You are on page 1of 9

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG PANIMULANG PAGBASA

( MTB-MLE - Pangalawang Baitang )

I. Mga Layunin
1. Naibibigay ang kasalungat na kahulugan ng mga pang-uri
2. Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang magkasalungat

II. Paksang Aralin


A. Paksa
a. Talasalitaan: Pagbibigay ng mga Kasalungat na Salita sa pamamagitan ng
Pagtatambal nito
b. Kasanayan sa wika : Pagbibigay ng kasalungat ng mga salitang Naglalarawan

B. Sanggunian : K+12 Curriculum, MTB-MLE lesson Guide Grade II,


p.8 TG, pp.135-141
C. Mga Kagamitan : mga larawan ng mga salitang magkasalungat, computer, Bigbook
Charts, worksheet
D. Pagpapahalaga: Pagiging isang mabuting kapatid

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagtetsek ng liban at hindi liban,
pagsasaayos ng loob ng silid aralan
c. Pagbati
1.Pagganyak
Sinu-sino sa inyo ang may
kapatid ?

Maari niyo bang sabihin ang mga


pangalan ng inyong mga kapatid ?
Ako po Titser, Kame po Titser.
Anong mga ugali ninyo ang
magkatulad? Ano naman ang
magkaiba?
Marami po.
Mayroon din akong kilalang
magkapatid. Sila’y sina Alvin at si Nat.

Ating alamin ang kanilang kwento


kung ano naman ang pagkakaiba.

(Babasahin ang kwento ni Alvin at Nat )

Si Alvin at Nat

Si Alvin at Nat ay
magkapatid na unggoy.

‘’Kumusta? Ako si Alvin.


Maliit ang aking mata .’’

“Ako naman si Nat.


Malaki naman ang aking mga mata.”

‘’Mayroon din akong,


mahabang buntot,’’ paliwanag ni Alvin.

‘’Ay, maikli naman ang


aking buntot,” sagot ni Nat.

Isang araw, naglaro sila sa gubat.

Mabilis maglambitin sa mga


sanga ng puno si Alvin.

Mabagal naman si Nat.


Pagkatapos nilang
maglaro ay naghanap sila ng
makakain . Habang sila’y naglalakad,
nakakita sila ng dalawang buko.

“Nat, tignan mo. Malaki


ang buko na nakuha ko,” sabi ni Alvin.

“Ay, maliit ang nakuha


kong buko Alvin.” Sagot naman ni Nat.

Mas naunang buksan ni Nat ang


buko kaysa kanyang kapatid.
‘’Nat, maaari mo bang buksan ang
aking buko? Mahina kasi ang aking mga kamay.

‘’Akin na Alvin. Malakas ang aking


mga kamay kaya mabubuksan ko yan.”

Pagkatapos nilang
kumain, madumi na ang kanilang mga
damit. Umuwi sila ng kanilang bahay at
nagpalit ng malinis na damit.

‘’Ayan, nilabhan ko na ang


aking damit,’’ sabi ni Alvin

‘’Masipag ka talaga Alvin.


Maari mo din bang labhan ang aking damit?’’

‘’Hay naku Nat! Ang tamad mo talaga.


Labhan mo iyan para matuwa sa iyo ang
nanay.’’

At doon nagtatapos ang kwento ng


magkapatid na sina Alvin at Nat.

B. Paglalahad

Ating basahin ang mga


sumusunod na pangungusap tungkol
kay Alvin at Nat. ( Babasahin ng mga bata ang mga
sumusunod. )

1. Maliit ang mga mata ni Alvin,


malaki naman ang mata ni
Nat.

2. Mahaba ang buntot ni Alvin,


maikli naman ang buntot ni
Nat.

3. Mabilis si Alvin, mabagal


naman si Nat.
4. Mahina si Alvin, malakas
naman si Nat.

5. Malinis si Alvin, malakas


naman si Nat.

1. Pagtuturo / Pagmomodelo

Sa unang pangungusap, anong katangian ni


Alvin ?

Ano naman ang katangian ni Nat ?

( Magtanong ng kaparehong katanungan hanggang


sa ikalimang pangungusap.)

Mga bata, narito ang mga binanggit


ninyong katangian nina Alvin at Nat :

Alvin Nat
Maliit ang mata Malaking mata
Mahabang buntot Maikling buntot
mabilis mabagal
malinis madumi
masipag tamad

Ano ang napansin ninyo sa bawat pares


ng salita?

Magkasingkahulugan ba ang kanilang mga


katangian o kaya’y magkasalungat ? Magkaiba po ang kanilang mga
katangian o magkasalungat.

Tama! ang bawat pares ng salita ay


magkasalungat ang kahulugan.
Kung pagbabatayan natin ang mga
halimbawa, ano ang ibig sabihin ng
mag-kasalungat ?

May sasabihin akong salitang


naglalarawan. nais kong ibigay ninyo ang
kasalungat ng mga ito.

Halimbawa :
Ano ang kasalungat ng maliwanag ?
Sasagot ang mga bata.

3. Pinatnubayang Pagsasanay

a. Ngayon ay sasagutan natin ang mga


pagsasanay sa kompyuter,
Piliin ang titik ng tamang kasalungat ng nasa
kaliwa.
Sasagutan ng mga bata ang mga
pagsasanay sa kompyuter.
b. Tatawag ang guro ng ilang mga bata sa
harapan na may magkaibang katangian at
gagabayan niya ang mga bata na magamit
sa pangungusap ang mga salitang
magkasalungat.

Hal. mahabang buhok


maikling buhok Magbibigay ng mga pangungusap ang
mga bata gamit ang magkasalungat na
mga salita.

c. Pangkatang Gawain

Ngayon naman ay magkontest tayo, Hahatiin ko


kayo sa limang pangkat. May ipapakita akong mga
larawan. Pakinggan ang aking Pangungusap. Bawat
pangkat ay magpapaunahan sa pag ulit ng
pangungusap na ang gamit ay kasalungat na salita.
Bago ko tawagin para sumagot ang pangkat ninyo
ay itutunog nyo muna ang huni ng hayop na
itatalaga ko sa inyong pangkat. hindi ko papayagan
na sumagot ang pangkat na hindi ko naririnig na
humuhuni ng kanilang tunog. Tandaan mga bata,
ito ay paunahan kaya kailangan ay mabilis kayo sa
paglikha ng inyong tunog.

(Magtatalaga ang guro ng huni ng hayop sa


bawata pangkat.)

Halimbawa :
Masaya si Marco sa natanggap na regalo.

Ano kaya ang pangungusap na pwede nating


gamitin upang maipakita ang magkasalungat na
mga salita?

Magaling!
Sasagot ang mga bata.
Ngayon handa na ba kayo ?
Magbibigay ng mga pangungusap
ang mga bata gamit ang
magkasalungat na mga salita.

1. Malinis ang bahay.


Madumi ang bahay.

2. Masaya ang pamilya.


Malungkot ang pamilya.
Mabagal tumakbo si Dan.

3. Mabilis tumakbo si Dan.

Malamig ang kape.

4. Mainit na kape.

Malambot ang tinapay.

5. Matigas na tinapay

Bibigyang pagkilala ng Guro ang


mananalong pangkat)

4. Malayang Pagsasanay

a. Magbibigay ang guro ng tig-isang kopya ng


pagsasanay o
‘’worksheet’’ sa mga bata na may nakasulat
na mga salitang magkasalu
IV. Pagtataya

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Matamis ang pulang mansanas ____________ naman ang ampalaya.

a. mapait b. maalat c. maasim

2. Ang kalabaw ay malaki ngunit ang daga naman ay ________________

a. Matangkad b. maliit c payat

3. Mataba si Rowel _______________naman si Seth


4.
a. Matangkad b. maliit c. payat

5. Ang buhok ni Raiza ay mahaba , samantalang ang buhok ni Aira ay __________

a. Maikli b. pandak c. matangkad

6. Kung ang sabaw ay mainit, ang yelo naman ay _____________


7.
a.matigas b. malamig c. makapal

V. TAKDANG-ARALIN

Panuto : Pag aralan mabuti ang pares ng mg larawan at kulayan ang magkasalungat.

You might also like