You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education

K
Region V
Schools Division of Sorsogon
BULAN I DISTRICT
Bulan

LEARNING ACTIVITY SHEETS Q3 - WEEK 21

Pangalan:

I. PANIMULANG KONSEPTO
Ang aralin sa linggong ito ay nakatuon sa
pamayanan. Pag – aaralan dito kung sino ang
mga taong namumuno at kung ano ang tawag sa
kanila gayun din ang iba’t ibang lugar na makikita
dito. Pag – aaralan din dito ang letrang Oo at ang
bilang (7) pito.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO


• Nakikilala ang iba’t ibang lugar sa
pamayanan
• Natutukoy ang iba’t ibang gawain ng
mga tao sa pamayanan
• Identify letter Oo

1
• Trace and write letter Oo
• Identify and write number 7
• Count objects from 1 to 7

III. MGA GAWAIN

GAWAIN 1

IDOL KO SI KAPITAN
Sinulat ni:
Joanna Rose I. Gonzaga
Ginuhit ni:
Marly P. Espiri

Araw-araw kong nakikita si


Kapitan na naglilibot sa
barangay. Nakikita kong
tinutulungan niyang maglinis
ang kanyang mga
kasamahang barangay tanod.

Madalas pa nga ay
tinutulungan niya ang mga
matatanda.

2
Ngunit isang araw,
hindi ko nakita si Kapitan.
Hindi siya dumaan sa labas
ng bahay.

Pinuntahan ko si
Nanay at tinanong.
“Nanay, nasaan po kaya
si Kapitan? Hindi ko siya
Nakita ngayong araw.”
“Hindi ko alam Andoy
baka may pinuntahan. Baka bukas ay makita mo
na ulit siya,” ang sabi ni Nanay.

Kinabukasan nagbantay uli


ako sa may bintana ngunit hindi
pa rin dumaan si Kapitan.

“Nanay, wala pa
rin po si Kapitan,” sabi
ni Andoy.
“Naku Andoy,
nabalitaan ko na may
sakit pala si Kapitan
kaya hindi siya nakapaglibot sa barangay,” sabi ni
Nanay.

3
“Talaga po Nanay? Pwede po ba natin siyang
puntahan?” tanong ni Andoy.
“Opo naman,” sagot ni Nanay.

“Nanay, magdadala po ako


ng bulaklak para kay Kapitan,” sabi
ni Andoy.
“Opo, sige,” sabi ni Nanay.

Pumunta si Andoy at
ang Nanay niya sa
bahay ni Kapitan.
“Magandang araw
po Kapitan. Nais ka po
sanang bisitahin ni
Andoy,” sabi ni Nanay.
“Kapitan, kumusta po kayo? May dala po
akong bulaklak para sa inyo,” sabi ni Andoy sabay
abot ng bulaklak.
“Salamat, Andoy,” sabi ni Kapitan.
“Kapitan, kumusta po
kayo? Hindi ko na po kayo
nakikita araw-araw,” sabi ni
Andoy.
“Huwag kang mag-alala.
Bukas ay makikita mo naman

4
ako. Gusto mo bang sumama sa akin sa paglilibot
sa barangay?” tanong ni Kapitan.
“Opo, Kapitan,” sagot ni Andoy.
Kinabukasan, maagang
nagising si Andoy, naligo at
kumain ng agahan. Pagkatapos,
naghintay na siya sa may pintuan
at inabangan ang pagdating ni
Kapitan.
Maya-maya, Nakita na
niya si Kapitan at sinalubong
ito.
“Ano Andoy, handa ka
na ba?” tanong ni Kapitan.
“Handang-handa na po
ako Kapitan,” sagot ni
Andoy.

At agad na nagsimulang
maglibot ang dalawa. Nakita
ni Andoy ang mga
mabubuting Gawain ni Kap
sa barangay. Pinuntahan din
nila ang iba’t ibang lugar sa
barangay gaya ng barangay
hall, palengke, plaza at day
care center.

5
Nakita rin ni Andoy ang
iba’t ibang tao sa barangay
gaya ng barangay tanod, mga
nagtitinda at naglilibot sa
palengke, barangay daycare
titser, barangay health worker
at iba pa.

Habang naglalakad
pauwi, masayang masaya si
Andoy sa nangyari.
“Salamat po, Kapitan.
Idol ko po kayo,” sabi ni
Andoy.
Ngumiti si Kapitan at
nagpaalam kay Andoy. Masayang umuwi si Andoy
sa kanilang bahay. Ikinuwento niya sa kanyang
Nanay ang tungkol sa mga ginawa niya sa buong
araw.

6
Para sa mga magulang/guro: pagkatapos
basahin ang kuwento. Itanong ang mga
sumusunod:

✓ Ano ang pamagat ng ating kwento?


✓ Sino ang sumulat ng ating kwento?
✓ Sino ang iniidolo ni Andoy sa kuwento?
✓ Bakit niya iniidolo si Kapitan?
✓ Ano ang ginawa ni Andoy at Kapitan sa
kuwento?
✓ Idolo mo rin ba ang inyong lider / kapitan?
Bakit?

7
SCORE:

PAGSASANAY 1

Panuto: Kulayan at ikabit ang larawan sa


pangalan nito.

paaralan

simbahan

palengke

palaruan

istasyon ng pulis

8
SCORE:
PAGSASANAY 2

Panuto: Bilugan ang mga larawan na


nagpapakita ng tamang gawain sa pamayanan.

9
GAWAIN 2

LITERACY SKILLS

Pag – aralan natin

Mga salitang nagsisimula sa letrang Oo.

Oto
Ospital

Opisina Okra

Obispo Orasan
10
SCORE:
PAGSASANAY 1

Panuto: Bilugan ang mga letrang Oo.

11
SCORE:

PAGSASANAY 2

Panuto: Bakatin ang malaki at maliit na letrang Oo.

12
NUMERACY SKILLS

SCORE:
PAGSASANAY 1

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kahon na may


bilang 7.

2 7 5

7 6 7
7 3 13
SCORE:
PAGSASANAY 2

Panuto: Bilangin ang larawan sa bawat kahon.


Isulat ang tamang bilang.

14
IV. SANGGUNIAN

✓ Kindergarten Teacher’s Guide


✓ Kindergarten Curriculum Guide
✓ Final K to 12 MELCS with CG Codes
✓ Contextualized Kindergarten Daily Lesson
Plans (Week 21)
✓ Self-Learning Module (SLM) for Week 21

Inihanda nina:

EMELIA T. AFABLE
T-II/Bulan North Central School-A

VICKY G. DELMONTE
T-II/Bulan North Central School-A

15

You might also like