You are on page 1of 3

Ang pinagmulan ng ating

mundo
Noong unang panahon naninirahan sa kaHarian ng Ayagil ang Haring si Anhsirk at ang kanyang
magandang kaniyak nasi Reyna mahalaksmi sila ay may anak na si prinsesa Elleirazs na kasintahan ni
prinsepe Amitabh na anak nina Haring Anayamar at Reyna Yashadara ng kaHarian ng Akirema. Nang
malaman ni Haring Anayamar na nag-iibigan itong sina prinsesa Elleirazs at ang kanyang anak na si
prinsepe Amitabh ay agad siyang nag planong mamanhikan. Nang malaman ni prinsesa Elleirazs na
mamanhikan ang pamilya ni prinsepe Amitabh ay napalundang siya sa tuwa. Sa araw ng pamamanhikan
ay tinaggap ito agad ng ama ni prinsesa Ellairazs at itinakda na ang araw ng kanilang kasal. Makalipas
ang mga araw ng paghahanda para sa kasal sa a wakas ay ikinasal na ang prinsesa Ellairazs at prinsepe
Amitabh at sila’y nag sumpaan ng mamahalin ang isat isa ng hababg buhay at magsasama sa hirap at
ginhawa. pagkatapos ng kasal ay ganap ng nagging Hari at Reyna sina Amitabh at Ellairazs.

Ngunit makalipas lang ang ilang araw ay nagkaroon ng malubhang karamdaman ang Haring
Amitabh hindi malaman ang dahilan kung bakit siya nagkasakit hanggang nalaman nila na siya ay
isnumpa ni Aneerak isang Reyna ng pamilya nang mga mangkukulam at nagging dating kasintahan ni
Haring Amitabh at ngayon ay naghihiganti dahil iniwan siya ng Hari. Naghanap ng lunas ang Reyna
Ellairazs ngunit ang lunas lang nito ay kung maiikakasal sina Reyna Aneerak at ang kanyang asawa.
Hindi na alam ni Reyna ang gagawin at pumunta siya kay Aneerak upang humingi ng tulong pumayag
siyang ipakasal sina Aneerak at Hari Amitabh. Lingid sa kaalaman ni Reyna Ellairazs ay nililinlang siya
ni Aneerak.Hhindi kaya ni Aneerak na pagalingin ang Hari kailangan niya munang sundin ang nakasaad
sa libro ng mahika upang gumaling ang Hari. Tulad ng inaasahan ikinasal sina Reyna

Aneerak at Hari Amitabh at nabunyag ang sikreto ni Aneerak na hindi niya kayang pagalingin si Hari
Amitabh kung hindi siya makakagawa ng isang tirahan ng bagong nilalang na kanya ring gagawin.
Nagtulungan sina Reyna Ellairazs at Aneerak upang gumaling ang kanilang minamahal na Hari. Ayon sa
libro ng mahika kailangan nilang makuha ang asul na diyamante sa kweba ng Igmalam ng kung saan ang
temperature ay napakalamig kailangan din nilang makuha ang likidong kulay berde na makukuha sa
bundok ng Saatam ang pinakamataas na bundok sa kaHarian ng Akirema at ang diyamanteng asul na ito
ay gagawin nilang likido at ang likidong berde na ito ay papatigasin nila at itoy magiging katubigan at
kalupaan samantala ang bawat patak ng luha nina Reyna Ellairazs at Reyna annerak ay nagiging butil na
kumikislap kislap at itoy naging bituin at gumawa din sila ng bagong iba’t ibang nilalang na mahina at
walang kapangyarihan hindi tulad nila. Nakasaad din sa libro na kailangan nilang gumawa ng lugar na
kung saan maninirahan ang mag tulad nilang may kapangyarihan at ang kanilang nalikha ay ang langit
dito nila binabantayan ang lahat ng nagyayari sa mga nilalang na kanilang nilikha. Nagawa na nilang lahat
maliban sa dalawa ito ay ang magbibigay liwanag sa kanilang mga nilikha hindi nakasaad sa libro kung
ano ito at paano ito gagawin. Araw araw silang nagiisip kung paano nila ito gagawin. Isang araw may di
pagkakaunawaan sina Reyna Aneerek at Reyna Ellairazs dahil nga hindi pa talaga sila kampante sa isa’t
isa at mainitin ang ulo ni Aneerak agad na nagalit ang bawat isa kaya nagkaroon ang kaguluhan at silay
nag pasiklaban gamit ang kanilang kapangyarihan dahil pantay lang ang kanilang kapangyariha ay
parehas silang tumilapon sa malayong lugar si Reyna Ellairazs ay tumilapon at a ng kanyang palamuti sa
buhok at ang kanyang salamin ay tumilapon din at itoy naging buwan na kung saan ang kanyang palamuti
sa buhok ay ang kalahating buwan kapang kabilugan naman ng buwan ang kanyang salamin anaman ang
lumlitaw at si Reyna Aneerak naman ay naging araw dahil sa palaging mainit ang kanyang ulo. Gumaling
ang Hari at hanggang ngayo ay naghihimtay siya sa pagbabalik ng kanyang Reyna ang hindi niya alam ay
tuwing araw ay kasama niyang nagbabantay sa maga tao si reyan Aneerak at tuwing gabi naman si Reyna
Ellairazs.

You might also like