You are on page 1of 22

Genre: Drama, at Boys’ love

Scene 1

Liam: Keith (Hinawakan ang Braso)

Liam: Keith, Ano bang nag yayari?

???: Umuwi ka na

Liam: Uuwi ako ng naguguluhan? (Umiiyak)

???: Umalis kana, Pinag sabihan kana diba? Ano pa bang gusto mo?

Liam: Explenasyon mo, Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin?

???: Huwag ka ngang gago, alam mo sa sarili mo ang ginawa mong pag kakamali

Liam: Nakikiusap ako please, Wag mo namang gawin 'to

???: Ikaw ang gumagawa nito sa buhay mo Liam, ikaw! (Pasigaw kong boses)

???: Itigil mo na 'to

Liam: Nakiki-usap ako please, Ano bang ginawa ko?

???: Gusto mo malaman?

???: Hindi na kita gusto, nag-kamali ako, babae pala talaga ang gusto ko

Liam: Ayun lang ba kaya ko namang maging baabe para sa iyo

???: Liam, Ano ba?! (Pasigaw)

Liam: Kaya k-

???: (Sinuntok)

(Nagising)

Liam: Ano yun? Sa harap ng school? Anyare dun? */Napahawak sa ulo

*/Napansin na umaga na

Liam: Hala umaga na bakit di ako ginising ni Mama? (Natataranta)

*/Agad na lumabas at dala ang tuwalya

Liam: Mama bakit hindi mo ko ginising

*/Agad na pumunta sa banyo

Liana: Oh gising kana pala nak, Holiday kasi ngayon at nag announce rin yung school niyo na wala kayong pasok

Liam: Ay ganon po ba? Hayst sobra pa naman po pag mamadali ko

Liana: Kumain ka muna dyan o kapag inaantok kapa matulog ka muna

Liam: Sige po Mama, Salamat po, pero maliligo muna ako

(Naligo si Liam)

Scene 2
(Pagkatapos maligo ni Liam ay kumain na siya nguni nakatulala dahil doon sa kaniyang napanaginipan)

Liana: Liam, anak nakatulala ka, ayos ka lang?

Liam: Po? Opo ayos lang po ako

Liana: (Tumango) Oh siya nga pala pupunta dito ang Lola Beth mo

Liam: Sino po kasama ni Lola?

Liana: As Usual iyang Tito Ian mo

Liana: Kasama pala mga pinsan mo uuwi rin ata sila bukas ng madaling araw, buti nalang din ay panghapon sila bukas

Liam: Ah sige ma, Maraming salamat po

(Tapos ng kumain si Liam)

Liana: Malapit na daw sila

Liam: (Tumango)

Liam: (Nag-hugas ng plato)

Lola Elibeth: Tao po

Liana: Andyan na pala kayo Ma!, Kumain na po ba kayo?

*/Binuksan ang gate

Lola Elibeth: Tapos na

*/Pumasok

Liam: Magandang Umaga Lola */Nagmano

Liana: Nasan po si Kuya?

Lola Elibeth: Ayaw sumama, Nag-paiwan kasama si Valerie

(Nag kwe-kwentohan ang mga mag pipinsan)

Lola Elibeth: Liam kamusta ka? Ang bilis mong tumangkad

Liam: Ayos lang po ako lola, Salamat po

Lola Elibeth: May natitipuan ka na bang babae?

Liam: Wala pa po

James: Kunyare lang yan 'la, sa susunod na buwan may nililigawan na yan

Lola Elibeth: Hahahaha

James: Hahahaha

Liam: Hahahaha

Liana: Mama, Inaantok ka na ba?

Milani: Inaantok na siguro si mama kanina pa siya hikab ng hikab sa byahe

Lola Elibeth: Mamaya na, Makikipag kwentohan muna ako sa mga apo ko

Fast Forward- Natulog na si Lola Elibeth


Scene 3

James: Liam may gagawin ka ba?

Liam: Wala, Bakit?

James: Laro tayo

Liam: Sige

James: Gusto sumama ng kaibigan ko, ayos lang ba?

Liam: Sige lang

*/nag laro sila James at Liam

Melani: Ate Lian, kamusta kana?

Liana: Ayos lang, ikaw?

Liana: Si kuya kamusta? Mas lagi niya ng kasama si Valerie ah

Melani: Oo nga eh, Simula nung nag-pakasal sila lagi niya nalang kasama yun pero nakakausap ko pa naman si Ian

Melani: Dun na lang lagi atensyon nya

Fast Forward- Tanghali na

Sammy: Mama, Malapit na yan?

Melani: Oo nak, malapit na

Lola Elibeth: Oh James, Tanggalin mo na 'to

James: Sige po 'la

Liam: Lola mamaya po gusto mo po bang sumama samin mamaya?

Lola Elibeth: Saan?

Liam: Greengate po sa bandang Yspacio

Lola Elibeth: Sige ba

Melani: Oh kain na tayo

Samy: Sa wakas

Keith: Ang takaw mo talaga

*/Hinampas si Kriest sa braso

Keith: Aray, Mama si Sam oh hinahampas ako (Hinimas ang braso)

Melani: Samy (Tumingin kay Samy

Samy: Si Kriest kasi

Lola Elibeth: Samy, kain kana diba gutom kana?

Samy: Opo

*/Umupo na silang lahat sa hapag kainan

Fast Forward- Tapos na silang kumain

Liana:Oh sino mag huhugas sa inyo?


Samy: Si Carl daw

Carl: (Sinamaan ng tingin) Sige na nga

*/Nag ligpit na sila

Lola Elibeth: Mamaya na tayo umalis ah

Melani: Saan kayo pupunta, Ma?

Lola Elibeth: Nag-aaya ng gala iyang mga apo ko

Melani: (ngumiti)

Scene 4

Fast Forward- Gumala na sila

Lola Elibeth: Malapit na ba tayo?

Liam: Opo lola, nakikita ko na yung savemore

Kreist: Hindi naman taga dito si James pero kabisado

James: May kikiam oh (Nakitang ang kaniyang kaibigan)

James: Keith, Ikaw pala yan

Keith: Hi

Liam: * Tinitigan ko si Keith na para bang nakita ko na ito *

James: Ito yung nakalaro natin kaninang umaga

*Tinuro si Liam

Keith: Galing mo mag laro kanina

Liam: Thank you

Liam: Medyo Familiar ka sakin, nag kita na ba tayo?

Keith: Sa school siguro

*/Tumango

Keith: Sige, pre sa susunod na lang ulit (Nakipag kamay)

Carl: Dami mo namang kaibigan kuya

James: Mabait ako eh

Samy: Kailan?

James: Simula nung pinanganak ako

Kreist: Bhe mahiya ka naman

Carl: */Nandidiring mukha

James: Sige Pag-tulongan niyo 'ko

Lola Elibeth: Tigilan inyo na' yang kuya nyo pinag-tutulongan nyo na naman eh

*/kumapit si James kay Lola Elibeth

James: Narinig nyo yun? Layuan nyo daw ako


Kriest: Lola's boy

*Tumawa si Samy at Carl

Samy: Oa kasi yan

James: Over Ampogi

Kriest: (Nagulat na mukha)

Carl: Corny

Lola Elibeth: *Tumawa

Lola Elibeth: Anong gusto niyo riyan?

*/Namili sila ng gusto nila

James: Lola ok na po ito

Lola Elibeth: Mag kano po lahat?

Tindera: Bali 4 na Baso ng kikiam Isang baso ng kwek-kwek 50 pesos po lahat Nay

Lola Elibeth: Ito po ( Inabot ang bayad)

James: Lola diretso tayong Yspacio

Lola Elibeth: Sige lang

Carl: Lola hindi kapo ba napapagod?

Lola Elibeth: Hindi pa naman apo

Samy: Lola pag napagod ka pa piggyback ride ka kay James

Kriest: Huwag niyong pabuhatin Baby Boy natin

(Nag si tawanan sila)

Samy: Pinagod mo si Lola eh, Syempre responsibilidad mo yan

Carl: Totoo

James: Lola oh pinag-tutulongan na naman nila ako

Lola Elibeth: Tantanan niyo na nga yang si James

Carl: */Tinapik si Liam sa balikat

Carl: Tahimik mo

Liam: Sorry

Carl: Ayos ka lang?

Liam: Oo naman

James: Andito na

Liam: * Makikita ko ba ulit si Keith? Ano kayang mangyayari? Kakausapin niya ba ako? *

Lola Elibeth: Ito na ba yun? Liit naman

James: Maganda dito 'la pag gabi

Lola Elibeth: Oh (tumatango-tango)


Liam: * Andito ulit siya, bakit kaya kinakabahan ako pag-nakikita ko siya , IMposible namang mag kagusto ako sa lalaki
hindi ba? *

Carl: Lola mag Billiards kaya tayo

Lola Elibeth: Mag-kano ba yan?

Carl: 100 pesos daw eh

Lola Elibeth: Gusto niyo ba?

James: Opo

Kriest: Opo

Carl: Opo

Samy: Opo

Lola Elibeth: (Tumingin kay Liam) Liam gusto mo ba?

Liam: Sige lang po

Carl: Kung saan-saan talaga atensyon nito ni Liam

Liam: Sorry

Time Skip- Tapos na silang mag laro at umuwi na sila

Scene 5

Liana: Nandito na pala kayo

Liana: Nag enjoy ba kayo?

Carl: Opo

Samy: Tita may pag-kain na po ba?

Carl: Kakain lang natin ah

Samy: Eh nag-lakad tayo eh, syempre nawala na busog ko

James: Takaw talaga

Samy; Apaka sama naman ng ugali mo liit

James: */Sinamaan ng tingin

Melani: Hay nako, Samy kumain kana kung nagugutom ka

Samy: Ok po

Lola Elibeth: Mag-papahinga muna ako

Melani: Sige lang, Ma

Liam: Mama */Lumapit kay Liana

Liana: Ano yun nak?

Liam: Diba bawal sa Religion natin ang Gay Relationship?

Liana: Oo, Bakit?


Liam: Wala po

Liana: May kaibigan ka ba?

Liam: Hindi po may nakita lang ako kanina

Liana: Basta anak kahit anong mangyari wag na wag kang mag kakagusto sa lalaki, ok? Magagalit Lola mo tsaka si Allah

Liam: Opo

Liana: (Hinalikan ang noo) Kapag gutom ka may pag kain dyan

Liam: Salamat po Ma

Liana: (Nginitian)

James: Liam, laro tayo

Liam: Sige

Liam: Kasama ba si Keith? (Nag aalangan)

James: Hindi, ayoko

Liam: Hahahahah

Carl: Sama niyo 'ko

Kriest: Sali ako, Ano yan?

Samy: Ano gagawin niyo?

Liam: Mag lalaro daw

Samy: ng alin?

James: Sasali lang yung may mga Cellphone

Samy: */Hinampas si James sa braso

Samy: Tantanan mo na ako liit, nanggigigil ako sayo

James: Aray 'ko Mama, oh

Carl: Parang bata 'tong si James

Kriest: Totoo, kanina pa yan naiirita na ako diyan

James: Pinag-tutulongan niyo na naman ako

Samy: Oa ka talaga

Liam: Tigil na kayo, Mag-lalaro ba tayo o hindi?

James: Tara na nga

Melani: James, Samy kumain muna kayo

James: Busog pa po ako

Samy: Opo

Liam: Maliligo muna ako

James: Ok

Samy: Ok
*/Pumasok sa Bathroom

* Kakaiba feelings ko sa kaniya, Sa lahat ng tao sa kaniya ko lang maranasan ang ibang feeling *

Scene 6

*Pananaw ni Keith*

*/Nag lalakad si Keith at Oliver pauwi

Oliver: Pa nandito na po kami

*/Nag bless sa kanilang Papa

Arthur: Kumusta 'yung gala niyo? Hindi ba nag pasaway 'tong bunso ko?

*/Pumasok sa loob ng bahay

Keith: Hindi naman pa

Oliver: Tahimik lang ako kanina

Oliver: Daming kakilala ni kuya eh

Oliver: Siguro sa dami niyang Boy Friends baka isa na dun yung Boyfriend niya

Keith: Hoy

*/Hinampas ng mahina sa likod

Oliver: Support ako kuya kapag may Boyfriend ka

Arthur: Hay nako intindihin niyo muna 'yang pag-aaral niyo bago sa mga ganyan

Oliver: Edi support ka tay pag nagka-jowa ng lalaki si kuya?

Arthur: (Tumahimik) Kumain na lang kayo riyan pag nagutom kayo, kumain na 'ko

Oliver: Luh si Papa naman eh

Keith: Di naman kasi ako bading, ginagawa mo' kong bading

Oliver: Hindi

Keith: Kakabasa mo yan ng Manhwa, Itigil mo na yan, kung ano-ano pumapasok dyan sa isip mo

Keith: Kumain kana

Oliver: Ano ba 'yan

Keith: * Seryoso ba 'tong si Oliver? Paanno kung nagka-totoo? Hindi pwede *

Scene 7

*Pananaw ni Liam*

*/Tapos ng Maligo

Liana: Kumain ka na sunod nun matulog ka na

Liam: Opo

Liana: Matutulog na 'ko


Liam: Goodnight Mama

*/Kumain si Liam

James: Liam, May pasok ka ba bukas?

Liam: Meron, Bakit?

James: Mag pupuyat sana tayo

Liam: */Tumawa

Liam: Sa susunod na lang

James: Ah sige-sige

Liam: May tanong ako

James: Ano yun?

Liam: May Social Media ba si Keith?

James: Oo, Bakit?

Liam: Gusto ko lang malaman

James: Sige

*/Kinuha ang Cellphone

James: Ito oh (Pinakita)

Liam: Salamat

James: (Nginitian)

James: * Kakaiba ngayon si Liam, Hindi naman talaga siya nag tatanong ng mga Social Media ng mga kaibigan ko ah,
Hayaan na nga lang, Issue ko talaga *

*Nakatulala habang nakatingin kay Liam

Liam: Bakit?

James: Wala

Liam: (Tumango)

*/Tumango at Pumunta sa kusina para ihanda ang kakainin

Time Skip- Tapos na siyang kumain at natulog na sya

Scene 8

* Inayos ko na ang sarili ko bago ako mag paalam kay Mama *

Liam: Ma', aalis na po ako

Liana: Mag-ingat ka

Liam: Opo

* Habang nag hihintay ako ng Jeep ay tinignan ko ang Facebook Account ni Keith, Maliban sa skwelahan nakita ko na rin
sya nakalimutan ko kung saan. Sumakay na 'ko ng
Jeep at pag kababa ko sa gate ay nag-simula na akong mag-lakad papunta sa skwelahan, Nakita ko siya dahil naroon siya
sa gate, Ngumiti ako sa kaniya at ginawa niya rin yun sakin kaya nag simula na 'kong

mag lakad papuntang room ng makita ko ang mga kaibigan ko *

Luna: May Assignment ka?

Liam: Saan?

Lasi: Sa MAPEH

Jace: Wala pa kasi si Uno eh

Liam: Meron ata

Luna: Pakopya

Liam: Kay Uno na

Luna: Paano kung hindi pumasok si Uno?

Lasi: Papasok yan

Jace: Papasok talaga yan

Liam: Sige, Pasok ko muna 'tong bag ko

*/Nilagay ni Liam ang bag niya tsaka lumabas ulit

Jace: Si Uno na ata yan oh!

Luna: Magandang Umaga U-

Uno: May assignment ako mamaya 'ko na ipapakopya

*/Dire-Direstsyo siyang pumasok sa Silid

Luna: Bait talaga

Lasi: Papasok ba yun si Gian?

Jace: Parang Hindi

Liam: (Sumilip sa may Gate)

Luna: Feeling ko papasok yan

Lasi: Bakit?

Jace: Hindi yan papasok

Lasi: Bakit?

*/Lumabas si Uno

Uno: Hindi ba kayo mag re-review?

Jace: Huwag na mag review

Luna: Kaya ka laging bagsak eh

Jace: Galing pa sayo ah

Lasi: Liam (Sabay hawak sa kaniya)

Liam: (Nagulat) Bakit?


Lasi: Sino tinitignan mo diyan?

Liam: Wala, Bakit?

Lasi: Kanina pa kamo kita napapansin, May crush ka ba?

Jace: (Nakita ang Teacher nila)

Jace: Nandiyan na si Ma'am

Liam: Hindi 'ko alam

Lasi: Ay, Pasok na tayo

*/Tumango

Liam: Tara

* Nagsimula na ang klase kaya naman nag si balikan na sila sa kanilang mga upuan *

Time Skip - Recess 9:50 AM

Luna: Nakakagutom, ang daming ginawa

Lasi: Buti na lang talaga Gian hindi ka pinagalitan ni Ma'am

Gian: Good Mood sya eh

* Habang nag kwe-kwentohan sila, si Liam ay naman ay nagbibilang ng kaniyang pera *

Liam: Limangput-lima Limangput-anim Limangput-pit- (Nabangga)

Liam: Hala

*Nahulog 'yung pera ni Liam, tinulungan din ng mga Kaibigan nito at si Keith na nakabangga sa kaniya *

Keith: Gagi, Sorry po (Lumuhod)

Keith: Pasensya talaga

Liam: Ayos lang

Keith: (Tinignan ang nabangga niya) Liam, sorry ah sakto lang ba pera mo?

Liam: (Binilang) Oo, ata

Keith: Sorry Talaga

Liam: (Pinipigilan ang sariling hindi Ngumiti) Ayos lang

Luna: Ano ba yan hindi nag iingat (Umiling)

Liam: Pagpasensyahan nyo na po

Lasi: Teka, asan sila Uno?

Luna: Iniwan na tayo, bastos

* Nag-simula na kaming mag-lakad at nakita rin namin sila Jace na nag-hahanap din sa'min *

Jace: Saan kayo napunta?

Lasi: Nahulog kasi pera ni Liam kaya tinulungan namin tapos nun bigla na lang kayong nawala

Luna: Hindi niyo ba napansin?

Gian: Hindi eh
Luna: Tsk, Tara na nga

* Nag si-pasok na sa Canteen para bumili ng pag-kain at dun na lang din kami tumambay sa mga upuan *

Liam: Kilala nyo si Keith?

Jace: Oo

Uno: Keith Garcia?

Liam: Oo

Luna: Sino 'yun?

Liam: nakabangga sa'kin kanina

Uno: Mabait yun

Luna: Weh?

Jace: Bakit mo natanong?

Gian: May ginawa ba sayo nun?

Liam: wala lang natanong ko lang kung kilala nyo ba

Lasi: May gusto ka ba sa kaniya?

Liam: (Nagulat) Wala

Luna: Bl na naman nasa utak mo

Lasi: Hala hindi

* Nag kwentohan lang kami hanggang sa tumunog na yung Bell, bumalik na rin kami sa Room para hindi kami pagalitan
ng susunod naming guro *

Scene 9

Time Skip- Uwian 12:10

Uno: Una na 'ko

Jace: Sabay ako

Gian: Ako din, Jace punta tayong Yspacio

Uno: Sige, kayo bahala (Umalis)

Luna: Gian, Samahan mo 'ko 'wag ka ng pumunta ng Yspacio, Uuwi na 'ko

*/Sumabay ako palabas sa kanila

Lasi: Uuwi ka na?

Liam: Oo, ikaw?

Lasi: Sasabay ako kila Jace

Liam: Sige

Lasi: Kumusta na pala si Tita? Hindi ko pa siya ulit nakikita

Liam: Ayos lang naman siya

Lasi: Ah okay
Liam: Bye (Kumaway)

Luna: Ingat

Liam: Kayo din

* Humiwalay ako at tumawid na *

???: Kuya Ballpen mo (Inabot)

Liam: Ay, Salamat po (Kinuha) Keith ikaw pala yan

Keith: Oh Liam, ikaw rin pala yan

Keith: Dami namang nahuhulog sa'yo

Liam: Pag pasensyahan mo na, Butas ata bag ko eh

Liam: Hahahah

Keith: Hahahahah

Keith: Saan ka pala papunta?

Liam: Sa bahay, ikaw?

Keith: Ganon din eh, Sige ingat ka (Tumawid)

Liam: Salamat

Liam: * Ilang linggo na kaming mag-kasama palagi ni Keith, Pauwi sa School, sa Yspacio, at sa Divimall pero lagi na
lang din kasama ang mga kaibigan ko *

*Isang buwan na ang nakakalipas at naisipan kong mag confess kay Keith*

Liam: Keith, May gusto sana akong sabihin sayo

Keith: Ano?

Liam: Hindi ko alam kung saan ko sisimulan...

Keith: Kaya yan

Liam: Gusto ko sabihin na Gusto kita

*/Kinakabahan ako, parang gusto kong bawiin sinasabi ko, parang nakokonsensya ako

Keith: Alam ko naman na

Liam: Huh? Pa'no?

Keith: Sinabi sakin ng mga kaibigan mo

Liam: Ay, Sige una na 'ko (Umalis)

Keith: (Sinundan) Bakit?

Liam: Baka hanapin ako

Keith: Paano naman ako?

Liam: Ha?

Keith: Hahanapin din kita

Liam: Edi wow


Keith: Matagal na din kitang gusto, Hindi mo ba pansin?

Liam: Ah sige Bye ( Mabilis na nag-lakad )

Keith: Bye

*/Tumawa

Scene 10

* Kinabukasan ay lumabas kaming lahat mag kakaibigan, Sinasama ko si Keith dahil yun ang request ng mga kaibigan ko
*

Lasi: Oy nandito na ang dalawang pogi

Liam: Asan 'yong iba?

Lasi: Pumunta ng Savemore, pinaiwan ako rito

Keith: Sila Luna

Luna: Ahhhh (Tili) Dinala niya talaga si Keith

Luna: Hi Keith, Kain ka oh

*/Biglang nilabas lahat ng chi-chirya

Liam: Puro un-healty naman niyan

Lasi: Papakainin niyo ng ganiyan bisita natin?

Jace: Ay sorry, si Luna pumili niyan lahat

Luna: Wow ako na naman Jace?

Keith: Ayos lang naman sakin

Jace: Ayos lang daw kay Keith

Lasi: (Hinampas si Jace sa Braso) Hindi ka ba nahihiya?

Luna: Hindi naman marunong mahiya yan

Liam: Bibilhan ko na nga lang si Keith ng pag-kain

Jace: Pwede din

Keith: Pero ayos lang naman sakin

Liam: Sure ka

Keith: Oo

*/ Dumating sila Gian at Uno

Uno: Tsk

Jace: Parang bad mood agad 'tong si Uno

Gian: Na traffic kasi ako

Lasi: Ha? ang lapit lang naman ng bahay mo sa Yspacio, Ma tra-traffic ka pa


Gian: Ayokong pag-pawisan

* Habang nag-uusap sila ay inabutan ko ng chips si Keith *

Keith: (Kinuha) Thank you

Liam: Gusto mo ba ng tubig?

Keith: Sige lang

* Makalipas ang ilang oras ay nag si uwian na dahil medyo madilim na *

Scene 11

* Pag-kauwi ko ay nakita ko si Lola Elibeth *

Liam: Lola, Magandang gabi po, Naparito kayo (Nag mano)

Lola Elibeth: Liam, Pogi kong Apo (Niyakap)

Lola Elibeth: Nako, Namiss lang kita

Liam: Agad?

Lola Elibeth: Agad? (Pang gagaya) Ilang buwan kaya kitang hindi nakita

Liam: Hehe

Liana: Nak, Nandito ka na pala, Kumain ka na ba?

Liam: Hindi pa po, pero busog pa po ako

Liam: Mag-papahinga lang po muna ako

Liana: Wala ka ng maitutulog niyan mamaya

Lola Elibeth: Tama ang mama mo

Liam: Papasok na lang po ako sa kwarto ko

* Pagkapasok ko sa kwarto at umupo, kinuha ang cellphone at binuksan ito sa Messenger at chinat si Keith *

Sa Chat

Liam: " Naka uwi kana? "

Keith: " Oo, Ikaw? "

Liam: " Kanina pa "

Liam: " Ano gawa mo? "

Keith: " Wala "

Liam : " Ako rin"

Keith: " Laro tayo "

Liam: " Sige lang "

* Nag simula silang mag laro hanggang sa mag dilim na *

Sa Chat

Keith: " Kakain na muna ako , Good game rin pala "
Liam: " Eat Well "

Scene 12

Kinabukasan

* Maaga akong nagising dahil sa boses ni lola kaya lumabas na ako ng kwarto *

Lola Elibeth: */ Napansin si Liam

Lola Elibeth: Gising kana pala

Liam: Good Morning po

Liana: Nak breakfast kana

Liam: Sige lang po

*/ Pumunta ng banyo at nag-hilamos

Lola Elibeth: Sayang talaga si Juan nak

*/ Lumabas ng banyo

Lola Elibeth: Hindi man lang siya nakapili ng iba pang asawa

Liam: * Si papa pinag-uusapan nila, Miss ko na si Papa*

Liana: Swerte nga lang din ako ma, ako lang ang nag iisa niyang asawa

*/Kumuha ng Plato at Pagkain

Lola Elibeth: Pero kailangan niya pa ring mag hanap ng kaniyang ibang mapapangasawa, Ewan ko ba diyan, ang aga din
naman kasi namatay ni Juan

Liam: (Umupo sa lamesa at nag simulang kumain)

Liana: Normal lang yun namamatay naman talaga lahat ng tao

Lola Elibeth: (Ngumiti) Sige nak, Mag papahinga muna ako

Liana: Sige lang ma

Liam: Mama

Liana: Bakit nak?

Liam: Namimiss nyo na po ba si Papa?

Liana: Syempre naman, ikaw miss mo ba papa mo?

Liam: Sobra

Liana: (Ngumiti at Hinimas ang Pisngi) Bilisan mo na riyan at mag-lilinis pa tayo

Liam: Sige po

* Binilisan ko ang aking pagkain dahil nag sisimula ng mag punas ng mga lamesa si mama. Pag-katapos kong kumain ay
hinugasan ko ang aking pinagkainan at tinulungan na si mama, Pag kalipas din ng isang oras ay tapos na

kaming mag linis *

Liana: Mauuna na muna ako maligo nak ah

*/Pumasok sa banyo
Liam: Sige po

*/ Kinuha ang Cellphone at binuksan sa Messenger *

Keith: " Good Morning "

Keith " Pinakilala kita kay Oliver at kay papa "

Keith: " Pero gusto ka daw makilala ni papa sa personal, ok lang if pumunta ka dito? Alam mo naman bahay ko diba? "

* sent 1 hour ago *

Liam: " Good Morning, Breakfast? "

Liam: " Slr, Nag-linis kami ni mama kanina "

Liam: " Wala naman na akong gagawin mamayang Hapon, Punta ako riyan "

Keith: " Tapos na ko mag agahan, ikaw? "

Liam: " Tapos na din "

Keith: " Sabihan ko si Papa na pupunta ka mamaya "

Liam: " Sige "

* Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na din si mama sa banyo na nakabihis *

Liam: Mama

Liana: Bakit?

Liam: May pupuntahan po ako mamaya

Liana: Saan?

Liam: Sa bahay po ng kaibigan ko

Liana: Gala ka nang gala ah baka may ginagawa ka ng hindi maganda

Liam: Hindi po ma, balik din po ako agad

Scene 13

* Natapos naman akong maligo at mag-bihis kaya nakipag-kwentuhan muna ako kay Lola Elibeth *

Lola Elibeth: Iyang papa mo ay mabait pero basagulero din, Hindi naman talaga sya totoong muslim nag pa-convert lang
siya bilang Islam

Liam: Hindi yan na kwento sa'kin ni mama

Lola Elibeth: Ayaw nya din naman kasi pag-usapan papa mo

Liam: Bakit po?

Lola Elibeth: Malalaman mo din yan pag matanda ka na

Liam: Ok po

* Humaba ang pag uusap namin ni Lola ng hindi ko na namalayan *

Liam: Lola aalis po pala ako

Lola Elibeth: Saan ka na naman pupunta?


Liam: Bahay lang po ng kaibigan ko

Lola Elibeth: Nag-paalam ka na ba sa mama mo?

Liam: Opo

Lola Elibeth: Oh sige mag-ingat ka

Liam: Salamat po (Umalis)

* Dali-Dali akong nag-lakad, Hanggang sa makarating ako sa bahay nila *

Liam: (Bomuntong hininga)

Liam: Tao p-

Oliver: Hello po */ Binuksan ang gate

Oliver: Pasok kayo

Liam: Salamat */Pumasok

* Nagulat ako dahil ang porma ng tatay ni Liam *

Liam: Pag pasensyahan nyo na po kung medyo late ako

Liam: Magandang gabi din po pala

Arthur: */Dahan-dahang tumingin sa Orasan

Arthur: Muntikan na

Arthur: Magandang gabi din

Arthur: Ikaw ba si Liam?

Liam: Opo

Keith: Upo ka

Liam: Salamat po

(Umupo silang dalawa)

Arthur: Unahin ko na 'yung pinaka-madaling tanong

Arthur: Bakit mo nagustohan anak 'ko

Liam: Mabait po siya

Arthur: Ganyan din sabi ng ibang nag-kakagusto sa kaniya

Liam: Ahh (Tumango)

Liam: Komportable po ako kasama siya at nung first time ko po siyang ma-meet para pong may nag-spark

Arthur: Parehas kayong lalaki, Hindi ba parang weird yun sa paningin ng mga tao?

Arthur: Ano bang relihiyon mo iho?

Liam: (Tahimik)

Arthur: Ayos lang naman kung hindi mo masagot, alam naman siguro ni Keith ang relihiyon mo

Arthur: Saan mo siya nakilala?

Liam: Nakalaro ko po siya


Arthur: Magaling ba anak ko?

Liam: Opo

*/ Lumabas ng banyo si Keith

Oliver: Sa wakas

*/Pumasok ng banyo si Oliver

Keith: Pag-pasensyahan niyo na ang tagal ko sa cr

Liam: Ayos lang (Ngumiti)

Keith: Ah ( Madaling pumunta sa harap ni Arthur at Liam)

Keith: Papa ito si Liam ka-M.U ko, Liam ito si Papa

Arthur: Mukhang magandang lalaki ang napili mo 'nak ah (Ginulo ang buhok ni Keith)

Liam: Pa' kakaayos ko lang niyan */Hinawi ang kamay

Arthur: Pogi ka naman, di'ba Liam?

Liam: Palagi naman

*/Lumabas ng banyo si Oliver

Arthur: Oh di'ba?

Arthur: Ay oo nga pala nag-luto ng pag-kain si Keith

(Nilabas ang pag-kain)

Liam: Adobo... Baboy ba 'to?

Keith: Adobong Manok yan

Liam: Ah

Arthur: Alam mo bang ilang bees siyang nanood nang "How to cook Adobo"

Keith: Pa

Oliver: Kaya pala ayaw ipabawas sakin iyang Adobo para pala yan sa special person

Keith: First time ko lang mag-luto

Oliver: Feeling ko marami 'yang suka

*Nag-handa ng pagkain si Arthurpara kay Liam*

Keith: Hindi sakto lang ah

Oliver: Tignan mo 'yang suka natin

Keith: Bawas na yan nung nagamit ko

Oliver: Bagong bili yan

Keith: Ay

*/Inabot ni Arthur kay Liam ang pagkain

Liam: Salamat po

*/Kumain
Liam: Masarap naman

Oliver: Weh? Patikim ng-

Keith: Bawal

Oliver: Papanoorin lang ba natin siya kumain?

Keith: Kumain ka na bago pa siya dumating

*Tinapos ko na pag kain ko at sinamahan sa aking dadaanan*

Scene 14

Liam: May gusto akong ibigay sayo

Keith: Ano?

Liam: (Nag-labas ng box) Buksan mo it's a promise ring

Keith: Really? Thank you

(Kinuha ang box)

Liam: Sige alis na ako

Keith: Ingat ka

Liam: Salamat ikaw din

Scene 14

*Kinabukasan sa Skwelahan (Recess)*

*Pananaw ni Keith*

*Lumapit ako kay Liam*

Liam: Keith

* Binigay ang box *

Liam: Maliit ba ‘to?

Keith: Hindi, Ayoko na niyan

Keith: Alis na ‘ko

* Umalis*

Liam: Huh?

Scene 15

-Flashback- (Nangyari noong pinakilala ni Keith si Liam sa kaniyang Tatay at kapatid)

Pananaw ni Keith

Sa Chat (Elibeth Nair)

Lola Elibeth: " ikaw ba ang nililigawan ng apo ko? "


Keith: " Sino po ito? "

Lola Elibeth: " lola 2 ni liam "

Lola Elibeth: " Gus2 khng mag-usap tau mamya "

Keith: "Para saan po? Bakit? "

Lola Elibeth: "tungkl kay liam "

Keith: “ Sige po “

Lola: “ magkit tau sa J********”

*Pag ka-alis ni Liam ay nag paalam ako na may pupuntahan lang ako*

Lugar (Juan Café)

Keith: Ikaw po ba si Ma’am Elibeth?

Lola Elibeth: Umupo ka

Lola Elibeth: Alam mo ba ang Relihiyon ni Liam?

Keith: Hindi niya po binabanggit sa'kin

Keith: Muslim po pala kayo

Lola Elibeth: Bakit hindi mo alam? Nag papaligaw ka ng hindi mo alam ang relihiyon ng nanliligaw sayo?

Keith: Pagpasensyahan niyo po

Lola Elibeth: */May inabot na sobre

Lola Elibeth: Balita ko marami kayong utang

Keith:* Pera? *

Keith: Ano po bang gusto niyo?

Lola Elibeth: Ang layuan ang apo ko, yun lang naman

Keith: Hindi ko po yun magagawa

Lola Elibeth: */Mas lalong nilapit ang sobre

Lola Elibeth: Hindi ka ba naawa sa tatay mo? Marami na kayong utang

Keith: */Binuksan ang sobre

Keith: * 30k? *

Lola Elibeth: Alam ko sobra pa yan sa mga utang nyo, pwede nyo magamit pang-pa grocery, diba?

Keith: * Tahimik *

Lola Elibeth: Pag-isipan mong mabuti, Hihintayin ‘ko ang message mo (Umalis)

-Pag tatapos ng Flashback-

Scene 17
Pananaw pa rin ni Keith

* Mabilis akong umalis dahil alam kong susundan ako ni Liam *

Liam: Keith!

Keith: Wag ngayon

You might also like