You are on page 1of 2

Department of Education

Region IV-A CALABARZON


White Cliff National High School
San Narciso, Quezon
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT
FILIPINO SA PILING LARANG (akademik)

PANGALAN: __________________________ PETSA: _____________


GURO: _______________________________ ISKOR: _____________

I. PAGKAKAKILANLAN
PANUTO: Basahing Mabuti ang katanungan. Ilagay ang wastong sagot sa patlang bago ang bilang. IWASAN ANG
PAGBUBURA at maling spelling 
_________________1. Ito ay salitang latin na ang ibig sabihin ay gagawin.
_________________2. Ito ay ginagamit na pantukoy ng mga gawaing dapat aksyonan o bigyang prayoridad sa isang pulong.
_________________3. Nakasaad lamang dito ay ang lahat ng paksa at isyung napag-kasunduan.
_________________4. Sa bahaging ito lamang isinasalaysay ang mga mahahalagang detalye sa pulong.
_________________5. Ginagamit ang sulat na ito upang matiyak at magbalik tanaw sa mga usapin at isyung tinalakay sa
pagpupulong na naganap na.
_________________6. Dito nakatala ang lahat ng detalyeng napag-usapan.
_________________7. Ito ay isang uri ng dokumento na kadalasang ginagamit para kombinsihin at hikayatin ang mga namumuhunan
o sponsor.
_________________8. Sa bahaging ito ng panukalang proyekto nakalagay ang palno ng dapat gawin at budget.
_________________9. Sa bahaging ito ng panukalang proyekto nakasaad ang paglalahad ng benipisyo at makikinabang.
_________________10. Ayon sa kanya ang paglalakbay ay tulad ng pagbabasa ng isang aklat kapag dika naglakbay nasa iisang
pahina ka lang ng aklat at hindi uusad.
_________________11. Isinusulat ito upang mailahad sa mambabasa ang mga Nakita at natuklasan sa paglalakbay.
_________________12. Ayon sa kanya ang lakbay sanaysay ay tumutukoy sa detalyeng pasalaysay ng mga karanasan kaugnay sa
lugar na pinuntahan.
_________________13. Siya ang nagsabing ang lakbay sanaysay ay mahirap at Madali lamang.
_________________14. Ito ay pumapaksa sa pangkaraniwang isyu, pangyayari, o karanasan na hindi na nangangailangan ng
mahabang pagsusuri.
_________________15. Isang anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa ibang anyo ng panitikan.

II. PAMIMILIAN
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang titik ng tamang
sagot. IWASAN ANG PAGBUBURA at maling spelling 

______16. Ano ang kahalagahan ng pagsulat ng adyenda?


A. Nalalaman ang pag uusapan at isyu.
B. Naiiwasan ang pagtalakay sa usaping wala sa adyenda
C. nabibigyan ng pagkakataon na tantyahin ang oras
D. Lahat ng nabanggit

______17. Ito ay kilala din sa tawag na “minutes of the meeting.”


A. Lakbay sanaysay B. Repliktibong sanaysay C. Adyenda D. katitikan ng pulong
______18. Nasasaad sa katitikan ng pulong ang mga sumusunod maliban sa:
A. Paksa B. Lugar ng pagdadausan C. Lagda ng kapit-bahay D. Oras
______19. Dito makikita ang pangalan ng organisasyon at petsa at oras ng pagpupulong.
A. Mga dumalo B. action items C. heading D.pagtatapos
______20. Sa dahilang wala nang anumang mga paksa na kailangang talakayin at pag-usapan, ang pulong ay winakasan sa ganap
na ika 12 ng tanghali. Saang bahagi ng katitikan ng pulong ito kabilang?
A. Mga dumalo B. action items C. heading D.pagtatapos
______21. Dito makikita ang mga mahahalagang tala tungkol sa paksang tinalakay, maging ang mga hindi natapos o nagawang
proyekto sa nagdaang pulong.
A. Heading B. Action items C. iskedyul ng susunod na pulong D. Lagda
______22. Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng pulong at kung kailan ito isinumite.
. A. Heading B. Action items C. iskedyul ng susunod na pulong D. Lagda
________23. Mahalaga ang pagsulat ng sulating ito dahil dito ibinabase ang mga ideya na minsan ay milyon-milyong salapi ang
katumbas na halaga.
A. Panukalang proyekto B. Katitikan ng pulong C. Adyenda D. Lakbay sanaysay
_______24. Ito ay hinahango mismo sa inilahad na pangangailangan o suliranin.
A. Konklusyon B. katawan C. Panimula D. katapusan
_______25. Makapaglagay ng street lights na makatutulong sa pagsugpo ng krimen sa brgy. White cliff. Ito ay isang halimbawa ng
________?
A. Layunin B. Rasyonal C. Suliranin D. Solusyon
_______26. Ayon sa ______ang larawang sanaysay ay tinatawag na pictorial essay o photo essay.
A. Ilcomblus blag B. Elbus blog C. Elcolumbos blag D. Elcomblus blog
_______27. Ito ay isang uri ng pagsulat na ginagamitan ng larawan.
A. Pictorial essay B. Repliktibong sanaysay C. lakbay sanaysay D. Panukalang proyekto
_______28. Siya ay kilala bilang isang nobelistang Indian.
A. Amit kalan B. Amitth kalant C. Amit kalantri D. Amith kalantra
_______29. Ang mga sumusunod ay mga dapat mong isaalang alang sa pagsulat ng larawang sanaysay maliban sa…
A. Pumili ng paksa ayon sa kanilang interes
B. Magsagawa ng pananaliksik sa iyong paksang gagawin
C. Isaalang-alang ang kawilihan at uri ng iyong mambabasa
D. Planohing Mabuti ang gagawing sanaysay
_______30. Ito ang mga katangian na dapat taglayin ng pictorial essay maliban sa,
A. Malinaw na paksa B. maraming larawan C. Komposisyon D. Kawilihan

III. PAGTUTUKOY
Panuto: Basahing Mabuti ang katanungan. Isulat ang letrang H kung ang pahayag ay tama at N naman kung ito ay mali.
( Iwasan ang pagbubura).
________31. Ang panukalang proyekto ay isa sa akademikong sulatin na naglalahad at nangangatuwiran.
________32. Sa pagbuo ng panukalang proyekto tatlo lamg ang ilalagay na layunin.
________33. Makikita sa panimualang bahagi ng panukalang proyekto ang rasyonal, layunin at plano ng mga dapat gawin.
________34. Lahat ng proyektong ipinatutupad sa mga paaralan o pamayanan ay dapat na gawan muna ng pagsulat ng panukala bago
ito ipatupad.
________35. Sa pagbuo ng panukalang proyekto nararapat lamang na hindi na ipaalam sa nakararami upang hindi na ang mga ito
makigulo.

IV. PAGIISA-ISA
Panuto. Ibigay ang hinihine sa mga sumusunod.

A. Ibigay ang kahulugan ng SIMPLE sa layunin ng panukalang proyekto ayon kay Jeremy at Lynn Miner.
S-
I-
M-
P-
L-
E-
B. Ibigay ang (7 mga dapat tandan sa paggamit ng adyenda.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
C. Ibigay ang tatlong estilo at uri ng kkatitikan ng pulong.

You might also like