You are on page 1of 5

MGA GABAY SA

PAGKATUTO SA
EsP 10

UNANG
MARKAHAN
S.Y.2020-2021

Isinulat ni:

JOANNE F. CEMPRON
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
UNANG MARKAHAN
Quarter: 1 Week: 5 Day: 1 Activity No.: 9

Pamagat ng Gawain: Ang Tunay na Kalayaan


Kompetensi: Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
(EsP10MP-Id-3.1)
Layunin: Nakakabigay ng sariling kahulugan ng kalayaan
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig: FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig: FEP Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission


DepED owned materials

KONSEPTO:

“Ang kalayaan ay ang katangian ng kilos-loob na itakda ng tao ang kanyang kilos
tungo sa kanyang maaaring hantungan at ang itakda ang paraan upang makamit ito.”
Santo Tomas de Aquino
Nangangahulugan lamang na ang remote control ng kaniyang buhay ay hawak ng sarili
niyang mga kamay, siya ang pumipili ng estasyon ng gawain na kaniyang nais gawin, sapagkat
ang kapangyarihan ng kilos-loob ay hindi maaaring ibigay sa iba.

PAGSASANAY:

Direksiyon:
1. Gamit ang graphic organizer sa ibaba, magbigay ng sariling kahulugan ng Kalayaan.
2. Isulat ito sa mga bilog na inilaan para sa iyong mga sagot.
3. Gumawa ka ng buod ng iyong sagot sa kahon kasunod sa graphic organizer.
KALAYAAN

Pagbubuod:

Ang Kalayaan ay _________________________________________________


__________________________________________________________________.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VII, Sentral Visayas
Sangay ng Bohol

Edukasyon sa Pagpapakatao 10
UNANG MARKAHAN
Quarter: 1 Week: 5 Day: 2 Activity No.: 10

Pamagat ng Gawain: Ang Tunay na Kalayaan


Kompetensi: Natutukoy ang mga pasya at kilos na tumutugon sa tunay na
gamit ng Kalayaan (EsP10MP-Id-3.2)
Layunin: Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan
Sanggunian: Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.
Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Gabay sa Pagtuturo. Pasig: FEP Printing Corporation.

Mary Jean B. Brizuela, Patricia Jane S. Arnedo, Geoffrey A.


Guevarra, Earl P. Valdez, Suzanne M. Rivera, Elsie G.
Celeste, Rolando V. Balona Jr., Benedick Daniel O.
Yumul, Glenda N. Rito, and Sheryll T. Gayola. 2015.
Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-
aaral. Pasig: FEP Printing Corporation.

Copyright: For Classroom use ONLY Pending for Permission


DepED owned materials

KONSEPTO:

Ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso ng bawat tao. Ipinaglalaban


ng bawat tao ang kaniyang karapatang mabuhay at magpasiya ayon sa kaniyang nais, sa
pangangatuwirang walang panlabas na hadlang na sisirain sa paggawa niya nito. Ito ang madalas
na iniisip ng tao tungkol sa kalayaan – ang paggawa ng isang bagay na nais niyang gawin o ang
karapatang sabihin ang anumang bagay na nais niyang sabihin. Karaniwang sa pag-asam at
pagsisikap na makamit ang kalayaan, nakaliligtaan ang mahalagang hakbang sa pagkamit nito.
Karaniwang tinitingnan ang kalayaan bilang kawalan ng panlabas na hadlang sa pagkamit ng
ninanais ng tao. Bibihirang kinikilala na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang
nagmumula sa labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ito ay hiwalay sa ginagawa o
kilos ng iba kaya’t kailangan ng tao ng “higit” pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya.
Ang tinutukoy na “higit” ay makikita kung titingnan ang kalayaan sa aspektong mayroon itong
kakambal na responsibilidad o sa madaling sabi, ang kalayaan ay may kasunod na
responsibilidad.
Narito ang paliwanag ni Johann sa dalawang pakahulugan sa pananagutan na
nakaaapekto sa ideya ng kalayaan.

1. Ang malayang kilos ay kilos na “mananagot ako.” Ito ay kilos na


nagmula sa akin. Sa puntong ito, ang kalayaan ay nakakabit sa aking
sarili (sa pagiging ako), sa aking kakayahang kumilos, sa aking sariling
kagustuh an, sa pagsasabi ng oo o hindi sa mga nakapalibot sa akin, sa
pagpapasiya ko kung ano ang aking gagawin.

2. Ako ay responsable sa aking mga kilos, subalit hindi ito nangangahulugang ako ay
isang responsableng tao. Ang responsibilidad sa sukdulang kahulugan nito ay hindi
lamang pananagutan kundi ito ay kakayahan o abilidad na magbigay paliwanag (give
account).
.

PAGSASANAY:
Direksyon: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan

1. Ano ang karaniwang katuturan ng kalayaan?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Paano nauugnay ang kalayaan sa pananagutan?


____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Ikaw naman, magbigay ka ng isang pangyayari sa iyong buhay kung saan ikaw ay may
ginagawang may pananagutan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

You might also like