You are on page 1of 4

FILIPINO

Angel Chloe L. Achas

PAG-ALAM SA NATUTUHAN

A. Panuto: Pumili ng isang yugto o pangyayari mula sa “ Pakikipagsapalaran sa


Isang Reyna “ at gumawa ng sentence outline ng pangyayari. Gumamit ng mga
salita o pangungusap na makatutulong upang pag-ugnayin ang mga pangyayari
at pagkatapos sagutin ang mga tanong.
Buod
Noong unang panahon , may isang hari nagngangalang Archidei ang namumuno sa
isang maunlad na kaharian . Si Haring Archidei ay isang mabuting hari , inaalagaan
niya ang kanyang kaharian at mga nasasakupan ng may pagmamahal , kaya puro
papuri ang kaniyang natatanggap mula dito . Ngunit kahit maganda ang kaniyang
pamumuhay bilang isang hari , hindi pa din nagawang maging masaya ni haring
Archidei dahil wala itong Reyna na magsisilbing kasama niya sa lahat ng kaniyang
kasiyahan at pamumuno sa kaniyang kaharian . Ilang babae na ang nakasama niya
ngunit wala niisa sa mga ito ang nagustuhan niya bilang Reyna .

Isang araw , sa paglalakbay ni Archidei nakakita siya ng mga mangangalakal .


Tinanong niya ang mga ito kung saan niya maaaring matagpuan si Prinsesa
Helena . Habang pabalik ng kaharian si Archidei napapaisip ito ng malalim sa mga
sinabi ng mga mangangalakal kaya’t naligaw ito ng daan at napadpad sa isang
bukirin . Dito niya natagpuan ang apat na magsasakang tutulong sakanya upang
makarating kay Prinsesa Helena . Ang mga ito ay nagngangalang Edmon, Kostya,
Demian at Orel . Ang apat na magkakapatid ay may iba’t ibang natatanging
kakayahan , ang paggawa ng pinakamataas na tore , pang-aakit sa kahit sino ,
mabilis na bangka , at kakaibang armas . Kaya’t sa tulong nila , madaling
nakarating si Haring Archidei kay Prinsesa Helena sa kaharian ng Kanluran.

Nang sila ay makarating sa kaharian , naging madali na lamang sakanila ang


makapasok dito dahil sa tulong ni Orel na may kakayahang akitin ang mga
guwardiya upang makapasok sa loob ng kaharian . Pagpasok nila sa kaharian ,
naakit ni Orel ang Hari dito na makausap si Prinsesa Helena . Ngunit nang
makausap nila ang Prinsesa , hindi na tumalab ang pang-aakit ni Orel na siyang
ikinagulat ni Haring Archidei . Upang solusyunan ang kanilang problema , mas
pinili ni Archidei na magpakatotoo kahit ito ay nagdadalawang-isip . Inamin nito
kay Prinsesa Helena ang tunay na pakay na magpakasal sa kanya . Namangha ang
Prinsesa sa pagiging matapat ni Haring Archidei kaya napapayag niya itong
sumama sakanilang kaharian sa isang kondisyon . Ito ay ang hulihin si Prinsesa
Helena upang tuluyan na itong sumama sa kaharian ni Archidei .
Sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay pabalik sa kaharian ni Haring Archidei , nag-
ibang anyo si Prinsesa Helena sa harap nila Archidei . Siya ay naging sisne , daga at
isda . Ang pagpapalit anyo ni Prinsesa Helena ang tumutukoy sa kaniyang sinabi na
kinakailangan muna itong mahuli , wari ni Haring Archidei . Sa tulong ng kakayahan at
mga kakaibang armas ni Demian , nahuli niya si Prinsesa Helena sa ilalim ng dagat na
nasa anyong isda . Manghang-mangha si Prinsesa Helena sakanila dahil nagawa
nilang mahuli ito . Dahil dito , tuluyan na ngang sumama si Prinsesa Helena kay
Haring Archidei sa kaharian nito , at sinabing papakasalan niya ang Hari kung ito ay
kanyang magugustuhan .

Pagkalipas ng panahon , pumayag nang magpakasal si Prinsesa Helena kay Haring


Archidei at ang apat na magkakapatid naman ay binigyan ni Haring Archidei ng isang
malaking gantimpala ngunit nanatili pa din ang mga ito bilang magsasaka sa kanilang
bukirin dahil ito ay sapat na sakanila .

Sagutin :
1. Anong bahagi ng pangyayari sa kwento ang iyong napili ?
- Ang buong pangyayari sa kwento ng “ Pakikipagsapalaran para
sa isang Reyna” ang aking nagustuhan dahil nakakawili ang buong
pangyayari sa kwento .

2. Napagsunod-sunod mo ba ng maayos ang pangyayari ?


- Oo , napagsunod-sunod ko ang mga pangyayari at ito ay ang
simula , gitna ang wakas .

3. Gumamit kaba ng mga salita o pangungusap upang maayos ang


pagkakaugnay ng pangyayari ?
- Oo , ako ay gumamit ng mga salita o pangungusap upang
maisaayos ko ang pagkakaugnay ng mga pangyayari sa nasabing
kwento .
Sagutin :
4. Malaking tulong ba ang pagbuo ng sentence outline bago ang pagbuo
ng iskrip ?
- Oo , malaking tulong ang pagbuo ng sentence outline sa pagbuo ng
iskrip dahil binibigyang linaw nito ang mga paksa o bawat pangyayari sa
isang kwento bago gumawa o bumuo ng iskrip .

5. Paano nakatulong ang mga salitang ginamit mo para pag-ugnayin ang


mga pangyayari ?
- Nakatulong ang mga salitang ginamit ko upang pag-ugnayin ang mga
pangyayari sa kwento dahil mas pinapaganda nito ang pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari at mas naiintindihan ng mga mambabasa ang
pangyayari sa kwento .

You might also like