You are on page 1of 1

WEEK 6

Katangian ng Teksto at Register ng Ilang Disiplina

Intentions

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Malaman ang katangian ng teksto.

2. Matukoy ang uri ng teksto o babasahin.

Introduction

Anu-ano ang mga katangian ng teksto? Anu-ano ang mga paksa o ipinapahayag ng bawat katangian?
Anu-ano ang mga uri ng teksto o babasahin? Paano ito naisasagawa? Mahalaga pa bang malaman
ang tungkol sa mga ito? Sa gabay ng modyuls na ito ay matutulungan ang lahat na magkaroon ng
sapat na kaalaman sa katangian at uri ng tekstong binabasa. Sabay nating alamin ang mga ito.

Inputs

A. Katangian ng Teksto at Register ng ilang Disiplina

Ang teksto sa ibat-ibang disiplina ay may taglay na sariling estilo at iba't-ibang gamit. Ang
pamantayang ito ay kailangang matutunan ng mga estudyante upang maging matagumpay sa
kanyang pakikilahok sa diskursong akademiko. Ang mga ulat review, artikulo at mga pananaliksik ay
ilan sa mga sulating akademiko. Ang mga liham, nobela, listahan, diksyunaryo, kwento at maging
cookbook ay binubuo ayon sa uri ng wika at presentasyong maunawaan at madaling magamit ng
mambabasa. Ang disiplina ang nagsasabi ng uri ng estilo at tinig na kailangang gamitin ng may-akda
upang umangkop ito sa kanyang mambabasa.

1. Teksto sa Agham Panlipunan

Ito'y sangay ng siyensya na tumatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa mga institusyon, gawain
ng lipunan at ang ugnayang personal ng bawat nilalang bilang bahagi ng komunidad. Sinasaklaw rin
nito ang relasyon o kaugnayan ng iba't-ibang grupong etniko, buhay pampamilya, kahirapan,
suliranin sa populasyon at paggawa, reporma sa lupa at iba pa.

You might also like