You are on page 1of 8

PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING

LARANGAN (AKADEMIK)

Learner’s Material
[Week 1]

Office of the School Registrar


TRENT INFORMATION FIRST TECHNICAL CAREER INSTITUTE, INC. RLC Bldg. National Road Taytay, Rizal
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

Talaan ng Nilalaman
IKA-1 LINGGO ......................................................................................................................... 3
.................................................................................................................................................... 3
WEEK 1 ..................................................................................................................................... 7

Week 1
Page 2 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

IKA-1 LINGGO
ARALIN 1: AKADEMIKONG SULATIN, ATING ALAMIN
Kasanayang Pagkatuto: Nabibigyang kahulugan ang akademikong pagsulat

Balangkas:
1. Panimulang Gawain
2. Pagsulat sa mataas na antas

PANIMULANG GAWAIN
May ideya kana ba?? Alamin natin…

Panuto: Basahin at suriin ang bawat talata na sinipi mula sa mga piling sulatin at pagkatapos ay
tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa mga ito. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa
ibaba. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

A. PAGLALAHAD C. PAGLALARAWAN

B. PAGSASALAYSAY D. PANGANGATWIRAN

_______1. Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa
noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba
sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa
ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.
- Halaw sa “Ang Alamat ng Bayan,”
Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas
______2. Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro. Kaya ba ng limang araw
na pagsasanay na ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para sa
buong taunang na karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura, iba pa
rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga estudyanteng nakapaloob dito ay
malamang na mabagal umintindi kaya kailangang maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at
makgaroon ng maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda ng pamantayan sa
pagtuturo ng tatlong asignatura.
- Halaw mula sa “High School Readiness Test:
Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at
Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.

______3. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng
kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg.
Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na
ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya’s
parang nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,”
Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto
ni Mes De Guzman

Week 1
Page 3 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

______4. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan ng asin,
budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at
kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang
pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis.Sabawan ng
mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga
ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong bola-
bola at ihain ito nang mainit.
- Mula sa Masarap na Luto Natin nina
Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo
______5. Ngunit ang kanilang marangyang pamumuhay ay hindi po nagtagal. Labing-isang taong
gulang si Rizal nang dakpin ang kanyang ina, palakarin ng limampung kilometro patungong Sta. Cruz,
at itapon sa bilangguan. Wala po siyang naging sala, napag-initan lang ng isang alkaldeng sinasabing
alipores ng mga fraile. Hindi pa dito natapos ang kalbalyaro ng kanilang pamilya. Di nagtagal,
nagsimula na rin ang pagsamsam ng mga fraile sa mga lupain at ilang ari-arian ng mg Mercado-Rizal.
- Mula sa “Tuwid na Landas ang Tinahak ni Rizal”
Binigkas sa pagdiriwang na Ika – 150 Anibersaryo
ng Kapanganakan ni Jose Rizal Calamba,L aguna,
19 Hunyo 2011 Pangulong Benigno Simeon Aquino III

PAALALA: ito ay hindi ipapasa kasabay ng mga nasa ibabang gawain. Ito ay sukatan lamang kung may ideya
kana sa ating aralin. Alamin ang tamang kasagutan sa ibabang pahina.

Pagsulat sa Mataas na Antas


Ni: Rosemarie M. Nocedo
Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang pagsulat ay
isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat na panahon upang maging mahusay rito.
Hindi ito dapat katakutan dahil ang pagsasanay sa pagsulat ay nagdudulot ng higit na pagkatuto at
pag-unlad sa ating pagkatao. Ang isang taong nagnanais na maging dalubhasa sa larangang ito ay
nangangailangan magkaroon ng malawak na kaalaman lalo na sa mga uri ng pagsulat na ginagawa sa
iba’t ibang larangan.
Karaniwang ang mga uri ng pagsulat ay nagkakaiba-iba sa paksa, anyo o estruktura, layunin at
maging sa antas ng kaalamang nais ipabatid sa target na mambabasa. Natatangi sa mga ito ang
akademikong pagsulat.
Ayon kay Karen Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga
iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay nakalaan sa mga paksa at tanong na pinag-uusapan at
intertesante sa akademikong komunidad at naglalahad ng mga importanteng argumento. Ito ay isang
masinop na at sistematikong pagsulat ukol sa isang karanasang panlipunan na maaaring maging
batayan ng marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng lipunan.

Ano ang akademikong pagsulat?

Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng mga iskolar para sa mga
iskolar. Tandaan na nakalaan ito sa mga paksang interesante sa akademikong komunidad at
naglalahad ng importanteng argumento.

Week 1
Page 4 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

Maituturing na natatangi akademikong pagsulat pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat na


naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa mga katangian
taglay nito ang pormal at piling-piling paggamit ng pananalita, pagiging obhetibo, may paninidigan,
may pananagutan, at may kalinawan.

Ano ano ang katangian ng akademikong pagsulat?

Ang akademikong pagsulat ay pormal, obhetibo, may paninidigan, may pananagutan, at may
kalinawan.

Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang


indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may kakayahan siyang
mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa, ng mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri,
marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis.(
Arrogante et .al 2004)
Sa pagsulat ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasalang-alang
ang mga mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas at baybay ng mga salita dahil
nakatuon ito sa pagbibigay ng kaalaman

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula at nobela) ang
akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.
Layunin nitong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Layunin din nitong:
- manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
- mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang
kaugnayan nito, at panghuli;
- magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman
ng mambabasa.

Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang
mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng
mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula kung saan nakalahad ang introduksiyon,
gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon , at
rekomendasyon

Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling kuwento, tula, dula at nobela) ang
akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng sulatin.
Layunin nitong magbigay ng makabuluhang impormasyon sa halip na manlibang lamang.
Layunin din nitong:
- manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
- mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang
kaugnayan nito, at panghuli;

Week 1
Page 5 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

- magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa kaalaman


ng mambabasa.

Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang
mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag ng
mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula kung saan nakalahad ang introduksiyon,
gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng resolusyon, kongklusyon , at
rekomendasyon.

Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong pagsulat:
1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o
nagpapaliwanag hinggil sa proseso, isyu, konsepto, o
anumang paksa na nararapat na alisan ng pag-
aalinlangan.
2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe
sa pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.
3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga
magkakaugnay na pangyayari.
4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning
manghikayat at magpapaniwala sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

5. PAGSASALAYSAY
4. PAGLALAHAD
3. PAGLALARAWAN
2. PANGANGATWIRAN
1. PAGSASALAYSAY
Panimulang Gawain

Karagdagang Paalala: Huwag ipapasa ang kabuuan ng module. Ang ipapasa lamang ay ang
TaskPaper sa ibaba pagkatapos ng pahina na ito. Kung ito ay walang sagot ay huwag na
lamang din ipasa. Huwag din gagamit ng ibang papel na may iba’t ibang sukat katulad ng
yellow paper, intermediate at iba pa. Kung magsasagot sa ibang papel katulad ng bond paper ay
huwag kalilimutan ang mahahalagang detalye. Salamat

Week 1
Page 6 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

WEEK 1
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANGAN (AKADEMIK)
Pangalan:______________________________________Pangkat:________________
Guro: Bb. Ericka Aimee Almario_________________Petsa:_________/____/______

SEATWORK #1
Panuto: Isulat ang letra ng katumbas na salita sa ikalawang hanay na magpapaliwanag ng mga
katangian nito.

HANAY A HANAY B
______1. Ito ay nagbibigay-linaw sa mga
pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng A. Akademikong Pagsulat
mga halimba
______2. Ito ay nakapokus na pagkakasunod-
sunod ng daloy ng
B. Pangangatwiran
B. Pangangatwiran
mga pangyayaring aktwal na naganap.
______3. Nagsasaad ito ng obserbasyon, uri,
kondisyon, palagay,at damdamin ng
C. Paglalahad
manunulat hinggil sa isang bagay, tao lugar, o
pangyayari.
______4. Ito ay nakalaan sa mga paksa at mga
tanong na pinag- uusapan ng o interesante sa D. Paglalarawan
akademikong komunidad.
______5. Ito ay nagpapahayag ng katwiran o
argumentong pumapanig o sumasalungat sa E. Pagsasalaysay
isang isyung nakahain sa manunulat.

TASK #1.1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sipi ng akademikong sulatin na makikita sakasunod na
pahina. Sa tulong ng talahanayan, suriin ito batay sa mga taglay nitong katangian.

Bionote ni Bienvenido Lumbera


Isinulat ni Rommel Rodriguez

Kilalang manunulat at iskolar ng kultura at panitikan, si Bienvenido Lumbera ay ipinanganak noong


Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nag-aral sa Unibersidad de Santo Tomas noong 1950 at sa Indiana
University noong 1967. Naging propesor din siya sa Osaka University at University of Hawaii sa
Manoa, gayundin din sa iba’t ibang unibersidad sa bansa.
Hindi matatawaran ang kontribusyon ni Bien sa larangan ng sining at panitikan. Nakapaglimbag na siya
ng mga panandang-bato na antolohiya, nakapagsulat ng iba’t ibang dula tulad ng Tales of the Manuvu,
Nasa Puso ang Amerika at Hibik at Himagsik nina Victoria Laktaw. Pinarangalan siya bilang
Pambansang Alagad ng Sining at nagkamit na rin ng gawad mula sa Ramon Magsaysay Awards para sa
Pamamahayag.

Sa kabila ng buhay sa sining, hindi nakaligtaan ni Bien ang halaga at ugnayan ng kanyang pagiging
iskolar, guro at artista sa lipunan at bayan. Kinikilala ang kanyang ambag sa larangan ng pagtatayo ng
mga organisasyong nagtataguyod ng pambansang demokrasya. Bukod sa pagiging Professor Emeritus

Week 1
Page 7 of 8
RLC Bldg., National Road, Brgy. San Juan, Taytay, Rizal.
 658-3825; 286-4073

sa UP Diliman, siya rin ang Chairman Emeritus ng Concerned Artists of the Philippines at Congress of
Teachers/Educators for Nationalism and Democracy. Siya rin ang naging tagapanguna sa pagkakatatag
ng Alliance of Concerned Teachers, Philippines na nangangalaga naman sa kagalingan ng mga guro sa
Pilipinas.
Maraming beses na rin nakasama si Bien sa mga pambansang kilos- protesta. Patuloy siyang
nakikibahagi sa pagsulong ng makatuwirang sahod at karapatan ng mga manggagawa. Inilapat niya sa
kanyang mga akda ang buhay at himagsik ng mga magsasaka. Naging lunan ng kanyang mga
karanasan noong batas militar angmga obrang tula at awitin. Sa lahat ng ito, isang dakilang patunay si
Bien na ang sining ay marapat lamang magsilbi sa mga uring inaapi at pinagsasamantalahan, habang
ito rin ay mabisang paraan upang humukin ang mamamayan na makiisa tungo sa paglaya ng bayan.

Pamagat ng tekso:

Paksa:

Layunin:

NIlalaman: (maikli lamang)

Kahalagahan ng mambabasa:

TASK #1.2
Panuto: Gamit ang parehong teksto sa TASK #1.1, hanguin ang mga piling bahagi na ginamitan ng iba’t
ibang paraan ng pagpapahayag at pagkatapos ay magbigay ng patunay. Sundin ang pormat sa ibaba at
isulat ang iyong sagot.
Piling pahayag Uri ng pahayag Patunay

1.

2.

3.

4.

5.

Ang akademikong pagsulat ay……

Week 1
Page 8 of 8

You might also like