You are on page 1of 1

Bakit napili mo ang CLSU bilang pamantasang iyong pagtatapusan?

Bawat isa sa atin ay naghahangad na makapagtapos ng pag-aaral sa isang


prestihiyosong paaralan o unibersidad na may mataas na kalidad ng pagtuturo
na siyang tunay na natatangi saan mang sulok ng mundo. Tunay nga na naka-
eenganyong mag-aral sa isang Pamantasan na kinikilala sa kalidad ng mga
mag-aaral o propesyunal na kanilang naging produkto. Mga mag-aaral na
patuloy na nakikipagtagisan ng husay at talino kalakip ang pagiging makatao.
Kung kaya at napili ko ang Pamantasan ng CLSU o mas kilala bilang Central
Luzon State University.
Ang Central Luzon State University ay isang Pamantasan na matatagpuan sa
Science City of Munoz, Nueva Ecija. Ito ay napili ko bilang isa sa pamantasang
aking pagtatapusan sapagkat kilala ito sa kalidad ng pagtuturo na alam kong
makatutulong sa akin upang mahubog ang aking kaalaman pagdating sa aking
napiling kurso o larangan. Hindi lamang nito nahahasa ang aking talino
pagdating sa sining kung hindi pati narin ang aking talento sa iba pang
larangan gaya na lamang ng pagkanta. Aking napatunayan at ako ay lubos na
humanga sa unibersidad ng CLSU dahil sa kabi- kabilang mga karangalan na
kanilang natatanggap dahil sa mga mag-aaral na kanilang naging produkto.
Isa na dito ang mga mag-aaral mula sa kanilang paaralan na tinatawag na
“MAESTRO SINGERS” na lumahok noong buwan ng Hulyo 28-30 taong 2023
sa 5th Tokyo International Choir Competition na nagkamit ng mga karangalan
hindi lamang sa ating bansa pati narin sa naturang unibersidad. Dahil sa mga
karangalan at kabi-kabilang pagkilala sa CLSU ito ay ang nagbigay sakin ng
isang rason kung bakit ko napili ang pamantasang ito.
Isa sa mga rason kung bakit ako ay nag-aral sa CLSU ay dahil sa isa ito sa
malapit na unibersidad na maari akong mag-aral na natitiyak ng aking mga
magulang na ako ay ligtas at walang mataas na bayarin sa iskwela. Ako rin ay
tunay na namangha sa likas na kagandahan ng kapaligiran sa Pamantasan ng
CLSU dahil sa pagpapanatili ng kalinisan sa bawat pasilidad ng paaralan.
Mayroon ding mga paupahan sa loob mismo ng paaralan na isang malaking
ginhawa sa aming mga mag-aaral mula sa malalayong lugar. Kung kaya CLSU
ang napili ko sapagkat alam ko na ito ay makapagbibigay sa akin ng mga
benepisyo at mga kaalaman na siyang makatutulong upang makamit ko ang
aking mga pangarap.

You might also like