You are on page 1of 2

Paksa:

Komiks

• Mungkahing Babasahin
• Islogan
• Mga Teleserye
• Katuturan at kasaysayan ng teleserye
• Mga sangkap ng Teleserye

Ang komiks ay kaiba sa mga panitikang Pilipino. Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga
salita at larawan ang gamit upang maipahatid at maisalaysay sa mga mambabasa ang kwento. Ang
salitang komiks ay mula sa salitang ingles na comics. Pinalitan lamang ng letrang “K” ang “c” base sa
baybaying Pilipino.

Ang Islogan ay isang maikling mensahe na nakakaantig ng damdamin at madalas nagdudulot ng


matagal na impresyon o leksyon sa mambabasa o nakikinig. Mas agiging mabisa ang dating kapag
may tugma (rhyme)sa huling pantig ng mga parirala.

Mga Halimbawa ng Islogan

• Kung ano ang itinanim.siya rin ang aanihin.


• Disiplina ang kailangan , sa ikauunlad ng bayan.

Ang Mga Teleserye ay naibabhagi ng ilang mga katangian at may pagkatulad na pinagmulan ng mga
klasikong soap opera at telenovelas, ngunit ang teleserye ay umusbong sa isang genre na may
kanyakanyang natatanging katangian, na madalas na gumaganap bilang isang realistang sosylista na
repleksyon ng reyalidad ng Pilipino. Ang teleserye ay naipalabas sa prime-time, hapon , limang araw
sa isang lingo. Nakakaakit sila ng malawak na madla na tumatawid sa mga linya ng edad at kasarian,
at inuutos ang pinakamataas na rate ng advertising sa industriya ng telebisyon sa Pilipinas.

Katuturan at kasaysayan ng Teleserye ang Philippine drama, o mas kilala bilang teleserye o
teledrama, ay maaaring i-uri sa iba’t ibang anyo at genre. Ang teleserye/drama ay isang uri na
napapanood sa telebisyon na karaniwang hindi makatotohanan o walang pawang pruweba na
masasabing ito ay totoo. Nagmula ito sa dalawang salita na “tele”, pinaikling salita para sa “telebisyon”,
at serye, salitang tagalog para sa “series” at “drama”para naman sa drama.

Mga Sangkap ng Teleserye

• Tagpuan- lugar at panahon ng mga pinangyarihan


• Tauhan – nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa teleserye
• Banghay – pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa teleserye
• Pananaw – panauhang ginagamit ng may akda
• Tema- paksang diwang binibigyan nng diin sa teleserye
• Damdamin – nagbibigay kulay sa mga pangyayari
• Pamamaraan- istilo ng manunulat
• Pananalita – diyalogong ginagamit sa teleserye
• Simbolismo – nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao,bagay at pangyayarihan
• Sinematograpiya – ay ang sining sa pagkuha ng bidyu na kinabibilangan ng Liwanag, anggulo,
dimension at marami pang iba.

͠ PARAGOSO

You might also like