You are on page 1of 9

Ang Inang Brilyante

Noong unang panahon, may kaharian sa gitna ng kagubatan na


tinatawag na Encantadia. Sa kahariang ito, may apat na lungsod
ito, Ang Adamya, Sapiro, Lireo, at Hathoria. Sa apat na lungsod
na ito, ay ipinagkaloob ni Kuwago (isang sinaunang hari ng Lireo
at sinaunang hayop) ang Inang Brilyante na nahahati sa apat,
ang Brilyante ng Tubig, Lupa, Hangin, at Apoy sa apat na
magkakapatid at ang kanilang pangalan ay sila Reyna Agila,
Prinsipe Phoenix, Prinsipe Dugong, at Prinsesa Leon. Ang
Brilyante ng Hangin na nagbibigay ng lihim at bilis ay nasa
pangagalaga ni Reyna Agila. Ang Brilyante ng Apoy na
nagbibigay ng init at lakas ay nasa pangangalaga ni Prinsipe
Phoenix. Ang Brilyante ng Tubig na nagbibigay ng kapayapaan at
kahusayan ay nasa pangangalaga ni Prinsesa Dugong, at ang
pinakahuli, ay ang Brilyante ng Lupa na nagbibigay ng kasiglaan
at pangangalaga sa kalikasan ay nasa pangangalaga ni Prinsesa
Leon.

Isang araw, masayang nag-uusap ang magkakapatid sa kaharian


ni Reyna Agila, bigla-bigla dumating si Kuwago pagkat may
babalaan siya sa magkakapatid.

Kuwago: Maari mo bang paalisin ang iyong alagad Agila?


Pinaalis ni Reyna Agila ang kanyang alagad
Reyna Agila: Umalis muna kayo, may mahalang sasabihin si
Kuwago.

Mga Yaya: Masusunod, mahal na Reyna.

Umalis na ang mga alagad.

Kuwago: Reyna Agila, maghanda na kayo para sa digmaan.

Reyna Agila: Anong ibig mong sabihin na digmaan?

Prinsipe Phoenix: Oo nga, anong ibig mong sabihin na digmaan


atsaka wala naman alitan na nangyari kay Reyna Agila at Hari
Serpiyente?

Kuwago: Tumungo ako sa Hathoria upang makipag-usap kay


Hari Serpiyente ngunit nung tumungo na ako ay may narinig ako
na kakaiba, sa aking pagkakarinig ay mayroon siyang itim na
balak sa Inang Brilyante.

Prinsesa Leon: Paano nalaman ni Hari Serpiyente ang Inang


Brilyante?
Kuwago: Iyon ang hindi ko alam kung kaya’t dali dali ako
pumunta sa inyo upang balaan kayo, at ang sinasabi ng aking
mata ay may madugong digmaaan na mangyayari kung kaya’t
dapat na kayo maghanda para sa digmaan, hindi ko alam kung
kailan lulusob si Hari Serpiyente sa Lireo.

Prinsesa Dugong: Kung ganon, tayo na Prinsesa Leon at


pumunta na tayo sa kaharian ng Lireo, kailangan natin
mabasbasan ang kaharian upang walang makapasok ang
magtatangkang pumasok sa loob ng kaharian ng Lireo.

Prinsesa Leon: Tayo na Prinsipe Dugong.

Tumungo na sila Prinsesa Leon at Prinsipe Dugong papuntang


Lireo upang basbasan ang kaharian dahil sila ay maghahanda
para sa digmaan na mangyayari.

Prinsesa Leon: Inuutusan kita Brilyante ng Lupa, lagyan mo ng


palangga na walang sino man ang makakapasok sa loob ng
kaharian ng Lireo at bigyan mo ng proteksyon ang kaharian ng
Lireo na hindi ito masisira sa sandaling may sumiklab na
digmaan.

Prinsesa Dugong: Brilyante ng Tubig, inuutusan kita na hayaan


mo makapasok ang mga hayop dahil kakailanganin nila ng
matitirahan kung sakali na masisira namin ang kanilang tirahan
dahil sa digmaan at huwag mo sila na pabayaan na mamatay
dahil wala silang makain at maiinumin na tubig.

Habang binabasbasan nila ang Lireo, pinakiusapan ni Kuwago na


umalis si Reyna Agila dahil may kailangan na mabatid si Prinsipe
Phoenix sa sasabihin ni Kuwago.

Kuwago: Agila, maaari mo bang iwanan mo kami ni Phoenix,


may kailangan na mabatid si Phoenix?

At umalis na si Reyna Agila.

Prinsipe Phoenix: Bakit mo ibinigay sa akin ang Brilyante ng


Apoy?

Kuwago: Ikinasusuklaman kita Phoenix dahil ama mo si Hari


Serpiyente, ngunit kailangan mo paslangin ang iyong ama dahil
hindi siya pwede ang humawak sa mga brilyante at kung
mahahawakan niya ang mga rilyante, nakakatiyak ako na siya na
ang pinakamakapangyarihan sa buong Encantadia at matutuloy
niya ang kanyang kasamaan sa Encantadia.

At umalis na si Kuwago pagkatapos niya sabihin ang mga salita


na kailangan malaman ni Prinsipe Phoenix.

Reyna Agila: Nasaan na si Kuwago?

Prinsipe Phoenix: Hindi ko alam, mahal na reyna.

Dumating na si Hari Serpiyente ng walang kawal na kasama o


walang kasama kahit sino man, bagkus siya ang papatay sa
magkakapatid kasama na rito ang kanyang anak na si Prinsipe
Phoenix.

Hari Serpiyente: Magpakita kayo sa akin! Ibigay niyo sa akin ang


inyong mga brilyante kung ayaw niyo ng digmaan.

Reyna Agila: Bakit namin ibibigay sa’yo ang aming brilyante?


Prinsesa Dugong: Kami ang dapat mag-aalaga sa mga brilyante
pagkat kami ay may mabuting layunin.

Prinsesa Leon: Walang sino man dapat ang humawak ng aming


brilyante lalo na kung may itim na balak ito.

Prinsipe Phoenix: Ipinagkakait kita ama dahil gusto mo makuha


ang aming brilyante kaya nagpasya kami na papatayin namin
kahit buhay pa namin ang mawawala para lang sa kapakanan ng
Encantadia.

Hari Serpiyente: Kung ganon, simulan na natin ang laban at


siguraduhin mo Phoenix na mapapaslang mo ako.

Ang magkakapatid: Para sa kayapaan!

Hari Serpiyente: Para sa mga brilyante!

At nagsimula na nga ang laban, parehas nilang ibinigay ang


kanilang husay sa pakikipaglaban kung kaya hindi basta basta
matatapos ang digmaan ito ngunit nawawalanan na ng lakas
ang magkapatid laban kay Hari Serpiyente kung kaya nagpasya
sila na ipagsama ang kanilang brilyante upang maging Inang
Brilyante ito.

Hari Serpiyente: Nasaan na ang inyong lakas? Isuko niyo na ang


inyong brilyante kung ayaw niyo na mapatay ko kayo.

Reyna Agila: Kahit kailanman, hindi naming isusuko ang aming


brilyante, hinding hindi kami papayag na ang kasamaan ang
mananaig sa Encantadia. Ipagsama na natin ang ating brilyante

Ipinagsama na ng magkakapatid ang kanilang brilyante upang


maging ganap na Inang Brilyante ito at dito natalo si Hari
Serpiyente.

Hari Serypiyente: Hindi niyo ako matatalo kahit ipagsama niyo


pa ang inyong brilyante, ang kasamaan ang mananaig sa inyo

Magkakapatid: Hindi kami papayag!

Ginamit na nila ang kapangyarihan ng Inang Brilyante at


napaslang na nila si Hari Serpiyente.
Hari Serpiyente: Hindi pwede mangyari sa akin ito!!!

Prinsipe Phoenix: Paalam, Ama.

Lumipas na ang panahon nang mapaslang nila si Hari


Serpiyente, natutunan nila Reyna Agila, Prinsipe Phoenix,
Prinsipe Dugong, at Prinsesa Leon ang tunay na kapangyarahin
ng kanilang brilyante ay nagmumula sa pagkakaisa at
pagmamahalan.

Mga tauhan sa kwento:


Reyna Agila (Abejero)
Prinsipe Phoenix (Ricanor)
Prinsesa Dugong (Liquin)
Prinsesa Leon (Cristobal)
Kuwago (Mendoza)
Hari Serpiyente (Mendoza)

Mga naiambag ng natitirang Miyembro ng Group 2:


Dela Cruz – gumawa ng puppet at nagprint ng script
Camba at Ramos – Alagad ni Reyna Agila
Gumawa ng Script:
Mendoza

You might also like