You are on page 1of 13

Guro sa Asignatura:

Bb. Gerlie Gin E. Balisbis


Basahing mabuti ang mga
sumusunod na talata at bigyang pansin
ang mga salitang ginamit
1. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y
mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at
ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na bilog ang
kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay
na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga.
Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon
naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang
kanyang tangkad. Kung maglakad siya’y parang
nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta
kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
-Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,” Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo
at Kanto ni Mes De Guzman
2. Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na
Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga
unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog
ay sumasamba sa mga puno ng Balite.Siya ay naglibot sa mga
paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng
Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan
dito. Nadama niya na lubha nilang pinag-iingatang huwag
masugatan o maputol ang anumang bahagi ng panungkahoy na
ito.Sila’y naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga nagsipanaw
ay naninirahan sa mga ito lalo na ang sa Nuno.
-Halaw sa “Ang mga Alamat ng Bayan,” Angono Rizal: Art Capital ng
Pilipinas Ni Ligaya G. Tiamson Rubin
3. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng
dinurog.Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta
at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-
bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy
hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang pinitpit na
bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang
sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang
tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang
sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang
kumulo.Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong
bola-bola at ihain ito nang mainit.
-Mula sa Masarap na Luto Natin nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo
4. Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa
rin ito dapat ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa
paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging
mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral; basta-basta
lamang itong ipinatupad kung kaya kulang sa pagsasanay ang
mga guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-aaral, na
patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga
mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan
magkakaroon ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at
12 ay magdudulot ng kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol
sa mga pamantasan na magtutulak sa mga ito na magtanggal
ng mga empleyado lalo na ang mga guro at kawani.
-Mula sa https://brainly.ph/question/494107bo
Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano-ano ang pinag-uusapan sa bawat


talata?
2. Ano-ano ang layunin ng awtor sa bawat
talata.
3. Anong mga salita ang ginamit na
nagbibigay palatandaan sa bawat
layuning isinasaad?
ANYO NG PAGSULAT
AYON SA LAYUNIN
1. PAGLALAHAD
Tinatawag din itong pagpapaliwanag
na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa
mga pangyayari, sanhi at bunga, at
magkakaugnay na mga ideya at
pagbibigay ng mga halimbawa
2. PAGSASALAYSAY
Nakapokus ito sa kronolohikal
opagkakasunud-sunod na daloy ng
pangyayaring aktwal na naganap.Isa pa ring
pokus ang lohikal na pagsulat.Nakasalalay sa
may-akda ng maikling kwento o nobela ang
mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng
salaysay.Gumagamit ng iba’t ibang istilo o
istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga
manunulat ng panitikang nasa anyong
tuluyan.
3. PANGANGATWIRAN
Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon
o argumentong pumapanig o sumasalungat
sa isang isyu na nakahain sa manunulat.
4. PAGLALARAWAN
Isinasaad sa panulat na ito ang
obserbasyon, uri, kondisyon, palagay,
damdamin ng isang manunulat hinggil sa
isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.
Sumulat ng isang talatang sulatin na
tumatalakay sa paksang inyong
nagugustuhan. Pumili lamang ng isa sa mga
anyo ng pagsulat ayon sa layunin. Isulat sa
isang kalahating papel.

You might also like