You are on page 1of 1

WEEK 4

Hakbang at Salik sa Pagbasa

Intentions:

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Matukoy ang mga hakbang at salik na nakakaapekto sa pagbasa.

2. Maunawaan ang paraan at uri ng pagbasa.

3. Matalakay ang mga layunin at kinakailangan sa pagbabasa.

Introduction:

Anu-anong mga hakbang ang kakailanganing malaman sa pagbasa? Ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagbasa?
Bakit mahalagang pag-aralan o pagtuunan ng pansin ang mga hakbang sa pagbasa? Ano ang mga bahagi ng teksto sa
pagbasa? Anu-anong mga layunin ang dapat nating malaman? Bakit mahalagang matanto ang mga layunin ng
pagbasa? May maitutulong ba ang mga ito? At anu-ano kaya ang bahagi ng teksto sa pagbasa? Ano ang tinatawag na
teksto? May kaugnayan ba ito sa pagbabasa? Sa tulong ng modyul na ito na ating tatalakayin ay matutulungan ang
bawat isa na magkaroon ng kaalaman sa mga layunin na hatid ng pagbasa at mga bahagi ng teksto sa pagbasa.
Halina't sabay nating tuklasin!

Inputs:

A. Hakbang sa Pagbasa

Ang pagkatuto ng pagbasa o ang pag-unlad sa mga kasanayan sa pagbasa ay kinikilalang isang prosesong paunlad.

1. Bago Bumasa (Pre-reading)

Pagbuo ng mga konsepto: pagsasanay sa pakikinig at paningin, pagkatuto sa batayang gawain at mga gawi sa
pag-aaral.

2. Panimulang Pagbasa (Initial Reading)

Pagsisimula sa paggamit ng mga larawan, mga pahiwatig mula sa konteksto patungo sa pamamaraang
ponetiko at istruktural, paggamit ng aklat, pagsisimulang malinang ang mga kasanayan sa pagkuha ng pangunahing
kaisipan, paghinuha, paghanap ng detalye, at iba pa.

You might also like