You are on page 1of 6

Malaya ring nakapagnenegosyo ang mga dayuhan sa bansa, gaya ng pinatutunayan ng kanilang

pagmamay-ari sa napakaraming minahan sa bansa na pinayagan ng Mining act of 1995.

Sistemang Ekonomiko - Ito ay nakatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan. Ang halaga
naman ng sistemang ekonomiko ay upang lubos nating maunawaan ang pangunahing problema o
kakulangan sa bansa.

* Consumer goods – produktong pangkonsumo

* Semi processed – semi manupakturang mga produkto

* Stock holder – kamayari o kasosyong dayuhan.

* Social costs – gastos sa apektadong lugar

* Income share – Bahagi ng kita

Import – ay ang pag-aangkat mula sa ibang bansa.

Export – ay ang pagluluwas ng mga produkto patungo sa ibang bansa.

Ekonomiyang kolonyal – tuwirang pananakop upang pagsamantalahan at makuha ang yaman ng


isang bansa.

Neokolonyal o malakolonyal – impluwensyang pang ekonomiya ng mga mananakop ngunit walang


politikal na control.

Ang "income share" ay tumutukoy sa bahagi o porsiyento ng kabuuang kita o yaman na nauukit o
namamahagi sa mga indibidwal o sektor sa isang ekonomiya. Ito ay isang paraan upang masukat kung
gaano karaming yaman o kita ang napupunta sa mga tao o grupo ng tao sa loob ng isang bansa o
ekonomiya.

Ang "social cost" ay tumutukoy sa kabuuang gastos o pag-aaksaya na nauugnay sa isang partikular
na desisyon, proyekto, o kilos na maaaring makaapekto sa lipunan o komunidad. Ito ay hindi lamang
limitado sa aspeto ng ekonomiya kundi kasama na rin ang mga aspeto ng pampolitika, pang-ekolohiya,
at panlipunan.

"Global Value Chain" o global na balangkas ng halaga. Ito ay isang konsepto sa ekonomiks na
tumutukoy sa proseso kung paano ang mga produkto ay ginagawa mula sa mga bahagi at yugto sa
produksyon na may pagkakaugnay sa buong mundo.

GDP, o Gross Domestic Product, ay isang pangunahing ekonomikong indikasyon na ginagamit


upang sukatin ang halaga ng lahat ng mga kalakal at serbisyo na ginawa o ibinigay sa loob ng isang
bansa sa isang takdang panahon, karaniwang kadalasang isinasagawa taon-taon. Ito ay isang
mahalagang tool sa pag-aanalisa at pagsusuri ng ekonomiya ng isang bansa.

Ang Rice Liberalization Law ay ipinatupad upang gawing mas kompetitibo ang merkado ng bigas,
mapabuti ang kalidad at kagamitan ng bigas sa Pilipinas, at maglaan ng suporta sa mga lokal na
magsasaka ng bigas upang mapabuti ang kanilang kakayahan sa industriya.

Ang "economic underdevelopment" ay tumutukoy sa kalagayan kung saan isang bansa o rehiyon ay
nagpapakita ng kawalan ng pag-unlad o kakulangan sa mga aspeto ng ekonomiya nito.

poverty threshold (minimum na kitang kailangan para matustusan ang mga pangunahing
pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino na may limang miyembro) na itinakda ng gobyerno ay
napakaliit.

Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic
development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa.
Kontrolado ng mga pamilyang ito, na tinatawag ding mga dinastiyang polotikal, ang mga lokal at
pambansang mga posisyon sa sangay ng ehekutibo at lehislatibo. Dahil dito, madali nilang naikikiling
ang mga batas at patakaran ng bansa pabor sa interes nila at iba pang kapuwa nila bahagi ng elite. Sa
pamamagitan ng kanilang pangingibabaw sa sistemang politikal, napapanatili rin nila ang kanilang
monopolyo sa sistemang ekonomiko ng bansa.

Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa panahon ng administrasyon ni dating


Pangulong Corazon Aquino. Hinadlangan ng maraming mambabatas ang CARP at naisabatas lamang
ito sa pamamagitan ng isang kompromisong bersiyon na higit “malabnaw” kaysa orihinal.

Dahil sa pagpapalabnaw sa CARP, iniurong ng mismong awtor ng orihinal na bersyon CARP (House
Bill 400) na si Rep. Bonfacio Gillego ang kanyang sponsorship sa nasabing batas. Dahil hindi naging
matagumpay ang CARP, napilitan ang gobyerno na ito’y palawigin pa sa pamamagitan ng CARP
Extension with Reforms o CARPER.

Human Development Report (HDR) na nasa ika-116 na puwesto ang Republika ng Pilipinas sa talaan
ng 188 na bansa sa buing daigdig na iniraranggo ng pandaigdigang institusyon sa pamamagitan ng
Human Development Index (HDI). Sinusukat ng HDI ang pangkalahatang kaunlaran o holistic
development batay sa antas ng edukasyon, kalusugan, at kita ng mga mamamayan sa bawat bansa

Dalawa ang teorya na may kaugnayan sa kahirapan. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:
indibidwalistiko at isruktural.

Sa indibidwalistikong pananaw, ang kahirapan ay isinisisi sa indibidwal na kakayahan na pagbangon


sa lahirapan katulad ng:

a) katamaran;

b) kawalan ng sapat na edukasyon

c) kamangmangan

d) mababang pagtingin sa sarili

Sa pananaw naman ng istrukturang panlipunan, nakikita ng tao ang kanilang pagkasadlak sa kahirapan
ay bunsod ng sistemang pang ekonomiya na lalong pinaiigting ng kakulangan sa kanilang kita. Sa pag-
aaral ni Dr. Bartle Phil (n.d.) na isinalin ni Vitan III. Dionisio, kanyang inisa-isa ang limang
malalaking sangkap ng kahirapan na kinabibilangan ng mga sumusunod:

a) kawalan ng kaalaman

b) sakit

c) kawalang pagpapahalaga

d) hindi mapagkakatiwalaan

e) pagiging palaasa

Kanyang binigyang-diin na nag solusyon sa pangkalahtang suliranin sa kahirapan ay ang


pangkalahatang solusyon sap ag-alis ng mga sangkap ng kahirapan.

Ayon sa World Fatbook ng Central Intelligence Agency (CIA), 26.9% ng labor force ng bansa ay
nasa agrikultura, 17.5% ang nasa industriya, 55.6% naman ang nasa serbisyo (call centers,
fastfood chains, banks, malls at iba pa). Hindi uunlad ang Pilipnas kung patuloy itong aasa sa sektor ng
serbisyo. Ang pagbibigay-prayoridad lamang sa sektor ng agrikultura at industriya ang makapagliligtas
sa bansa, gaya ng pinatunayan ng Japan, South Korea, China at iba pang karatig-bansa.

Malaking bahagi ng mga rebeldeng komunista sa ilalim ng Communist’s Party of the Philippines-
New People’s Army (CPP-NPA) ay mga magsasakang naaakit sa programa ng nasabing grupo na
libreng lupa para sa magsasaka na isinasaad sa “12point Program” ng National Democratic Front of
the Philippines (NDFP), ang political arm ng CPP- NPA. Ayon sa NDFP, bukas ito sa pagpirma ng
mga kasunduang nakatuon sa mga repormang sosyo-ekonomiko, kabilang na ang mga reporma sa
lupa, gaya nang isinasaad sa panukala nitong Concise Agreement for an Immediate Just Peace
(CAIJP) noong 2005.

Binigyang-diin ni Lichauco (1998) Sa kaniyang aklat na “Nationalist Economics” (1998) ang


superyoridad ng gobyerno, sa halip na mga korporasyon, bilang tagapagsulong ng industriyalisasyon:
“Ang estado ang pinakamataas na pagpapahayag ng kolektibong personalidad ng sambayanan. Kung
gayon, ito ang pinakamatibay na kinatawan ng kapangyarihang soberanya (sovereignty) ng mga
mamamayan, Mula sa kapangyarihang mag-imprentang pera, hanggang sa kapangyarihang linangin
(idevelop) at patakbuhin ang patrimonya ng bansa, at ang kapangyarihang pumasok sa produktibong
negosyo…”

Ang patuloy na pag-unlad ng ekonomiya (economic sustainability) ay maaaring kasangkutan ng


pagpapaunlad ng kalidad ng buhay ng nakararami subalit nangangailangan ng pagbabawas ng
konsumo ng kalikasan (Brown 2011).

Sinabi ni Dyllic (2002), na ang mga usaping patuloy na pagpapaunlad (sustainable development) ay
nakabatay sa mga pagpapalagay na kailangan ng lipunan na mapangalagaan ang talong uri ng
pamumuhunan (ekonomiya, lipunan, at likas na yaman) na maaaring walang katumbas o hindi kayang
palitan at ang paggamit dito ay hindi kayang iwasan.

Global warming o ang itinuturong dahilan ng pagbabago sa klima. Ang pagtaas na ito ng temperature
ay bunga ng pagtaas ng greenhouse gas emission sa atmospera sa mga nakalipas na dekada dahilsa
industriyalisasyon na ngayo’y mauunlad na bansa sa Kanluran at umuunlad na bansa sa Silangan

Ang mga greenhouse gas emission na ito ay nakahadlang sa pagsingaw ng init na dulot ng araw. Sa
halip na malayang makasingaw palabas sa atmospera, natrap o nabitag ang init ng araw sa daigidig
dahil sa mataas na konsentrasyon ng greenhouse gas sa atmospera.

Isa pa sa mga suliraning pangkalikasan sa bansa ang pagkalbo sa mga kagubatan o deforestation.
Sa mga nakalipas na taon ay bumilis ang deforestation sa bansa, at lalong lumalawak ang saklaw nito,
bunsod ng mabilis na urbanisasyon, legal at ilegal na pagtotroso, pagkakaingin, pagmimina, at mga
sunog sa kagubatan (forest fires).

Ang pagiging isang bansa na namamalagi sa Pacific Ring of Fire, ang mga ito ay madaling kapitan ng
sakit sa lindol at mala-bulkan eruptions.

Ang mga hospital waste ay karaniwang sinusunog sa mga incinerator sa mga bansang pinapayagan
pa iyon. Sa maraming bansa naman, karaniwang sa sanitary landfill ipinapadala ang mga basurang
mula sa ospital

Ang globalisasyon ay ang pang-ekonomiyang proseso na tumutukoy sa integrasyon at interaksyon ng


mga tao at organisyason ng iba’t ibang bansa. Sa madaling salita, ang globalisasyon ay ang
pagbubuklod ng magkakaibang bansa sa mundo.

May tatlong uri ng globalisasyon. Ito ay ang mga sumusunod:

Politikal na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga politikal na


usapin at kooperasyon.

Sosyal na globalisasyon - tumutukoy sa malayang pakikipag-komunikasyon at interaksyon ng mga


tao mula sa iba't ibang mga bansa.

Ekonomik na globalisasyon - ang pag-uugnay ng mga bansa sa pamamagitan ng mga ekonomik na


usapin at kooperasyon.
Ang migrasyon ay ang paggalaw ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pa. Maaari itong
nasa loob ng isang bansa o sa pagitan ng mga bansa.

Ipinanukala ni dating Senador Miriam Defensor-Santiago (hinggil sa pagdami ng bilang ng mga


nasirang pamilya sa hanay ng mga OFW) ang Senate Bill 1779 (LEFT-BEHIND HOUSEHOLDS OF
OFWS ACT OF 2007). Maraming ulat mula sa Philippine Overseas Workers Welfare Administration
(OWWA) at mga Non-Governemnt Organization (NGO) ang nagpapatunay na ang mga suliraning gaya
ng “pumalyang kasal, adiksyon sa droga, imoralidad sa seks, krimen, pagpapakamatay o mga
psychological breakdowns” ay maiuugnay sa “pangmatagalang paghihiwalay ng mga mag-asawa at ng
kanilang mga anak” na malinaw na epekto ng migrasyon. Ito ay ayon sa nasabing panukalang batas.

Samantala, impluwensiyado rin ng mga dayuhan maging ang mga patakarang ekonomiko kagaya na
lamang ng pagmamay-ari sa mga minahan.isang halimbawa nito ang pagpayag sa pagmamay-ari ng
100% ng malalaking minahan ng mga dayuhan sa ilalim ng Philippine Mining Act of 1996 sa kabila
ng isang probisyon sa Konstitusyon na nagbabawal ng gayon.

Ang kapangyarihan ay maaaring ipatupad sa dalawang kaparaanan: ministeryal at diskresyunal.


Sinasabing ministeryal kung ang isang namumuno ay walang ibang nararapat gawin kundi ipatupad
ang isang polisiya. Ilan sa mga halimbawa nito ang pagtupad sa tungkuling pambatas trapiko para sa
maayos na transportasyon ng bawat mamamayang Pilipino; ang mekanikong pagpoproseso ng income
tax return; pagpoproseso ng ligal na titulo ng lupa mula sa orihinal na may-ari tungo sa bumili nito; at
pagtanggap ng pamahalaan sa buwis na ibinabayad ng mamamayan.

Ang diskresyunal na paggamit ng kapangyarihan ay tumutukoy naman sa paggamit ng opsyon o


diskresyon ng isang namumuno o kawani ng gobyerno na ipatupad o hindi ipatupad ang isang
tungkulin subalit may pagsasaalang-alang sa mga legal na pamantayan. Ang kapangyarihang ito ay
kailangang gamitin nang ayon sa katuwiran, walang kinikilingan, at hindi mapang-api o nakapananakit
ng iba.

bidding (isang sistema ng pag-aalok sa publiko na nagbibigay ng pagkakataon sa lahat na maging


kabahagi ng proyektong inisyatibo ng pamahalaan; mahalaga upang iwaksi ang maraming katiwalian
sa pamimili).

Ang karapatan ng bawat Pilipino na makilahok sa halalan bilang mga botante ay kinikilala ng ating
Saligang Batas ng 1987 (sa ilalim ng Artikulo V, Seksyon 1-2).

Electoral fraud o ang ilegal na panghihimasok sa proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng


pagdaragdag ng boto sa pinapaborang politiko, pagbabawas ng boto sa kalabang kandidato, o pareho.

Election manipulation na isang uri ng pandaraya na makikita bago maganap ang halalan kung ang
komposisyon ng mga manghahalal ay nabago. Ang lantarang manipulasyon ay itinuturing na paglabag
sa prinsipyo ng demokrasya.

Disenfranchisement o ang pagtatanggal sa karapatan ng isang tao na bumoto na isinasagawa kung


ang kandidato ay naniniwala na ang isang botante o grupo ay sumusuporta sa kalabang panig o
partido.

Manipulasyon ng demograpiya kung saan, maraming pagkakataon na kayang kontrolin ng mga


kinauukulan ang komposisyon ng mga manghahalal upang makatiyak ng isang resultang pumapabor
sa sinusupotahang politiko. Kabilang dito ang

Ang gerrymandering ay isang konseptong pampolitika na kung saan ang isang partikular na partido o
grupo ay gumagawa ng kapakinabangang pampolitika

(political advantage) sa pamamagitan ng manipulasyon sa hangganan ng isang distrito

(political boundaries). Tinatawag na gerrymander ang mabubuong distrito. Negatibo ang konotasyon
ng gerrymandering batay sa mga pangunahing taktika nito:
Cracking (halimbawa: paglusaw sa kapangyarihang bumoto ng mga tagasuporta ng kalabang partido
sa maraming distrito);

Packing (halimbawa: konsentrasyon ng kapangyarihang bumoto ng kalabang panig sa isang distrito


upang mabawasan ang kanilang kapangyarihang bumoto sa ibang distrito)

Sa ilalim ng Artikulo 210 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, ang direktang panunuhol (direct bribery) ay
maaaring isampa sa kahit na sinong opisyal ng gobyerno na sasang-ayon sa paggawa ng isang akto
na maituturing na krimen, kaugnay ng kaniyang opisyal na tungkulin, bilang konsiderasyon sa kahit na
anong hain, pangako, regalo o bigay na tinanggap ng naturang opisyal, personal man o sa
pamamagitan ng iba.

Artikulo 211 na ang isang opisyal ng gobyerno ay maaaring maakasuhan ng di-tuwirang panunuhol
(indirect bribery) sa simpleng akto ng pagtanggap ng regalo dahil sa tanggapan na kaniyang
hinahawakan (inamyendahan ng Batas Pambansa Bilang 872, ika-10 ng Hunyo, 1985). Ang
pananagutan ng katapatan sa bayan ay tungkuling iniatang sa lahat, maging sa mga pribadong
indibidwal. Kaugnay nito ay ang krimen ng korapsyon ng opisyal ng gobyerno (corruption of public
official) ayon sa Artikulo 212. Ang krimeng ito ay maaaring ihain sa kahit na sinong tao na magbibigay
ng alok o mga pangako o mga regalo o aginaldo sa opisyal ng gobyerno.

Artikulo 217 ng Kodigo Penal ng Pilipinas, binigyan ng depinisyon ang krimen ng maling paggamit ng
pondo o ari-arian ng bayan. Inilatag din sa parehong probisyon ang paglalagay (presumption)sa
ganitong krimen. Sinasabi sa artikulong ito na kahit sinong opisyal ng gobyerno, sa pamamagitan ng
kaniyang tungkulin sa tanggapan, ay may pananagutan sa pondo at mga ari-arian ng publiko kung ito
ay kanilang gagamitin sa maling pinaglalaanan, o sa pamamagitan ng pag-iwan o kapabayaan, ay
hahayaan nila ang ibang tao na gamitin ang naturang pondo at ari-arian ng publiko, buo man o
bahagdan.

Ang pandarambong o plunder ay mariing kinukundina sa sistema ng pamamahala sa Pilipinas. Sa


bisa ng RA 7080, itinuturing na krimen ang akto ng opisyal ng gobyerno na direkta, o sa pamamagitan
ng pakikipagsabwatan sa mga kasapi ng pamilya, mga kamag-anak sa pamamagitan ng kasal o sa
dugo, mga kasama sa negosyo, mga nasasakupan o iba pang tao ay humahakot, nagtitipon o
nagkakamit ng kayamanan na kinuha sa masama gamit ang pinagsama o sund-sunod na hayagan o
mga gawaing kriminal na inilalarawan sa batas (RA 7080) sa tinipong halaga o kabuuang halaga ng
hindi bababa sa limampung milyong piso. Reclusion perpetua hanggang kamatayan ang parusang
naghihintay sa sinumang mapatutunayang nagkasala sa krimeng ito.

Ang graft sa kabilang banda ay tumutukoy naman sa maling gamit ng impluwensiya para sa personal
na benepisyo. Makikita sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) ang enumerasyon ng
mga espisipikong akto ng paggawa ng krimen sa ilalim ng batas na ito.

Ang korapsyon ay isang epidemyang pumapatay sa isang magandang sistema ng pamamahala hindi
lamang sa mga pangunahing sangay ng gobyerno kundi maging sa mga maliliit na yunit nito.

Ang Hudikatura (Judiciary) ay isa sa tatlong mahahalagang sangay ng gobyerno. Mataas ang
pagtingin ng lipunan sa sangay na ito na siyang nagbibigay ng interpretasyon sa batas na ginawa ng
Lehislatibo at ipinatutupad naman ng Ehekutibo. Ngunit hindi rin ligtas ang Hudikatura sa mga
alegasyon ng korapsyon at pagnanakaw sa kaban ng bayan (pagtanggap ng suhol upang magbaba ng
desisyong pumapabor sa nagbigay ng suhol, pagpapatagal g desisyon na nagbubunga ng inhustiya sa
mga taong walang kasalanan).

Ang pamamahayag ay isa sa mga basikong karapatang pantao na binibigyang ng proteksyon ng ating
Saligang Batas ng 1987 (Artikulo III, Seksyon 4). Isinasaad dito na walang makapapasang batas na
bumabangga sa karapatan ng tao na magsalita, magpahayag, o ang karapatan na magtipon-tipon sa
mapayapang pamamaraan upang ihain ang kanilang karaingan laban sa gobyerno.
Anti-Dynast Bill, ang pagsuporta sa mga grupo ng mga ordinaryong mamamayan na lumalahok sa
politika, gaya ng mga partylist, ay epektibong paraan din ng pagpapahina sa mga dinastiyang politikal.
Ang pagsasagawa ng mga voter’s education forum, sa panahon ng eleksyon at pagkatapos nito, ay
makatutulong din sa pagpapalakas ng partisipasyon ng mga mamamayan sa politika, na
makapagpapahina naman sa kapangyarihan ng mga dinastiya.

Ang kalusugan ay ang pagkawala ng sakit o karamdaman. Ang isang taong walang sakit ay
mayroong mabuting kalusugan. Ngunit hindi ito sapat na kahulugan ng kalusugan dahil ayon sa World
Health Organization o WHO, ang kalusugan ay ang isang estado ng pagiging masigla ang isip,
katawan, at pakikitungo sa iba. Hindi ito simpleng kawalan lamang ng sakit, kapansanan, o iba pang
karamdaman. Ang kalusugan ay karapatan ng lahat ng tao sa mundo, maging mayaman man o
mahirap. Walang pinipiling edad, kasarian, paniniwala o relihiyon ang pagkakaroon ng karapatan sa
kalusugan.

Judiciary - Chief Justice

Legislative - Congressman

Executive - Governor

You might also like