You are on page 1of 6

ST. PETER’S COLLEGE OF MISAMIS ORIENTAL INC.

15 de Septiembre St., Brgy 2 Balingasag, Mis. Or.

S.Y. 2022-2023

COLLEGE DEPARTMENT

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang;

1. Natutukoy at naipapaliwanag ang Alamat at Bahagi ng Alamat.

2. Nakapagbahagi ng mensahe o aral sa nabasang alamat.

3. Nakakagawa ng sariling Alamat.

I. NILALAMAN

Paksa: Alamat at Bahagi ng Alamat

Sanggunian: Modyul sa Filipino

Kagamitan; Larawan, Kartolina, Kopya ng Alamat

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain

-Panalangin

-Panambitla

-Pagtala ng liban sa klase at pagsasaayos ng silid

-Balik-Aral
B. Paglalahad

Ngayong araw, ang ating tatalakayin ay tungkol sa Alamat at Bahagi ng

Alamat. Bago tayo dumako sa ating paksang tatalakayin ay may ipapagawa

muna ako sa inyo.

C. Pagganyak

Ngayon may ipapakita akong mga larawan at nais kong hulaan ninyu at

magbigay kayo ng ideya sa larawang inyong nakita.

UNANG LARAWAN: Anna: Ang unang larawan ay

Kalikasan, sa kalikasan

nanggagaling lahat ng

pangunahing pangangailangan ng

bawat mamamayan.

IKALAWANG LARAWAN: Pablo: Ang ikalawang larawan ay

isang guro na nagtuturo upang

may matutunan ang kanyang

estudyante.

IKATLONG LARAWAN: James: Ang larawan na ito ay

pamilya na kung saan sila ay

masayang tignan.
D. Pagtatalakay sa Aralin

Alamat at Bahagi ng Alamat

Ano ang Alamat? - Ang alamat o legend at folklore sa wikang ingles ay

isang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng

mga bagay-bagay sa daigdig. Kung minsan nagsasalaysay ito ng mga

pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook. Tumatalakay din ito sa

mga katutubong kultra, kaugalian o kapaligiran.

Mga Elemento ng Alamat

1. Tauhan

2. Tagpuan

3. Saglit na kasiglahan

4. Tunggalian

5. Kasukdulan

6. Kakalasan

7. Katapusan

Mga Bahagi ng Alamat

1. Simula

2. Gitna

3. Wakas
Mga Halimbawa ng Alamat

Ang mga sumusunod na halimbawa na inyong mababasa ay pinangkat naming sa

limang bahagi. Ito ay ang alamat ng mga bulaklak, gulay, hayop,lugar at prutas.

Bulaklak

-Makahiya

-Rosas

-Sampaguita

-Waling-waling

Gulay

-Ampalaya

Mga Hayop

-Paru-paro

-Gagamba

-Aso

Mga Lugar

-Maria Makiling

-Bulkang Mayon

-Baguio: Mina ng Ginto

Mga Prutas

-Bayabas

-Durian

-Kasoy
-Pakwan

-Saging

E. Gawaing Pagpapayaman

Ngayon dahil alam niyo na ang Bahagi ng Alamat, Elemento ng Alamat at mga
Halimbawa ng Alamat. Nais kong bawat isa sa inyu gumawa ng isang Alamat at ang
Aral ng kuwento.

F. Paglalahat

Dahil tapos na kayong gumawa ng Alamat, ngayon babasahin ninyu ito isa-isa dito sa
harapan at ibahagi ang aral ng kwento sa alamat.

V. PAGTATAYA.

Panuto. Pumili at isulat ang tamang sagot kung anong Alamat ito.

1.) Tanging-tanging mutya ang nabanggit na lakambini sa kanilang tahanan pagka’t


siyay’y bugtong na aliw ng kanyang ama’t ina.
a. Alamat ni Maria Makiling
b. Alamat ni Makahiya
c. Alamat ng Sampaguita
2.) Si Maria ay nagiisang anak nina Mang Dodong at Aling Iska, sa edad na dose
anyos siya ay mahiyaing-mahiyain pa.
a. Alamat ng Makahiya
b. Alamat ng Rosas
c. Alamat ng Sampaguita
3.) Mayroong isang Sultan Gutang na isang matapang na kilala sa isang pulo na
hindi lamang dahil siya ay may dugong bughaw.
a. Alamat ng Mindanao
b. Alamat ng Durian
c. Alamat ng Bulkang Mayon
4.) Maputlang-maputla ang kulay ng balat niya at sa kahit anong lasa’y siyang

napakapait talaga.

a. Alamat ng Durian

b. Alamat ng Ampalaya

c. Alamat ng Patola

5.) “Pak Juan” ang tawag nila sa kanya na ang ibig sabihin ay pangit si Juan

a. Alamat ng Saging

b. Alamat ng Pinya

c. Alamat ng Pakwan

V. TAKDANG ARALIN

Pumili kayo ng isang Alamat at gumuhit ng larawan nito.

You might also like