You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Schools Division of Zamboanga Del Norte

__________________________________________________________________________________
__________
BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 4
UNANG KWARTER-IKALIMANG LINGGO
Unang Araw

I. LAYUNIN Pagkatapos ng 50 minutong talakayan, ang mga bata


ay inaasahang:

Nasusunod ang napakinggang panuto o hakbang ng


isang gawain. (F4PN-le-j-1.1)

II. PAKSA • Pagsunod sa Panuto. (Pasalita)

A. Sanggunian Yaman ng Lahi (Wika at Pagbasa)


sa Filipino 4, ph.100-112

B. Kagamitan Larawan, tsart, aklat, laptop at iba pa.

III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda

1. Balik-aral Ano an gating nakaraang leksiyon?

2. Pagganyak Gusto ba ninyo ng isang pampasiglang awit mga


bata?
Ngayon ay awitin natin ang awit na ito sa tuno ng
awiting, ‘Paruparong Bukid’, kasabay nito ay ipalakpak
ang iyong mga kamay.

“Ang Mga Panuto”


(Tuno- Paruparong Bukid)
Ang mga panuto’y narito na naman
Tumayo na ang lahat ito’y pakinggan at tandaan,
Ako ay iyong tingnan
Bago ako sundan.

Panuto ni titser
Simple’t madaling sundan,
Kung sagot mo’y ibibigay
Itaas lang ang iyong kamay.

Humarap sa kanan
Kung kayo ay uupo,
Humarap sa kaliwa kung kayo ay tatayo
Yumuko’t umikot sa gawing kanan ninyo!

//Handa naba ang lahat,(2x)


Magsimula sa una kung handa na ang lahat.// (2x)

Mga tanong:
Nasunod ba ninyo ang mga panuto habang kumakanta?
Nagugustuhan rin ba ninyo ang pagkanta habang
sumasayaw?
Ano-ano ang mga panutong nabanggit sa kanta?
Balikan nga natin;
1. Itaas ang kamay
2. Umupo at humarap sa kanan
3. Tumayo at humarap sa kaliwa
4. Yumuko at umikot sa gawing kanan

Nagustuhan ba ninyo ang ginawa natin mga bata?

Tiyak kong nag-eenjoy kayo dahil nakapag ehersisyo pa


kayo kahit papaano.
Mga bata, bago natin simulan ang ating talakayan
may tanong muna ako na dapat ninyong sagutin.

Hindi ba madalas tayong napag-utusan o


napagbilinan at sa ganitong paraan, nasusunod mo ba
ang wastong paraan na iniuutos o bilin sa iyo? Kayo ba
ay nakasusunod sa panutong inyong napakinggan?

Sino dito sa inyo ang mahilig magtanim ng mga


bulalak? Itaas ang kanang kamay.

Tingnan nga natin kung hanggang saan ang inyong


kakayanan sa pagsunod sa panuto.
B. Paglalahad Ngayon ay alamin natin ang mga paraan sa
pagtatanin ng rosas na kung saan ay nakatutulong ito
upang mapangalagaan ng maayos ang inyong mga
pananim at upang magkakaroon din kayo ng mas
marami pang mga pananim:
Narito ang mga dapat nating isaalang–alang sa
pagtatanin ng rosas:

1. Mga kagamitan:
Paso or bakanting lalagyan, lupa, tubig, ginupit
na tangkay ng roses at empty plastic bottles.

2. Mga hakbang:
1. Maghanda ng tangkay ng rosas na ginupit mula
sa mother plant na roses.
2. Gupitin ang mga dahon maging ang bulaklak
nito upang tangkay lang ang matira.
3. Butasan ang paso o ibang pang pweding gamiting
lalayan lalagyan.
4. Lagyan ng lupa ang paso.
5. Itusok ang nakahandang ginupit na tangkay ng
rosas dito.
6. Diligan ito ng tubig .
7. Takpan ang itinanim na tangkay ng rosas ng
empty plastic bottle upang maiwasang ‘di ito
magalaw.
8. Ilagay ito sa ligtas na lugar at hintayin ang 5
hanggang isang linggo at nag-umpisa ng sumibol
ang mga dahon nito.

Kaya mo na bang sundin ang mga hakbang o


paraang ligtas sa pagtatanin ng roses?

Maliban sa pagsunod sa mga hakbang o


paraan, ano ang ibang salitang pwede nating
gamitin upang makamit natin ang ating
minimithing layunin para sa isang gawain?
(Pagsunod sa panuto.)
C. Pagtatalakay Ano ang panuto?

Ang panuto ay tagubilin sa pagsasagawa ng


iniuutos na gawain. Ito ay maaaring pabigkas o pasulat.
Makatutulong din ito sa maayos, mabilis at wastong
pagsasagawa ng isang gawain.

Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang panuto


kung paano gagawin ang utos. Sinusunod ang mga
panuto upang magawa ang gawain nang wasto at
maayos.

Mga Pamantayan sa Pagsunod sa Panuto:

1. Makinig at intidihin ang ibinibigay na panuto.


2. Unawaing mabuti ang isinasaad ng panuto.
-Kung nakasulat, basahin o unawaing mabuti .
-Kung pasalita, pakinggang mabuti ang
nagbibigay ng panuto.

3. Kung mahaba ang panuto, itala ang


mahalagang detalye.

4. Kung hindi nalinawan, magalang na ipaulit ang


panutong hindi naunawaan.

5. Magtanong kung may hindi nauunawaan.

6. Gawin ng maingat ang hakbang sa mga Gawain at


ayon sa pagkakasunud-sunod sa panuto.

Subukin natin :
Sabihin o bigkasin nang malakas nang guro ang
panuto na dapat sundin sa paggawa ng iniaatas na
gawain nito.

Pagsunod sa Panuto:
1. Gumuhit ng isang malaking parihaba.
2. SAloob ng parihaba, gumuhit sa gitna ng araw.
3. Sa kaliwang bahagi ng araw ay gumuhit ng
bituin.
4. Sa kanang bahagi ng araw ay gumuhit ng
buwan.
D. Paglalapat Mga Gawain:
(Pangkatang Gawain)
Sabihin o bigkasin nang malakas ng guro ang panuto
ng bawat pangkat na dapat sundin sa paggawa ng
iniaatas na gawain nito.

Unang Pangkat
1. Gumuhit ng parihaba.
2. Gumuhit ng tatlong bilohaba sa loob nito.
3. Kulayan ang unang bilohaba ng asul, pangalawa ng
pula, pangatlo ng berde.

Pangalawang Pangkat
Gum 1.Gumuhit ng isang malaking bilog.
2. Sa loob ng bilog , gumuhit ng isang malaking bituin.
3.Sa loob ng bituin isulat ang pangalan ng iyong
alagang hayop.

Pangalawang Pangkat

1.Gumuhit ng parihaba.
2.Sa loob ng parihaba, isulat ang salitang Filipino sa
malaking titik.
3.Bilugan ang lahat ng katinig.

Mga Pamantayan ng Pagmamarka


Pamantayan Puntos

Nakasusunod sa panuto 5

Pagkamalikhain 3

Kalinisan 2

Kabuuan 10

E.Paglalahat Ano ang dapat nating gawin upang maging


maayos, mabilis at wasto ang pagsasagawa ng isang
iniuutos na gawain?
Isang mahalagang kasanayan at katangian na dapat
mong matutunan ay ang pagsunod sa panuto.

Ito ay mahalaga upang maiwasan ang anumang


pagkakamali at upang maging madali ang paggawa ng
mga bagay-bagay.
IV. PAGTATAYA Panuto: Makinig nang mabuti sa aking sasabihing
panuto. Gawin natin ito.
(Guided Activity)
Panuto: Sundin ang panutong nasa ibaba bilang
hakbang sa paggawa.
1.Kumuha ng papel, lapis, at krayola.
2.Iguhit sa papel ang inyong paaralan.
3.Isulat sa bandang itaas ang pangalan at
School ID. Number ng inyong paaralan.
4.Isulat ang pangalan ng Punong guro sa
kanang bahagi sa bandang ibaba.
5.Pagkatapos ay kulayan ninyo ang iyong guhit
kaparihong kulay ng inyong paaralan.

Mga Pamantayan ng Pagmamarka


Pamantayan Puntos

Nakasusunod sa panuto 5

Pagkamalikhain 3

Kalinisan
2
Kabuuan 10

V. TAKDANG-ARALIN Panuto: Gumawa ng talaan ng mga karaniwang


panutong ibinibigay ng inyong nanay
araw-araw. Lagyan ng tsek(/) ang mga
panutong naisasagawa mo at (X) ang
hindi.
Inihanda ni:

LORNA E. ANTIPORTA
T-III
Lumbayao Elementary School
Tampilisan District

Layout Artist:

ROOSMAN C. REDILLAS
T-III
Diongan Elementary School
Siayan District

You might also like