You are on page 1of 37

LUMANTAD: SA MGA LUNGSOD

Gawain ng Pagliligtas sa Kalunsuran: Mga Kabataang Binabago ang Kanilang Lungsod


Pr. S. Yeury Ferreira

Si Pr. S. Yeury Ferreira ay isang ordinadong pastor ng Seventh-day Adventist Church.


Mayroon siyang master’s degree sa leadership, systematic theology, at biblical preaching,
gayundin ng doctorate in preaching mula sa Andrews University. Siya ay naglingkod bilang
pastor at, mangangaral, at sa kasalukuyan ay naglilingkod bilang Hispanic Ministries Director ng
Greater New York Conference ng Seventh-day Adventists. Siya ay may-akda rin ng ilang mga
aklat, kabilang ang "Living Without Fear" – ang 2021 Missionary Book para sa North American
Division – at ang "Preach the Word." Masaya siyang ikinasal kay Mariel Ferreira at ngayon ay
magkasama sila bilang mga magulang ng kanilang dalawang anak, sina Ernesto at Elizabeth
Ferreira.

Sermon 1: Mahal ba ng Diyos ang Iyong Lungsod?

Sermon 2: Binabago ang Mga Lungsod: Sinusundan ang Halimbawa ni Jesus

Sermon 3: Pagharap sa Kalungkutan sa Iyong Lungsod

Sermon 4: Pagharap sa Depresyon sa Iyong Lungsod

Sermon 5: Pagharap sa Mga Sakit sa Iyong Lungsod

Sermon 6: Pagharap sa Kawalan ng Pag-asa sa Iyong Lungsod

Sermon 7: Pagharap sa Takot sa Iyong Lungsod

Sermon 8: Pagtataas sa mga Nagkasala sa Iyong Lungsod

1
Yakapin ang Pagtawag sa Kalunsuran: Lumantad at Ugitin/Hubugin ang Pagbabago

Habang papalapit tayo sa Linggo ng Panalangin ng taong 2024, isang makapangyarihang


tema ang umaalingawngaw: “Lumantad: Sa mga Lungsod.” Ito ay isang nagkakaisa at malakas
na panawagan para sa mga kabataan na aktibong makisangkot at gumawa ng isang matinding
epekto sa kapaligiran ng kalunsuran.

Ang mga lungsod ay masiglang sentro ng pagkakaiba-iba, mga hamon, at walang


katapusang mga posibilidad. Ang panawagang 'Lumantad' ay humihimok sa atin na gumawa ng
higit pa kaysa sa pag-iral lamang natin sa loob nito—upang maging mga taga-pangganyak ng
positibong pagbabago.

Ang 'Lumantad' ay nangangahulugang nagtatalaga nang buong puso—na maging


presente, maagap, at mahabagin. Ito ay tungkol sa paggawa ng aksyon, pagbibigay ng suporta,
at pagtataguyod ng pagkakaisa sa gitna ng abalang buhay sa lungsod.

Ang Linggo ng Panalangin na ito ay isang pagkakataon para sa mga kabataan na


manguna sa pagbabago. Makipag-ugnayan sa iyong komunidad, ipagbunyi ang pagkakaiba-iba,
at yakapin ang pagkakataong gumawa ng pagbabago. Magboluntaryo, magtaguyod, at
manalangin nang sama-sama, at asamin ang mga lungsod na puno ng habag at pagkakapantay-
pantay.

Magpakita tayo at lumantad sa ating mga lungsod, hindi lamang para sa linggong ito
kundi bilang panghabambuhay na pagtatalaga sa pagbuo ng mas maliwanag, mas walang
pagtatangi na mga kapaligiran ng kalunsuran.

Yakapin ang pagtawag na 'Lumantad' at kulayan natin ang ating mga lungsod ng mga
kulay ng pag-asa, pagkakaisa, at pagbabago.

Binabati kita ng isang nakapagpapabagong Linggo ng Panalangin sa taong 2024!

Pr. Busi Khumalo


General Conference Youth Ministries Director

2
Sermon 1

Mahal ba ng Diyos ang Iyong Lungsod?

Mateo 9:36
“Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang
nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga tupa na walang pastor.”

Panimula

Mahal ba ng Diyos ang iyong lungsod? Ngayon, susubukan nating sagutin ang tanong na
iyan. Ngunit bago natin gawin, tingnan natin ang ilang mga nakatutuwang bagay tungkol sa mga
lungsod. Ayon sa ilang pag aaral, ang lungsod ay isang masyadong matao at napaka-
organisadong lugar na nagsisilbing sentro ng lahat: pera, kultura, pulitika, at marami pang iba.
Ang mga lungsod ay puno ng mga skyscrapers o matataas na gusali, kalsada, subway o daanan
sa ilalim ng lupa, at maraming uri ng mga serbisyo. Dagdag pa, sa mga lungsod, may mga taong
mula sa iba’t ibang mga lugar at kultura, at ang mga ito ay mga lugar kung saan maraming mga
kapana-panabik na bagay ang nangyayari, tulad ng makabagong ideya, edukasyon, at trabaho.

Ngayon, pag-usapan natin ang ilan sa mga pinakamalalaking lungsod sa mundo:

• Ang Tokyo, sa Japan ay isa sa mga pinakamataong lungsod sa planeta. Ito ay kilala sa
pagkakaroon ng mataas na teknolohiya at ng isang napaka kaakit-akit na modernong
kultura.
• Ang New York, sa Estados Unidos ay parang sentro na ng lahat, mayroong malaking
pera, kalakalan, at pop culture o ang tanyag na kalinangan.
• Ang London, ang kabisera ng England at United Kingdom ay isang makasaysayang
lungsod na malaki pa rin ang papel sa pandaigdigang ekonomiya at pulitika.
• Ang Beijing, ay ang kabisera ng Tsina at isang napakahalagang lugar para sa pulitika
at kultura.
• Ang Sao Paulo, sa Brazil ay kung saan nangyayari ang lahat sa South America. Ito ay
may maraming kalakalan at masayang kultura.
• Ang Mumbai, sa India ay isang lumalagong lungsod at napakahalaga para sa negosyo.
• Ang Lagos sa Nigeria ay isang pangunahing sentro ng pananalapi sa Africa na
inilarawan bilang sentro ng kultura, pinansyal at libangan ng Africa.

Ngayon, ano naman ang mga emosyonal na isyu ng mga taong naninirahan sa mga
lungsod?

Lumalabas na ang pamumuhay sa mga lungsod ay hindi pala palaging parang kagaya ng
ipinapakita sa mga pelikula. Ang mga tao sa lungsod ay maaaring makaramdam ng stress dahil
ang lahat ay nangyayari nang mabilis, at ang trapiko ay maaaring maging isang problema. Sa

3
kabila ng pagiging napapaligiran ng maraming mga tao, ang ilan ay maaaring makaramdam din
ng kalungkutan dahil kulang sila sa malalim na koneksyon sa iba. Ang pagkabalisa ay maaari ring
maging isang isyu, dahil ang kumpetisyon at ang presyur upang magtagumpay ay maaaring
maging matindi. Kung minsan, ang depresyon ay maaari ring maging mas karaniwan sa mga
lungsod dahil ang buhay ay maaaring maging mahirap.

Ngunit narito ang mabuting balita, mahal ng Diyos ang mga lungsod! At, ibig sabihin ay
mahal Niya ang mga taong naninirahan sa mga ito, kasama ang lahat ng kanilang mga
problema at damdamin. Ang Diyos ay mayroong malaking puso at naaantig kapag nakikita Niya
ang mga tao na dumaranas ng mahihirap na mga panahon. Kaya, paano ipinakikita ng Diyos ang
Kanyang pag-ibig sa mga lungsod? Tingnan natin ang tatlong bagay na nagpapakita ng Kanyang
pag-ibig sa pagkilos.

Pagbubuo

1. Nagpapadala ang Diyos ng mga Mensahero sa mga Lungsod

Alam mo ba na ang unang pagbanggit sa salitang lungsod sa Bibliya ay ang lungsod na


itinayo ni Cain at ipinangalan sa kanyang anak na si Enoc (Genesis 4:17)? Galing pala si Enoc sa
pamilyang may kasaysayan ng pagkakaroon ng mabibigat na isyu. Ang kanyang mga inapo ay
nagtayo ng mga lungsod kung saan ang ilang mga kahibangan ay nangyari, tulad ng maraming
beses na pag-aasawa at pagpatay, ngunit sila rin ay malikhain sa musika at sining. Matapos ang
malaking baha, hindi na bumuti ang kalagayan. Ang mga apo ni Noe, partikular na ang mga anak
ni Ham, ay nagsimulang magtayo ng ilang masasamang lungsod (Genesis 10:6-12), at ang
kasukdulan ay nang itayo nila ang Tore ni Babel na may kaisipang sila ay maging tanyag (Genesis
11:4).

Sa Bibliya, mayroong ilang mga lungsod, ang ilan sa pinakatanyag ay ang Babilonia, Ur ng
mga Caldeo, Sodoma, Gomorra, Nineveh, at Jerusalem. Karamihan sa mga lungsod na ito ay
naging sentro ng kasamaan at kasalanan. Ngunit ang kahanga-hanga, sa kabila ng lahat ng
kanilang mga kasawiangpalad/problema, hindi sila binitawan ng Diyos at nagpadala Siya ng mga
mensahero na may mensahe ng habag, at pagkakataong magbago. Mababasa natin ang isang
halimbawa nito sa kuwento ni Jonas. (Basahin ang aklat ni Jonas).

Sinabihan ng Diyos si Jonas na pumunta sa lungsod ng Ninive upang bigyan sila ng


babala. Ang Ninive ay isang napakamarahas na lugar na puno ng kasamaan (Nahum 3:1).
Napakasama, na anupa’t may isang sinaunang scroll o balumbon na nagsasabing susunggaban
umano ng mga hari ng Ninive ang kanilang mga kaaway at literal na susunugin sila pagkatapos
na bakbakin ang kanilang balat. Iyon ay talagang napakasama!

Ngunit sa kabila ng lahat ng kanilang karahasan at kasamaan, ayaw ng Diyos na sumuko


sa kanila nang hindi sila binibigyan ng pagkakataong magbago. Isinugo Niya si Jonas, isang
propeta, upang babalaan sila. At alam mo ba? Ang lungsod ng Ninive ay tumugon nang may
pagsisisi (Jonas 3:5-10).

4
Alam mo ba na nais din ng Diyos na makita ang mga pagbabago at pagsisisi sa mga
lungsod ngayon? Kaya nga nagpapadala Siya ng mga mensahero! Basahin ang sinasabi ng Diyos
sa pamamagitan ng isa sa Kanyang mga mensahero: “Buhay ako, sabi ng Panginoong Dios, wala
akong kasayahan sa kamatayan ng masama; kundi ang masama ay humiwalay sa kaniyang lakad
at mabuhay: manumbalik kayo, manumbalik kayo na mula sa inyong masasamang lakad;
sapagka't bakit kayo mangamamatay, Oh sangbahayan ni Israel?” (Ezekiel 33:11, ADB 1905).

Pero teka, hindi lang ito nangyari noong unang panahon! Nais pa rin ng Diyos na makita
ang mga pagbabago sa ating mga lungsod ngayon. Parang sinasabi Niya, “Hello, ayokong
makaligtaan ang mga magagandang bagay sa iyong lungsod. Gusto kong magsisi ka at magbago
para sa iyong ikabubuti.”

Isipin ang iyong sariling lungsod. Maaaring puno ito ng magagandang bagay, ngunit
malamang na magkaroon din ito ng sariling mga isyu, problema, krimen, at iba pa. Pero
hanggang ngayon, patuloy pa ring nagpapadala ang Diyos ng mga tao sa iyong lungsod para
magpakita ng pag-ibig at sabihing, “Hello, nandito ako! Sama sama nating baguhin ito.”

Kaya, kung sakaling mag-isip ka kung nagmamalasakit ba ang Diyos sa iyong lungsod, ang
sagot ay oo, nagmamalasakit Siya! Nais ng Diyos na ang bawat lungsod ay maging isang lugar
kung saan ang mga tao ay maaaring mabuhay nang payapa, may kasaganaan, at pagkakasundo.
Handa siyang gamitin ang mga katulad mo para mangyari iyon. Kaya, maging masaya ka at
maging bahagi ng pagbabago sa iyong lungsod! Kaya, mga kabataan, ang Diyos ay nasa gawain
ng pagpapanibago kahit na ng pinaka mapanghimagsik at masasamang mga lungsod. Iyan ay
ang pag-ibig na kumikilos.

2. Nagpapakita ng Habag ang Diyos sa mga Lungsod

Hindi lang pala nagpapadala ang Diyos ng mga mensahero kundi nagpapakita rin ng
malaking pakikiramay sa mga taong naninirahan sa mga lungsod na iyon, lalo na kapag sila ay
dumadaan sa mga mahihirap na panahon. Tingnan ang talatang ito mula sa Mateo 9:35-36:

“At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga
nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sari-saring sakit at
ang sari-saring karamdaman. Datapuwa't nang makita niya ang mga karamihan, ay
nahabag siya sa kanila, sapagka't pawang nangahahapis at nangangalat, na gaya ng mga
tupa na walang pastor.”

At ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng habag? Sa madaling salita, nangangahulugan


ito ng paglalagay ng iyong sarili sa kalagayan ng ibang tao at pag-unawa sa kanilang mga
problema at pasakit. Oo, ang Diyos ay lubhang nagmamalasakit sa mga tao sa mga lungsod, lalo
na kapag sila ay dumaranas ng mahihirap na panahon!

Isipin ito: ang iyong lungsod ay maaaring maging isang lugar na puno ng kaguluhan, kung
saan minsan ay parang ang lahat ay nauuwi sa kawalang katiyakan. Ang mga tao ay maaaring

5
makaramdam ng kalungkutan, pagkabalisa, sakit, o pagharap sa iba pang mga isyu. Ngunit
nariyan ang Diyos! Si Jesus mismo ay nagpalipat-lipat sa mga lungsod, nagtuturo at
nagpapagaling sa mga tao. Nang makita Niya ang karamihan, ang Kanyang puso ay naantig.
Parang gusto Niyang sabihing, “Guys, nandito Ako para sa inyo. Hindi kayo nag-iisa.”

Sa susunod na makaramdam ka ng labis na pagkabalisa sa lahat ng nangyayari sa iyong


lungsod, tandaan mo na naiintindihan ka ng Diyos. Nakikiramay siya sa iyo at sa iba pa. Gaano
man kagulo ang maranasan ng mundo, ang Diyos ay laang samahan at alagaan tayo. ‘yan ang
wagas na pag-ibig na kumikilos!

3. Binabago ng Diyos ang mga Lungsod

Sa ngayon, napag-usapan na natin kung paano nagpapadala ang Diyos ng mga


mensahero sa mga lungsod at kung paano Siya nakikiramay sa mga taong naninirahan doon.
Ngunit hindi lamang iyon! Dalubhasa rin ang Diyos sa pagkakaloob ng pagbabago sa mga
lungsod. Naaalala mo ba ang kuwento ni Saulo ng Tarsus?

Isang araw, si Saulo ay nasa kanyang misyon para usigin ang mga Kristiyano at patungo sa
Damascus upang gawin ang kanyang mga plano. Ngunit sandali, narito ang kawili-wiling bahagi:
Si Jesus mismo ay nagpakita sa kanya sa daan at ganap na binago ang kanyang buhay! Ang
kuwento ay nasa Mga Gawa 9:1-6. Si Saulo, na dating pinakamasamang kaaway ng mga
Kristiyano, ay binago at naging si Pablo, isa sa pinakamahalagang apostol sa lahat ng panahon.

Isipin ito: Si Saulo, ang mang-uusig ng mga Kristiyano, ay naging isang taong nagtayo ng
mga iglesya saanman at naging isang mahusay na tagapagturo ng ebanghelyo. Binago ng Diyos
si Saulo tungo sa pagiging isang taong ganap na naiiba.

Ano ang itinuturo nito sa atin? Ang Diyos ay may napakalaking kapangyarihan na
baguhin hindi lamang ang mga indibidwal kundi pati na rin ang buong lungsod. Kapag ang
Kanyang biyaya ay kumikilos, lahat ay maaaring magbago. Kung sa tingin mo ay nangangailangan
ng pagbabago ang iyong lungsod, tandaan na ang Diyos ang dalubhasa sa pagbabago ng mga
tao at ng mga bagay-bagay. Isa siyang taga-disenyo, ginagawang lalong mabuti ang lahat!

Konklusyon

Ang Diyos ay may natatanging pag-ibig para sa mga lungsod. Sa buong Bibliya, nakita
natin kung paano Niya ipinakita ang Kanyang pag-ibig sa kahanga-hangang paraan: Nagpapadala
Siya ng mga mensahe, Siya ay lubhang maunawain, at binabago pa Niya kahit na nga ang
lubhang makasalanang mga lungsod. Bilang mga kabataan ng Diyos, tungkulin nating mahalin
ang ating mga lungsod at palawakin ang Kaharian ng Diyos sa loob nito. Laging tandaan na ang
Diyos ay napakaaktibo sa ating mga lungsod, at maaari tayong maging instrumento ng Kanyang
pag-ibig at habag. Ipanalangin natin na ang pag-ibig ng Diyos ay patuloy na dumaloy at binabago
ang ating mga lungsod.

6
Sermon 2

Binabago ang mga Lungsod: Sinusundan ang Halimbawa ni Jesus

Mateo 9:35
“At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga sinagoga nila,
at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang sari-saring sakit at ang sari-
saring karamdaman.”

Panimula

Ngayon, tayo ay magpapatuloy sa isang espirituwal na paglalakbay na kinasihan ni Jesus,


tinutuklas kung paano natin maisasagawa ang epektibong gawaing misyonero sa mga lungsod.
Isipin natin ang isang mataong lungsod na puno ng mga hamon, katulad ng hinarap ni Jesus
noong Kanyang kapanahunan. Ngunit bago tayo tumungo sa kapana-panabik na paksang ito,
hayaan mo akong magbahagi ng isang maikling kuwento.

Ilang taon na ang nakalilipas, sa gitna ng isang dakilang lungsod, nakatira ang isang
binata na nagngangalang David. Sa gitna ng patuloy na pagmamadali at kaabalahan ng lungsod,
nadama ni David ang kawalan ng pag-asa at layunin na naobserbahan niya sa buhay ng
maraming tao sa paligid niya. Gayunpaman, isang araw, naranasan ni David ang isang
engkwentro na magpapabago sa takbo ng kanyang buhay magpakailanman. Nagkrus ang landas
niya at ng isang matandang lalaki na nagngangalang Elijah, na nagbahagi sa kanya ng kuwento
ng ministeryo ni Jesus sa mga lungsod. Kinuha ng matandang lalaki ang kanyang Bibliya at
binasa ang Ebanghelyo ni Mateo 9:35:

“At nililibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga
sinagoga nila, at ipinangangaral ang evangelio ng kaharian, at pinagagaling ang
sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman.”

Binigyang-pansin ni David ang pagpapaliwanag ni Elijah na ang talatang ito ay


nagtampok ng tatlong mahahalagang aksyon na ginawa ni Jesus para sa kapakinabangan ng
mga lungsod, na kinakatawan ng tatlong pangunahing pandiwa sa talatang iyon.

Pagbubuo

1. Unang Pandiwa: Magturo

Magsimula tayo sa unang mahalagang pandiwa: "magturo." Si Jesus ay gumugol ng


panahon sa pagbabahagi ng Kanyang karunungan sa mga pulutong sa mga lungsod. Sa Mateo
9:35, sinasabi, “Nilibot ni Jesus ang lahat ng mga bayan at mga nayon, na nagtuturo sa mga
sinagoga nila.” Gayunpaman, ang Kanyang pagtuturo ay hindi limitado sa mga salita; ito ay
makikita rin sa paraan ng Kanyang pamumuhay. Ang kanyang buhay ay naghatid ng mga aral ng
pag-ibig, habag, katarungan, at pananampalataya.

7
Ngayon, magpatuloy tayo sa kwento ni David. Pagkatapos niyang makaharap si Elijah at
makita ang kanyang bagong hilig sa pagsunod sa mga yapak ni Jesus, nadama ni David na nais
niyang gumawa ng isang bagay na talagang mahalaga. Sa halip na madala ng nakagawian at
mababaw na mga kaguluhan ng lungsod, nagpasya siyang kumilos. Isang hapon, habang
naglalakad sa parke ng lungsod, nakasalubong ni David ang isang grupo ng mga kabataan na
tumatalakay sa espirituwalidad at relihiyon. Naiintriga, lumapit siya at nagsimulang makinig.
Ang mga kabataang ito ay sabik na matuto nang higit pa tungkol sa Diyos at sa Bibliya. Humanga
si David sa kanilang tunay na interes na tuklasin ng mas malalim pa ang kanilang
pananampalataya.

Dahil sa pagnanais na matuto ng mga kabataang ito, nagboluntaryo si David na maging


mentor o tagapagturo nila. Ibinahagi niya ang kanyang natutunan at tinulungan silang
pakitunguhan ang mga hamon ng buhay sa lungsod mula sa isang espirituwal na pananaw.
Bukod pa rito, nagbahagi siya ng mga online resources o ng mga mapagkukunan sa internet ng
mga espirituwal na paksa at nagrekomenda ng mga aklat at podcasts o mga nakarecord na
sermon na nagpayaman sa kanyang sariling espirituwal na pang-unawa.

Mga kabataang misyonero ng lungsod, kumuha ng inspirasyon sa ginawa ni Jesus at sa


karanasan ni David. Panahon na para kumilos at gumawa ng pagbabago sa iyong lungsod!
Narito ang ilang mga tips:

• Bumuo ng mga Grupo ng Pag-aaral ng Bibliya: Ipunin ang iyong mga kaibigan o kahit
na ang mga taong hindi mo kilala at bumuo ng mga grupo ng pag-aaral ng Bibliya sa mga
maaliwalas na lugar tulad ng mga cafe o parke. Ito ay hindi lamang tungkol sa pagbabasa
ng Bibliya kundi pagtuklas sa kung ano ang kahulugan nito sa pang-araw-araw na buhay.

• Maging mga Mentors o Tagapagturo: Maging mga tagapagturo para sa ibang mga
kabataan na nangangailangan ng espirituwal na patnubay. Tulungan silang
mapakitunguhan ang mga tagumpay at kabiguan ng buhay, ibahagi ang iyong mga
karanasan, at sama-samang lumago sa pananampalataya.

• Magbahagi ng mga Resources o Mapagkukunan: Magbahagi ng mga aklat, podcasts,


at online na materyal na nakaapekto sa iyo at tumatalakay sa Diyos at kaligtasan sa isang
may-katuturan at nakakaengganyong paraan para sa mga kabataan ngayon. Isipin kung
ano ang gusto mo at masigasig na ibahagi ito.

Tandaan na ang pagtuturo ay hindi lamang tungkol sa pagbibigay ng impormasyon; ito


ay tungkol sa pagiging isang huwaran para sa iba! Magpakita ng pagmamahal, pakikiramay, at
pananampalataya sa iyong pang-araw-araw na buhay, at makikita mo kung paano kumikinang
ang iyong liwanag sa lungsod. Handa ka na bang gumawa ng marka sa iyong komunidad?
Ngayon na ang panahon mga Young Adults!

8
2. Ikalawang Pandiwa: Mangaral

Ngayon, magtungo tayo sa pangalawang pangunahing pandiwa: "mangaral." Tingnan


mo si Jesus; Talagang dalubhasa siya dito. Hindi lamang Niya ibinahagi ang Kanyang karunungan
kundi masigasig ding sinabi sa lahat ang pinakakapana-panabik na balita sa kasaysayan: narito
ang Kaharian ng Diyos, puno ng pag-asa, pagpapatawad, at pakikipagkasundo!

Naaalala mo ba ang ating kaibigang si David, ang binata na minsang nakadama ng


pagkawaglit sa lungsod at naghanap ng layunin sa buhay? Matapos ang kanyang pakikipagtagpo
kay Elijah at makita ang kanyang bagong hilig sa pagsunod sa mga yapak ni Jesus, nadama ni
David na nais niyang gumawa ng isang bagay na talagang mahalaga.

Isang araw, habang si David ay nasa kanyang paaralan, nagkaroon siya ng perpektong
pagkakataon na isabuhay ang pandiwang "mangaral". Ang kanyang guro, na kinilala bilang isang
ateista, ay nagtanong kay David kung bakit siya naniniwala sa Diyos. Sa sandaling iyon, sa harap
ng lahat ng kaniyang mga kaklase, si David ay nagsalita nang may tapang at pananalig tungkol sa
mga dahilan kung bakit siya nananampalataya sa Diyos. Ipinaliwanag niya ang kamangha-
manghang paglalang at kung paano nagkaroon ng pagbabago ang Bibliya sa kaniyang buhay.
Ang grupo ng mga estudyante ay nakinig nang mabuti sa bawat salitang sinabi ni David, at
maging ang guro ay humanga sa katatagan ng kaniyang paniniwala!

Pagkatapos magsalita ng halos sampung minuto, huminga ng malalim si David at


ibinahagi ang kamangha-manghang kuwento ni Jesus at kung paano binago ng kanyang
pananampalataya sa Kanya ang sarili niyang buhay. Binanggit niya ang pag-asa at
pagpapatawad na matatagpuan sa Diyos, at kung paano mababago ng pakikipagkasundo ang
lahat.

Ginawa niya ito nang may katapangan ngunit may kababaang-loob at pagmamahal.
Hindi niya sinubukang ipilit ang kanyang pananampalataya ngunit ibinahagi niya ang
katotohanan sa isang tunay at magalang na paraan. Ang masidhing pagnanais at tunay na
pagmamahal ni David ay sumikat sa kanyang mga salita.

Ang pangangaral ni David ay nagdulot ng pag-asa sa mga kabataang nakinig. Gaya ni


Jesus, ipinahayag ni David ang mabuting balita nang may tapang at pagmamahal, at sa
sandaling iyon, gumawa siya ng pagbabago sa paaralan ng lungsod.

Kaya, mga lalaki at babae, ang "pangangaral" ay hindi lamang tungkol sa pagsasalita
mula sa pulpito kundi paghahanap ng araw-araw na mga pagkakataon upang ibahagi ang
pagmamahal ng Diyos sa mga nakapaligid sa atin. Tularan natin ang mga halimbawa ni Jesus at
ni David at hayaang magliwanag ang mabuting balita sa ating lungsod. Maaari ka ring maging
tagapagdala ng pag-asa at pagbabago sa pang-araw-araw na buhay!

9
3. Ikatlong Pandiwa: Magpagaling

Ang ikatlong mahalagang pandiwa sa ating espirituwal na paglalakbay ay "magpagaling."


Si Jesus ay hindi lamang nagturo at nangaral; Pinagaling din niya ang mga maysakit at inaliw ang
mga nagdadalamhati! Sa Ebanghelyo ng Mateo 9:35, sinasabi nito sa atin na Kanyang
“pinagaling ang sarisaring sakit at ang sarisaring karamdaman" ng mga tao. Ngunit tandaan, ito
ay hindi lamang tungkol sa pagpapagaling ng mga pisikal na karamdaman; ito rin ay tumutukoy
sa pagpapagaling ng espirituwal at emosyonal na mga sugat. Iyan ay isang mahalagang bahagi
ng ating misyon sa lungsod.

Bumalik tayo kay David. Matapos makinig sa mga kabataan, naunawaan niya ang
kahalagahan ng pagpapagaling. Isang araw, pagkatapos ng pag-aaral ng Bibliya, nadama ni
David sa kanyang puso na tinatawag siya ng Diyos hindi lamang para magturo at mangaral kundi
maglingkod din sa mas nakikitang paraan.

Napansin ni David na sa kaniyang lunsod, maraming mga walang tirahan ang


nangangailangan ng pagkain at pananamit, at mayroon ding mga matatandang indibidwal na
bihirang nadadalaw. Nagpasiya siyang makipag-usap sa kanyang pastor sa iglesya at ipahayag
ang kanyang pagnanais na makibahagi sa isang grupo ng paglilingkod. Ipinaalam sa kanya ng
pastor ang tungkol sa isang grupo ng mga miyembro ng iglesya na may ministeryo ng
pagbibigay ng pagkain sa mga walang tirahan.

Hindi nagdalawang isip si David kahit na sandali at sumali sa grupong ito. Tuwing
Sabado, pagkatapos ng serbisyo sa iglesya, kasama niya ang kanyang mga kapwa miyembro sa
paghahanda ng humigit-kumulang dalawang daang pagkain at pagkatapos ay lumalabas upang
ipamahagi ang mga ito sa mga lansangan ng lungsod. Pinuno ng gawaing ito ng kagalakan ang
puso ni David, at dito niya naunawaan ang isa sa mga paraan kung paano natin matutupad ang
pandiwang "magpagaling."

Ang pagpapagaling ay hindi lamang nangangahulugan ng paggagamot sa maysakit;


nangangahulugan din ito ng pangangalaga sa mga nangangailangan. Ito ay tungkol sa
pagbibigay ng pagkain, damit, at tulong sa mga walang tirahan, pagbisita sa mga maysakit sa
mga ospital, paggugol ng panahon sa mga matatanda sa mga nursing home o bahay-alagaan sa
lungsod, pagbisita sa mga balo, pagpapakita ng pagmamahal sa mga ulila, ito ay tungkol sa
paggawa ng lahat ng iyong makakaya para sa mga marginalized o mga nasa laylayan ng lipunan
sa iyong lungsod.

Tulad ni Jesus, naunawaan ni David na ang pagpapagaling ay higit pa sa pisikal; ito ay


tungkol sa paghipo sa mga puso at pagpapagaan ng mga pasanin ng mga taong nagdurusa.
Kaya, tulad nating lahat, nakahanap si David ng isang makapangyarihang paraan upang
matupad ang pandiwang "magpagaling" sa lungsod.

10
Kaya, mga kabataang Misyonero ng Lungsod, tularan natin ang halimbawa ni Jesus at ni
David. Hanapin natin ang mga pagkakataong makapaglingkod sa nangangailangan. Maaari
tayong gumawa ng pagbabago sa lungsod sa pamamagitan ng ating mga aksyon na puno ng
pagmamahal at habag!

Konklusyon

Si David, ang binata sa ating kuwento, ay sumunod sa halimbawa ni Jesus sa kanyang


lungsod. Natuto siyang magturo, mangaral, at magpagaling, at binago ng kanyang gawaing
misyonero ang buhay ng maraming tao. Ngayon, bilang mga kabataang misyonero sa mga
lungsod, mayroon tayong parehong pagkakataon na maging mga kinatawan ng pagbabago.
Tandaan na ang pagsunod sa halimbawa ni Jesus ay nagsasangkot ng pagtuturo nang may
karunungan, pangangaral nang may pag-ibig, at pagpapagaling nang may habag. Sa paggawa
nito, maaari tayong maging instrumento ng pagbabago sa ating mga lungsod, na nagdadala ng
pag-asa at pag-ibig ng Diyos sa mga taong higit na nangangailangan nito. Hayaan ang misyong
ito na maging siyang naisin at pagtatalaga natin. Amen.

11
Sermon 3:

Pagharap sa Kalungkutan sa Iyong Lungsod

Juan 16:32
“Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa
kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't
ang Ama ay sumasa akin.”

Panimula

Ang kalungkutan sa mga lungsod ay isang lumalaking isyu sa buong mundo. Sa takbo ng
urbanisasyon at mga pagbabago sa takbo ng kalagayan ng pamilya, maraming tao ang
nakadarama ng malalim na pakiramdam ng kalungkutan. Sa nakalipas na mga dekada, ang
populasyon sa mga lugar na urban ay tumaas. Noong 2020, ayon sa United Nations, mahigit
55% ng populasyon ng mundo ang naninirahan sa mga lungsod, at inaasahang magpapatuloy
ang kalakarang ito. Kabalintunaan, sa kabila ng kakapalan ng mga tao sa mga lungsod, malaking
bahagi ng populasyon ang nakararanas ng kalungkutan. Nalaman ng isang survey ng American
Red Cross na higit sa 20% ng mga nasa hustong gulang sa Estados Unidos ang madalas o
palaging nakadarama ng kalungkutan.

Ang kalungkutan ay hindi pantay-pantay na nababahagi at mas higit na nakakaapekto sa


ilang mga grupo. Ang mga matatanda, mga bagong dating sa lungsod sa paghahanap ng mga
oportunidad, mga workaholic o gumon sa pagtatrabaho, at ang mga may mahirap na trabaho
ang kadalasang nagkakaroon ng matinding kalungkutan na ito. Ang kalungkutan ay hindi lamang
sa pisikal na paghihiwalay; ito rin ay pakiramdam na hindi nakakonekta at nakahiwalay sa iba,
na maaaring humantong sa mga seryosong isyu tulad ng depresyon, pagkabalisa, at mababang
pagpapahalaga sa sarili.

Pagbubuo

I. Ang Problema ng Kalungkutan

Ang kalungkutan ay isang bagay na nararanasan nating lahat sa ilang bahagi ng buhay,
hindi ba? Iyan ang lumulubog na pakiramdam sa inyong sikmura kapag ang isang taong
mahalaga sa iyo ay nasa malayo o kapag naniniwala kang walang nagmamalasakit sa iyo. Ngunit
mahalagang maunawaan na ang pagiging nag-iisa ay hindi katulad ng pakiramdam na talagang
nag-iisa. Minsan, ayos lang mag-isa. Maging si Jesus mismo ay namahinga sa mga tahimik na
lugar upang manalangin o maglaan ng panahon kasama ang Kanyang mga kaibigan (Mateo
14:13; Marcos 1:35; 6:31). Ang ilang mga tao ay gumugugol ng maraming panahon na nag-iisa
ngunit hindi nakadarama ng kalungkutan. Halimbawa, maaaring mag-isa ang isang siyentista na
abala sa pagsasaliksik o isang pintor na gumagawa ng isang obra maestra ngunit hindi
nakakaramdam ng kalungkutan.

12
Ang pagiging mag-isa ay higit pa sa isang pisikal na kalagayan, tulad ng kapag pinili mong
mapag-isa sa ilang sandali. Ngunit ang pakiramdam na nag-iisa ay emosyonal; ito ay kapag
pakiramdam mo ay hindi nakakonekta, nakahiwalay, o walang kabuluhang koneksyon sa ibang
tao. Minsan, ang pagiging mag-isa ay maaaring maging mabuti, tulad ng kapag kailangan mo ng
panahon upang mag-isip o manalangin nang tahimik.

Ang kalungkutan, sa kabilang banda, ay kadalasang nararamdaman. Maaari itong


sumunod sa mga malungkot na kaganapan tulad ng pagkawala ng isang mahal sa buhay,
diborsyo, malubhang sakit, o mga problema tulad ng kawalan ng trabaho. Lahat tayo ay
maaaring makaranas ng kalungkutan sa ilang bahagi ng buhay dahil lahat tayo ay
nangangailangan ng pagkakaugnay o relasyon sa ibang tao, at kung minsan ang mga relasyon na
iyon ay nasisira o nabibigo. Kapag nalulungkot tayo pagkatapos ng isang masakit na karanasan,
doon talaga natin kailangan ang suporta ng isang taong mapagkakatiwalaan natin.

II. Ang Lunas sa Kalungkutan

Ang isyu ng kalungkutan ay paulit-ulit na binabanggit sa Bibliya. Alam mo ba na ang


salitang "nag-iisa" ay lumilitaw nang humigit-kumulang 118 beses sa Bibliya, ngunit bihira itong
nangangahulugan ng pakiramdam na "nalulungkot"? Narito ang isa pang kawili-wiling
katotohanan: ang salitang "kalungkutan" ay wala talagang kahulugan na gaya ng kasalukuyang
kahulugan ngayon hanggang kamakailan lamang, sa siglong ito, at hindi ito lumabas sa
anumang pangunahing diksyunaryo hanggang pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa madaling salita, ang konsepto ng pakiramdam na nag-iisa bilang isang mental na estado ay
medyo bago.

Kapag nagbabasa tayo ng Bibliya, masusumpungan natin ang isang mahalagang punto sa
simula: Hindi nilayon ng Diyos na ang mga tao ay mamuhay nang mag-isa. Matapos likhain ng
Diyos ang mundo sa loob ng pitong araw, sinasabing, “nakita ng Dios ang lahat ng kaniyang
nilikha, …napakabuti” (Genesis 1:31). Ngunit may isang bagay na hindi nakita ng Diyos na
mabuti: “At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalaki ay mag-isa; siya'y ilalalang ko
ng isang katulong niya.” (Genesis 2:18). Kung bibigyan natin ng pansin ang salaysay sa Genesis
1, mapapansin natin na ang mga hayop ay nilikha sa mga pangkat: "mga ibon" (Genesis 1:19),
"isda" (Genesis 1:21), at "mga hayop" (Genesis 1:25). Ngunit ang tao, ay nilikhang nag-iisa
(Genesis 1:26). Gayunpaman, hindi panukala ng Diyos na mamuhay tayo sa ganoong paraan
magpakailanman. Alam ng Diyos na hindi mabuti para sa atin ang kalungkutan, kaya nagpasiya
Siya na lumikha ng angkop na kasama. Kaya, sa Genesis 2:22, sinasabi sa atin ng Bibliya na
nilikha ng Diyos ang babae mula sa tadyang ng lalaki. Pagkatapos, pinagpala sila ng Diyos at
iniutos sa kanila: “Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami, at kalatan ninyo ang lupa, at inyong
supilin”. (Genesis 1:28)

Gaya ng nakikita mo, ang kalungkutan ay hindi bahagi ng orihinal na panukala ng Diyos
para sa sangkatauhan. Tayo ay mga sosyal na nilalang. Ginawa tayong makipag-ugnayan sa
Diyos at sa iba. Tayo ay ipinanganak na may likas na kakayahang lumikha ng mga ugnayang
sosyal...ang mga ugnayang sosyal na ito sa ating Lumikha at kapwa tao ay mahalaga sa ating

13
kaligtasan. Ngunit sinira ng kasalanan ang panukalang iyon, at ngayon ay nakadarama tayo ng
kalungkutan at pagkahiwalay sa Diyos at sa iba.

Kaya, kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa kalungkutan, kailangan nating


maunawaan na nakakaapekto ito sa atin sa dalawang makabuluhang antas. Una, sa espirituwal.
Ang unang antas ng kalungkutan na nararanasan ng mga tao ay espirituwal na kalungkutan.
Gaya ng nabanggit kanina, nilikha tayo ng Diyos para sa isang relasyon sa Kanya. Ngunit sa
kasamaang-palad, maraming tao ang nabubuhay nang hiwalay sa Diyos at nakadarama ng
espirituwal na kalungkutan. Kaya naman, kahit napapaligiran sila ng mga tao at nasa kanila ang
lahat ng gusto nila, nalulungkot sila. Hindi nila alam na hindi kayang punan ng pera o ari-arian
ang kawalan na iyon sa kanilang buhay. Ang espirituwal na kalungkutan ay mapupunan lamang
sa pamamagitan ng isang personal na koneksyon sa Diyos.

Kapag mayroon kang kaugnayan sa Diyos, maaari kang mag-isa sa pisikal ngunit hindi
makakaramdam ng kalungkutan. Isaalang-alang ang karanasan ni Jose: ipinagbili siya bilang
isang alipin, nahiwalay sa kanyang pamilya at mga kaibigan, dinala sa isang hindi pamilyar na
lugar kung saan hindi siya nakapagsasalita ng wika doon o nakauunawa ng mga kaugalian. Sa
madaling salita, nag-iisa siya sa pananaw ng tao. Ngunit sinasabi ng Bibliya, “At ang Panginoon
ay suma kay Jose, at naging lalaking mapalad” (Genesis 39:2). Kahit na nag-iisa siya, hindi siya
malungkot.

Gayundin, si Jesus, sa mga huling araw ng Kanyang buhay sa lupa, ay iniwan ng Kanyang
mga kaibigan. Tulad ni Jose, Siya ay ipinagbili sa isang halaga. Halos lahat ng sumunod sa Kanya
ay iniwan Siya. Sa isang punto, sinabi ni Jesus, "Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating
na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kani-kaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong mag-
isa” (Juan 16:32). Napakasakit na katotohanan, hindi ba? Ngunit sinabi rin Niya, " Gayon ma'y
hindi ako nag-iisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin”.

At nariyan si apostol Pablo, na, sa panahon ng pangangailangan, ay natagpuan din ang


kanyang sarili na nag-iisa. Sinabi niya, "Sa aking unang pagsasanggalang sinoman ay walang
kumampi sa akin, bagkus pinabayaan ako ng lahat" (2 Timoteo 4:16). Isipin kung ano ang
nadama nitong kampeon ng katotohanan! Siyang nagtatag ng maraming iglesya, nangaral sa
maraming tao, at nagturo ng maraming bagay. Sa kanyang pinakamadilim na panahon,
naramdaman niyang nag-iisa siya. Ngunit kaya pa rin niyang isulat ito, “Datapuwa't ang
Panginoon ay sumaakin, at ako'y pinalakas” (2 Timoteo 4:17). Si Pablo, bagaman nag-iisa sa
pisikal, hindi siya kailanman nalungkot.

Gaya nina Jose, Jesus, at Pablo, ikaw rin, ay maaaring magkaroon ng isang espesyal na
kaugnayan sa Diyos. Maaari kang mabuhay at makalakad araw-araw sa Kanyang presensya.
Kung mayroon kang ganoong kaugnayan sa Diyos, masisiyahan ka sa Kanyang piling sa paraang,
kahit na makita mo ang iyong sarili na nag-iisa sa isang sitwasyon, hindi ka kailanman
makadarama ng kalungkutan.

14
Pangalawa, ang kalungkutan ay may kaugnayan sa pakikipagrelasyon ng tao. Tinatawag
natin itong "relational loneliness" o kawalan ng mas malawak na network ng pakikipagkaibigan.
Sa kabila ng pagkakaroon ni Adan sa simula ng isang perpektong relasyon sa Diyos ay nadama
pa rin niya ang pangangailangan ng pakikisama sa ibang mga tao. Hindi binalewala o minaliit ng
Diyos ang pangangailangang iyon. Sa halip, lumikha Siya ng isang tao pa upang matupad ito.
Alam ng Diyos na bilang tao, kailangan natin ng kasama. Ang kalungkutan ay parang senyales ng
isang babala: kung paanong ang pagkagutom ay nagsasabi sa iyo na kailangan mo ng pagkain,
ang kalungkutan ay nagsasabi sa iyo na kailangan mo ng kasama.

Ang "relational loneliness" ay nalulunasan lamang kapag tayo ay bumubuo ng matatag


na relasyon sa iba. At alam mo ba? Mayroong lugar kung saan maaari mong gawin iyon!
Siyempre, magagawa mo ito sa loob ng iyong pamilya, sa trabaho, sa paaralan, o sa mga
sumusuportang grupo (support group). Ngunit ang isa sa mga pinakamahusay na paraan ay sa
loob ng iglesya.

Hayaan mong ipaliwanag ko ang isang bagay bago tayo magpatuloy. Kapag ang Bibliya
ay nagsasalita tungkol sa iglesya, hindi ito tumutukoy sa isang gusali kundi sa isang grupo ng
mga mananampalataya na naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo (1 Pedro 2:9). Kaya,
kapag sinusuri natin kung ano ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa iglesya sa Bagong Tipan,
mapapansin natin na ito ay tungkol sa isang komunidad ng mga Kristiyano na nagmamalasakit
sa isa't isa, nagmamahalan, itinatanghal ang isa't isa, tinatanggap ang isa't isa, naglilingkod sa
isa't isa, nagtuturuan sa isa’t isa, nagpapatawaran sa isa't isa, sinusuportahan ang isa't isa, at
nagtutulungan sa isa't isa sa maraming paraan. Sa madaling salita, sila ay isang koponan na
laging nandiyan para sa isa't isa.

Konklusyon

Sa kabuuran, ayaw ng Diyos na makaramdam ka ng kalungkutan. Maaari kang


kumonekta sa Kanya at sa iba, at sa gayon, hindi mo maramdaman na ikaw ay nag-iisa. Sa
panahon ng isa sa aming mga pagtitipon, pumasok ang isang kabataang babae na maraming
taon nang nahihirapan sa depresyon at pagkabalisa. Kakaunti lang ang mga kaibigan niya at
halos lahat ng panahon niya ay nag-iisa sa kanyang apartment. Halos hindi siya lumalabas,
kundi para lang sa trabaho at pagpunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng mga
kailangan. Sinabi niya na ang buhay ay isang walang kabuluhang maze, at ang kalungkutan ang
palagi niyang kasama.

Ngunit isang araw, sa pamamagitan ng isang katrabaho, nakatanggap siya ng imbitasyon


na dumalo sa isa sa aming mga serbisyo sa iglesya. Noong una, paulit-ulit siyang nagdahilan,
ngunit nagpumilit ang kanyang kaibigan kaya sa wakas ay sinabi niyang, "Buweno, isang beses
lang ako pupunta para subukan ito." Kaya, nagsimba siya isang Sabado at halos buong araw niya
kaming nakasama. Nakisalo siya sa masarap na tanghalian, at sa hapon, lumabas siya kasama
ang isang grupo ng mga miyembro ng iglesya upang magbigay ng pagkain sa mga
nangangailangan. Ayon sa kanya, espesyal ang araw na iyon. Ilang taon na ang nakalipas mula
nang maramdaman niyang malugod siyang tinatanggap kahit saan.

15
Nang sumunod na linggo, nagpasya siyang bumalik. Inanyayahan siya ng mga kabataan
sa isang sosyal na pagtitipon sa isa sa kanilang mga tahanan, at pinaunlakan niya ito. Sa kanyang
nasaksihan ay napahanga siya: ang mga tao ay nasisiyahan sa buhay sa isang malusog na
paraan, nang hindi nangangailangan ng alkohol o droga. Hindi siya makapaniwala. Dama niya na
siya ay tinatanggap at pinahahalagahan. Higit pa rito, nagsimula siyang makatanggap ng
lingguhang mga text messages ng mga nakapagbibigay-inspirasyong mga talata sa Bibliya. Isang
grupo ng mga babae ang isinama siya sa kanilang mga espesyal na panalangin. Talagang wala
siyang panahon para makaramdam ng kalungkutan.

Anim na buwan pagkatapos ng kanyang unang pagbisita, nagpasiya siyang


magpabautismo. Bago siya bautismuhan, ibinahagi niya ang kanyang patotoo at sinabi na ang
pagmamahal na natanggap niya mula sa mga bata, kabataan, at matatanda ng iglesya ay
nakatulong sa kanya na madaig ang kalungkutan. Ngayon, siya ay ganap na malaya, ganap na
iniwan ang kanyang mga gawi sa paninigarilyo at pag-inom, ngunit ang pinakamahalaga,
tinatamasa niya ang isang espesyal na relasyon sa Diyos at sa iba.

Kaya, mga kabataan, ibinabahagi ko ang kuwentong ito para sabihin sa inyo na
maraming mga tao sa lungsod ang nakadarama ng kalungkutan kagaya ng dalagang ito bago
niya nakilala ang ating iglesya. Maaaring nakikipaglaban sila sa mga bagay tulad ng depresyon at
pagkabalisa, ngunit ang tunay na pakikipagkaibigan ay maaaring gumawa ng malaking
pagbabago sa kanilang buhay.

Ang paanyaya ay ang hanapin ang mga taong nalulungkot, magbigay ng tulong, at ipakita
sa kanila ang pagmamahal at kagalakan na natagpuan mo kay Jesus. Hindi mo alam kung gaano
kalaki ang magiging epekto mo sa buhay ng isang tao.

Handa ka bang tanggapin ang hamong ito?

Gawin natin ang ating lungsod na hindi gaanong malungkot na lugar para sa lahat. Sama-
sama, maaari tayong gumawa ng pagbabago!

16
Sermon 4

Pagharap sa Depresyon sa Iyong Lungsod

Awit 40:2

Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, mula sa balahong malagkit; at
itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at itinatag ang aking mga paglakad.”

Panimula

Kilalanin natin si Ana, isang dalaga na naninirahan sa lungsod sa buong buhay niya.
Gustung-gusto niya ang lahat ng kapana-panabik at kasiglahang iniaalok ng buhay urban: ang
kultura, ang pagkain, at ang mga oportunidad sa trabaho. Pero kailan lamang, napansin niyang
mayroong hindi tama. Ang mga aktibidad na dati ay nagpapasigla sa kanya at ang kasiya-siyang
relasyon sa lipunan ngayon ay tila nakababagot at walang kabuluhan.

Mga isang taon na ang nakalilipas, nagsimulang makaramdam si Ana ng matinding


kalungkutan na hindi mawala. Gigising siya sa umaga na pagod na pagod, kahit buong gabi
siyang nakahiga sa kama. Ang trabaho ay naging isang hindi makayanan na pasanin, at siya ay
nahirapang tutukan ang mga gawain na dati niyang kinagigiliwan. Napansin ng kanyang mga
kaibigan na lumalayo siya at wala na siyang ganang lumabas o makihalubilo. Ang pag-iisip na
harapin ang trapiko sa lungsod upang makipagkita sa mga kaibigan ay pumuno sa kanya ng
pagkabalisa.

Higit pa rito, napansin ni Ana ang mga pagbabago sa kanyang gana sa pagkain. Minsan,
siya ay kumakain nang labis upang subukang punan ang isang emosyonal na kawalan, habang sa
ibang mga pagkakataon, siya ay hindi gaanong maganang kumain at pumapayat. Ang pagtulog
ay naging tuluy-tuloy na pakikipaglaban habang nilalabanan niya ang insomnia at nagigising sa
kalagitnaan ng gabi na may negatibong kaisipan.

Sa wakas, pagkatapos ng ilang buwan na tahimik niyang dinadala ang pasanin na ito,
nagpasiya si Ana na humingi ng tulong. Pumunta siya sa isang therapist, isang propesyonal na
nagbibigay ng rehabilitasyon at nagsimulang magsabi ng tungkol sa kanyang damdamin ng
kalungkutan, pagkabalisa, at kawalan ng pag-asa. Nasuri siya ng therapist at nalaman na
mayroon siyang clinical depression at nagmungkahi ng isang plano sa paggagamot.

I. Ang Problema ng Depresyon

Ang depresyon ay parang maitim na ulap na hindi madaling mawala at maaaring


makaapekto sa sinuman, sa mga kabataang katulad ninyo at sa katulad ko. Maaari itong

17
magdulot ng pakiramdam ng kalungkutan, at kawalan ng interes sa mga bagay na kinagigiliwan
mo noon, at maaari kang makaramdam ng pagkakonsensya ng pagkakamali o kaya ay kawalang
halaga. Maaari din itong makaapekto sa iyong pagtulog at gana, na nagdudulot sa iyo ng
pagkakaroon ng kakaunting lakas.
Mayroong iba't ibang uri ng depresyon, tulad ng:

 Situational Depression: Nangyayari ito dahil sa mga nakababahalang sitwasyon tulad ng


pagkawala ng isang mahal sa buhay o mga problema sa pananalapi. Maaari itong
mawala kapag bumuti na ang sitwasyon.
 Seasonal Depression: Ang ilang mga tao ay nakadarama ng kalungkutan sa ilang
partikular na panahon ng taon, tulad ng sa taglamig kapag mas kakaunti ang sikat ng
araw.
 Melancholic Depression: Dito, malala ang mga sintomas. Makakaramdam ka ng kawalan
ng interes sa lahat ng aktibidad, mababawasan ng maraming timbang, maaaring
mabalisa o maging napakabagal, at pagkaramdam ng pagkakonsensya ng pagkakamali.
 Psychotic Depression: Ito ay mas kumplikado, na may mga hallucinations o guni-guni
(nakikita o naririnig ang mga bagay na wala) o delusions o mga maling akala (maling
paniniwala). Nagdaragdag ito ng karagdagang lebel ng pagiging kumplikado sa sakit.
 Major Depressive Disorder: Ito ang pinakakaraniwang anyo, kung saan ang matinding
kalungkutan, kawalan ng interes sa mga bagay, pagbabago sa gana at pagtulog, at iba
pang mga sintomas ay nakakaapekto sa pang-araw-araw na buhay.

Ang mga lungsod ay maaaring maging lugar ng pinagmumulan ng depresyon dahil sa stress,
kawalan ng pagkadaiti o kaugnayan sa kalikasan, polusyon, at iba pang dahilan, tulad ng paksa
natin kahapon, kalungkutan. Ang mga kadahilanang ito ay maaaring makaapekto sa maraming
tao sa mga kapaligiran sa lungsod, at mahalagang malaman kung paano ito nakakaapekto sa
ating kalusugang pangkaisipan.

Ang depresyon ay nakakaapekto sa kapwa kabataan at matatanda. Ayon sa mga istatistikal


na ulat, higit sa 20% ng mga teenager sa buong mundo ang dumaranas ng mga sakit sa pag-iisip.
https://www.unicef.org/mexico/comunicados-prensa/m%C3%A1s-del-20-de-los-adolescentes-de-todo-el-mundo-sufren-
trastornos-mentales

II. Ang Depresyon sa Bibliya

Bagaman madalas nating iniuugnay ang depresyon sa modernong medikal na agham,


ang mga simulain nito ay matatagpuan sa sinaunang nakaraan, kahit na nga sa mga salaysay sa
Bibliya. Ang Bibliya ay may mga bahaging salaysay ng pinagpipitaganang mga tao na naharap sa
mga sandali ng matinding kalungkutan at kawalan ng pag-asa. Sa pamamagitan ng mga
kuwentong ito, maaari nating tuklasin kung paanong ang pananampalataya, pag-asa, at
pagkakaugnay sa isa na Banal ay maaaring maging mapagkukunang tulong para sa pagharap sa
depresyon at pagtuklas ng landas sa muling paggaling. Tingnan natin ang ilang halimbawa:

1. David: Isang Lalaki na Ayon sa Sariling Puso ng Diyos

18
Si David, na kilala bilang isang "lalaki ayon sa sariling puso ng Diyos," ay nakaranas ng
mga yugto ng matinding kalungkutan at pagkabalisa. Ang kanyang Mga Awit ay isang
nakaaantig na patotoo sa kanyang emosyonal na pakikibaka. Sa Awit 42, isinulat ni David,
"Bakit, kaluluwa ko, nalulumbay ka? Bakit ka nababagabag sa loob ko? Ilagay mo ang iyong pag-
asa sa Diyos, sapagkat pupurihin ko pa Siya, ang aking Tagapagligtas, at ang aking Diyos" (Awit
42:11, adaptasyon).
Sa talatang ito, kinikilala ni David ang kanyang pagkabalisa ngunit nakatagpo din ng lakas
sa kanyang pananampalataya na humingi ng pag-asa at tulong sa Diyos. Itinuturo nito sa atin na
kahit sa gitna ng kawalan ng pag-asa, ang pananampalataya ay maaaring maging gabay na
liwanag para sa mga nakikipagpunyagi sa depresyon.

2. Jeremias: Ang Umiiyak na Propeta

Si Jeremias, na kilala bilang "umiiyak na propeta," ay isa pang halimbawa sa Bibliya ng


isang taong nakaranas ng matinding kalungkutan. Ang kaniyang aklat, ang Aklat ng Mga
Panaghoy, ay puno ng mga pagpapahayag ng kirot at dalamhati sa mga matinding kalungkutan
na kaniyang nasaksihan. Sa gitna ng kanyang pagdurusa, isinulat ni Jeremias, "Ngunit ito ang
aking naaalala, at kaya ako'y may pag-asa: Ang tapat na pag-ibig ng Panginoon ay hindi
tumitigil; ang Kanyang mga kaawaan ay hindi nagwawakas" (Mga Panaghoy 3:21, adaptasyon).

Sa kabila ng kapanglawan na nakapalibot kay Jeremias, ang kanyang kakayahang


magmuni-muni at makahanap ng pag-asa sa loob ng kanyang puso ay isang paalala na kahit sa
pinakamadilim na sandali, ang pagsusuri sa sarili at pagkakaroon ng pag-asa ay maaaring
makapagdala ng espirituwal na paggaling.

3. Elias: Isang Propeta na Napagod

Ang propetang si Elias ay isa pang karakter sa Bibliya na naharap sa depresyon. Matapos
ang isang malaking tagumpay laban sa mga propeta ni Baal, si Elias ay nakaramdam ng
pagkapagod at takot at nagnanais na mamatay. Gayunpaman, sa kanyang desperasyon,
nakaranas siya ng isang espesyal na koneksyon sa Diyos sa pamamagitan ng isang marahang
bulong na tinig (1 Hari 19:12).

Itinuturo sa atin ng kuwento ni Elias na kahit sa pinakamababang sandali ng depresyon,


ang banal na presensya ay maaaring pagmulan ng lakas at espirituwal na pagpapanibago.

III. Ang Landas Para Pagtagumpayan ang Depresyon

Minamahal na kabataan, ang isang taong kilala mo, o maging ang iyong sarili, ay maaaring
nahihirapan sa depresyon sa iyong lungsod. Narito ang ilang tips na makatutulong sa
sitwasyong ito:

 Panalangin at Paghahanap sa Presensya ng Diyos: Ang panalangin ay maaaring maging


isang paraan upang makahanap ng kaaliwan, pag-asa, at lakas sa panahon ng depresyon.

19
 Komunidad at Espirituwal na Suporta: Ang pakikipag-ugnayan sa ibang mga
mananampalataya at ang suporta ng pamayanang Kristiyano ay maaaring maging
mahalaga. Ang pakikilahok sa isang kongregasyon, sumusuportang grupo, o komunidad
ng pananampalataya ay maaaring magbigay ng pakiramdam ng pagiging kasali at
emosyonal na suporta.
 Pagbasa at Pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan: Ang pagbabasa ng Bibliya at
pagbubulay-bulay sa mga talata na tumatalakay sa pag-asa, kalakasan, at pagharap sa
mga hamon ay maaaring makatulong.
 Paghahanap ng Kristiyanong Pagpapayo: Ang isang Kristiyanong tagapayo o pastor na
sinanay sa pagpapayo ay maaaring magbigay ng espirituwal at emosyonal na patnubay
partikular sa depresyon mula sa pananaw ng Bibliya.
 Pagsasagawa ng Pagpapatawad at Pasasalamat: Ang pagkatuto na patawarin ang iba at
ang sarili ay maaaring maging isang mapagpalayang proseso.
 Pag-iwas sa Pag-iisa: Ang aktibong paghahanap ng mga kaibigan at mga mahal sa buhay
sa pananampalataya ay maaaring maging kapaki-pakinabang.
 Paghahanap ng Propesyonal na Tulong Kung Kailangan: Ang depresyon ay isang tunay
na sakit, at sa maraming kaso, ang propesyonal na paggagamot gaya ng therapy o gamot
ay kailangan.
 Pagyakap sa Biyaya at Pag-ibig ng Diyos: Ang pag-alala sa pag-ibig at biyaya ng Diyos ay
maaaring makatulong sa pagpapagaan ng pakiramdam ng pagkakonsensya ng
pagkakamali o kahihiyan na nauugnay sa depresyon.

Konklusyon

Mayroong libu-libong kabataan at matatanda sa iyong lungsod na nakikipaglaban sa


depresyon. Panahon na para bigyan sila ng pag-asa. Panahon na para sabihin sa kanila na may
kapangyarihan ang Diyos na iangat sila mula sa hukay ng kawalan ng pag-asa. Minamahal na
kabataan, kung ikaw o isang taong kilala mo ay nakikipaglaban sa depresyon, ang paghingi ng
tulong sa espirituwal at medikal na larangan ay maaaring ang pinakamahusay na paraan upang
matugunan ang sitwasyon. May mga elder at diyakono na handang tumulong sa iyo at magbigay
sa iyo ng mga mapagkukunan upang makahanap ng isang espesyalista sa kalusugan ng isip. Ang
diyablo ay walang ibang nais kundi ang pumatay, magnakaw at sirain ang iyong buhay, PERO
dumating ang Diyos upang magkaroon ka ng masaganang buhay. Gusto ng Diyos ang buhay para
sa iyo, at gusto rin namin ang buhay para sa iyo. Humingi ka ng tulong!

Maging matapang, at sama-sama, harapin natin ang isyu ng depresyon sa iyong lungsod.

20
Sermon 5

Pagharap sa Mga Sakit sa Iyong Lungsod

3 Juan 2
“Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang
iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.”

Panimula

Sa gitna ng isang abala at tanyag na lungsod, ang buhay sa kalunsuran ay hindi tumitigil.
Ang mga kalye ay palaging puno ng mga taong nagmamadali, at ang mga skyscrapers o mga
napakatataas na gusali ay tila umabot na sa langit na parang mga tore ng pagkaambisyoso.
Ngunit sa ilalim ng lahat ng modernong karangyaan at hitsura ay natatago ang hindi nakikitang
mga panganib.

Isang malamig na umaga ng taglamig, nagsimulang kumalat ang mga alingawngaw


tungkol sa isang sakit na walang nakakaalam kung ano ito. Pakiramdam ng mga tao ay
nagkaroon sila ng nakamamatay na trangkaso, na may pambihirang lagnat, nahihirapang
huminga, at walang tigil na pag-ubo. Noong una, walang masyadong pumapansin dahil,
siyempre, karaniwan na ang sipon at trangkaso sa isang siyudad na napakaraming tao, di ba?

Gayunpaman, ang sakit ay nagsimulang kumalat nang nakababahala. Mabilis na napuno


ang mga ospital, at naging mas tila abala ang mga doktor kaysa sa mga streaming servers-
kompyuter na ginagawang posible na ang mga media feeds ay makakarating sa kanilang mga
manonood nang pinakamabilis. Ang mga awtoridad sa kalusugan ay nagpalabas ng red alert-
isang estado ng pagkaalerto na dulot ng paparating na panganib at nagsimulang mag-imbestiga
tungkol sa kung ano ang sakit na ito. Sinuri ng mga eksperto sa pampublikong kalusugan kung
paano ito kumakalat at natuklasan na ang sakit ay nauugnay sa isang pamilihan ng mga "exotic"
(kakaiba at hindi nabubuhay o lumalaki nang natural sa isang partikular na lugar) na mga
pagkain sa gitna ng lungsod, kung saan nagbebenta sila ng mga hindi pangkaraniwang hayop.

Binalot ng takot ang buong lungsod nang makumpirma nila na ang sakit ay isang bagong
bersyon ng isang virus (nakakahawang mikrobyo na masyadong maliit at nagagawang dumami
lamang sa loob ng mga buhay na selula ng nahawaan) na maaaring naisalin mula sa mga hayop
patungo sa mga tao. Kaya, gumawa sila ng hakbang at nagdeklara ng quarantine (isang
paghihigpit sa paggalaw ng mga tao upang maiwasan ang pagkalat ng sakit), na inilagay ang
buong lungsod sa standby (nakatigil o nakaistambay) na kalagayan! Isinara nila ang kakaibang
pamilihan na iyon sa isang iglap, ngunit huli na ang lahat para tuluyang matigil ang sakit. Libu-
libong tao ang nahawahan, at tumaas ang dami ng namamatay.

Ang lungsod ay bumagsak sa ganap na kaguluhan. Ang dating abala at mataong kalye ay
naging parang mula sa isang post-apocalyptic (naglalarawan ng isang pangyayari na umiral o
nangyari pagkatapos ng isang malaking sakuna) na set ng pelikula. Nanatili ang mga tao sa

21
kanilang mga tahanan dahil sa takot, isinara ang mga negosyo, at ang ekonomiya ay bumaligtad
nang 180-degree. Ang mga ospital ay nasa bingit ng pagbagsak, at ang mga doktor ay
nagtrabaho na para bang wala nang bukas para pangalagaan ang mga maysakit.

Bagama't ang salaysay na ito ay tila purong kathang-isip, alam natin na ito ay totoo. Ang
buhay sa isang lungsod ay maaaring maging mas delikado kaysa sa kung anong iniisip natin dito
at napakahalaga na tayo ay maging handa at makipagtulungan kapag nahaharap sa mga sakit sa
modernong mga lungsod.

Pagbubuo

I. Mga Sakit sa Lungsod

Ang mga sakit sa mga lungsod ay isang kumplikadong isyu na nakatali sa buhay sa lungsod at
kalusugan ng mga tao. Tingnan natin ang ilan sa mga pangunahing sanhi ng problemang ito:

 Polusyon sa Hangin: Sa ilang lungsod, ang hangin na ating nilalanghap ay isang


malaking problema dahil sa mataas na bilang ng mga sasakyan, pabrika, at iba
pang pinagmumulan ng polusyon. Ang polusyon na ito ay maaaring humantong
sa mga problema sa paghinga tulad ng hika, brongkitis, at kahit na mga isyu sa
puso.
 Polusyon sa Tubig: Ang tubig ay mahalaga sa mga lungsod, ngunit maaari itong
humantong sa hindi kasiya-siyang mga kahihinatnan kung hindi maayos na
pinananatiling malinis. Ang mga sakit na dala ng tubig tulad ng kolera ay
maaaring kumalat kung ang mga tubo at sistema ng paglilinis ay hindi nasa
mabuting kondisyon.
 Kakapalan ng Populasyon: Sa mga lungsod, ang mga tao ay nagsasama-sama
tulad ng sardinas sa isang lata, na ginagawang maging mas karaniwan ang mga
nakahahawang sakit. Ang trangkaso, COVID-19, at iba pang mga sakit ay
maaaring mas madaling kumalat sa mga lugar na makapal ang populasyon.
 Limitadong Access sa Mga Serbisyo sa Pangangalagang Pangkalusugan: Habang
ang mga lungsod ay may mga ospital at klinika sa lahat ng dako, hindi laging
madali para sa lahat na ma-access at makatanggap ng pangangalaga. Ang ilang
mga tao ay kulang sa mga mapagkukunang pang-ekonomiya o nakatira sa lugar
na malayo sa mga pasilidad na medikal, na ginagawang mahirap na matugunan
ang mga sakit.
 Mga Isyu sa Kalusugan ng Pag-iisip: Ang stress, pagkabalisa, at depresyon ay
tunay na alalahanin sa mga lungsod. Ang buhay sa lungsod ay maaaring maging
nakaka stress dahil sa kompetisyon sa trabaho, trapiko, sosyal na paghihiwalay, at
iba pang mga kadahilanan, na nag-aambag sa mga problema sa kalusugan ng isip.
 Panggulong mga Insekto at Daga: Sa ilang mga lungsod, ang mga insekto tulad
ng mga lamok at ang daga ay maaaring magdala ng mga sakit kung hindi maayos

22
na makokontrol. Halimbawa, ang dengue at iba pang sakit ay maaaring kumalat
sa pamamagitan ng kagat o paglapat/pagdikit sa mga peste na ito.
 Laging Nakaupong Istilo ng Pamumuhay: Maraming mga naninirahan sa lungsod
ang namumuhay nang laging nakaupo dahil sa mga trabaho sa opisina at
kakulangan ng mga lugar para sa ehersisyo. Maaari itong humantong sa mga isyu
sa kalusugan tulad ng labis na katabaan at mga sakit na nauugnay sa puso.
 Polusyon sa Ingay: Ang patuloy na ingay sa lungsod ay maaaring magdulot ng
mataas na antas ng stress at makagambala sa pagtulog. Maaari itong
makaapekto sa presyon ng dugo at pahinga, na posibleng humantong sa mga
problema sa kalusugan.

II. Ang Diyos at Kalusugan

Ang Diyos ng Bibliya ay Diyos ng kalusugan. Sa 3 Juan 1:2, masusumpungan natin ang
isang makapangyarihang mensahe: "Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay
ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa." Sa
orihinal na panukala ng Diyos para sa sangkatauhan, ang sakit ay wala sa hinuha. Naiisip mo ba
ang ating mga unang magulang sa gayong malusog na pamumuhay? Walang polusyon, sa isang
malusog na kapaligiran, kumakain ng mga mani, butil, at natural na prutas, nang walang
kakaibang kemikal.

Si Ellen G. White, na maraming isinulat tungkol sa kalusugan, ay nagsabi na ang ating


unang mga magulang ay nabuhay na may perpektong kalusugan. Matangkad sila at maganda na
parang kuha sa litrato. Si Adan ay mas matangkad kaysa sa mga tao ngayon, at si Eva ay mas
mababa ngunit napakaganda at elegante. 2 Ellen G. White, Patriarchs and Prophets(Washington, D.C.: Review and
Herald Publishing Association, 2018), p. 45.3

Sina Adan at Eva ay nagtataglay ng perpektong kalusugan. Nagkaroon sila ng pisikal,


mental, at sosyal na kalusugan. Higit sa lahat, sila ay malalim na nakakonekta sa Diyos, na
nagbigay sa kanila ng nakakainggit na kalusugang espirituwal. Gayunpaman, ang perpektong
kalusugan na ito ay nagambala. Noong pinili nina Adan at Eva na huwag magtiwala sa Diyos at
palayasin sila mula sa paraiso, nagbago ang lahat, at lumitaw ang mga sakit sa lahat ng dako.

Sinasabi sa Genesis 3 kung paano sumuko ang unang mag-asawa sa kaaway ng Diyos at
tumalikod sa kanilang Lumikha. Ngunit sa kabila ng paghihimagsik ng ating unang mga
magulang, ang Diyos ay nagmamalasakit pa rin sa ating kalusugan.

Dahil sa Kanyang walang hanggang pag-ibig, nag-iwan sa atin ang Diyos ng isang
pangako na nagbibigay ng pagkakataong mamuhay nang malusog. Noong una, ibinigay ng Diyos
ang pangakong ito sa mga Israelita sa kanilang paglalakbay sa disyerto, ngunit maaari rin nating
tanggapin ito, gaya ng sinasabi sa Roma 15:4: “Sapagka't ang anomang mga bagay na isinulat
nang una ay nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw
ng mga kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pagasa.”

23
Tingnan ang pangakong ibinigay ng Diyos sa Israel sa pamamagitan ni Moises sa Exodo
15:26: “Kung iyong didinggin ng buong sikap ang tinig ng Panginoon mong Dios, at iyong
gagawin ang matuwid sa kaniyang mga mata, at iyong didinggin ang kaniyang mga utos, at
iyong gaganapin ang lahat niyang mga palatuntunan ay wala akong ilalagay na karamdaman sa
iyo, na gaya ng inilagay ko sa mga Egipcio: sapagka't ako ang Panginoon na nagpapagaling sa
iyo.”

Noong sinaunang panahon, ang mga tao ng Israel ay may mga advanced na prinsipyo sa
kalusugan. Lumalabas na ang isang sinaunang aklat na tinatawag na "Ebers Papyrus," na isinulat
ng mga Egyptian noong mga 1500 BC, noong panahon ni Moises, ay natuklasan ng mga
arkeologo. Ang aklat na ito ay nagsilbing gabay sa kalusugan ng mga Egipcio, kahit na ang ilan sa
kanilang mga ideya ay medyo kakaiba. Tingnan natin ang ilan sa mga medikal na payo na
makikita sa papyrus (balumbon ng nakasulat na material) na ito, ngunit seryoso, huwag na
huwag itong susubukan sa tahanan!

Halimbawa, upang maiwasan ang uban o kulay-abo na buhok, inirerekomenda nilang


ipahid sa iyong buhok ang dugo ng itim na pusa na pinakuluan sa mantika o taba ng ahas. At
kung ayaw mong makalbo, kailangan mong gumamit ng anim na uri ng taba: ng kabayo, ng
hippopotamus, ng buwaya, ng pusa, ng ahas, at ng kambing. Kailangan mo namang ihalo ang
pulot sa pinulbos na ngipin ng asno upang palakasin ang iyong buhok. Anong masasabi mo?

Kung ikaw ay nasalubsob at naiwan ang maliit na pirasong tumusok sa iyong balat,
kasama sa resetang medikal ang "dugo ng uod at dumi ng asno." Ang iba pang kakaibang payo
ay may kinalaman sa "dugo ng butiki, ngipin ng baboy, nabulok na karne, moisture
(kahalumigmigan) mula sa mga tainga ng baboy, at maging ang dumi ng tao, hayop, at langaw."
Naiisip mo ba kung ang iyong doktor halimbawa ay nagbigay sa iyo ng mga tips na ito ngayon?
O anong laking kabaliwan! Ito ang mga "eksperto" noong panahon ni Moises.

Tiyak na alam ni Moises ang mga sulating ito ng Ebers Papyrus dahil, ayon sa Kasulatan,
natutunan niya ang lahat ng kaalaman ng mga Egyptian. Ngunit ang kawili-wiling bagay ay hindi
mo mahahanap ang alinman sa mga kakaibang rekomendasyong ito sa Bibliya. Bakit? Gaya ng
nabanggit na natin, ang mga batas sa kalusugan na ibinigay ng Diyos sa Kanyang bayan ay
malayong nakahihigit pa sa kanilang kapanahunan.

Halimbawa, noong Middle Ages, ang Europa ay sinalanta ng "Black Death." Ang salot ay
pumatay ng isa sa bawat apat na tao, at walang nakakaalam kung paano ito pipigilan dahil hindi
man lang nila naiintindihan ang microbiology (agham na nag-aaral ng mga mikroorganismo-
napakaliit na anyo ng buhay) tulad ng naiintindihan natin ngayon. Alam mo ba kung ano ang
nagligtas sa kanila? Ang Bibliya! Sa wakas ay bumaling sila sa Banal na Kasulatan, partikular sa
Levitico 13:46, na nagsasabing, "Sa buong panahong siya'y karoonan ng salot, ay magiging
karumaldumal; siya'y karumaldumal: siya'y tatahang bukod; sa labas ng kampamento malalagay
ang kaniyang tahanan." Sa Bibliya, natutunan nila ang kahalagahan ng pagbubukod ng maysakit.

24
Ang Bibliya ay nagbibigay ng malinaw na mga tagubilin kung paano pangalagaan ang
ating kalusugan, hindi lamang sa pisikal na kalusugan, kundi pati na rin ang emosyonal, sosyo-
kultural, at lalo na ang espirituwal na kalusugan.

Ano sa tingin mo?

Konklusyon

Minamahal na mga kabataan, nais ng Diyos na maging malusog kayo at ibahagi ang
kalusugang iyon sa inyong lungsod. Alam mo ba na ang gamot ng Diyos ay higit na patungkol sa
pag-iwas kaysa paglunas? Nag-iwan siya sa atin ng walong natural na mga tips na makatutulong
sa inyong mamuhay ng masigla at balanseng buhay. Gusto n’yo bang malaman kung anu-ano
ang mga ito? Narito sila, na may acronym na FORWARD!

 F for Fresh Air: Simulan ang pagkakaroon ng mabuting pakiramdam sa


pamamagitan ng pagpapadaloy sa iyong mga katawan ng sariwang hangin,
paghinga ng malalim sa araw. Ang oxygen ay mahalaga para sa mga selula. Mas
sariwang hangin na iyong nilalanghap, mas maraming enerhiya ang iyong
matatamo.
 O for One’s Control: Bawal ang sobra, mga kasama. Tumanggi sa tabako, alkohol,
caffeine, at mga nakakahumaling na sangkap. Ngunit magkaroon ng pagtitimpi at
pagbalanse sa makabubuting mga bagay.
 R for Rest: Ang pagkakaroon ng tamang pagtulog ay mahalaga, ibig sabihin pito
hanggang walong oras sa isang maaliwalas na silid. Balansehin ang iyong buhay
sa trabaho at pahinga.
 W for Water and Workout: Tubig, tubig, at mas maraming tubig. Ang
pinakamahusay na inumin upang linisin at panatilihing hydrated ang lahat ng
iyong mga selyula. Sikapin ang anim hanggang walong baso sa isang araw.
Gayundin, kailangan mong pagalawin ang iyong mga katawan sa araw-araw na
ehersisyo, mas mabuti sa labas kung maaari. Ang kaunting paglalakad, halos
kalahating oras, ay isang magandang simula. Galaw galaw, mga kasama!
 A is for Accepting God’s Will: Huwag kalimutan ang iyong espirituwal na buhay.
Ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos ay nagpapahusay sa iyong
kalusugan at nagdudulot ng kagalakan. Gumugol ng panahon sa iglesya kasama
ang inyong mga pamilya, linangin ang pagmamahal at pag-asa.
 R for Right Nutrition: Kumain ng masusustansyang pagkain na mayroon ng lahat
na kinakailangang sustansya at kaunting hibla o fiber. Ang pagbalanse ay susi sa
pagpapanatili ng iyong katawan sa pinakamahusay na kalagayan.
 D is for Daylight: Ang kaunting sikat ng araw ay nagpapalakas ng iyong kondisyon
at kasiglahan. Katamtaman lamang, okay? Ang labis na pagkakalantad sa araw ay
maaaring makapinsala. Pinakamaganda ay sa umaga.

Kaya, guys, move FORWARD na sa mga pangkalusugang tips na ito! Panatilihing nasa mabuting
kalusugan ang inyong katawan.

25
Sermon 6

Pagharap sa Kawalan ng Pag-asa sa Iyong Lungsod

Colosas 1:27
“Na sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian
ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo na nasa inyo, na pagasa ninyo sa
kaluwalhatian.”

Panimula

Isipin si John, isang kabataang lalaki na lumaki sa gitna ng isang napakalaking lungsod.
Mula sa murang edad, naranasan na niya ang mga hamon na kaakibat ng buhay lungsod. Ang
kanyang mga magulang ay nagtatrabaho nang mahabang oras upang mabuhay, kaya dahil sa
kanilang mahirap na trabaho, hindi sila palaging naroroon para sa kanyang buhay kabataan.

Sa paglipas ng panahon, dumating si John sa pagbibinata at nagsimulang madama ang


malupit na presyur ng lungsod. Sa kanyang paaralan, ang kumpetisyon sa akademiko ay
mahigpit, at ang presyur upang makakuha ng mataas na mga marka ay nasa rurok nito. Sa
kabila ng kanyang pagsusumikap sa pag-aaral, kung minsan ay nahihirapan siya sa mga gawain
at sa inaasahan mula sa kanya ng mga magulang niya. Iniisip niya kung may kinabukasan nga ba
siya sa lungsod na iyon.

Sa kanyang komunidad, ang mga isyu sa kaligtasan ay isang pang-araw-araw na


pangyayari. Ang mga pagnanakaw at graffiti (sining na nakasulat sa pader o iba pa na
kadalasang nasa pampublikong lugar at walang pahintulot) ay karaniwan, at si John ay
kailangang maglakad sa madilim at bahagyang sira na mga kalye kapag umuuwi mula sa
paaralan. Hindi siya makaramdam ng pagiging ligtas o pagiging konektado sa kanyang
kapitbahayan, na nagparamdam sa kanya ng higit na kalungkutan at panghihina ng loob.

Habang tumatanda si John, napagtanto niya na ang kaniyang mga kaibigan at


kaeskuwela ay naharap din sa katulad na mga hamon. Marami ang nakipaglaban sa stress sa
paaralan, kahirapan sa ekonomiya, at sa kawalan ng malinaw na mga plano para sa lungsod.
Nagtatanong sila kung makakawala pa ba sila sa pag-inog ng stress at makakaranas ng mas
maliwanag na bahagi ng buhay.

Pagbubuo

Ang kawalan ng pag-asa sa mga lungsod ay nakakaapekto sa mga tao sa buong mundo.
Ito ay talagang pakiramdam na parang walang oportunidad o pagkakataon para sa mga bagay na
maging mabuti, at maaari itong maiugnay sa maraming dahilan.

 Hindi Pagkakapantay-pantay sa Ekonomiya: Isa sa pinakamalakas na nag-


aambag sa kawalan ng pag-asa sa mga lungsod ay ang hindi pagkakapantay-

26
pantay sa ekonomiya. Kapag may malaking agwat sa pagitan ng kayamanan at
kalidad ng buhay ng iba't ibang grupo sa lungsod, nararamdaman ng mga nasa
ilalim na kakaunti ang mga pagkakataon nila para sa pag-unlad.
 Kakulangan ng Trabaho: Ang mga lungsod ay umaakit sa mga taong naghahanap
ng trabaho at pag-asa ng isang mas magandang kinabukasan, ngunit kapag
walang sapat na trabaho, marami ang naiiwan sa pang-ekonomiyang kawalan, na
nagpapataas ng kawalan ng pag-asa.
 Kawalan ng Tirahan: Ang kakulangan ng abot-kayang pabahay o pabahay na may
magandang kalagayan ay maaaring maging isang mahalagang kadahilanan sa
kawalan ng pag-asa. Kung wala kang ligtas at matatag na tirahan, pakiramdam
mo ay wala kang kontrol sa iyong buhay.
 Kawalan ng Seguridad at ang Krimen: Ang pakiramdam ng kawalan ng
kapanatagan dahil sa mataas na antas ng krimen o pagkakalantad sa karahasan sa
lungsod ay nag-aambag din sa kawalan ng pag-asa. Minsan, pakiramdam mo ay
nakulong ka sa iyong kapitbahayan at natatakot kang maghanap ng mga bagong
pagkakataon.

Mapagtatagumpayan ba ang kawalan ng pag-asa sa lungsod? Saan tayo makakahanap


ng pag-asa? Ang salitang "pag-asa" ay lumilitaw nang maraming beses sa Bibliya at isang paulit-
ulit na tema, na nagbibigay-diin sa kahalagahan nito sa pananampalataya at sa ating kaugnayan
sa Diyos.

Tingnan ang ilang mga talata sa Bibliya tungkol sa pag-asa:

 Roma 15:13: "Puspusin nga kayo ng Dios ng pag-asa ng buong kagalakan at


kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y managana sa pag-asa sa
pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo."
 Hebreo 11:1: "Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga
bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita."
 Awit 42:11: "Bakit ka nanglulumo, Oh kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa
loob ko? Umasa ka sa Dios: sapagka't pupuri pa ako sa kaniya, na siyang
kagalingan ng aking mukha, at aking Dios."
 Jeremias 29:11: "Sapagka't nalalaman ko ang mga pag-iisip na aking iniisip sa
inyo, sabi ng Panginoon, mga pag-iisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa
kasamaan, upang bigyan kayo ng pag-asa sa inyong huling wakas."
 1 Pedro 1:3: "Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na
ayon sa kaniyang malaking awa ay ipinanganak na muli tayo sa isang buhay na
pag-asa sa pamamagitan ng pagkabuhay na mag-uli ni Jesucristo sa mga patay."

Ang mga talatang ito ay tutulong sa atin na mas maunawaan ang pag-asa. Para silang
isang angkla na tumutulong sa atin na manatiling matatag sa gitna ng bagyo. Kung paanong ang
isang barko ay nangangailangan ng isang angkla upang maiwasan ang pagkaanod, kailangan
natin ang sumusunod na tatlong katotohanan upang mapanatili ang pag-asa.

27
Katotohanan #1: Ang Bibliya - Ang Aklat ng Pag-asa:

Sinasabi sa atin ng Roma 15:4 na "anumang mga bagay na isinulat nang una ay
nangasulat dahil sa ikatututo natin, upang sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw ng mga
kasulatan ay mangagkaroon tayo ng pag-asa." Ang Bibliya ay isang kayamanan ng pag-asa. Ang
Bibliya ay puno ng mga kuwento ng mga taong humarap sa mga hamon at balakid ngunit
nakaranas din ng pag-asa at banal na pagtubos. Ang Diyos ay nagsasalita sa atin sa
pamamagitan ng Bibliya, nag-aalok sa atin ng mga pangako at mga salita na pampatibay-loob na
pumupuno sa atin ng pag-asa sa gitna ng mahihirap na panahon.

Upang makahanap ng pag-asa, patnubay, at kaaliwan sa Salita ng Diyos dapat kang


magbasa nang palagian. Hindi maaaring basahin ito nang minsan lang, kung kailan mayroon
kang kaunting bakanteng panahon at sa ibang pagkakataon ay hindi ka magbabasa. Dapat mong
mapanalanging basahin at pag-aralan ang Salita araw-araw. Dapat itong maging isang pang-
araw-araw na kaugalian. Bukod pa rito, ibahagi sa iba ang mga kuwento ng pag-asa mula sa
Bibliya upang magbigay ng inspirasyon at hikayatin ang mga dumaranas ng mahihirap na
pagkakataon.

Katotohanan #2: Si Jesus - Ang Pag-asa ng Kaluwalhatian:

Sinasabi sa atin ng Colosas 1:27 na "Sa kanila'y minagaling ng Dios na ipakilala kung ano
ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Gentil, na ito'y si Cristo
na nasa inyo, na pag-asa ninyo sa kaluwalhatian." Si Jesus ang pinakahuling pinagmumulan ng
pag-asa at kumakatawan sa banal na kaluwalhatian. Ang Kanyang buhay, kamatayan, at muling
pagkabuhay ay nag-aalok sa atin ng pag-asa ng pakikipagkasundo sa Diyos at ng pangako ng
buhay na walang hanggan. Binabago ng pananampalataya kay Jesus ang ating buhay at
pinupuno tayo ng pag-asa na makamit ang walang hanggang kaluwalhatian kasama Niya.

Upang mapanatili ang pag-asa, napakahalaga na magkaroon ng personal na kaugnayan


kay Jesus sa pamamagitan ng panalangin at pagmumuni-muni, na nararanasan ang Kanyang
pag-asa at pagbabago sa ating buhay.

Katotohanan #3: Ang Ikalawang Pagparito ni Kristo - Ang Ating Mapalad na Pag-asa:

Sinasabi ng Tito 2:13, "Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng
kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo." Ang pangako na si Jesus
ay babalik ay isang mapaghuhugutan ng pag-asa para sa mga mananampalataya. Ang
pagkaalam na babalik si Jesus upang itatag ang Kanyang walang hanggang kaharian ay
pumupuno sa atin ng pag-asa at nag-uudyok sa atin na mamuhay sa kabanalan at paghahanda.
Ang pag-asang ito ay nagbibigay sa atin ng lakas upang harapin ang kasalukuyang mga
paghihirap nang may katiyakan ng isang maluwalhating hinaharap.

28
Sa mapanghamong panahon, laging alalahanin ang pangako ng ikalawang pagparito ni
Kristo upang makahanap ng kaaliwan at lakas.

Konklusyon

Sa kabuuran, ang Bibliya ay nag-aalok sa atin ng walang hanggang pinagmumulan ng


pag-asa. Si Jesus ang sagisag ng pag-asa ng kaluwalhatian, at ang ikalawang pagdating ni
Kristo ang ating mapalad na pag-asa. Sa pagtanggap sa mga katotohanang ito at pagsasabuhay
nito sa ating pang-araw-araw na buhay, makakaranas tayo ng pag-asa na nangingibabaw sa mga
pangyayari at gagabay sa atin tungo sa walang hanggang hinaharap kasama ng Diyos.

Naaalala mo ba si John? Isang araw, nagkaroon siya ng pagkakataong dumalo sa isang


evangelistic conference o pangangaral sa kanyang lungsod. Nagsalita ang mangangaral tungkol
sa kahalagahan ng pagiging matatag, paghahanap ng mga oportunidad, pagbuo ng isang
sumusuportang samahan, at pagbuo ng mas malalim na relasyon kay Jesucristo. Ang mga
mensahe ng tagapagsalita ay lubhang nakaapekto kay John, na nagsimulang maghanap ng mga
paraan upang mapabuti ang kanyang sitwasyon.

Bagaman may mga hamon pa rin ang lungsod, nagsimulang makakita si John ng kislap ng
pag-asa sa kanyang hinaharap. Napagtanto niya na, sa pamamagitan ng pagsisikap at tamang
suporta, malalampasan niya ang mga hadlang at magbibigay daan para sa isang mas mabuting
buhay. Ang kuwento ni John ay nagpapaalala sa atin na kahit sa pinakamahirap na lungsod, ang
pag-asa at personal na pag-unlad ay posible kapag hinangad mo ang suporta, oportunidad, at
buksan ang iyong puso kay Jesus, ang pag-asa ng kaluwalhatian.

29
Sermon 7

Pagharap sa Takot sa Iyong Lungsod

Hebreo 11:1
“Ngayon, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang
katunayan ng mga bagay na hindi nakikita.”

Panimula

Nang si Franklin D. Roosevelt ay naging Pangulo ng Estados Unidos noong Marso 4,


1933, ang bansa ay nasa kaguluhan dahil sa krisis, at kinakailangan nito ng lagok ng pag-asa
pagkatapos ng mahigit tatlong taon ng pagkabagsak. Sa araw na iyon, naghatid si Roosevelt ng
isang talumpati na ngayo’y napag-uusapan pa rin at nabanggit sa mga aklat at artikulo, dahilan
sa isang parirala o linya na nakaapekto ng malalim sa mga isipan: "Ang tanging bagay na dapat
nating katakutan ay ang takot mismo."

Sa mga salitang iyon, nilinaw ni Roosevelt na ang numero unong kaaway ay hindi ang
hindi matatag na ekonomiya kundi ang takot mismo. Gaya ng sinabi ni Mira Y. López, isang
Cuban psychologist (isang sinanay na propesyonal sa kalusugan ng isip na tumutulong sa mga
tao na mapangasiwaan ang mga hamon sa kalusugan ng isip), ang takot ay isang halimaw na
nagpapadala ng panginginig sa iyong spine o gulugod. Ninanakaw ng takot ang iyong mga iniisip
at maaaring agawin ang iyong mga pangarap at lakas. Ginagawa nitong kalimutan ang iyong
nalalaman at mawala sa pananaw mo kung sino ka. Nararamdaman mong wala kang kontrol at
hindi mo na ito mababawi. Ginagawa nitong hindi ka magtiwala sa mismong mga taong dapat
mong pagkatiwalaan nang walang pag-aalinlangan. Ginagawa kang maging mapaggiit sa halip
na maging mapagpakumbaba at maglingkod. Napapaisip ka na ang Diyos ay hindi gaanong
mahalaga sa harap ng iyong mga problema at hamon. Ginagawa ka nitong hanapin sa mga tao
ang kung ano ang makikita mo lamang kay Jesucristo.

Pagbubuo

I. Ang Takot sa mga Lungsod

Ang takot sa mga lungsod ay isang kumplikadong kababalaghan na nakakaapekto sa


parehong bata at matanda at maaaring nauugnay sa ilang nag-aambag na mga kadahilanan.
Narito ang ilan sa mga pangunahing kadahilanan:

 Krimen at karahasan sa lungsod: Ang pananaw ng kawalan ng kapanatagan dahil


sa krimen at karahasan sa mga lungsod ay isa sa mga pangunahing kadahilanan
na nag-aambag sa takot. Ang mga krimen tulad ng pagnanakaw, pag-atake, at
pagpatay ay maaaring magdulot ng takot sa mamamayan, lalo na sa mga lugar na
may mataas na bilang ng krimen.

30
 Mga problema sa transportasyon: Ang kawalan ng kapanatagan sa
pampublikong transportasyon, tulad ng mga pagnanakaw o sekswal na
panliligalig sa mga tren o bus, ay maaaring magpataas ng takot sa mga lungsod.
Maaari nitong limitahan ang komportable at malayang paggalaw ng mga tao at
makaapekto sa kalidad ng kanilang buhay.
 Presyur ng lipunan at media: Ang patuloy na pagkalat ng balita tungkol sa mga
marahas na insidente at krimen sa media at sa mga social network ay maaaring
magpataas ng takot sa lipunan. Ang sobrang pagkakalantad sa mga nakakatakot
na balita ay maaaring mag-ambag sa isang magulong pananaw sa kaligtasan sa
lungsod.
 Kawalan ng tiwala sa mga institusyon: Ang kawalan ng tiwala sa mga institusyon
ng gobyerno na responsable sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng
publiko ay maaaring humantong sa pagtaas ng pagkatakot. Ang pagkadama na
may katiwalian o kawalan ng kakayahan ng mga namumuno ay maaaring
makasira sa pakiramdam ng pagkakaroon ng kaligtasan sa lungsod.

Nahaharap sa mga alon ng takot na umiiral sa mga lungsod, ano ang magagawa natin?

II. Pinagtatagumpayan ang Takot sa Pamamagitan ng Pananampalataya

Bagaman ang Bibliya ay hindi isang manwal ng sikolohiya o isang paglalahad tungkol sa
paksa ng utak, malalim nitong sinasaliksik ang paksa tungkol sa takot. Sa katunayan, ang
pariralang "huwag matakot" ay lumilitaw nang humigit-kumulang 365 beses sa Kasulatan, na
ginagawa itong pinakainuulit-ulit na mensahe sa buong Bibliya. Higit pa rito, ang mga salitang
"takot" at "sindak" (KJV:ADB1905) ay binanggit ng mahigit sa dalawang daang beses, habang ang
"kilabot"(KJV:ADB1905) ay lumilitaw ng higit sa isang daang beses. Maaaring nakagugulat na ang
isang aklat na nagsasalaysay ng mga gawa ng mga makasaysayang tao ay nagsasalita tungkol sa
takot, ngunit naitala din ng Bibliya na mahigit sa dalawang daang mga tauhan nito ang
nakaranas ng takot!

Kaya, mayroon bang solusyon sa isang suliraning malaki gaya ng takot? Maaari ba nating
malampasan ang ating mga takot? Posible bang mabuhay nang walang takot? Marami ang
naghanap ng mga sagot sa pamamagitan ng mga psychologists at therapies, sinusubukang
lohikal na baguhin ang kanilang pag-iisip at pag-uugali. Ang iba ay bumaling sa paggamot, na
tinitingnan ang takot bilang isang uri ng sakit. Gayunpaman, sa paglipas ng panahon, natuklasan
nila na, habang ang mga therapies at gamot na ito ay maaaring makatulong, hindi lamang ang
mga ito ang mga pagpipiliang solusyon.

Kung hindi natin maalis o maipagsawalang-bahala ang ating mga takot, maaari ba nating
pamahalaan ang mga ito sa ilang paraan? Ang sagot ay isang mataginting na "oo." Ayon sa
Bibliya, maaari nating harapin at madaig ang takot sa pamamagitan ng pananampalataya. Oo,
mahal na kabataan, ang pananampalataya ang banal na panlunas sa lahat ng ating mga takot,
ngunit ano ang pananampalataya?

31
Ipinapaliwanag ng Bibliya ang pananampalataya sa ganitong paraan: " Ang
pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga
bagay na hindi nakikita." (Hebreo 11:1). Sa madaling salita, ang pananampalataya ay pagtitiwala
sa Diyos. Sinasabi sa atin ng Bibliya sa bandang huli: "At kung walang pananampalataya ay hindi
maaaring maging kalugod-lugod sa kaniya; sapagka't ang lumalapit sa Dios ay dapat
sumampalatayang may Dios, at siya ang tagapagbigay ganti sa mga sa kaniya'y nagsisihanap."
(Hebreo 11:6).

Mahalagang tandaan na hindi kahit anong uri na lang ng pananampalataya ang


nakatatalo sa takot. Ang pananampalatayang tunay na nananaig sa takot ay tinatanggap
muna ang pagkakaroon ng Diyos. Ang paniniwala sa Diyos ang unang hakbang tungo sa isang
matagumpay na buhay. Ang mga naniniwala sa Diyos ay may compass na gumagabay sa kanila
sa mga paghihirap ng mundong ito. Sa kabilang banda, para sa mga hindi naniniwala sa Diyos,
ang mundong ito ay tila kakaiba, nakalilito, at nakapanghihina ng loob. Nagiging kumplikado at
walang direksyon ang buhay.

Pangalawa, ang pananampalatayang nagtatagumpay sa takot ay hindi lamang


tinatanggap ang pagkakaroon ng Diyos ngunit naghahangad din na magkaroon ng isang
espesyal na kaugnayan sa Kanya. Hindi lamang sapat na malaman na may Diyos;
kinakailangang lumapit upang makilala Siya. Ang Diyos Mismo ay humihimok sa atin sa Kanyang
Salita na huwag ipagmalaki ang ating karunungan, kapangyarihan, o kayamanan kundi
ipagmalaki ang pagkakilala sa Kanya at pagkaunawa na Siya ay kumikilos sa lupa nang may pag-
ibig, katarungan, at katuwiran (Jeremias 9:23-24).

Bago magpatuloy, mahalagang tandaan na kapag pinag-uusapan natin ang pagkakilala sa


Diyos, hindi ito nangangahulugan na lubusang maunawaan Siya. Bilang mga tao, hindi natin
lubos na mauunawaan ang isang walang katapusang nilalang dahil sa ating mga limitasyon sa
pag-iisip, mga problema sa moral, at mga limitasyon sa banal na pagpapahayag. Gayunpaman,
kapag pinag-uusapan natin ang pagkilala sa Diyos, tinutukoy natin ang pagtatatag ng isang
relasyon sa Kanya sa paraan na kung ano Siya ay nakakaapekto sa kung sino tayo.

Ikatlo at panghuli, ang pananampalatayang nagtatagumpay sa takot ang siyang


umaakay sa atin na magtiwala sa Diyos nang lubusan. May nagsabi minsan na ang
pananampalataya ay nagsasangkot ng pagtitiwala na gagawin ng Diyos para sa atin ang hindi
natin magagawa para sa ating sarili. Ang diwa ng tunay na pananampalataya ay nagsasangkot
ng pagtanggap ng Salita ng Diyos at pagtitiwala na tutuparin Niya ang Kanyang mga pangako.
Kapag nagtitiwala tayo sa Diyos, ganap na nagbabago ang ating pananaw sa buhay. Ang
pagtitiwala sa Diyos ay nagbabago ng lahat. Pinalalaya tayo nito mula sa mga negatibong
epekto ng nakaraan at mula sa mga negatibong emosyon. Sa pamamagitan ng pagtitiwala na
ang lahat ay nasa kamay ng ating Lumikha, nabubuhay tayo nang walang takot, nababatid na
walang mangyayari nang wala Niyang pahintulot.

32
Konklusyon

Si Harriet Tubman ay isang pambihirang babae na nabuhay noong panahong ang


pagkaalipin ay isang nakakatakot na karanasan sa Estados Unidos. Isipin na nakakulong, walang
kalayaan, nabubuhay sa patuloy na takot. Naranasan iyon ni Harriet mula pa noong bata pa
siya, ngunit hindi siya sumuko.
Mula sa murang edad, naranasan ni Harriet ang kalupitan ng pang-aalipin. Ngunit
habang siya ay lumalaki, ganoon din ang kanyang determinasyon na tumakas at tulungan ang
iba na gawin din iyon. Ang kanyang sikreto: isang malakas na pananampalataya sa Diyos na
nagbigay sa kanya ng lakas ng loob.

Noong siya ay 27 taong gulang, gumawa si Harriet ng isang buo ang loob na desisyon.
Nakatakas siya mula sa plantasyon kung saan siya inalipin at nakipagsapalaran patungo sa
hilaga, sinusundan ang mga bituin at nagtitiwala sa kanyang likas na kakayanan. Sa kanyang
paglalakbay, naharap siya sa mga panganib tulad ng mga aliping mangangaso at mga asong
gabay nila, ngunit hindi natitinag ang kanyang pananampalataya sa Diyos. Ang bawat hakbang
tungo sa kalayaan ay isang gawa ng pananampalataya.

Ngunit hindi tumigil si Harriet matapos makamit ang sarili niyang kalayaan. Sa kabila ng
patuloy na panganib na mahuli at muling mapabalik sa pagkaalipin, bumalik siya sa Timog ng
ilang beses upang tulungan ang ibang mga alipin na makatakas sa pamamagitan ng riles ng tren
sa ilalim ng lupa, isang lihim na sistemang lagusan ng mga ligtas na ruta at mga lugar na
pinagtataguan. Lalong lumakas ang kanyang pagtitiwala sa Diyos, matatag na naniniwalang
ginagabayan at pinoprotektahan siya ng Diyos sa kanyang mapanganib na mga misyon.

Minsan, habang pinamumunuan ang isang grupo ng mga takas na alipin sa kalagitnaan
ng gabi, nakatagpo sila ng isang wanted poster na may sariling mukha niya. Sa halip na sumuko,
nanalangin si Harriet sa Diyos at nagpatuloy, na humantong sa kaligtasan ng lahat. Nadaig ng
kanyang pananampalataya at katapangan ang takot.

Si Harriet Tubman, na kilala bilang "Moises ng kanyang mga tao," ay tumulong sa


mahigit tatlong daang alipin na makamtan ang kalayaan. Siya ay naging isang tunay na
pangunahing magiting na babae sa paglaban sa pang-aalipin. Ang kanyang kuwento ay
nagpapakita na ang pananampalataya sa Diyos ay makatutulong sa iyo na mapagtagumpayan
ang takot at makamit ang mga hindi pangkaraniwang bagay.

Ngayon, mahal na kabataan, maaari mong makita ang iyong sarili na humaharap sa
takot sa iyong lungsod dahil sa kawalan ng kapanatagan, panlipunang panggigipit, at iba pang
mga hamon. Gayunpaman, tulad ni Harriet Tubman, ang pananampalataya at determinasyon
ay maaaring maging kakampi mo sa pagdaig sa mga takot na ito.

33
Sermon 8

Pagtataas sa mga Nagkasala sa Iyong Lungsod

Mateo 11:19

Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang
matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng buwis at
ng mga makasalanan! At ang karunungan ay inaaring-ganap ng kaniyang mga gawa.”

Panimula

Alam mo ba na ang mga lungsod ay puno ng mga wasak na puso? Ang ilang mga tao na
dumaranas ng mahihirap na panahon ay may posibilidad na punan ang kanilang buhay ng isang
uri ng kadiliman. Sa mga lungsod, nakakaharap natin ang mga kabataan na nakulong sa mundo
ng droga, ang iba ay nasa ilalim ng impluwensya ng mga gang, at ang ilan na nakikipaglaban sa
pang-aabuso at pagmamaltrato. Maaari mong makita ang mga bata at matatanda na tila lubos
na naliligaw, na walang ideya kung aling landas ang tatahakin. Sila ay nasisiraan ng loob at
desperadong naghahanap ng pagkakataong magbago.

Pag-usapan natin ang karanasan ni Maria, isang dalawampu't limang taong gulang na
babae na nakatira sa gitna ng malaking lungsod. Lumaki siya sa isang mahirap na kapaligiran,
napapaligiran ng mga problema sa pamilya at negatibong impluwensya ng kanyang mga
kaibigan. Nagsimula siyang mag-eksperimento sa mga droga sa murang edad at sa lalong
madaling panahon ay natagpuan ang kanyang sarili na nabitag sa isang paibabang
pagkalugmok. Nawalan siya ng trabaho, gumuho ang kanyang mga pakikipagrelasyon, at mabilis
na bumagsak ang kanyang kalusugan. Si Maria ay nawasak, sa parehong pisikal at emosyonal.

Pagbubuo

Nais kong simulan ang pagbubulay-bulay na ito sa isang talata mula sa Bibliya na laging
nakatatawag ng aking pansin:

“Naparito ang Anak ng tao na kumakain at umiinom, at sinasabi nila, Narito, ang isang
matakaw na tao at isang manginginom ng alak, isang kaibigan ng mga maniningil ng
buwis at ng mga makasalanan!” (Mateo 11:19).

Mahal na mga kabataan, naisip mo na ba kung paano nila binansagan si Jesus? Tinawag
nila Siya na "kaibigan ng mga makasalanan"! Naiisip mo ba na naglalakad si Jesus sa iyong
lungsod? Sino kaya ang kakausapin Niya? Kanino Siya magpapakita ng higit na pakikiramay?
Walang alinlangan, naniniwala akong lalapitan Niya ang mga tulad ni Maria, ang mga nagkasala
at may mga bagbag na puso.

Ngayon, ano ba talaga ang ibig sabihin ng pagiging kaibigan ni Jesus sa mga
makasalanan? Nangangahulugan ito na Siya ay ating kaibigan at naghihintay para sa atin na

34
kilalanin ang Kanyang presensya at pananabik. Ang pag-ibig ng Diyos sa atin ay higit pa sa ating
naiisip.

Kapansin-pansin na ang bansag na "kaibigan ng mga makasalanan" ay ibinigay kay Jesus


ng mga pinuno ng relihiyon noong Kanyang kapanahunan. Pinuna nila Siya sa paggugol ng
panahon kasama ang mga taong mababa ang kalagayan at "hindi katanggap-tanggap sa
lipunan", at iyan ang dahilan kung bakit tinawag nila Siya na isang "kaibigan ng mga
makasalanan"!

Halimbawa, sa isang pagkakataon, ang mga Eskriba at mga Pariseo ay nagbulung-


bulungan laban kay Jesus. Alam mo ba kung bakit? “Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga
maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya. At ang mga Fariseo at gayon din
ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang
mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.” (Lucas 15:1-2)

Sa harap ng mga pamumunang ito, hindi ipinagtanggol ni Jesus ang Kanyang sarili
bagkus ay nagsabi ng isang talinghaga na naglalarawan kung gaano kamahal ng Diyos ang mga
nagkasala:

“At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi, Aling tao sa inyo, na kung
mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't
siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan? At pagka
nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa. At paguwi niya sa
tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na
sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang
nawala. Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang
nagsisisi, kaysa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang
magsipagsisi.” (Lucas 15:3-7)

Binanggit ni Jesus ang tungkol sa isang pastol na may isang daang tupa, ngunit ang isa sa
kanila ay naligaw at nawala. Ayon sa zoology o ang siyentipikong pag-aaral ng mga hayop, ang
tupa ay mga hayop na naliligaw at madaling naliligaw dahil sa kanilang kawalan ng direksyon.
Ngunit iniwan ng pastol ang siyamnapu't siyam at ginawa ang lahat ng pagsisikap upang
mahanap ang isang nawawalang tupa, kahit na nahaharap sa masamang lagay ng panahon. Sa
wakas, may paglalambing at pagmamahal, natagpuan niya ang tupa at ibinalik ito sa kawan. Sa
pag-uwi, ipinagdiwang niya ang kanyang nasumpungan na may kagalakan.

Sinabi ng Kristiyanong manunulat na si Ellen G. White na ang Diyos, gaya ng isang pastol
sa lupa, ay nakikilala ang Kanyang mga tupa, na nakakalat sa buong mundo.

" Kung paanong nakikilala ng taong-pastor ang kaniyang mga tupa, gayon nakikilala ng
Diyos na Pastor ang Kaniyang kawan na nakakalat sa buong sanlibutan. “Kayong Aking
kawan, kawan ng Aking pastulan, ay mga tao, at Ako ang inyong Diyos, sabi ng
Panginoong Diyos.” Ang sabi ni Jesus, “Tinawag kita sa iyong pangalan; ikaw ay Akin.”

35
“Iniukit kita sa mga palad ng Aking mga kamay.” Ezekiel 34:31; Isaias 43:1; 49:16.” Kilala
ni Jesus ang bawa't isa sa atin, at Siya'y nahahabag sa ating mga kahinaan. Kilala Niya
tayong lahat sa pangalan. Alam Niya ang bahay na ating tinatahanan, at pati ang
pangalan ng bawat tumatahan. Sa panapanahon ay nagbibilin Siya sa Kaniyang mga
lingkod na paghanapin ang isa Niyang tupa sa gayong daan, sa gayong lungsod, at sa
gayong bahay.” 3Ellen G. White, The Desire of Ages, (Mountain View, CA: Pacific Press Publishing Association,
2017), p. pp. 479, 479.

Si Jesus, ang banal na pastor, ay dumaraan sa mga lungsod sa paghahanap ng nawaglit,


ng nasiraan ng loob, at ng nagkasala, yaong mga may wasak na puso dahil sa mga dagok sa
buhay at mga trauma.

Bakit ako naniniwala na itinataas ni Jesus ang mga nagkasala?

Itinaas Niya ang babaeng mangangalunya (Juan 8:1-11): Nasumpungan niya ang isang
babaeng nabitag sa pangangalunya, at sa halip na hatulan siya, sinabi Niya, “Ang walang
kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.” Naghiwa-hiwalay ang karamihan, at
sinabi ni Jesus sa babae na hindi Niya siya hinatulan at sa gayon ay hindi na siya dapat
magkasalang muli.

Itinaas niya ang paralitiko na nasa Tangke ng Bethesda (Juan 5:1-15): Sa ibang
pagkakataon, nasumpungan ni Jesus ang isang lalaking may sakit at nakahiga sa kama sa loob
ng 38 taon. Sinabi sa kanya ni Jesus, “Bumangon ka, buhatin mo ang iyong higaan at lumakad
ka,” at ang lalaki ay gumaling agad.

Itinaas niya si Zaqueo, ang maniningil ng buwis (Lucas 19:1-10): Si Zaqueo ay hinamak
dahil sa kanyang hanapbuhay at reputasyon bilang isang makasalanan. Nang dalawin siya ni
Jesus, naantig si Zaqueo at nagpasya na ibigay ang kalahati ng kanyang mga pag-aari sa
mahihirap at ibalik ng makaapat ang kanyang dinaya kaninuman.

Sa bawat isa sa mga halimbawang ito, ipinakita ni Jesus ang Kanyang kakayahang itaas
ang mga nagkasala at mag-alok sa kanila ng pag-asa, anuman ang kanilang mga kalagayan o
mga nakaraang kasalanan. Itinuturo Niya sa atin na laging may pagkakataon para sa
kapatawaran, pagpapagaling, at pagbabago sa Kanyang presensya.

Konklusyon

Isang araw, habang nakikipagpunyagi sa kanyang pagkagumon, nakatagpo si Maria ng


isang grupo ng mga boluntaryo mula sa Seventh-day Adventist Church na tumutulong sa mga
mahihinang kabataan. Ang isa sa kanila, si Pablo, ay lumapit sa kanya nang may kabaitan at pag-
alalay. Inalok nila siya ng ligtas na kanlungan at tulong sa pagharap sa kanyang mga problema.
Sa kabila ng kanyang unang pag-aalinlangan, nagpasya si Maria na bigyan ng pagkakataon ang
pagtulong na ito.

36
Sa mga sumunod na buwan, sinimulan ni Maria na muling ibangon ang kanyang buhay.
Tumanggap siya ng mga pag-aaral sa Bibliya at emosyonal na suporta, pagpapayo, at tulong
upang madaig ang kanyang pagkagumon. Nang maibalik niya ang kanyang kumpiyansa at
kakayahan, nakahanap din siya ng trabaho at muling ipinanumbalik ang malusog na relasyon sa
kanyang pamilya at mga kaibigan. Ngayon, si Maria ay isang buhay na patotoo kung paanong
ang pangalawang pagkakataon at matulunging kamay ay makapagpapabago sa buhay ng isang
tao. Si Maria ay isang halimbawa na talagang patuloy na itinataas ni Jesus ang mga nagkasala sa
mga lungsod. Mahal na kabataan, bumangon ka at hanapin ang mga nagkasala sa iyong lungsod
at ipakilala sila kay Jesus, na kaibigan ng mga makasalanan.

37

You might also like