You are on page 1of 5

MGA GABAY SA

PAGKATUTO SA
EsP 10

UNANG
MARKAHAN
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:

JOANNE F. CEMPRON
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
UNANG MARKAHAN
Quarter: 1 Week: 6 Day: 1 Activity No.: 11

Pamagat ng Gawain: Ang Tunay na Kalayaan


Kompetensi: Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang
tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod (EsP10MP-
Ie-3.3)
Layunin: Naipakikita ang tunay na kalayaan sa pamamagitan ng
pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig: FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig: FEP Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission


DepED owned materials

KONSEPTO:

Ang kalayaan ay hindi lamang nangangahulugan ng pagkakaroon ng kakayahang kumilos


ayon sa kagustuhan, ang pagiging malaya ay nangangahulugang mayroong kakayahang kumilos
nang rasyonal o naaayon sa katuwiran. Kaugnay ng tunay na kalayaan, ang malayang kilos-loob
ay paraan lamang upang makamit ito, sapagkat ang makatuwirang kilos ay humihingi ng
pagiging malaya sa pagiging makasarili (egoism). Hindi tunay na malaya ang tao kapag hindi
niya makita ang lampas sa kaniyang sarili; kapag wala siyang pakialam sa nakapalibot sa kaniya;
kapag wala siyang kakayahang magmalasakit nang tunay at kapag siya ay nakakulong sa
pansarili lamang niyang interes.
PAGSASANAY:
Direksyon: Basahing mabuyti ang sitwasyon sa loob ng kahon. Pagkatapos, sagutin ang
kasunod na mga katanungan

Isang matanda ang nakatayo sa kanto at naghihintay ng tutulong sa kanya upang


makatawid. Maari ko siyang tulungang tumawid o kaya’y huwag pansinin. Ngunit mayroon
siyang pangangailangan nagsusumiksik sa aking kamalayan at humihimok sa akin na siyay
tulungan. Hindi ko siya tinutulungan para pasalamatan niya ako o kaya’y magandang
pakiramdam na nagmumula sa pagtulong sa kapwa. Bagkus nakikita ko ang kanyang
pangangailangan at kung hindi koi to papansinin ay alam kong hindi ako karapat dapat
bilang ako. Ngunit hindi ko rin makikita ang kanyang pangangailangan at hindi ako
makakatugon kung sarili ko lang ang iniintindi ko. Kung paiiralin ko ang aking katamaran
hindi ko na naising gambalain ako ng iba.

Mga Tanong:

1. Anu-ano ang mga katangiang ipinapakita ng tao sa kuwento?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Paano mo ipinapakita ang pagmamahal at paglilingkod?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan mo napatutunayan ang tunay na kalayaan?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
UNANG MARKAHAN
Quarter: 1 Week: 6 Day: 2 Activity No.: 12

Pamagat ng Gawain: Ang Tunay na Kalayaan


Kompetensi: Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang
paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod (EsP10MP-Ie-3.4)
Layunin: Nakakapili ng mga angkop na kilos upang maisabuhay ang
paggamit ng tunay na kalayaan: tumugon sa tawag ng
pagmamahal at paglilingkod.
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig: FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig: FEP Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission


DepED owned materials

KONSEPTO:

Mula sa mga naunang paliwanag, makikitang may dalawang aspekto


ng kalayaan: ang kalayaan mula sa (freedom from) at kalayaan para sa
(freedom for).
1. Kalayaan mula sa (freedom from). Karaniwang binibigyang katuturan ang
kalayaan bilang kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng
kaniyang ninanais.
2. Kalayaan para sa (freedom for). Ang tunay na kalayaan ayon kay Johann ay ang makita
ang kapuwa at mailagay siyang una bago ang sarili. Kung malaya ang tao mula sa pagiging
makasarili at maiwasang gawing sentro ng kaniyang buhay ang
kaniyang sarili lamang, magkakaroon ng puwang ang kaniyang
kapuwa sa buhay niya. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan para
tumugon sa hinihingi ng sitwasyon at pagkakataon.

PAGSASANAY:
Direksyon: Balikan at suriin mo naman ang iyong mga naging pasiya at kilos nitong mga
nagdaang araw. Isa-isahin mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring naging
hadlang sa iyong paggamit ng tunay na kalayaan. Pumili lamang ng dalawang karanasan at itala ito
sa ibaba.

Mga Negatibong Katangian Mga Sitwasyon na Ano ang Naging Epekto sa


na naging Hadlang sa aking Naipakita Ko Ito Akin at sa Aking Kapuwa?
Paggamit sa Tunay na
Kalayaan
Halimbawa: pagiging Nagkatampuhan kami ng Isang taon kami hindi
mapagmataas (pride) kaibigan ko, at hindi ko siya nagkabati, nag-iiwasan, at
binabati at hindi ako hihingi hindi komportabli sa
ng paumanhin kasi para saa presensya ng isat-isa.
akin, siya ang may Nabagabag ako, kaya
kasalanan kaya siya dapat naapektohan ang aking pag-
ang maunang gumawa ng aaral.
hakbang para magkabati
kami.

Mga Tanong:

1. Anu-ano ang nararamdaman mo habang ginagawa mo ang pagsasanay na ito?

You might also like