You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
IKALAWANG MARKAHAN
Quarter: 2 Week: 1 Day: 2 Activity No.: 2

Pamagat ng Gawain: Ang Makataong Kilos


Kompetensi: Natutukoy ang mga kilos na dapat panagutan
(EsP10MK-IIa-5.2)
Layunin: Nakatutukoy kung ang kilos ay mapanagutan o hindi gamit ang
mga ibinigay na kaisipan
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N.
Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015. Gabay sa Pagtuturo. Pasig:
FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G. Celeste,
Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O. Yumul, Glenda N.
Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015. Edukasyon sa
Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral. Pasig: FEP
Printing Corporation.
Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission
DepED owned materials

KONSEPTO:

Tatlong uri ng kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability):


1. Kusang-loob: Ito ay kilos na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay
may lubos na pagkaunawa sa kalikasan at kahihinatnan nito.

2. Di kusang – loob: Dito ay may paggamit ng kaalaman ngunit kulang ang pagsang-ayon.
Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat
isakatuparan.

3. Walang kusang loob: Dito ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa
kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya’t walang
pagkukusa.

Batayan ng Mabuti at Masamang Kilos:

Ayon kay Aristoteles, ang kilos o gawa ay hindi agad nahuhusgahan kung masama o
mabuti. Ang pagiging mabuti at masama nito ay nakasalalay sa intensiyon kung bakit ginawa ito.

Makataong kilos at Obligasyon:

Ayon kay Santo Tomas, hindi lahat ng kilos ay obligado. Ang isang gawa o kilos ay
obligado lamang kung ang hindi pagtuloy sa paggawa nito ay may masamang mangyayari. Dapat
piliin ng tao ang mas mataas na kabutihan – ang kabutihan ng sarili at ng iba, patungo sa
pinakamataas na layunin.
PAGSASANAY:

I. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nagsasaad ng tamang kaisipan at MALI kung nagsasaad ng maling kaisipan..
_________1. Ang bigat ng pananagutan sa kinakaharap na sitwasyon ng isang makataong kilos
ay nakabatay sa bigat ng kagustuhan o pagkukusa.
_________2. Kapag ang kilos ay kusang-loob ibig sabihin ang kilos na ito ay walang kaalaman
ngunit may pagsang-ayon.
_________3. Ang kilos na di kusang-loob ay may paggamit ng kaalaman at pagsang-ayon.
_________4. Ang kilos na walang kusang loob ay kilos na walang kaalaman at walang pagsang-
ayon sa kilos.
_________5. Ang makataong kilos ay sinadya gamit ang isip kaya pananagutan niya ang
kahihinatnan ng kanyang kilos, kabutihan man o kasamaan.

II. Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa tatlong uri ng kilos na maituturing na makatao alin ang karapat- dapat panagutan?
Bakit?
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

2. Ang layunin ba ng kilos ay batayan din sa paghusga kung ang kilos ay mabuti o hindi
mabuti? Pangatuwiran.
______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

3. Kailan obligado ang tao na isagawa ang isang makataong kilos? Ipaliwanag.

______________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________.

You might also like