You are on page 1of 6

 

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III - Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL
(formerly TAGUMBAO HIGH SCHOOL ANNEX)
Pob. #3, Gerona, Tarlac

IKALAWANG MARKAHANGPAGTATAYANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Unang Semestre, T.P. 2022-2023

Pangalan __________________________________ Petsa____________


Strand/ Seksyion____________________________ Iskor______________

I.Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap.Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

____1. Ito ay isang uri ng akademikong sulatin kung saan layunin ng isang manunulat na ipagtanggol ang
kanyang napiling panig tungkol sa isang particular na paksa isyu.
a. Posisyong Papel b. Panukalang Proyekto c. Memorandum d. Replektibong sanaysay
____2. Ang paratang ng kawalan ng kaalaman, kawalan ng kakayahan at hindi mabuting paglilingkod sa
bansa ay pinalaki at walang pinagbabatayan. Ito ay halimbawa ng anong bahagi sa pagsulat ng posisyong
papel?
a. pagpapahayag ng posisyon b.paggawa ng konklusyon c. pagpapahayag ng problema d.pangangatwiran
____3. Ang akademikong pagsulat tulad ng posisyong papel ay layunin ang sumusunod:
a. pataasin ang antas ng kakayahan sa pangangatwiran ng mga mag-aaral.
b. mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral maghanap ng tamang datos na susuporta sa posisyon sa paksa
c. mahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsulat
d. lahat ng nabanggit ay tama.
____4. Ang posisyong papel ay halimbawa ng ganitong uri ng sulatin.
a. Akademiko b. Di-akademiko c. Teknikal d. Malikhain
____5. Ito ay mga katangian ng pahayag ng thesis maliban sa isa.
a. nakasulat sa malalaking titik.
b. nagpapahayag ito ng kabuuang posisyon ng manunulat sa isyu o paksa.
c. ito ay base lamang sa opinyon ng manunulat
d. lahat ng nabanggit ay tama.
____6. Bukod sa paninindigan at mga katuwiran ng sumulat, mahalagang bahagi rin nito ang posisyon at mga
katuwiran na kasalungat o katunggaling panig o mas kilala sa tawag na…
a. argumento b. proposisyon c. posisyon d.konklusyon
____7. Lahat ng pagpaplanong aktibiti, pangangalap ng impormasyon, pag iisip ng mga ideya, pagtukoy ng
istratehiya ng pagsulat at pag-ooraganisa ng mga materyales ay kasama sa yugtong ito.
a. Pre-writing b.Drafting c. Revising d. Publishing
____8. Ito ang dahilan kung bakit ang akademikong pagsulat ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin
sa pagbuo ng sulatin
a. May maayos itong paghahanay ng pangungusap.
b. Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe.
c. Mayroon itong malinaw na pagkakabuo ng ideya at pagpapaliwanag.
d. lahat ng nabanggit ay tama
____9. Isa sa mga katangian ng akademikong pagsulat tulad ng posisyong papel ay ang pagkilala sa lunsaran o
source ng impormasyon. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy na katangian na ito ng pagsulat.
a. Malinaw b. Obhetibo c. Pananagutan d. Paninindigan
____10. Isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o
ng nakatukoy sa kaniyang identidad, gaya ng isang partidong politikal.
a. Picto Essay b. Travelogue c. Posisyong Papel d. Bionote

____11. Nagpapahiwatig ng matibay na paninindigan o pahayag tungkol sa isang kilalang isyu.


a. Argumento b. Proposisyon c. Posisyon d. Opinyon
____12. Ito ang mga pahayag na magpapasubali sa iyong posisyong pinapanigan sa pagsulat ng posisyong
papel.
a. Counter argument b. Posisyon c. Reaksyon d. Konklusyon
____13. Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
a. Memorandum b. Adyenda c. Katitikan ng pulong d. Ordinansa
____14. Kinapapalooban ng lahat ng pag-uusapan sa isang pulong
a. Memorandum b. Adyenda c. Katitikan ng pulong d. Ordinansa
____15. Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
a. Memorandum b. Adyenda c. Katitikan ng pulong d. Ordinansa
____16. Ito ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang at dapat isakatuparan gaya halimbawa sa
pagdalo sa isang pulong.
a. Ordinansa b. Adyenda c. Katitikan ng pulong d. Memorandum
____17. Ang mga sumusunod ay paglalarawan sa isang memorandum maliban sa isa.
a. Ito ay nagsisilbing imbitasyon sa isang pagpupulong.
b. Layunin nito na pasunurin ang mga mambabasa na kumilos o sumunod sa isang alituntunin.
c. Kinapapalooban ito ng mga paksang pag-uusapan sa pulong.
d. Dito nakatala ang mga pangalan ng mga dadalo sa pulong.
____18. Ang adyenda ay dapat na maging detalyado upang…
a. Makita ang pagkasunod-sunod ng paksang pag-uusapan.
b. Matiyak na nakadalo lahat ang mga taong kailangan sa pulong.
c. Masiguro ang katagumpayan ng gagawing proyekto.
d. Lahat ng nabanggit ay tama.
____19. Sino ang dapat na magtala ng napag-usapan sa katitikan?
a. Tagapagsalita b. Kalihim c. Presider ng pulong d. Lahat ng kasapi sa pulong
____20. Alin sa sumusunod ang paglalarawan sa isang katitikan ng pulong?
a. pinal itong sulatin ng pulong c. opisyal itong tala ng isang pulong
b. ebidensya ng ginawang pulong d. lahat ng nabanggit
____21. Ayon sa pag-aaral ano ang kahalagahan ng isang katitikan sa isang pulong.
a. nagsisilbi itong ebidensya ng mga dumalo at kasapi sa isang pulong.
b. sa pamamagita nito ay nasisiguro ang ikakatagumpay ng isang proyekto.
c. ito ang opsisyal na tala ng isang organisayon upang maging maayos at masiguradong napag-usapan lahat ng
kailangan sa adyenda.
d. ito ay talaan ng mga pangalan ng mga duamalo at lumiban sa pulong.
___22. Sa pamamagitan nito mapapagtibay ang kasulatan sa isang katitikan ng pulong.
a. Lagda ng mga dumalo b. Buod ng pulong c.Tala ng napag-usapan d. Rebyu ng ginawang pulong.
___23. Makatutulong ito upang mas maging epektibo ang paggawa ng katitikan.
a. Sipi ng paksa b. Sipi ng Memorandum c. Sipi ng Adyenda d. b at c
___24. Sa paggawa ng katitikan anong kasanayan ang dapat pagbutihin ng tagatala o kalihim?
a. pakikinig at pagbabasa b. pagsulat at pakikinig c. pagsasalita at pakikinig d. pagbabasa at pagsasalita

Para sa bilang 25-29. Basahin at unawain ang mga tanong patungkol sa katitikan ng pulong. Piliin ang titik ng
wastong sagot.
a. TAMA
b. MALI
____25. Ang katitikan ay isang opisyal na tala ng isang tapagpupulong.
____26. Kahit sino ay pwedeng maging tagapagtala ng katitikan.
____27. Ang pagsasagawa ng pulong ay nakabatay sa adyenda na ginawa ng punong-lupon at kalihim ng
pagpupulong.
____28. Ang katitikan ng pulong ay hindi pwedeng hanguan ng susunod na pulong.
____29. Nararapat na pumuwesto malapit sa lupon ng pagpupulong ang tagapagtala.

Para sa bilang 30 -35. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayg patungkol sa katitikan ng pulong.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
A -kung ang unang pahayag lamang ang tama.
B kung ang huling pahayag lamang ang tama
C- kung ang una at huli ay tama.
D- kung ang una’at huli ay mali
____30. Sa pagsulat ng katitikan tanging ang lupon at kalihim lamang ang maaring magtala.
Sa pagsasagawa ng pulong hindi dapat kabilang ang kalihim sa mga tagapagsalita.
____31. Ang lahat ng may lagda sa adyenda ng pulong ay kailangang dumalo sa pagpupulong.
Hindi pinapayagan na lumiban ang mga lumagda sa pulong.
____32. Nararapat na mauna ang pagbibigay ng memorandum bago ang pagsasagawa ng pulong.
Ang memorandum ang magsisilbing pormal na imbitasyon sa pagpupulong.
____33. Makabubuti ang paglagay ng eksaktong oras ng pagsisimula at pagtatapos ng isang pulong.
Marapat na ilagay sa adyenda ang eksaktong lugar na pagdarausan ng pulong para sa mga dadalo dito.
____34. Mahalagang ilagay ang gampanin ng bawat kasapi sa pagpupulong.
Ang lahat ay dapat na magsalita sa pagpupulong.
____35. Hindi maaaring lumampas sa takdang oras ang pagpupulong.
Dapat na maging limitado lamang ang pagkakataon ng bawat isa sa pagsasalita.
Sagutin ang sumusunod na tanong patungkol sa Larawan at Lakbay sanaysay.
_____36. Sa paggawa ng sanaysay na ito kailangang maging maingat ang manunulat sa pagpili ng mga akmang
imahe at kapsyon.
a. Larawang sanaysay b. Lakbay sanaysay c. Replektibong sanaysay d. Posisyong Papel
____37. Ito ay elemento sa paggawa ng larawang sanaysay na nakakaapekto sa buhay at sigla ng larawan.
a. Linaw at Resolusyon b. Timpla ng kulay c.Anggulo ng pagkuha d.Kapsyon at deskripsyon
____38. Ang mga sumusunod ay dapat isa-alang sa paggawa ng larawang sanaysay maliban sa isa.
a. ang mga larawan ay kailangang may kaugnayan sa paksa.
b. ang mga larawan ay orihinal na kuha ng manunulat.
c. ang mga larawan ang dapat mas mangibabaw kaysa sa kapsyon.
d. ang mga larawan ay palamuti lang at pandagdag sa kabuuan ng sanaysay.
____39. Ito ang dapat na iwasan sa paggawa ng larawang sanaysay.
a. ang larawan na ginamit ay walang koneksyon sa paksa. c. parehong a at b
b. ang larawan ay hindi nakaayos sa kronolohikal na paraan. d. wala sa nabanggit
____40. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama patungkol sa lakbay sanaysay
a. ito ay paraan upang makilala ang hindi pa kilalang lugar
b. ito ay naglalaman ng detalyadong impormasyon patungkol sa lugar
c. ito ay gabay ng isang manlalakbay sa napiling destinasyon.
d. lahat ng nabanggit ay tama
____41. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay maliban sa isa
a. itaguyod ang isang lugar c. maidokumento ang kasaysayan
b.pansariling kasaysayan d.kawilihan lamang
____42. Ang pagsulat ng lakbay-sanaysay ay nsa ganitong uri ng panauhang pananaw.
a. Una b. Ikalawa c.ikatlo d. wala sa nabanggit
____43. Bilang isang manunulat ng lakbay-sanaysay kailangan ituring mo ang iyong sarili bilang?
a. turista c. manlalakbay
b. dayo d.wala sa nabanggit.
____44. .Isang akademikong sulatin na nagsasalaysay ng mga personal na karanasan at sinuri
ang nagiging epekto ng mga karanasang iyon sa manunulat.
a. Lakbay sanaysay c.akademikong sanaysay
b. replektibong sanaysay d.personal nasanysay
____45. Tukuyin kung anong bahagi ng replektibong sanaysay ang mga sumusunod na
pangungusap o talata.
Hindi ba’t problema rin ang kawalan ng problema? Sapagkat nakakapag-isip ang
isang tao ng mapagkakaabalahan niya nang hindi nakakapagnilay ng mga kalalabasan
ng piniling aksyon. Napansin kong pinipili at nangyayari ito sa mga taong maraming
biyayang natanggap at hindi nagamit nang wasto.
a.panimula b.katawan c. konklusyon d. lagom
____46 Isulat ito gamit ang ___panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang mga
panghalip na ako, ko at akin sapagkat ito ay kadalasang nakatuon sa personal na
karanasan.
a. Unang panauhan c. Ikatlong Panauhan
b. Ikalawang panauhan d.panauhan
____47.Isang akademikong sulatin na nagsasaad ng sariling damdamin, kuru-kuro o kaisipan
ng isang manunulat kaugnay ng kanyag nakikita o naoobserbahan.
a. Talambuhay b.posisyong papel c.sanaysay d. editorial
____48. Maaaring lamanin ng personal na sanaysay ang mga kalakasan at kahinaan ng manunulat.Alin sa mga
salita sa pangungusap ang nagpapahayag ng MALI?
a.Personal na sanaysay c. Kahinaan ng manunulat
b.Kalakasan ng manunulat d.Maaaring lamanin ng personal na sanaysay
____49. Inilalahad ang mga paliwanag sa mga natamong aral at mga pagbabago.
a. wakas b.katawan c.Konklusyon d. bionote
____50. Ito ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.
a.Sanaysay b.Abstrak c.Posisyong-papel d.Lagom

“Matutong manindigan sa iyong desisyon lalo na sa napili mong panig o posisyon.”


-Mam Leng
Prepared by: Reviewed by:

VALERIE R. VALDEZ CRISTOBAL F. MELEGRITO Ph.D.


Subject Teacher Master Teacher I

VIVIAN P.BAGALSO
Subject Teacher

Noted:

VIVIAN P. BAGALSO
OIC- Head Teacher

Recommending Approval:

ZENAIDA O. SAMSON, Ph.D.


Head Teacher VI

Approved:
MELY A. BULUSAN, Ed. D.
Principal III
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III - Central Luzon
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE

CORAZON C. AQUINO HIGH SCHOOL


(formerly TAGUMBAO HIGH SCHOOL ANNEX)
Pob. #3, Gerona, Tarlac

IKALAWANG PAGTATAYANG PAGSUSULIT


FILIPINO SA PILING LARANG AKADEMIK
Unang Semestre, T.P. 2022-2023
Susi sa Pagwawasto
1. a 26. b
2. a 27. a
3. d 28. b
4. a 29. a
5. c 30. b
6. a 31. a
7. a 32. c
8. d 33. c
9. c 34. a
10. c 35. d
11. a 36. a
12. a 37. b
13. a 38. d
14. b 39. c
15. a 40. d
16. d 41. d
17. c 42. a
18. a 43. c
19. b 44. b
20. d 45. b
21. c 46. a
22. a 47. c
23. d 48. c
24. b 49. c
25. a 50. a
Prepared by: Reviewed by:

VALERIE R. VALDEZ CRISTOBAL F. MELEGRITO Ph.D.


Subject Teacher Master Teacher I

VIVIAN P.BAGALSO
Subject Teacher

Noted:

VIVIAN P. BAGALSO
OIC- Head Teacher

Recommending Approval:

ZENAIDA O. SAMSON, Ph.D.


Head Teacher VI

Approved:

MELY A. BULUSAN, Ed. D.


Principal III

You might also like