You are on page 1of 1

Dalawang Patong na Hollow Blocks

Ni Gerwin L. Cortez

Kaparehong araw rin kagaya nito. Medyo umuulan-ulan lang noon. May badya ang langit na masungit.
Naghalo na sila ng semento. Inihanda ko ang aking mga kagamitan para magdiwang ng aming Christmas Party sa bahay
ng isa sa mga matalik kong kaibigan.
Naipatong na ang unang hollow block.
Masaya. Di magkasya ang kasayahan sa ikatlong palapag. Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano.
Mensahe ng pasasalamat. Kaunting iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN.
Naipatong na ang ikalawang hollow block. Krrrrengggg! Krrrrenggg!
"Umuwi ka na. Pupunta kaming pagamutan."
Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para umuwi.
Nakita ko ang malungkot na mukha ni Sta. Rosa sa daan.
"O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig na malamig na tinig. Malamig na malamig ding
katawan. Tagaktak ang pawis sa lamig.
Natibag ang dalawang patong na hollow blocks.
Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat ng kamag-anak na nagmula sa karatig at
malalayong lugar.

“WITH WINGS”

“Tiya Andeng!Pabili nga po ng dalawang Napkin. Yung pinakamanipis po. Saka iyong ano daw ho, a… With Wings!”

Sisipul-sipol pa si Toti habang hinihintay ang kanyang binibili nang marinig nya ang hagikhikan ng isang grupo ng mga
lalaki’t babae sa silyang mahaba.

“Bakit? Palibhasa hindi kayo mautusan bumili ng Napkin ng mga nanay at ate nyo. Mga gunggong na ‘to.” Singhal nya sa
mga tinedyer.

“Pasensya na po kuya Toti. Hindi naman po. Sa totoo lang e humahanga nga kami sa inyo dahil hindi kayo nahihiya.”
Sambit ni Lily.

“Aba’y bakit ako mahihiya? Unang-una, gunggong lang ang mag-iisip na para sa’kin ang mga Napkin na ‘to dahil lalake
ako. Pangalawa, masama pakiramdam ng ate ko dahil may dalaw nga raw sya. Siya, maiwan ko na kayo dyan. Magsiuwi
na nga kayo at nang mapakinabangan naman kayo ng mga magulang nyo.”

Nang makauwi si Toti ay diretso sya sa kuwarto upang magbihis. Matapos maisuot ang kanyang kamiseta’y isinuksok na
nya sa kanyang magkabilang kili kili ang dalawang Napkin na binili.

“Punyetang mga deodorant kay mahal mahal mga walang silbi.”

At lumakad na si Toting Baskil para umakyat ng ligaw.

You might also like