e.__________________________________

Inihanda ni:

Bb. ELYSSA DANICA


T. LEONOR
Adviser

Iniwasto ni:

Naitala ni:

G. HAROLD A.
FORTUNA
G.
JUAN P. HABER, JR.
Tagapamuno sa
HEKASI

Pangalawang Punong
Guro

You might also like