You are on page 1of 1

Luis Manuel M.

Gonzales
Gr. 12 – Pope John XIV
FILIPINO BILANG KULTURA AT WIKA
Ayon sa pamagat ng isang tula ni Jennifor L. Aguilar, “Ang Filipino ay Wikang
Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas”, ang wikang Filipino ang para sa lahat ng
Pilipino at pwede itong maging paraan para sa ika-uunlad ng kultura ng ating bansa.
Kung babalikan ang ating kasaysayan, maraming tao na ang naghirap at namatay para
sa ikauunlad at sa paglalaban para sa ating bans ana may sariling wika at kultura.
Ngayon ay dapat nating pagyamanin at bigyang halaga ang ating wika dahil isa ito sa
magbibigay sa atin ng matuwid na landas para sa ating pag-unlad. Dahil sa
pagmamahal ng ating mga bayani sa ating wika, pinilit na isigaw nila ang ating kalayaan
laban sa mga dayuhan. Hindi lang sa baril at dugo ang naging laban ng mga Pilipino
noon, kung titignan nating ang nakaraan, naging daan ang pag-gawa ng dalawang
masining na libro ni Jose Rizal, na Noli Me Tangere at El Filibusterismo, sa
pamamagitan ng paggamit ng wika, ito ay nakamulat sa isipan ng mga tao na
maghimagsik at ipaglaban ang dapat na sa atin. Kaya dapat nating bigyan halaga at
importansya ang ating wika, dahil malaki din ang idinulot nito sa estado ng ating bansa.
Dapat nating ipagpatuloy ang pagyaman sa ating wika dahil ito ay tatak Pilipino at dito
tayo makikilala ng mga dayuhan.
Sa panahon ngayon, mas napahirap ang pagyaman ng ating wika dahil sa ating
paghihirapan na nararanasan na dala ng malubhang sakit na COVID – 19 na marami
nang nakuhang buhay at mga nasirang pangarap. Napahirap nadin ang interaksyon ng
mga tao dahil sabi ng mga eksperto ay maglayo muna ang mag tao para sa kapakanan
ng isa’t isa. Ngunit, hindi napahirap ang komunikasyon natin, dala ng mga
teknolohiyang ating ginagamit sa pang araw-araw. Malaking tulong ang impluwensya
ang paggamit ng teknolohiya para sa ating komunikasyon ngayong pandemiya at ang
wika nating ay patuloy na nagagamit sa pang araw-araw na pag-uusap kahit hindi
nakakapag-interaksyon ang mga tao. Dahil sa pagkakaroon ng wikang Pambansa, ito
ay nakapagbibigay daan para sa pagkakaisa ng mga mamamayanan at nagbibigay
tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto ng ating bansa.Dahil sa madaling pag-gamit
ng teknolohiya at karamihan sa ating mga Pilipino ay mulat na sa pag-gamit ng mga
social media platforms, napapadali ang pag-papataguyod ng Wikang Filipino. Maaaring
gumawa tayo ng kanya-kanyang diskarte upang ating itaguyod ang Wikang Filipino sa
karamihan upang mas lumawak ang kanilang kaalaman sa ating wika. Ito ay
makakatulong upang mas bigyan nila ng halaga ang ating wikang pambansa. Sa
pamamagitan ng mga sining, pwede nating gawin daan ito upang maipakita sa ibang
tao ang kultura ng ating bansa. Hindi man tayo makalabas ngayon at pisikal na itaguyod
ang ating wika, ngunit pwede nating gamitin ang ating kakayahan sa pag-gamit ng
teknolohiya sa iba’t ibang paraan upang ating maipakita kung ano nga ba talaga ang
isang Pilipino at kung bakit mahalaga para sa ating ang pinagyamang wikang Filipino.
Ayon nga sa popular at kilalang pahayag ni Jose Rizal, “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda: kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang
sa atin ay nagpala.”, ang pag-gamit sa ating wika ay mag-sisilbing tatak na tayo ay
isang tunay na Pilipino na may pagmamahala sa inang bayan.

You might also like