You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Pamantasan ng Bikol
Kolehiyo ng Arte at Letra
Departamento sa Filipino
Legazpi Cit

Pangalan: Fernan B. Navarez Petsa: Marso 16, 2024


Kurso at Lebel: BTVTED-GFD 3B

Karapatan Ko, Karapatan Mo


Isinulat ni Fernan B. Navarez

Ang kayamanang pinagkakaingatan at pinapahalagahan


Di makukuha, mananakaw o ipagkakait nino man
Daladala simula ng isilang at babaunin magpakailanman
Kakambal ng dangal at dignidad na ipinaglalaban
Totoong iisa ang bawat isa sa karapatan

Karapatan nating mabuhay ng pantay-pantay


Kasama ang lahat ng nilalang na nabubuhay
Karapatan ang kaluluwa at pundasyong tunay
Nang lahat ng nangangarap at may hangaring magtagupay
Sa mundo na ang hirap makibaka para mabuhay

Sa karapatan lahat tayo ay pantay at patas


Walang sino man ang higit at lubos na nakakataas
Ito din ang mandato ng ating sanligang batas
Sa mahal at sinilangan nating bayang Pilipinas
Kaya paglabag sa karapatang pantao ating bigyang-wakas

Tama na ang pagbibingi-bingihan at pagbubulagbulagan.


Mata at isipan natin ay ating buksan.
Upang wakasan ang mga mali at di’ makatarugan.
Isigaw natin ang karapatang pantaong ipinaglaban
Sa mga taong mapangmataas at naghahariharian.

Karapatang pantao ay karapatang dapat tamasain


Igalang ng may mataas na respetuhin at wag baliwalain
Pahalagahan dahil ito ang ating tungkulin
Wag natin itong suwayin at lalabagin
At sa lahat ng oras at panahon ay sundin.
Republika ng Pilipinas
Pamantasan ng Bikol
Kolehiyo ng Arte at Letra
Departamento sa Filipino
Legazpi Cit

You might also like