You are on page 1of 6

nn

LESSON PLAN IN HEALTH


5
Grade Level: __________________________ Date: ______________________________________
st nd rd
Quarter: 1 2 / 3 4th Time: ______________________________________
Name of Teacher: __________________________

I. OBJECTIVES
Content Standard Understand the nature and effects of the use and abuse of caffeine,
tobacco and alcohol.

Performance Standard Demonstrates the ability to protect one’s health by refusing to use or
abuse gateway drugs.
Learning Competency/ies a. Explains the concept of gateway drugs ( H5SU-IIIa-7 )
b. Identifies products with caffeine (H5SU-IIIb-8)
c. Describes the general effects of the use and abuse of caffeine ,
tobacco and alcohol ( H5SU-IIIde-10 )
Code No. H5SU-IIIa-7
Specific Objectives
Knowledge Naipaliliwanag ang konsepto ng gateway drugs.
Skills Natutukoy ang mga produkto, pagkain, at inuming may caffeine.
Attitude Napahahalagahan ang kalusugan sa pamamagitan ng hindi paggamit ng
mga gateway drugs na nagdudulot ng masama sa kalusugan ng bawat
indibidwal ,pamilya at pamayanan.
II. CONTENT Mga katangian at Epekto ng Drogang Gateway: Caffeine, Tabako,
At Alkohol
III. LEARNING RESOURCES
References HEALTH Ikatlong Markahan- Modyul 3a: Mga Katangian at Epekto ng
Drogang Gateway:Caffeine, Tabako, at Alcohol
Other Learning Resources (include
Gadgets/smartphones/tablets/PCs

IV. PROCEDURE (5As)


A. Awareness
Routinary Activity • Pagdarasal
Review • Pag-tsek ng attendance
Motivational Question · Pagbibigay ng mga tuntunin sa klase
· Pagbabalik -tanaw
Panuto: Iayos ang ginulong mga titik upang mabuo ang isang salita at
maging makabuluhan ang pahayag nito.
1. EXS
___________ ay tumutukoy sa katayuang biyolohikal o kasarian ng tao
katulad ng lalaki o babae , at intersex.

2. DERGEN

____________ ay tumutukoy sa kasarian ng tao batay sa saloobin,


damdamin, at kaugalian batay sa isang kultura at paniniwala na
iniuugnay sa kasariang biyolohikal ng tao.

3. AYLIMAP
______________ ay ang unang makikikita at mararanasan ang mga
gender roles ng bawat kasarian.

4. DERGEN TITYIDEN

____________________ ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos at pag-


iisip ng isang lalaki, babae o transgender batay sa kanyang sariling
paniniwala at kasiyahan.
nn
LESSON PLAN IN HEALTH

Pagganyak :
- Ipakita sa mga bata ang larawan ng mga produktong my caffeine,
tabako at alcohol

Itanong:
1. Ano-ano ang mga produktong makikita sa larawan?
2. Nakatikim na ba kayo nito?
3. Masarap ba ang mga ito?

B. Activity/Presentation Pangkatang Gawain:


Hatiin sa tatlong pangkat ang klase.
Bawat pangkat ay pupunta sa isang mini grocery store upang mamili.
2. Magkakaroon ng gift certificate ang bawat pangkat na siyang
gagamitin sa pamimili ng mga produkto.

Unang Pangkat – Produktong may sangkap na alkohol;.


Ikalawang Pangkat – Produktong may sangkap na
caffeine.
Ikatlong Pangkat –Produktong may sangkap na tabako.

C. Analysis Pag-ulat sa pangkatang gawain:


- Pumili ng isang tagaulat sa bawat grupo.
- Ipasagot ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano-ano ang iba’t halimbawa ng caffeine/ alkohol/tabako?

2. Sa tingin n’yo nakabubuti ba ang mga ito saating katawan ? Bakit


Oo? Bakit hindi?

D. Abstraction Talakayin ang Paksa

Ang Gateway drugs ay mga drugs o substance na isa sa mga sanhi


o nagtutulak sa isang tao upang gumamit at kalaunan ay malulong sa
masamang bisyo tulad ng paggamit ng ilegal na droga.
Ang sigarilyo at alak ayon sa mga pananaliksik ay ang mga
pangunahing gateway drugs na nagdudulot o nagtutulak sa isang tao
upang malulong sa ilegal na droga. Sinasabing ang alcohol, nicotine at
iba pang sangkap sa mga gateway drugs ay nakaaapekto sa sistema ng
utak kaya nagdudulot ng pangangailangan o urge ang isang tao na
gumamit ng mga ilegal na droga na tinatawag na mga hard drugs.

Ano ang Caffeine?


Ang caffeine ay nakapagdudulot ng karagdagang enerhiya
subalit kung labis ang paggamit nito ay nakasasama sa katawan.
Mabilis at direkta ang epekto nito sa utak, pag -iisip at hindi naiipon sa
dugo o naitatago sa katawan ng tao. Ngunit, mabilis din itong lumabas
sa katawan sa pamamagitan ng pag-ihi pagkatapos ng ilang oras na
pag-inom o paggamit nito.
nn
LESSON PLAN IN HEALTH

Mga pagkain at inuming nagtataglay ng mataas na caffeine:


1. Kape 6. tsaa
2. Softdrinks 7. syrup
3. Tsokolate 8. chewing gum
4. Kendi 9. mga inumin na may artipisyal na
5. Cerial pampatamis

Mga maranasan ang mga sumusunod:

1. Insomnia o hirap sa pagtulog


2. Pagiging nerbyoso
3. Hindi mapakali
4. Pagiging irritable o madaling malinis
5. Paghilab ng tiyan
6. Mabilis na pagtibok ng puso
7. Panginginig ng mga kalamnan
8. Sobrang sakit ng ulo
9. Madalas na pag ihi

Ano ang Nicotine sa Tabako?


Ang nicotine o nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa
halamang tabako na tinatawag na Nicotiana tabacum. Ito ay
ipinangaralan kay Jean Nicot de Villamain, isang French Ambassador
sa Portugal na nakadiskubre ng halamang tabako noong 1560. Ang
nikotina ay matatagpuan sa sigarilyo at iba pang produktong tabako.
Kapag pumasok ang nikotina sa utak, binabago nito ang natural na
prosesong dopamine. Ang epekto ng nikotina ay tumatagal lamang ng
minuto kung kaya’t kailangang magsindi pa ng isang sigarilyo para
maipagpatuloy ang nararamdaman nilang kasiyahan hanggang sa
mauwi na sa nictine addiction.

Mga sakit na dulot ng paninigarilyo:

1. Sakit sa baga tulad ng bronchitis at emphysema


2. Matinding ubo at sipon
3. Kanser sa baga, bibig at lalamunan
4. Atake sa puso,stroke at altapresyon
5. Pagkalagas ng buhok
6. Katarata ( cataracts )
7. Pagkabulok ng ngipin
8. Pangungulubot ng balat dahil sa pagkawala ng protina
9. Pagkawala ng pandinig

Ano ang Alkohol?


Ang alkohol ay isang inuming may ethanol. Napabibilang dito
ang beer, alak, tuba,basi, at lambanog.
Madalas nagsisimulang uminom ng alkohol ang tao dahi sa tulak ng
nakapaligid sa lipunan. Ang iba ay sinusubukang uminom upang
panandaliang makalimutan ang mga problema. Sumusubok din ang
ibang kabataan at matatanda upang madali silang tanggapin ng mga
taong nakapaligid sa kanila. Gumagamit din ng tulak panlipunan ang
mga kompanyang gumagawa o nagbebenta ng mga inuming may
alkohol. Ang mga patalastas na ipinakikita sa telebisyon ay nagsisilbi
ring panghihikayat sa mga kabataan o nakatatanda na subukang bilhin
ang produkto at gamitin.

Epekto ng Alkohol sa Katawan ng Tao


nn
LESSON PLAN IN HEALTH

Panandaliang Paggamit
- Nahihirapang umunawa at magpasya
-Nahihirapng magsalita
-Nawawalan ng balanse sa katawan
- Pagkakaroon ng aksisente
Pangmatagalan na paggamit
-Pagkakaroon ng sakit sa atay ( liver failure )
-Pagkasira ng brain cells
-Pagkakaroon ng maraming asido na sanhi ng pagkasugat sa
loob ng tiyan na maaaring mauwi sa pagdurugo
- Nagdudulot ng high blood at sakit sa puso
-Pagkasira ng lapay
- Nagdudulot ng epilepsy, obesity, at sakit sa balat.

E. Application Paglalapat
(Includes applications of concepts and
skills in daily life) Hatiin sa tatlong grupo ang klase.
Unang grupo- isaayos ang mga ginulong salita upang mabuo ang
kasabihang “ Cigarette Smoking is Dangerous to your Health”

Ikalawang Grupo- Buuin ang puzzle at sabihin kung anong


Gateway drugs ang ipinapakita ng larawan.

Ikatlong Grupo- Ipasagot ang mga bugtong tungkol sa mga


produktong may gateway drugs.

F. Generalization 1. Ano ang gateway drugs?


2. Ano- ano ang tatlong uri ng gateway drugs ?
3. Ano-ano ang iba’t ibang halimbawa ng mga produktong may
sangkap ng caffeine/ tabako / alkohol ?
4. Nakabubuti ba saating kalusugan ang pagkunsumo ng mga
produktong may sangkap na caffeine/alkohol/ tabako? Bakit?
G. Evaluation Punan ng tamang salita ang patlang upang mabuo ang diwa o kaisipan
ng pahayag sa bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang _________________ ay mga drugs o substance na isa sa mga


sanhi o nagtutulak sa isang tao upang gumamit at kalaunan ay malulong
sa masamang bisyo tulad ng paggamit ng ilegal na droga.
A. Droga B. gateway drugs C. alkohol D. sigarilyo

2. Ang ____________ ay may mataas na sangkap ng caffeine.


A. Kape B. droga C. alcohol D. sigarilyo

3. Ang alkohol ay isang inuming may ______________


A. Ethanol B. kape C. nicotine D. depressant

4. Ang nikotina ay isang alkaloid na matatagpuan sa


halamang_____________
A. Kalamansi B. rosas C. tabako D. mangga

H. Additional Activities for Application or Mag-isip at gumawa ng isang magandang slogan na naglalarawan sa
Remediation/Assignment mga katangian at maaaring maging bunga ng gateway drugs.

Rubrik para sa slogan


nn
LESSON PLAN IN HEALTH

V. REMARKS
VI. REFLECTION
No. of Learners Who Earned 80% in the
Evaluation
No. of Learners Who Continue to Require
Remediation
Did the Remedial Lesson Work? Number of
Learners Who Caught Up the Lesson
No. of Learners Who Require Remediation
Which of My Teaching Strategies Worked
Well? Why Did These Work?
What Difficulties Did I Encounter Which
Principal/Supervisor Can Help or Solve?
What Innovation or Localization Did I
Use/discover Which I Wish to Share?
nn
LESSON PLAN IN HEALTH

You might also like