You are on page 1of 4

Pigilan ang Mga Sunog sa Tahanan

Karamihan ng sunog sa tahanan ay nagaganap sa kusina habang


nagluluto at siyang nangungunang dahilan ng kapinsalaan mula sa
apoy.Ang mga karaniwang dahilan ng mga sunog ay mga hindi maingat
na pagtapon ng sigarilyo, mga kislap mula sa mga fireplace na walang
spark screen o salamin na pinto, at mga kasangkapan na pang-init na
naiwang masyadong malapit sa muwebles o iba pang nagliliyab na
bagay.Ang mga sunog na ito ay partikular na mapanganib dahil
maaaring mag-usok nang walang ningas ang mga ito nang matagal
bago pa man madiskubre ng mga natutulog na residente.

Ang mga sunog sa tahanan ay mapipigilan!Ang mga sumusunod ay mga


simpleng hakbang na magagawa ng bawat isa sa atin para makaiwas
sa trahedya.

Pagluluto

 Manatili sa kusina kung ikaw ay nagpiprito, o nag-iihaw ng


pagkain.Kung aalis ka ng kusina nang kahit sandali lamang,
patayin ang lutuan (stove).
 Magsuot ng damit na maikli, nakadikit sa katawan o nakarolyong
manggas kapag nagluluto.
 Huwag magluluto kung ikaw ay inaantok, nakainom ng alak, o
uminom ng gamot na nagpapaantok sa iyo.
 Ilayo ang mga bata mula sa lutuan sa pamamagitan ng
pagpapatupad ng "kid-free zone" (lugar na bawal ang mga bata)
na 3 talampakan sa palibot ng stove.
 Ipuwesto ang mga barbecue grill nang 10 talampakan man lang
ang layo mula sa siding at barandilya ng deck, at ilabas mula sa
mga silong at mga nakapaibabaw na mga sanga.

Paninigarilyo

 Kung ikaw ay naninigarilyo, manigarilyo sa labas.Karamihan ng


sunog sa tahanan na dulot ng mga umuusok na materyales ay
nagsisimula sa loob ng tahanan.Patayin ang iyong mga sigarilyo
sa isang latang pinuno ng buhangin.
 Tiyakin na patay ang sigarilyo at abo.Ang sigarilyo ay kailangang
patayin nang husto sa isang ashtray.basain ng tubig ang mga
upos ng sigarilyo at abo bago itapon ang mga ito.Huwag
kailanman maghahagis ng mainit na upos ng sigarilyo sa
basurahan.
 Tingnan kung may mga upos ng sigarilyo.Ang mga silya at sofa ay
madaling mag-apoy at masunog.Huwag maglalagay ng mga
ashtray sa ibabaw ng mga ito.Kung may nanigarilyo sa tahanan,
tingnan kung may mga upos ng sigarilyo sa ilalim ng mga kutson.
 Huwg kailanman maninigarilyo sa tahanang may ginagamit na
oxygen, kahit pa nakapatay ito.Ang oxygen ay sumasabog at
ginagawa nitong magliyab nang mas mainit at mas mabilis ang
apoy.
 Maging listo – huwag manigarilyo sa kama!Kung ikaw ay
inaantok, nakainom ng alak, o uminom ng gamot na
nagpapaantok sa iyo, patayin muna ang iyong sigarilyo.

Kaligtasan ng Kuryente at Kasangkapan

 Ang mga naghiblang kawad ay nakapagdudulot ng sunog.Palitan


agad ang lahat ng laspag, luma o sirang kawad ng mga
kasangkapan at huwag magpailalim ng mga kawad sa mga
carpet o muwebles.
 Bumili ng mga produktong tinasahan ng laboratoryong kinikilala
ng bansa, tulad ng Underwriters Laboratory (UL).
 Kung ang isang kasangkapan ay may plug na tatlo ang ngipin,
gamitin lamang ito sa outlet na may tatlong butas.Huwag ito
pupuwersahin na isaksak sa outlet na may dalawang butas o sa
extension cord.
 Gamitin nang maayos ang mga extension cord; huwag kailanman
mag-overload sa mga extension cord o outlet sa pader.
 Patayin agad at palitan ang mga switch ng ilaw na mainit kapag
hinawakan at mga ilaw na kumukurap.

Mga Portable (nabibitbit) na Space Heater

 Ilayo ang mga nagliliyab na bagay nang tatlong talampakan man


lang mula sa mga aparatong portable heater.
 Bumili ng mga heater na tinasahan ng laboratoryong kinikilala ng
bansa, tulad ng Underwriters Laboratory (UL).
 Suriin kung ang portable heater ay may kontrol para sa
thermostat, at kung namamatay ito nang kusa kapag natumba.
 Alamin sa iyong lokal na bumbero tungkol sa pagkaligal ng
paggamit ng kerosene heater sa iyong komunidad.
 Gumamit lamang ng malinaw na K-1 kerosene sa mga kerosene
heater.Huwag kailanman paapawin ito.Gamitin ang heater sa
silid na maganda ang bentilasyon.

Mga Fireplace at Woodstove

 Siyasatin at linisin ang mga tubo at tsimenea ng woodstove taun-


taon at suriin buwan-buwan kung mayroong mga sira o
nakaharang.
 Huwag kailanman magsusunog ng basura, papel, o greenwood
(sariwang kahoy)
 Gumamit ng fireplace screen na sapat ang bigat para pigilan ang
mga gumugulong na kahoy at sapat ang laki para takpan ang
mbuong bukana ng fireplace para masalo ang lumilipad na
tilamsik ng apoy.
 Tiyakin na ang apoy ay ganap nang napatay bago umalis ng
bahay o matulog.
 Ilagay ang malamig na abo sa bakal na lalagyan na mahigpit ang
pagkakasara sa labas ng tahanan.

Mga Bata

 Alisin ang misteryo ng paglalaro ng apoy sa pamamagitan ng


pagturo sa mga bata na ang apoy ay kasangkapan at hindi laruan.
 Itago ang mga posporo at lighter sa hindi maaabot at makikita ng
mga bata, mas mainam kung sa nakakandadong aparador.
 Turuan ang mga bata na huwag dadampot ng posporo o lighter na
makikita nila. Sa halip ay, dapat nilang sabihin agad sa
nakatatanda.
 Huwag kailanman iiwanan ang mga bata na walang bantay
malapit sa mga gumaganang lutuan o nakasinding kandila, kahit
pa sandali lamang.
 Tingnan ang ilalim ng mga kama at sa mga aparador kung may
mga posporong nasindi, katibayan na maaaring naglalaro ng apoy
ang iyong anak.

Marami Pang Payo sa Pagpipigil

 Iwasang gumamit ng mga nakasinding kandila.


 Huwag kailanman gagamitin ang range o oven para painitin ang
iyong tahanan.
 Palitan ang mga mattress na ginawa bago naipatupad ang 2007
Federal Mattress Flammability Standard.Ang mga mattress na
ginawa mula noon ay ipinaguutos ng batas na maging mas ligtas.
 Ilayo ang mga nagliliyab at nag-aapoy na likido mula sa mga
pinagmumulan ng init.
 Laging kargahan ng gasolina ang mga nabibitbit na generator sa
labas ng bahay.

You might also like